Share

Kabanata IV

MABILIS na nakaalis si Pam sa bahay para puntahan nga ang kuya Primo nito at ang ate Deiah nito. Dahil hindi naman kalayuan ang bahay nito sa kanila ay sigurado siyang mabilis niyang mararating eto.

At ilang sandali pa nga ay natatanaw niya ang malaking bahay. 

“Oh, si Ate Deiah iyon ah!” Bulong niya nang makita si Deiah na sumakay sa isang mamahaling kotse.

“Wow it's a roll royce phantom VIII car? Shock! bigatin ang may-ari ng kotse.” Paghangang saad niya saka mabilis na napahinto. Mahilig at may alam sa sasakyan si Pam kaya marunong itong kumilatis pagdating sa mga ganitong klaseng sasakyan.

“Pero sino iyon? Hindi kotse ni kuya, at mas lalong hindi kotse ng tatlong kuripot na ugok iyon.” Dagdag pa ulit niya na ang tinutukoy ay ang tatlong kaibigan ng kuya niya na sina Blue, Jette at Felix.

Palaisipan man kay Pam, mabilis niyang itinabi na muna ang kotse saka lumabas.

“Kung hindi sila, sino?” Pagtatakang tanong niya sa sarili. Pahakbang na siya nang mapansin naman niya ang iilang mga basura sa labas, kasama na duon ang malaking frame na pumukaw sa atensyon niya.

“Wedding frame yata ito ng kasal nila.” Napapakunot na binusisi ni Pam ang nakataob na frame.

“Oh no! Why?” Tanging naibulalas na lamang niya ng makumpirma niya ngang wedding picture nito ang nandoon. Hindi niya mapigilang mapatingin pa sa iilang basura, at nakita niya ang lahat ng mga gamit ni Deiah, kaya bigla siyang kinabahan.

“What’s happening?” Dagdag niyang bulong habang napapahimas sa dibdib niya. Madaming katanungan na ang nagsimulang mag-unahan sa isipan niya.

Kilala niya ang dalawa, alam niya ang history ng dalawa kaya mas lalo siyang kinabahan ngayon at sa nakita niya. Akmang tatawagan niya na sana si Deiha nang biglang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran niya.

“What are you doing here?”

“Ku-kuya!” Gulat nitong saad pagkalingon.

“Why are you here?” Madilim ang awra ni Primo habang nakatingin sa kapatid na mas lalong ikinatakot nito.

“A-ano ka-kasi, si, si lolo pinapa—” Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Pam ay napasuntok sa hangin na sa hangin si Primo nang makita ang mga gamit ni Deiah sa harapan niya.

Napakuyom ng kamao si Primo sa sobrang galit hindi niya maintindihan kung bakit nakabalandra na sa labas ang mga gamit ng babaeng iyon pati wedding pictures nila hindi din pinalagpas at itinapon, ano nalang kaya ang sasabihin ng mga taong nakakita na? Baka mabalitaan pa ng lolo niya ito. Tila gusto pa yata ng babaeng ipagsigawan na gusto niya na itong hiwalayan sa ginawa nito.

Ang mas lalong nagpagalit pa sa kaniya ay ang makita ang kapatid nito dito.

“Tinawagan ka ba ni Deiah?”

“Ah-huh? Hin-hindi, si-si lolo kasi. Nagp-pasabi na by-by next week babalik na dito.”

“What?”

Napaigtad si Pam sa gulat sa boses na pinakawalan ng kaniyang kapatid. For the first time yata sa buong buhay niya na nataasan siya ng boses nito kaya napakagat siya sa labi.

“Ku-kuya.”

“Look, I’m so sorry. Nabigla lang ako.” Saad ni Primo saka napatingin sa kabuuan ng bahay. Bigla tuloy siyang kinabahan, kaya dali-dali siyang niyang binuksan ang gate ng bahay at ang pintuan saka mabilis na pumasok habang si Pam, naguguluhan man ay sumunod sa kapatid sa loob ng bahay.

“F”ck!” Napamura sa hangin si Primo nang malibot ang kabuuan ng bahay. Malinis na ang bahay, wala na ang mga gamit nito sa banyo, sa closet room.

“Ku-kuya!” Tawag sa kaniya ni Pam na nuon ay nasa sala. Napahilot sandal sa sintido si Primo bago magtungo sa kapatid.

Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang akapatid na may hawak-hawak na kapirasong papel. Isang papel na pamilyar sa kaniya.

“Sa-saan m-mo nakuha iyan? Sa-saan mo nakita?” Pagtataas ng boses na tanong ni Primo kay Pam.

“D-dito lang sa table. I’m sorry hindi ko sinasadya. Napansin ko kasi. I thought it was just a letter but it—”

“Akin na nga iyan.” Mabilis na kinuha ni Primo ang papel sa kapatid saka inilagay sa envelope.

Habang si Pam ay tila nanigas ang katawan sa kinatatayuan sa nadiskubre. Nasagot na sa isipan niya kung bakit niya ito nakita kanina, at kung bakit maraming gamit nito sa labas.

Napatingin siya sa kuya niya na halos magusot ang envelope sa tindi ng pagkakakapit nito.

“Kuya, is—is that true? Tama ba ang nabasa ko sa papel?” Tanong ni Pam na may panginginig pa sa boses nito.

Sandaling napapikit si Primo, hindi niya alam kung paano niya ilalabas ang galit sa harapan ng kapatid niya. Hindi niya maalis sa isipan niyang sisihin si Deiah ngayon dahilan para mabisto ito ng kapatid niya. Pakiramdam niya, muli na namang sinira nito ang nakaplano na sa buhay niya.

Inunahan na naman siya nito sa pamilya niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Primo, kailangan niyang mag-isip ng maayos ngayon. Hindi pwedeng makarating sa kaniyang lolo ang lahat ng ito. Hindi rin naman niya inaasahan nag anito kadaling mapipirmahan ni Deiah ito, mas lalong hindi niya inaasahang darating ang kapatid niya at masaksihan pa ng kapatid niya.

Pinilit niyang maikalma ang sarili, kumuha siya ng tubig saka uminom habang sinusundan lang siya ng tingin ni Pam. Hindi pwedeng malaman ng lolo niya ito ngayon.

Ilang saglit pa nang makabuo na ng lakas ng loob si Primo ay hinarap na ang kapatid nitong nakatitig lang sa kaniya na naghihintay pa din ng kasagutan.

“Yes. But please—don’t tell na muna to lolo about this.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status