Makalipas ng ilang oras ay bumaba na si Monique sa kwarto niya. Inilibot niya ang paningin niya pero hindi niya pa rin makita ang anak niya. She missed him so much. “Mom, wala pa rin ba si Brylle? Dapat kanina pa siya nakauwi ah.” Tanong niya sa kaniyang ina na nakaharap sa laptop niya. “Darating din yun, baka sinundo nila Warren sa school at ipinasyal.” Sagot ng kaniyang ina ng hindi man lang siya tinitingnan. “Mom!” rinig na ni Monique na sigaw ng anak niya. Nilingon niya ito mabilis nang tumatakbo palapit sa kaniya. Nakasunod naman sa kaniya ang mga pinsan niya.“Brylle, anak, where have you been?” aniya saka niyakap ang anak nang mahigpit na mahigpit dahil isang linggo niya itong hindi nakita at nakasama. “Kauuwi mo lang po? I miss you Mom.” Malambing na saad ng kaniyang anak. Nang kumalas sa yakap si Monique ay hinalikan niya naman sa noo ang anak. “I miss you too baby, saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang umuwi?” “Namasyal po kami nila Tito sa mall, ang akala po kasi na
Umalis na muna si Brian dahil ayaw niyang makinig sa pag-aaway ng dalawa. Naupo si Aidan sa swivel chair niya at walang balak na sagutin si Isabella. “Sagutin mo ako Aidan, si Monique ba ang nakasama mo sa isla? Si Monique ang nagbisita sa isla at nandun ka?” pamimilit pa rin ni Isabella kay Aidan. “Can you please give me a peace? Kahit saglit lang Isabella.” Nakikiusap na saad ni Aidan. Ayaw niyang sigawan si Isabella kahit minsan ay nauubos na rin ang pasensya niya. “Nasa isla ka ba? Sa isla ka nagpunta at nagtago ng isang linggo?” napapahilot na lang si Aidan sa noo niya. Kung alam niya na nandito si Isabella sa office niya hindi niya na lang sana muna sinabi kay Brian kung saan siya nagpunta. “Aidan sagutin mo naman ako. Si Monique ba ang kasama mo sa isla? The whole week si Monique lang ang kasama mo?” tanong pa rin niya dahil hindi niya titigilan si Aidan hangga’t hindi niya sinasabi ang totoo. “Aidan sagutin mo ako?! Are you with—““Yes Isabella! She’s with me the whole we
Napasinghap na lang si Isabella nang sampalin din siya ni Monique. “Wala kang karapatan na pumunta ng opisina ko para saktan lang ako Isabella!” sigaw ni Monique sa kaniya. “Monique, what are you doing? Why did you slap her?” anas ni Aidan na nilapitan si Isabella. Lalong natawa si Monique dahil tila ba kinakampihan ni Aidan ang fiancé niya. “See Aidan? She slapped me and you still want to be with her?” nagpapaawang saad ni Isabella pero walang pakialam si Monique kung sino man ang kakampihan ni Aidan sa kanilang dalawa. Sino ba siya sa buhay niya? “Bakit hindi mo tanungin ang fianceé mo Aidan? Pumunta lang siya dito para guluhin ang mga gamit ko at magwala? Hindi ko siya sasampalin kung hindi niya rin ako sinampal! You know what? You both are disgusting!” inis ng saad ni Monique saka niya iniwan ang dalawa sa loob ng opisina niya. Inis na hinawi ni Monique ang buhok niya. Dire-diretso siyang lumabas, gusto niyang magpahangin muna baka sakaling mapakalma niya kaagad ang sarili ni
“Let’s talk at the milk tea shop near here,” wika ni Monique saka nauna nang maglakad. Sumunod naman si Zamir sa kaniya hanggang sa makarating silang dalawa sa milk tea shop. Umorder na muna nang maiinom nila si Monique. Wala pa naman siyang gagawin kaya okay lang na tumambay na muna siya rito kesa sa magkainitan silang lahat sa loob ng kompanya. Nang makuha niya na ang order nila ay nagtungo na siya kung saan nakaupo si Zamir. Ibinigay niya ang isang milk tea kay Zamir saka siya naupo. “Mind if you tell me what is happening?” kuryoso pa ring tanong ni Zamir. Wala namang problema sa kaniya kung sino ang nakakatrabaho ni Monique. “Aidan De Chavez is my ex, Zamir, at siya ang CEO ng kompanya nila ngayon.” wika naman na ni Monique. Diretsong nakatitig si Zamir sa mga mata ni Monique dahil gusto niyang mabasa kung nagsasabi ba ng totoo si Monique. “That lady, what is she talking about?” aniya pa, sumimsim naman na muna si Monique sa milk tea niya. Alam ni Monique na nagsumbong na si
“Well, that’s not my problem anymore. Kung hindi niya kayang magpakaprofessional hindi ko na problema yun. Bakit nasa akin ang sisi lahat? Kung hindi ako nagkaroon ng posisyon sa kompanyang ito edi sana tahimik kayong lahat. Now, tell me, ako ba talaga ang naghahabol?” matapang na saad ni Monique kay Julia. “Magkano ba? Sabihin mo sa amin kung magkano mo ibebenta ang mga shares mo.” sabat ni Hudson, ama ni Aidan. Alam nilang masyadong malaki ang hawak na shares ni Monique at hindi nila alam kung paano ba nila mabibili yun sa kanya lalo na at malaking pera ang kakailanganin nila. Pinagkrus lang naman ni Monique ang mga kamay niya sa didbib niya. “Hindi ko ibinebenta at hindi ko ibebenta. Kung ito lang din naman ang pag-uusapan natin, sinasayang niyo lang ang mga oras natin dahil hindi niyo mabibili ang mga hawak kong shares.” Saad niya at akma na sanang tatayo nang muling magsalita si Hudson. “Kahit magkano, sabihin mo kung magkano mo ibebenta.” Aniya, napangisi n
Hinarap ni Monique si Isabella saka niya iniabot ang hawak-hawak niyang papeles. “Ibibigay ko lang naman sayo ito at dahil wala ka naman dito sa office mo ilalagay ko na lang sana sa table mo.” kalmadong sagot naman ni Monique dahil bago pa man makapasok ng opisina niya si Isabella natapos na si Monique sa paghahanap niya sa mga cabinet ni Isabella dahil wala siyang makuha laban kay Isabella. Napataas na lang ang kilay ni Isabella saka niya kinuha ang papeles kay Monique. Umalis naman na rin si Monique at bumalik na sa office niya. Napaupo na lang siya at napapahilot sa noo niya. Samantala naman, galit na galit pa rin ang mga magulang ni Aidan sa kaniya dahil siya ang sinisisi kung bakit nakapasok si Monique sa loob ng kompanya nila. “Imposibleng wala siyang binabalak laban sayo Aidan! Sigurado ako na may dahilan siya kung bakit kompanya natin ang pinili niya! Gusto niya bang maghiganti dahil iniwan mo siya? At kung hindi naman, posibleng inutusan siya ng pamilya niya!” sigaw pa r
Hindi makatingin ng diretso si Monique kay Aidan dahil nabablangko siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kung bakit sila nagkita ni Mr. Miller ngayon.“Mr. De Chavez,” kalmado lang namang saad ni Mr. Miller pero abot abot na ang kabang nararamdaman ni Monique lalo na nang tingnan siya ni Aidan. “Let’s talk, Monique.” Seryoso at malamig niyang wika. “Can’t you see? We’re talking.” Muntik pang magcrack ang boses niya sa sobrang kaba. “Oh, yeah. I am planning to sell my shares to Ms. Sandejas because—“ hindi pa man natatapos ni Mr. Miller ang sasabihin niya nang sapilitang hilain ni Aidan si Monique.“Aidan ano ba! Let me go! Hindi mo ba nakikita na may kausap pa ako! Kung gusto mo akong makausap pwede mo naman akong hintayin sa opisina mo!” sigaw ni Monique sa kaniya at pilit na inaalis ni Monique ang pagkakahawak ni Aidan sa palapulsuan niya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Aidan. “Aidan!” malakas na sigaw ni Monique dahil nakalabas na silang dalawa s
Hindi na maalis ang paningin ni Aidan kay Monique lalo na sa batang karga-karga niya. Masaya silang nag-uusap nina Zamir habang papunta sa sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada. “Daddy, buy me a lot of ice cream.” Narinig pa ni Aidan ang sinabi ni Brylle. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manubela. May anak na ba si Monique? Kung anak niya ang batang buhat-buhat niya, si Zamir ba ang ama? Hindi lang ba sila magboyfriend? Is she married? If she’s taken then why did she let something happen between them? Nakasakay na sina Monique at Zamir sa sasakyan at umalis na pero si Aidan nananatiling nandun pa rin. Pakiramdam niya ay namanhid ang mga kamay niya. Hindi maalis sa isipan niya ang batang lalaking karga-karga ni Monique. Sino sila sa buhay ni Monique? Ano ang itinatago ni Monique sa kaniya at sa lahat ng tao? Binasa ni Aidan ang mga information ni Monique bago siya pumasok ng kompanya at malinaw na nakalagay dun na single siya at walang anak pero anong ibig sabihin ng nakita n
AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani
Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy
Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt
9 months later, siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nang iwan nina Monique ang Pilipinas. Madalas naman silang bisitahin ng Kuya niya at ng mga pinsan niya. Kapag nasa New York ang mga Kuya ni Monique ay sila ang sumasama kay Brylle sa tuwing may event ito.Ilang buwan na lang din ay idadaos na ang 7th birthday ni Brylle pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita si Monique. Ayaw naman niyang tanungin ang Kuya niya o ang mga pinsan niya dahil iba na naman ang iisipin nila.Sa nakalipas na buwan mukhang nasanay naman na si Brylle na hindi siya kinakamusta o binibisita ng kaniyang ama. Masaya naman na siya at para bang hindi na siya umaasa na pupuntahan siya ng kaniyang ama pero kahit na ganun nasasaktan pa rin si Monique para sa anak niya lalo na at idadaos na nila ang pang 7th birthday niya.Anim na taon na hindi naging present si Aidan sa mga birthday ni Brylle, naitatanong na lang ni Monique sa sarili niya kung makakapunta ba si Aidan kahit sa birthday na lang ng anak nila.
Naupo silang dalawa kung saan nakapwesto si Brylle.“Daddy Zamir are you available this coming Saturday po?” tanong ni Brylle. Inisip naman ni Zamir kung may tatamaan ba siyang schedule sa sabado.“Yes, I think wala naman kaming masyadong gagawin this weekend. Why do you ask?”“Let’s skate po, can we Mom? Wala rin po akong klase sa Saturday.” Anas ni Brylle. Hindi alam ni Monique kung talaga bang into sports, music and arts si Brylle o kung dun sa paraan na lang niya nililibang ang sarili niya para hindi isipin ang Daddy niya.Naging mahilig lang sa music at sports ang anak niya nang lumipat sila ng New York. Ang arts naman ay matagal niya ng talent at libangan yun.“Kung available ang Daddy Zamir mo, why not?”“Let’s have a date, matagal ko na rin kayong hindi nailalabas eh. Pwede mo namang iwan ang shop mo sa mga staff mo, right?” saad ni Zamir. Inisip naman ni Monique ang sinabi ni Zamir. Wala naman sigurong masama kung magbonding sila minsan lalo na at lahat sila ay nakafocus sa m
Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.Samantala naman ay nagkaroo