“Naging maayos naman siya dahil sa braso lang siya tinamaan. Napag-alaman din nilang mga Pilipino ang gusto siyang patayin. Hindi lang dun natapos ang nangyari sa kanila sa England. Bago siya bumalik ng Pilipinas, tinapunan ng tear gas ang office niya mabuti na lang at wala siya nung mga oras na yun sa office niya.” patuloy na pagkwekwento ng detective. Nakatalikod pa rin siya sa detective. Namumuo ang galit sa didbib niya. Who is that fucking person na gusto silang patayin? Alam niyang may mali sa pagbabalik ni Monique, something fishy and he’s right. May dahilan kung bakit nga siya bumalik.Possible bang may hinihinala na si Monique? Posible bang kasama siya sa mga list na pinagdududahan niya? Imposible namang wala pa lalo na at pumasok siya sa kompanya nila. “Alam mo na ba kung sino ang person of interest nila?” tanong niya ng hindi hinaharap ang detective. “Sa tingin ko meron na pero hindi na nila sinabi yun sa mga pulis dahil hindi na nila sakop na imbestigahan ang nasa labas
Nasa opisina si Monique at hindi pa rin mawala sa isip niya ang natanggap niyang bulaklak at note. Pinapaikot niya sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Ibig bang sabihin ay mawawala sa bansa o magbabakasyon na muna ang taong gusto siyang patayin? Ano bang ibig niyang sabihin na enjoyin muna ni Monique ang mga araw niya? Ititigil ba muna niya ang pagpapapatay sa kaniya? Kung ganun, wala na silang oras. Kailangan nilang maunahan ang taong yun, kailangan na nilang malaman kung sino siya. Hindi pa nga napapanatag si Monique tungkol kay Aidan may dumagdag pa sa isipin niya. Puro na lang problema. Natatakot siyang maunahan siya ng killer niya at masaktan niya ang anak niya. Kung hindi si Isabella, sino sa mga De Chavez?Sino sa kanila ang nakakaalam ng tungkol sa anak niya? Napapahilot na lang si Monique sa sintido niya at napapabuntong hininga. Para silang naglalaro ng hide and seek sa isang maze. Hindi mo alam kung saan mo sila hahanapin. “Bakit sobrang tahimik ni Aidan ngayon?
“Alam kong marami akong kasalanan pero hayaan mo naman sana akong makausap na muna ang kapatid mo.”“Hindi mo siya makakausap, umalis ka na Aidan bago pa kita mapatay.” Matigas na saad ni Anthony at itinutulak niya na si Aidan. “Monique, let’s talk please!” malakas na sigaw ni Aidan. “Monique!” tawag pa niya. “Are you insane?! Huwag mo akong pilitin na paalisin ka sa dahas Aidan! Umalis ka na and leave my sister alone!”“Monique! Lumabas ka dyan! Kausapin mo ako!” malakas pa ring sigaw ni Aidan. Nagtataka naman na sina Monique at ang mga magulang niyang nasa sofa sa naririnig nilang sigaw sa labas ng bahay nila. “What’s that noise?” tanong na ng kaniyang ina. “Monique, kausapin mo ako!” muling rinig nila sa sigaw. Nagsalubong na ang mga kilay ni Monique dahil kilala niya ang boses. “Damn it!” napapamura niyang saad. Tumayo na si Monique at hinila ang anak niya. “Mom, pwede bang pakidala na muna sa kwarto si Brylle, please?” wika niya. Alam niyang boses ni Aidan ang sumisigaw sa
Matapos umalis ni Aidan ay pinuntahan ni Monique ang anak niyang nasa loob pa ng kwarto nila. Pumasok na siya dun at tinanguhan niya na lang ang kaniyang ina na nagbantay kay Brylle.“Is he gone?” tanong ni Arianna sa anak.“Yes Mom, thank you.” anas niya. Lumabas naman na si Arianna at pinuntahan naman ni Monique ang anak niyang nasa veranda. May dala-dala siyang meryenda para sa anak.Napangiti na lang siya nang makita niya ang anak niyang abalang nagdo-drawing. Magaling siya sa arts at hindi alam ni Monique kung kanino yun namana ni Brylle gayong wala namang mga artists sa pamilya ng mga De Chavez at sa pamilya nila.“Anak, magmeryenda ka na muna.” Agaw atensyon niyang saad saka niya ibinaba ang dala-dala niyang tray sa lamesa.“Is everything okay Mom? Why do I need to hide here?” kuryosong tanong ng anak niya. Nilapitan naman ni Monique ang anak niya saka niya hinawakan ang mga kamay nito.“Everything is okay, sa ngayon, hindi ko pa maipapaliwanag ang lahat sayo dahil hindi mo pa
“Kung sakali mang makita mo na naman siya o kung may ipapadeliver siya sayo. Tawagan mo kami. Huwag mo muna siyang pupuntahan, hintayin mo kami para masundan ka namin.” wika rin ni Warren saka niya iniabot ang calling card niya. Mabilis namang tumango ang lalaki.“Makakaasa po kayo,” sagot nito.“Sige na, umalis ka na.” mabilis na umalis ang lalaki.Habang nag-uusap sila na magpipinsan ay may lalaki namang nakamasid sa kanila. Nakangisi lang ito at pinapanuod ang magpipinsan. Subdivision ang kinaroroonan ng bahay ng mga Sandejas pero malaya siyang nakakagalaw sa loob dahil hindi mo naman siya pagdududahan sa paraan ng pananamit niya.Aakalain mo lang na isa siyang residente dun.Naghahumming pa siya nang lampasan niya ang bahay ng mga Sandejas. Alam niyang ipapahanap siya ng mga ito pero kahit na anong gawin ng mga Sandejas, hindi nila malalaman kung sino siya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Monique.“Kuya naman, huwag mo naman pairalin ang galit mo. Alam ko naman
Nang makarating sila sa hotel ay pinagbuksan na siya ni Taylor ng pintuan. Lumabas na rin si Monique at napangiti na lang nang makita niya si Zamir na naghihintay siya sa entrance ng hotel. Napakunot naman ng noo si Zamir nang makita niya kung sino ang kasama ni Monique.Maangas ang tindig niya at malakas din ang appeal niya. Umalis naman kaagad si Taylor para iparking ang sasakyan nila.“Who is he?” tanong ni Zamir.“He’s my driver, kanina ka pa rito?” pag-iiba ni Monique ng usapan pero masyadong kuryoso si Zamir sa driver ni Monique.“Driver mo? Kailan ka pa nagkaroon ng driver?”“Si Kuya ang may gusto, siya ang nag-utos kay Taylor na ipagdadrive ako palagi. Let’s not talk about him. Pumasok na tayo sa loob?” tumango na lang si Zamir saka niya inilahad ang braso niya kay Monique para dun humawak si Monique.Sabay na silang pumasok hanggang sa makarating sila sa function hall. Kahi
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ni Isabella ay wala ng lumabas na kahit anong salita sa bibig niya. Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa namumuong luha sa mga mata niya.“Isabella!” tawag ni Aidan nang biglang tumakbo si Isabella palabas ng hotel.“This is your fault!” asik ni Monique kay Aidan. Ito na nga ba ang sinasabi niya, hindi imposibleng malaman na ng lahat ang tungkol kay Brylle. Ito ang ikinakatakot ni Monique ang maging magulo ang buhay ng anak niya.“Oh my God! The woman!” sigaw mula sa labas ng hotel. Nilingon ni Aidan at Monique ang sigawan sa labas ng hotel. Mula sa glass wall ay kita nila ang nagkakagulong mga tao.“Damn it!” malutong na mura ni Aidan. Mabilis siyang tumakbo sa labas para tingnan kung anong nangyari. Nakisiksik na siya sa mga taong nagkukumpulan. Lumabas na rin si Monique para tingnan kung anong nangyayari.“Excuse me!” wika ni Aidan at hinawi ang mga t
Matapang din na tiningnan ni Monique ang mga mata ni Julia at dahil sa ginagawa niya, si Julia ang hindi makatingin ng diretso sa kaniya. “What did you say to her? Walang dahilan para hindi siya tumakbo.” hindi pa rin ba gising si Isabella? Dahil kung nasabi niya na ang tungkol sa narinig niya, siguradong alam na ni Julia ang tungkol sa anak niya. “Anong sinabi mo sa kaniya?!” pagpupumilit ni Julia. Sana lang ay itago ni Isabella ang tungkol sa narinig niya, huwag na sana nilang idamay pa ang bata sa kung anong gulo sa pagitan nila. “Wala akong sinabi kay Isabella. Pwede ba? Huwag niyong isisi sa akin kung anong nangyari sa kaniya. Ako ba ang driver ng kotseng nakabangga sa kaniya? Bakit ako ang pinuntahan mo na dapat ay ang driver? Hindi ka naman siguro tanga para ako ang sisihin mo hindi ba? Nandun lang ako pero wala akong kinalaman sa aksidente. Depende na lang kung lahat ng nangyayari sa inyo ay isisi mo sa’kin? Ipinapakita mo lang na hindi mo kayang maging profes
AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani
Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy
Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt
9 months later, siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nang iwan nina Monique ang Pilipinas. Madalas naman silang bisitahin ng Kuya niya at ng mga pinsan niya. Kapag nasa New York ang mga Kuya ni Monique ay sila ang sumasama kay Brylle sa tuwing may event ito.Ilang buwan na lang din ay idadaos na ang 7th birthday ni Brylle pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita si Monique. Ayaw naman niyang tanungin ang Kuya niya o ang mga pinsan niya dahil iba na naman ang iisipin nila.Sa nakalipas na buwan mukhang nasanay naman na si Brylle na hindi siya kinakamusta o binibisita ng kaniyang ama. Masaya naman na siya at para bang hindi na siya umaasa na pupuntahan siya ng kaniyang ama pero kahit na ganun nasasaktan pa rin si Monique para sa anak niya lalo na at idadaos na nila ang pang 7th birthday niya.Anim na taon na hindi naging present si Aidan sa mga birthday ni Brylle, naitatanong na lang ni Monique sa sarili niya kung makakapunta ba si Aidan kahit sa birthday na lang ng anak nila.
Naupo silang dalawa kung saan nakapwesto si Brylle.“Daddy Zamir are you available this coming Saturday po?” tanong ni Brylle. Inisip naman ni Zamir kung may tatamaan ba siyang schedule sa sabado.“Yes, I think wala naman kaming masyadong gagawin this weekend. Why do you ask?”“Let’s skate po, can we Mom? Wala rin po akong klase sa Saturday.” Anas ni Brylle. Hindi alam ni Monique kung talaga bang into sports, music and arts si Brylle o kung dun sa paraan na lang niya nililibang ang sarili niya para hindi isipin ang Daddy niya.Naging mahilig lang sa music at sports ang anak niya nang lumipat sila ng New York. Ang arts naman ay matagal niya ng talent at libangan yun.“Kung available ang Daddy Zamir mo, why not?”“Let’s have a date, matagal ko na rin kayong hindi nailalabas eh. Pwede mo namang iwan ang shop mo sa mga staff mo, right?” saad ni Zamir. Inisip naman ni Monique ang sinabi ni Zamir. Wala naman sigurong masama kung magbonding sila minsan lalo na at lahat sila ay nakafocus sa m
Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.Samantala naman ay nagkaroo