Share

Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's
Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's
Author: MariaLigaya

Kabanata I

       

“PWEDE—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Maluha-luhang sambit ni Deiah habang pinakatititigan niya ang pangalan sa papel na pirmado na ng lalaking nasa harapan niya, si Primo Thompson, her husband. The perfect definition of a man para kay Deiah. He is one of the top richest, powerful and sexiest man alive ika nga ng lahat ng humahanga din dito.

Sandaling katahimikan lang ang sumagot sa katanungan ni Deiah. Kaya naman marahan siyang napatingin sa labas ng bintana habang pasimpleng inaaliw ang mga mata sa paligid upang hindi tuluyang kumawala ang kanina pang mga luhang nagbabadyang bumagsak.

Umaasa pa din kasi siyang magbabago ang isip ng asawa niya sa nagawang desisyon nito.

“Pw-pwede—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Pag-uulit niyang muli sa tanong. Nagbabakasakaling masagot na nito sa pangalawang pagkakataon.

Grandpa is fine, we can stop this nonsense now Madiing saad ng lalaking baritone ang boses.

“Bu-but wha-what if malaman niya ito? Pr-Primo, ba-baka naman p-pwede pang pag-usapan ito.” Sagot ni Deiah saka napakagat sa labi, mapapansing may pag-aalala din siya sa matanda.

“Hindi niya malalaman, kung hindi mo sasabihin Deiah.”

“So, balak mo pa ngang itago talaga?”

“ Pwede ba, can you just sign it na lang? You think so much. It’s easy lang naman, when he finds out then it’s simple to say  na hindi nag-work itong kalokohang ito. Kung hindi ko gagawin ito, kailan pa? Pag-tuluyan ng mawala si Atasha sa akin?”

Napatango na lang si Deiah, wala siyang maisagot sa asawa. Sa mga oras na iyon mas lalo niya ng naintindihan ang lahat. Mas lalong naging malinaw sa kaniya. Sa huli, si Atasha pa din pala ang tunay na dahilan.

Habang pilit niyang pinipigilan ang mga luha niyang pabagsak sa gilid ng kaniyang mga mata ay sandali niyang iniangat ang kaniyang mukha at itinuon sa harapan niya, kay Primo.

“Pa-paano naman ako?”

Ramdam niya sa mga oras na iyon ang paulit-ulit na pagtusok ng mga karayom sa puso niya sa sobrang sakit. Naninikip sa sobrang sakit. Akala niya sa isang taong kasama niya ito, ay magagawa na niyang mapalitan ang babaeng minamahal nito.

Alam niyang umpisa pa lang ng laban dehado na siya, pero dahil sa lakas ng loob niyang hamunin ang sarili niya ginawa niya pa din ang lahat ng kaya niyang ipakita at iparamdam kay Primo. Ngunit sa huli, ni katiting o pisong pagmamahal man lang ay wala lang siyang nakuha kundi ang tripling sakit ngayon kesa sa araw-araw niyang nararamdaman sa piling nito.

“T-talaga bang w-wala kang n-naramdaman—wala kang-na-naramdaman man lang sa akin ka-kahit konting ambon ng pagmamahal?”

“Deiah, alam mong umpisa pa lang nito ay wala na. Walang-wala hanggang ngayon. At alam mo naman na kaya lang tayo nagpakasal para  kay lolo. Kaya ako pumayag para gumaling ng mabilis ang lolo. And that's it.”

“Pe-“

“Let's not waste time, Deiah. Sign the papers and have Attorney Yochico arrange everything. I'll give you 30 million as compensation for this matter. You can go anywhere and do anything basta malayo ka sa akin at sa pamilya ko.”

“Pa-paano ku-kung hindi ko pir-pirmahan? O-okay lang sa akin kung gusto mo makasama si Atasha, kung hindi ka umuwi dito. Basta mananatili pa din na ako ang asawa mo, Primo. Ayos lang sa akin ang ganoon set-up kahit n--” Napalunok ng tatlong beses sunod-sunod si Deiah.

“You have to, Deiah, trust me. Hindi magiging maayos ang set-up na iyon sa akin, sa iyo, at higit sa lahat kay Atasha. I want to marry her nuon pa man, alam mo iyan higit pa sa mga taong nakakakilala sa akin. Gusto kong bumuo ng pamilya na masaya at tahimik. Not like this. Naiintindihan mo ba ko? Huh? I hope na malinaw lahat ito sa iyo.” Makikita ang madilim na awra nito sa buong mukha habang nakatitig sa mga mata ni Deiah, halos magtagpo ang dalawang makakapal din nitong kilay at mga matang nangungusig sa galit habang nakatitig kay Deiah.

Ilang segundo lang ay inilayo ni Primo ang tingin nito kay Deiah saka napabuntong hininga at tumayo.

“Look, we can’t continue this anymore. This marriage will never work for us. We can’t be happy. I can’t be happy for this. I love someone, I don’t love you, and yes, I will never love you. Never. That’s why, habang maaga pa—let’s stop this loveless marriage.”

Sa pagkakataong iyon, tuluyang nagkaroon ng sariling buhay ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Deiah para tuloy-tuloy na itong bumagsak. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig para makaramdam ng paninigas ang buo niyang katawan sa katotohanang matagal niya ng iniiwasang marinig mula sa lalaking pinakamamahal niya.

Ramdam niya ang bawat kirot na tumatusok sa puso niya hatid ng mga salitang kaniyang narinig mula sa taong inaasahan niyang kahit katiting na pagmamahal ay pauulanan siya. Sa araw-araw na nasasaktan siya, eto ang pinakamasakit sa lahat. Ang ipamukha sa kaniya na kahit kailan ay hindi siya makakayang mahalin nito.

“Basta dapat may pirma na iyan pagbalik ko mamaya.” Aniya nito saka mabilis na dinampot ang susi ng sasakyan na nasa mesa at ang coat nito.

Habang si Deiah, masakit ang pusong pinagmamasdan ang papalayong bulto ng asawa niya.

“Nakuha ko nga ang apelyido mo, but not your heart, hindi ang pagmamahal mo sa akin.” Mapait niyang ngiti habang sunod-sunod na bumabagsak ang mga luha niya.

Kinuha niya ang papel at muling tinitigan ang pangalan ng asawa niya na may lagda na.

“Hindi mo man lang pinalampas ang araw na ito.” Ani niya saka inilapag ang papel at dinaanan ng tingin ang cake na nakalapag sa bar counter. Muling napangiti ng mapait si Deiah.

 “Ano nga ba ang alam niya tungkol saiyo ni hindi ka nga mahal at hindi kahit kailanman mamahalin pa?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status