Hello everyone, I just want to know if someone is reading this story of mine para alam ko kung anong story ang uunahin kong i-update. And I also want to know kung gusto niyo ba yung ganitong genre, I mean yung ikot ng story para maimprove ko yung sinusulat ko. Your opinion is really helpful sa mga author para alam namin kung paano namin kayo mabibigyan ng quality na story. Hindi ko kasi alam kung gusto niyo ba yung ganitong ikot ng story kasi iba yung excitement niyo sa iba kong story eh. All of you are excited for my next update katulad na lang sa story kong The Billionaire's Son. I just want to know kung gusto niyo yung gantong ikot ng story at kung may nagbabasa ba. Please respond huhu.
Hindi umimik si Aidan. Mawawalan ng kwenta ang ginawa niya kapag sinagot niya ang tanong ni Monique. Alam niyang matagal ng laman ng isipan ni Monique ang itinanong niya ngayon kay Aidan pero hindi alam ni Aidan kung paano yun sasagutin.Mukha namang maayos na silang dalawa hindi ba? Mukha namang maayos na si Monique at nakalimutan na ang nakaraan kaya para saan pa para sagutin niya ang tanong ni Monique? Alam niyang masasaktan niya na naman si Monique kapag hindi niya ito sinagot pero ito ang kailangan.“Kuya, ito na po ang kabayo niyo.” agaw atensyong saad ni Berth dala-dala ang kabayo na pinapakain ni Aidan kahapon. Napakatangkad nito at talagang napakagandang kabayo. Inilapit na ni Berth ang kabayo kay Aidan kaya tuluyan niya ng hindi nasagot ang tanong ni Monique.Napabuntong hininga na lang si Monique at naipilig niya na lang ang ulo niya.“You want to ride?” baling ni Aidan kay Monique. Tiningnan naman ni Monique ang kabayo at hindi niya alam kung paano ba siya makakaaakyat ng
Lumipas pa ang ilang mga oras at nauna nang nagising si Monique at dahil nakahilig sa kaniya si Aidan ay nagising din si Aidan sa paggalaw ni Monique.“I’m sorry, nagising yata kita.” Paos pang saad ni Monique. Iginalaw-galaw niya ang leeg niya dahil nangalay siya sa tagal niya sa posisyon niya.“Nah, it’s okay.” Tiningnan ni Aidan ang relo niya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang oras.“It’s already 2pm, let’s go. I know you already hungry.” Maging si Monique ay nagulat sa oras na sinabi ni Aidan. Mukhang napasarap ang tulog nilang dalawa sa ilalim ng punong acacia. Nakakahele naman kasi ang simoy ng hangin.Tumayo na si Aidan at inilahad niya ang kamay niya kay Monique para alalayan na tumayo. Malugod namang tinanggap ni Monique ang kamay ni Aidan saka siya tumayo. Kinuha na rin ni Aidan ang kabayo niya para makabalik na sila sa rancho.Inalalayan ni Aidan sa pagsakay ng kabayo si Monique at nang makasakay na si Monique ay sumakay na rin siya. Si Aidan na ang n
Inihatid ni Tatay Micko si Monique at Aidan sa bayan para masaksihan ang mga kasiyahan at kaganapan don. Nakasakay lang ulit sila sa trucktora. Kapit na kapit si Monique sa bakal dahil baka kapag nakasagasa ng malaking bato ang sasakyan ay tumilapon siya lalo na at open space lang naman ang sinasakyan nila. Ilang minuto rin nilang tinahak ang daan hanggang sa makarating na sila sa bayan. “May signal na sa lugar na ito pero walang internet.” Wika ni Aidan, hindi naman dala ni Monique ang cell phone niya dahil iniwan niya yun sa kwarto na ginagamit niya. Pinagmasdan na lang ni Monique ang kapaligiran, may mga kabahayan na at napakaraming bandiritas ang nakasabit kung saan-saan. May mga street foods na rin at marami na ring mga tao ang maiingay. Nang huminto ang sinasakyan nila ay bumaba na silang dalawa. “Pakisundo na lang po kami ulit mamaya mga 10pm,” anas ni Aidan kay Tatay Micko na ikinatango nito. Hinawakan ni Aidan ang kamay ni Monique at naglakad na silang dalawa. Hindi n
Naupo na sina Monique at Aidan sa sofa habang nanguha naman ng pagkain sa kusina ang babaeng kausap nila kanina. Narinig pa nila na tinawag ng babae ang mga kasama niya sa bahay at sinabi kung sino ang bisita nila. Napatingin si Aidan sa labas ng bintana, masyado ng malakas ang ulan. Hindi nila napaghandaan ang ulan dahil wala naman silang signal ng internet para sana makita ang panahon. “Sir, napadalaw po kayo. Kumusta po? Pasensya na po kayo sa gulo ng bahay namin, katatapos lang po kasi ng kasiyahan dito.” saad ng isang lalaki, mukhang asawa ng babaeng nagpapasok din sa kanila.“It’s okay, kami itong nakaabala sa inyo.” saad naman ni Aidan. Dumating naman na ang babae kanina at ang ilang kasama nila sa bahay na may dala-dalang mga pagkain. “Kumain po muna kayo habang nagpapatila kayo ng ulan.” Wika ng babae saka binigyan ng mga pinggan si Aidan at Monique. Nahihiya namang kinuha ni Monique ang pinggan na iniaabot sa kaniya. “Masyado pong malakas ang ulan ngayon, subasko r
Maliwanag na ang kapaligiran pero malamig pa rin ang panahon. Sa sobrang lamig ng panahon kagabi ay hindi namalayan ni Aidan at Monique na magkayakap na sila habang natutulog. Nang magising si Aidan ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Bahagya pa siyang nagulat ng mukha ni Monique ang una niyang nakita. Ginawang unan ni Monique ang braso niya at nakayakap ito sa kaniya. Napangiti na lang si Aidan, pagkatapos ng anim na taon ngayon niya lang ulit nakatabi si Monique. Hanggang dito na nga lang ba talaga ang relasyon nilang dalawa? Kumusta nga ba ang puso ni Monique para kay Aidan? Ilang minuto lang ang lumipas nang magising na rin si Monique. Napangiti si Monique nang makita niya si Aidan. “Good morning,” paos na bati ni Monique kay Aidan. Mas lalo namang napangiti si Aidan, hindi ba talaga galit sa kaniya si Monique? Masyado niya lang ba talagang pinagdudahan si Monique dahil pumasok siya sa kompanya nila? Wala ba talagang balak si Monique sa kaniya? “Kanina ka pa ba
Maghapon silang nakakulong sa kwarto. Maaga pa lamang ay kumain na silang dalawa ng hapunan dahil wala ng electricity sa buong bayan. “Huwag kang lumayo, please.” Anas ni Monique nang unti-unti ng kinakain ng dilim ang liwanag. “I’m here, I’m not going anywhere.” Saad ni Aidan at niyakap si Monique. Isinandal ni Monique ang ulo niya sa balikat ni Aidan. Pareho na silang walang makita ngayon dahil wala silang ilaw. Lobat na rin ang cell phone ni Aidan. Wala silang ibang makita kundi ang pagliwanag ng kidlat sa labas. Tahimik lang silang dalawa, pareho silang hindi pa dinadalaw ng antok dahil wala silang ginawa kanina kundi ang matulog. Hinahaplos ni Aidan ang buhok ni Monique para kumalma lang ito. “If Isabella find out about this, I’m sure she’s gonna kill me.” pangbabasag ni Monique sa katahimikan nilang dalawa ni Aidan. “I’m not gonna let that to happen, hindi ko hahayaan na saktan ka niya Monique.” Naramdaman ni Monique ang paghalik ni Aidan sa ibabaw ng ulo niya kaya napangi
Humupa na ang baha, nalinisan na rin ang daan kaya nasundo na silang dalawa. Maayos na rin ang karagatan at naghihintay na lang si Monique nang susundo sa kaniya. Pitong oras ang byahe nila kaya matagal pa ang hihintayin niya. Iginagayak na rin ng mga tauhan ni Aidan ang mga gamit niya dahil sasabay na siya kay Monique sa pagbalik sa Manila. “Ate, dalhin niyo na po ito mga bagong ani lang po yan kanina.” saad ni Berth habang dala-dala ang basket na may laman na mga mangga, pinya at rambutan. “Nag-abala pa kayo pero salamat. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa akin dito. Hindi ko kayo kakalimutan.” Saad niya sa mga tauhan ng isla. “Nandyan na ang yate na sasakyan niyo,” wika ng lalaking sumundo noon kay Monique. Hinarap ni Monique ang mga nakasama niya sa isla ng ilang araw. Lahat sila ay kabutihan ang ipinakita sa kaniya at hindi niya yun makakalimutan. “Sana makabalik ka pa rito iha, hihintayin ka namin.” saad ni Nanay Narcy. Nilapitan ni Monique si Nanay Narcy at n