Hindi na mapakali si Monique sa kinauupuan niya dahil ramdam na ramdam niya ang titig ni Aidan sa kaniya. Alam ni Monique na gusto rin siyang lapitan ni Aidan pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil maraming tao sa paligid nila. Nang may dumaan na waiter na may dalang wine ay humingi siya ng isa saka niya iyun ininom. Nakatingin siya sa ibang direksyon pero kitang kita niya sa peripheral view niya na mariing nakatingin sa kaniya si Aidan. Nang hindi na matiis ni Monique ay inis niyang nilingon si Aidan at gaya ng nakikita niya sa peripheral view niya nakatingin sa kaniya si Aidan. “Wala ka bang magawa sa buhay mo? Wala ka bang ibang makausap dito para ako ang inisin mo?” anas niya. Mariing lang namang nakatingin sa kaniya si Aidan.“Is it a crime to stare at you?” hilaw na natawa si Monique sa sinabi ni Aidan. “Yes, it’s a crime lalo na kung hindi na komportable ang taong tinititigan mo. Boring ka ba sa buhay mo, huwag ako ang abalahin mo Aidan.” Masungit niyang saad. Ha
Hindi naman maalis sa isipan ni Aidan si Monique. Bumabalik sa isipan niya kung gaano ito kaganda kanina, perfect na perfect sa kaniya ang gown niya. Mariing naipikit ni Aidan ang mga mata niya nang maalala niya na kitang kita ang likod ni Monique sa suot niya. Hindi naman maitatangging bagay naa bagay sa kaniya ang suot niya kanina. Pagkauwi niya ay dumiretso siya kaagad sa kusina para manguha ng wine at idinala niya yun sa kwarto niya. Nasa veranda siya ngayon habang sumisimsim ng wine. Tila ba tumatak sa isipan niya ang itsura ni Monique kahit na anong gawin niya hindi mawala sa isip niya. Muli niyang nilagok ang kalalagay niyang wine sa wine glass niya nang maalala niya ang lalaking kasama ni Monique sa party. Who is he? At anong relasyon niya kay Monique? Bakit ba apektado pa si Aidan gayong siya naman itong may gustong hiwalayan noon si Monique dahil sa hidwaan ng mga pamilya nila? Naituon niya ang atensyon niya sa pagtatrabaho sa kompanya nila kaya hindi niya masyadong in
Napapaisip naman si Aidan sa sinabi ni Monique. Kung wala siyang intensyon na agawin ang kompanya, bakit niya piniling magtrabaho sa kompanya ng mga De Chavez kung may sarili silang kompanya na dapat niyang pagtuunan ng pansin. Mariin niyang tinitigan ang mga mata ni Monique na tila ba pinag-aaralan niya ito. Napaiwas din ng tingin si Aidan dahil hindi niya kayang tagalan ang titig niya kay Monique dahil nakatitig din ng diretso sa kaniya si Monique na tila ba nakikipagpaligsahan. “If that so, why did you chose to work in our company than in your company. Give me a valid reason Monique para hindi kita pagdudahan.” Seryoso niyang tanong. Prente pa ring nakaupo si Monique, magkakrus pa rin ang mga binti. Blangko lang ang mukha ni Monique habang nakatingin siya sa seryosong mukha ni Aidan. Hindi naman talaga maiiwasan ni Aidan lalo na ng pamilya niya na pagdudahan kung ano ba talagang intensyon ni Monique sa kompanya dahil pagdating ng araw hindi siya mahihirapang sumali bilang candid
“Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” tanong ni Aidan. “I won’t let that to happen pero minsan pa niya akong pagtangkaan na saktan hindi ko palalampasin ang gagawin ng ina mo. Kalilimutan kong mas matanda siya sa akin, huwag niya akong pwersahin na lalo kong huwag siyang bigyan ng respeto. I didn’t do anything to your mother, Aidan, pero minsan lang niya akong saktan, magkakagulo talaga tayong lahat.” aniya saka tinalikuran na si Aidan. Inis na nagulo ni Aidan ang buhok niya. Ano bang iniisip ng kaniyang ina para saktan si Monique?! Mabilis ang bawat hakbang ni Aidan para puntahan ang kaniyang ina. Hindi na siya kumatok dahil pumasok na lang siya ng walang pasabi sa opisina ng kaniyang ina. “Ano bang iniisip niyo?! Tinangka niyong sampalin si Monique? Mom, she’s one of our shareholders and you should respect her too!” wala ng araw na hindi sila nag-aaway simula nang dumating si Monique. “Kung narinig mo lang kung paano niya ako sagot-sagutin kanina tingnan lang natin kung siya pa r
Napatago na lang sa likod ng pader si Monique at hindi niya alam kung paano lalapitan si Brylle nang hindi siya napapansin ni Aidan. Muling sinilip ni Monique ang pwesto ni Aidan at ni Brylle. Magkaharap silang dalawa at paniguradong makikita at makikita siya ni Aidan. Lumabas na si Monique sa exit saka niya kinuha ang cell phone sa bulsa niya para tawagan na lang ang anak niyang naiwan sa loob.“Mom, where are you?” tanong ni Brylle dahil ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Monique. “I’m in the car na baby, hintayin na kita rito at may tiningnan lang ako sa mga dala kong papers.” Saad niya. Nakatingin si Monique sa entrance ng starbucks at nang makita niyang lumabas na ang anak niya ay binuksan niya na ang pintuan sa passenger seat. “Why did you leave me there, Mom? You said, you’re just going in the restroom.” Anas nito, ngumiti lang naman si Monique saka niya hinaplos ang mukha ng anak. Nakita kaya siya ni Aidan? Nakita ba ni Brylle si Aidan? Hindi kasi m
Maaaring ipakilala ni Monique kay Brylle kung sino ang ama niya pero hindi pwedeng malaman ni Aidan ang tungkol kay Brylle. Matapos ng pag-uusap nila Monique at ni Anthony noong araw na yun ay hindi na nawala sa isip ni Monique kung sino sa mga De Chavez ang pumatay sa kaniyang Lolo. Ilang taon na ang nakalilipas, sarado na rin ang kaso tungkol dun. Paano niya aalamin ang tungkol sa nakaraan? Paano niya makakamit ang hustisya na nararapat para sa Lolo niya?Makalipas ang ilang araw, abalang nagtitipa sa laptop niya si Monique nang may tumawag sa cell phone niya. Hindi niya na tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya dahil mga kamag-anak lang naman niya ang nakakaalam ng number niya. “Yes?” sagot niya habang nakaipit ang cell phone niya sa tenga at balikat niya. Nakatutok ang paningin niya sa laptop. “This is Aidan, meet me at my office now, Miss Sandejas. I have an offer for you.” hinawakan na ni Monique ang cell phone niya at kunot noo niyang tiningnan ang number, unregistered
Pinag-iisipan pa rin ni Monique ang tungkol sa sinabi ni Aidan sa kaniya. Ibibigay ni Aidan ang posisyon na CFO sa kompanya. She will be the chief financial officer, siya ang magrereport ng lahat kay Aidan tungkol sa finance. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Monique. Nagdadalawang isip pa rin siya kung tatanggapin ba niya ang posisyon pero ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang makapasok ng tuluyan sa kompanya ng mga De Chavez. Hindi siya mahihirapan na maglabas pasok sa kompanya nila dahil may dahilan na siya. Muling sumilay ang ngisi sa labi ni Monique, araw-araw niyang makakasama si Aidan kaya araw-araw na mag-ooverthink si Isabella. Paniguradong sa mga oras na ito ay alam na ni Isabella ang ginawa ni Aidan, ang pagbibigay niya ng posisyon para kay Monique sa loob ng kompanya. Ano kayang iniisip niya sa mga oras na ito? Sumimsim si Monique sa tsaa niya. Kahit na may access na siya sa kompanya kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil paniguradong nakabantay sa k
“Hindi naman maliit ang office mo Isabella. Inilagay kita sa office na yun para mas malapit ka sa marketing department dahil ikaw ang head dun. Inilagay ko si Monique sa office na mas malapit sa akin dahil siya ang magrereport sa akin araw-araw. Why do you need to compare it?” “Pero mas malaki ang office ni Monique kesa sa office ko! Ano ba talaga ang dahilan mo Aidan, bakit mo inilagay si Monique sa posisyon na yun kung pwede mo naman akong ilagay sa posisyon na yun instead of her?” bakas ang pagseselos ni Isabella sa tinig niya. “Why Isabella? Do you have a degree about finance? Do you have enough experience managing finance? If you have then I will give you that position.” Malamig na saad ni Aidan. Hindi nakaimik si Isabella dahil wala siyang kahit na anong karanasan sa pagmamanage ng finance. Hindi rin accounting o major in finance ang tinapos niya. “We’re in a business industry Isabella at hindi dahil ako ang fiancé mo, sayo ko na ibibigay ang isang malaking responsibilidad sa