“Let’s talk at the milk tea shop near here,” wika ni Monique saka nauna nang maglakad. Sumunod naman si Zamir sa kaniya hanggang sa makarating silang dalawa sa milk tea shop. Umorder na muna nang maiinom nila si Monique. Wala pa naman siyang gagawin kaya okay lang na tumambay na muna siya rito kesa sa magkainitan silang lahat sa loob ng kompanya. Nang makuha niya na ang order nila ay nagtungo na siya kung saan nakaupo si Zamir. Ibinigay niya ang isang milk tea kay Zamir saka siya naupo. “Mind if you tell me what is happening?” kuryoso pa ring tanong ni Zamir. Wala namang problema sa kaniya kung sino ang nakakatrabaho ni Monique. “Aidan De Chavez is my ex, Zamir, at siya ang CEO ng kompanya nila ngayon.” wika naman na ni Monique. Diretsong nakatitig si Zamir sa mga mata ni Monique dahil gusto niyang mabasa kung nagsasabi ba ng totoo si Monique. “That lady, what is she talking about?” aniya pa, sumimsim naman na muna si Monique sa milk tea niya. Alam ni Monique na nagsumbong na si
“Well, that’s not my problem anymore. Kung hindi niya kayang magpakaprofessional hindi ko na problema yun. Bakit nasa akin ang sisi lahat? Kung hindi ako nagkaroon ng posisyon sa kompanyang ito edi sana tahimik kayong lahat. Now, tell me, ako ba talaga ang naghahabol?” matapang na saad ni Monique kay Julia. “Magkano ba? Sabihin mo sa amin kung magkano mo ibebenta ang mga shares mo.” sabat ni Hudson, ama ni Aidan. Alam nilang masyadong malaki ang hawak na shares ni Monique at hindi nila alam kung paano ba nila mabibili yun sa kanya lalo na at malaking pera ang kakailanganin nila. Pinagkrus lang naman ni Monique ang mga kamay niya sa didbib niya. “Hindi ko ibinebenta at hindi ko ibebenta. Kung ito lang din naman ang pag-uusapan natin, sinasayang niyo lang ang mga oras natin dahil hindi niyo mabibili ang mga hawak kong shares.” Saad niya at akma na sanang tatayo nang muling magsalita si Hudson. “Kahit magkano, sabihin mo kung magkano mo ibebenta.” Aniya, napangisi n
Hinarap ni Monique si Isabella saka niya iniabot ang hawak-hawak niyang papeles. “Ibibigay ko lang naman sayo ito at dahil wala ka naman dito sa office mo ilalagay ko na lang sana sa table mo.” kalmadong sagot naman ni Monique dahil bago pa man makapasok ng opisina niya si Isabella natapos na si Monique sa paghahanap niya sa mga cabinet ni Isabella dahil wala siyang makuha laban kay Isabella. Napataas na lang ang kilay ni Isabella saka niya kinuha ang papeles kay Monique. Umalis naman na rin si Monique at bumalik na sa office niya. Napaupo na lang siya at napapahilot sa noo niya. Samantala naman, galit na galit pa rin ang mga magulang ni Aidan sa kaniya dahil siya ang sinisisi kung bakit nakapasok si Monique sa loob ng kompanya nila. “Imposibleng wala siyang binabalak laban sayo Aidan! Sigurado ako na may dahilan siya kung bakit kompanya natin ang pinili niya! Gusto niya bang maghiganti dahil iniwan mo siya? At kung hindi naman, posibleng inutusan siya ng pamilya niya!” sigaw pa r
Hindi makatingin ng diretso si Monique kay Aidan dahil nabablangko siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kung bakit sila nagkita ni Mr. Miller ngayon.“Mr. De Chavez,” kalmado lang namang saad ni Mr. Miller pero abot abot na ang kabang nararamdaman ni Monique lalo na nang tingnan siya ni Aidan. “Let’s talk, Monique.” Seryoso at malamig niyang wika. “Can’t you see? We’re talking.” Muntik pang magcrack ang boses niya sa sobrang kaba. “Oh, yeah. I am planning to sell my shares to Ms. Sandejas because—“ hindi pa man natatapos ni Mr. Miller ang sasabihin niya nang sapilitang hilain ni Aidan si Monique.“Aidan ano ba! Let me go! Hindi mo ba nakikita na may kausap pa ako! Kung gusto mo akong makausap pwede mo naman akong hintayin sa opisina mo!” sigaw ni Monique sa kaniya at pilit na inaalis ni Monique ang pagkakahawak ni Aidan sa palapulsuan niya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Aidan. “Aidan!” malakas na sigaw ni Monique dahil nakalabas na silang dalawa s
Hindi na maalis ang paningin ni Aidan kay Monique lalo na sa batang karga-karga niya. Masaya silang nag-uusap nina Zamir habang papunta sa sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada. “Daddy, buy me a lot of ice cream.” Narinig pa ni Aidan ang sinabi ni Brylle. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manubela. May anak na ba si Monique? Kung anak niya ang batang buhat-buhat niya, si Zamir ba ang ama? Hindi lang ba sila magboyfriend? Is she married? If she’s taken then why did she let something happen between them? Nakasakay na sina Monique at Zamir sa sasakyan at umalis na pero si Aidan nananatiling nandun pa rin. Pakiramdam niya ay namanhid ang mga kamay niya. Hindi maalis sa isipan niya ang batang lalaking karga-karga ni Monique. Sino sila sa buhay ni Monique? Ano ang itinatago ni Monique sa kaniya at sa lahat ng tao? Binasa ni Aidan ang mga information ni Monique bago siya pumasok ng kompanya at malinaw na nakalagay dun na single siya at walang anak pero anong ibig sabihin ng nakita n
Sa pagmamadali niyang mabuo yun ay nabitiwan niya. Bumaba siya para kunin iyun pero may nauna na para pulutin ang rubiks. Napatingala si Brylle para tingnan ang pumulot ng rubiks niya. Tinitingnan naman ni Aidan ang hawak-hawak niyang rubiks saka niya tiningnan si Brylle na nakatingala sa kaniya. “Anak,” tawag ni Monique at nilapitan na ang anak niya ng hindi tinitingnan ang nasa harapan niya. “Can I take my rubiks na po?” magalang na saad ni Brylle kaya napatingin na rin si Monique sa lalaking kaharap ng anak. Pakiramdam ni Monique ay humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang makita niya kung sino ang kasama ng anak niya. Napalunok na lang si Monique. Gusto niya na lang mawala sa kinatatayuan niya. Bakit ba sa dami ng starbucks, sa iisang starbucks sila palaging nagkikita? Hindi na sila bumibili sa starbucks na pinuntahan nila noong makita ni Monique si Aidan pero hanggang dito pa rin ba ay nandito si Aidan?Napatulala na lang si Monique habang nakatingin kay Aidan. Hawak-h
Hindi na maalis sa isipan ni Monique ang pagkikita ng mag-ama. Hindi niya alam pero kinakabahan siya, hindi tanga si Aidan para hindi siya magtaka kung paanong nagkaroon ng anak si Monique. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Monique. Ayaw niya na lang pumasok sa kompanya dahil posibleng magtanong si Aidan tungkol kay Brylle. “Are you okay?” tanong ni Anthony sa kapatid dahil magkakasabay silang kumakain ngayon pero tulalang kumakain si Monique at napapabuntong hininga pa. Nabalik na lang sa wisyo si Monique at saka niya lang narealize na kumakain pa nga pala sila. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip sa nangyari sa starbucks. “I’m okay Kuya, marami lang akong tatapusin ngayong araw kaya iniisip ko kung paano ko ba yun matatapos.” Pagsisinungaling niya kahit na hindi naman mahirap ang trabaho niya sa kompanya. “Pinapahirapan ka ba nila sa kompanya ng mga De Chavez? Masyado naman na yatang overload ang mga trabaho mo?” anas na naman ng Kuya niya s
“Naging maayos naman siya dahil sa braso lang siya tinamaan. Napag-alaman din nilang mga Pilipino ang gusto siyang patayin. Hindi lang dun natapos ang nangyari sa kanila sa England. Bago siya bumalik ng Pilipinas, tinapunan ng tear gas ang office niya mabuti na lang at wala siya nung mga oras na yun sa office niya.” patuloy na pagkwekwento ng detective. Nakatalikod pa rin siya sa detective. Namumuo ang galit sa didbib niya. Who is that fucking person na gusto silang patayin? Alam niyang may mali sa pagbabalik ni Monique, something fishy and he’s right. May dahilan kung bakit nga siya bumalik.Possible bang may hinihinala na si Monique? Posible bang kasama siya sa mga list na pinagdududahan niya? Imposible namang wala pa lalo na at pumasok siya sa kompanya nila. “Alam mo na ba kung sino ang person of interest nila?” tanong niya ng hindi hinaharap ang detective. “Sa tingin ko meron na pero hindi na nila sinabi yun sa mga pulis dahil hindi na nila sakop na imbestigahan ang nasa labas