Maghapon silang nakakulong sa kwarto. Maaga pa lamang ay kumain na silang dalawa ng hapunan dahil wala ng electricity sa buong bayan. “Huwag kang lumayo, please.” Anas ni Monique nang unti-unti ng kinakain ng dilim ang liwanag. “I’m here, I’m not going anywhere.” Saad ni Aidan at niyakap si Monique. Isinandal ni Monique ang ulo niya sa balikat ni Aidan. Pareho na silang walang makita ngayon dahil wala silang ilaw. Lobat na rin ang cell phone ni Aidan. Wala silang ibang makita kundi ang pagliwanag ng kidlat sa labas. Tahimik lang silang dalawa, pareho silang hindi pa dinadalaw ng antok dahil wala silang ginawa kanina kundi ang matulog. Hinahaplos ni Aidan ang buhok ni Monique para kumalma lang ito. “If Isabella find out about this, I’m sure she’s gonna kill me.” pangbabasag ni Monique sa katahimikan nilang dalawa ni Aidan. “I’m not gonna let that to happen, hindi ko hahayaan na saktan ka niya Monique.” Naramdaman ni Monique ang paghalik ni Aidan sa ibabaw ng ulo niya kaya napangi
Humupa na ang baha, nalinisan na rin ang daan kaya nasundo na silang dalawa. Maayos na rin ang karagatan at naghihintay na lang si Monique nang susundo sa kaniya. Pitong oras ang byahe nila kaya matagal pa ang hihintayin niya. Iginagayak na rin ng mga tauhan ni Aidan ang mga gamit niya dahil sasabay na siya kay Monique sa pagbalik sa Manila. “Ate, dalhin niyo na po ito mga bagong ani lang po yan kanina.” saad ni Berth habang dala-dala ang basket na may laman na mga mangga, pinya at rambutan. “Nag-abala pa kayo pero salamat. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa akin dito. Hindi ko kayo kakalimutan.” Saad niya sa mga tauhan ng isla. “Nandyan na ang yate na sasakyan niyo,” wika ng lalaking sumundo noon kay Monique. Hinarap ni Monique ang mga nakasama niya sa isla ng ilang araw. Lahat sila ay kabutihan ang ipinakita sa kaniya at hindi niya yun makakalimutan. “Sana makabalik ka pa rito iha, hihintayin ka namin.” saad ni Nanay Narcy. Nilapitan ni Monique si Nanay Narcy at n
Makalipas ng ilang oras ay bumaba na si Monique sa kwarto niya. Inilibot niya ang paningin niya pero hindi niya pa rin makita ang anak niya. She missed him so much. “Mom, wala pa rin ba si Brylle? Dapat kanina pa siya nakauwi ah.” Tanong niya sa kaniyang ina na nakaharap sa laptop niya. “Darating din yun, baka sinundo nila Warren sa school at ipinasyal.” Sagot ng kaniyang ina ng hindi man lang siya tinitingnan. “Mom!” rinig na ni Monique na sigaw ng anak niya. Nilingon niya ito mabilis nang tumatakbo palapit sa kaniya. Nakasunod naman sa kaniya ang mga pinsan niya.“Brylle, anak, where have you been?” aniya saka niyakap ang anak nang mahigpit na mahigpit dahil isang linggo niya itong hindi nakita at nakasama. “Kauuwi mo lang po? I miss you Mom.” Malambing na saad ng kaniyang anak. Nang kumalas sa yakap si Monique ay hinalikan niya naman sa noo ang anak. “I miss you too baby, saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang umuwi?” “Namasyal po kami nila Tito sa mall, ang akala po kasi na
Umalis na muna si Brian dahil ayaw niyang makinig sa pag-aaway ng dalawa. Naupo si Aidan sa swivel chair niya at walang balak na sagutin si Isabella. “Sagutin mo ako Aidan, si Monique ba ang nakasama mo sa isla? Si Monique ang nagbisita sa isla at nandun ka?” pamimilit pa rin ni Isabella kay Aidan. “Can you please give me a peace? Kahit saglit lang Isabella.” Nakikiusap na saad ni Aidan. Ayaw niyang sigawan si Isabella kahit minsan ay nauubos na rin ang pasensya niya. “Nasa isla ka ba? Sa isla ka nagpunta at nagtago ng isang linggo?” napapahilot na lang si Aidan sa noo niya. Kung alam niya na nandito si Isabella sa office niya hindi niya na lang sana muna sinabi kay Brian kung saan siya nagpunta. “Aidan sagutin mo naman ako. Si Monique ba ang kasama mo sa isla? The whole week si Monique lang ang kasama mo?” tanong pa rin niya dahil hindi niya titigilan si Aidan hangga’t hindi niya sinasabi ang totoo. “Aidan sagutin mo ako?! Are you with—““Yes Isabella! She’s with me the whole we
Napasinghap na lang si Isabella nang sampalin din siya ni Monique. “Wala kang karapatan na pumunta ng opisina ko para saktan lang ako Isabella!” sigaw ni Monique sa kaniya. “Monique, what are you doing? Why did you slap her?” anas ni Aidan na nilapitan si Isabella. Lalong natawa si Monique dahil tila ba kinakampihan ni Aidan ang fiancé niya. “See Aidan? She slapped me and you still want to be with her?” nagpapaawang saad ni Isabella pero walang pakialam si Monique kung sino man ang kakampihan ni Aidan sa kanilang dalawa. Sino ba siya sa buhay niya? “Bakit hindi mo tanungin ang fianceé mo Aidan? Pumunta lang siya dito para guluhin ang mga gamit ko at magwala? Hindi ko siya sasampalin kung hindi niya rin ako sinampal! You know what? You both are disgusting!” inis ng saad ni Monique saka niya iniwan ang dalawa sa loob ng opisina niya. Inis na hinawi ni Monique ang buhok niya. Dire-diretso siyang lumabas, gusto niyang magpahangin muna baka sakaling mapakalma niya kaagad ang sarili ni
“Let’s talk at the milk tea shop near here,” wika ni Monique saka nauna nang maglakad. Sumunod naman si Zamir sa kaniya hanggang sa makarating silang dalawa sa milk tea shop. Umorder na muna nang maiinom nila si Monique. Wala pa naman siyang gagawin kaya okay lang na tumambay na muna siya rito kesa sa magkainitan silang lahat sa loob ng kompanya. Nang makuha niya na ang order nila ay nagtungo na siya kung saan nakaupo si Zamir. Ibinigay niya ang isang milk tea kay Zamir saka siya naupo. “Mind if you tell me what is happening?” kuryoso pa ring tanong ni Zamir. Wala namang problema sa kaniya kung sino ang nakakatrabaho ni Monique. “Aidan De Chavez is my ex, Zamir, at siya ang CEO ng kompanya nila ngayon.” wika naman na ni Monique. Diretsong nakatitig si Zamir sa mga mata ni Monique dahil gusto niyang mabasa kung nagsasabi ba ng totoo si Monique. “That lady, what is she talking about?” aniya pa, sumimsim naman na muna si Monique sa milk tea niya. Alam ni Monique na nagsumbong na si
“Well, that’s not my problem anymore. Kung hindi niya kayang magpakaprofessional hindi ko na problema yun. Bakit nasa akin ang sisi lahat? Kung hindi ako nagkaroon ng posisyon sa kompanyang ito edi sana tahimik kayong lahat. Now, tell me, ako ba talaga ang naghahabol?” matapang na saad ni Monique kay Julia. “Magkano ba? Sabihin mo sa amin kung magkano mo ibebenta ang mga shares mo.” sabat ni Hudson, ama ni Aidan. Alam nilang masyadong malaki ang hawak na shares ni Monique at hindi nila alam kung paano ba nila mabibili yun sa kanya lalo na at malaking pera ang kakailanganin nila. Pinagkrus lang naman ni Monique ang mga kamay niya sa didbib niya. “Hindi ko ibinebenta at hindi ko ibebenta. Kung ito lang din naman ang pag-uusapan natin, sinasayang niyo lang ang mga oras natin dahil hindi niyo mabibili ang mga hawak kong shares.” Saad niya at akma na sanang tatayo nang muling magsalita si Hudson. “Kahit magkano, sabihin mo kung magkano mo ibebenta.” Aniya, napangisi n
Hinarap ni Monique si Isabella saka niya iniabot ang hawak-hawak niyang papeles. “Ibibigay ko lang naman sayo ito at dahil wala ka naman dito sa office mo ilalagay ko na lang sana sa table mo.” kalmadong sagot naman ni Monique dahil bago pa man makapasok ng opisina niya si Isabella natapos na si Monique sa paghahanap niya sa mga cabinet ni Isabella dahil wala siyang makuha laban kay Isabella. Napataas na lang ang kilay ni Isabella saka niya kinuha ang papeles kay Monique. Umalis naman na rin si Monique at bumalik na sa office niya. Napaupo na lang siya at napapahilot sa noo niya. Samantala naman, galit na galit pa rin ang mga magulang ni Aidan sa kaniya dahil siya ang sinisisi kung bakit nakapasok si Monique sa loob ng kompanya nila. “Imposibleng wala siyang binabalak laban sayo Aidan! Sigurado ako na may dahilan siya kung bakit kompanya natin ang pinili niya! Gusto niya bang maghiganti dahil iniwan mo siya? At kung hindi naman, posibleng inutusan siya ng pamilya niya!” sigaw pa r