SA huling pagkakataon, pinasadahan muli ng tingin ni Deiah ang kabuuang bahay na siyang nababalot na kalungkutan ngayon. Hindi niya pa din maiwasang mapangiti sa kabila nang nararamdamang kirot ng puso niya.
Sa bahay na ito kasi nagsimula ang lahat para sa kaniya. Regalo eto sa kanila ng lolo ni Primo noong kasal nila. Dito niya sinimulan pangarapin na magkaroon ng munting pamilya kasama si Primo. Sa bahay na ito natutunan niya ang mga bagay na ni minsan ay hindi niya nagawa sa buong buhay niya. Sa bahay na ito sinubok ang tatag niyang mamuhay kasama si Primo. Sa bahay na ito nagsimula ang lahat at dito din pala matatapos.
“Sigurado, ibibenta niya na ito.” Bulong niya sa sarili habang pinakatititigan niya ang kabuuang bahay dahilan para tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Mas lalo pa siyang naiyak nang matanaw niya ang malaking frame ng kanila wedding picture.
“Sana, magawa ko pa ding ngumiti tulad ng Deiah na nasa larawang iyan matapos ang araw na ito.” Bulong niya sa sarili.
Sa pagkakataong eto, nakahanda na siyang bumitaw sa matagal na pagkakakapit niya ng mahigpit sa buhay ni Primo. Napapanahon na din para simulan niya namang ayusin ang buhay niya na nalimot niya na sa matagal na panahon.
“Maging masaya ka sana sa bagong buhay na uumpisahan mo. Hiling ko ang kaligayahan mo sa piling ni Atasha na hindi ko naman naibigay at kailanman ay hindi ko maibibigay. Mahal na mahal kita, Primo.”
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya saka siya nagpasyang tanggalin ang malaking frame na nakasabit dito at iba pang mga nakadisplay nilang picture ng kasal saka inilagay sa labas ng bahay, kung saan nakatambak na ang mga gamit niya na naghihintay na din ng dadaang garbage truck.
Lahat ng gamit na meron siya ay napagpasyahan niyang itapon na.
Dumating siya sa buhay ni Primo na walang dalang gamit kundi ang tanging suot lang niya sa katawan, kaya aalis din siyang tanging suot lang din niya ngayon ang meron siya.
“I’m sorry, lolo. Binigo ko po kayo.” Madiing bulong ni Deiah habang tinitingnan ang kabuuang bahay sa labas.
SAMANTALA, hindi naman maitago ni Lolo Sebastian ang tuwa nang mabalitaan niya sa doctor ang tuloy-tuloy niyang pag-galing. Malapad na ngiti ang pinakawalan niya sabay tingin sa mga nars na nasa loob din ng room.
“Nako, maraming salamat sa inyo. Sa pagtiya-tiyagang alagaan ang matanda. Sana sa susunod na pagkita-kita natin ay kasama ko na ang apo ko at ang apo ko sa tuhod.” Natatawa niya pang sambit.
Mahigit tatlong buwan na din siyang nakatambay sa loob ng ospital room kaya hindi niya na maitago ang pagkasabik na makauwi na ng bansa at makasama ang apo at si Deiah.
“Nako, lolo mukhang mas eksayted pa po yata kayong magka-apo sa tuhod kaysa sa mga apo niyo.”
“Ay dapat lang, ang tagal-tagal ko na dito, dapat lang may mabuo na sila.”
“Nako, lolo baka naman ho mapressure ang mag-asawa sa inyo.” Saad ng Pinoy nars na si Joy.
“Ay, bakit naman maprepressure hindi ko naman sila kinukulit. Nandito ako sa America, samantalang sila nasa Pinas, sa bahay nil ana niregalo ko pa. Kaya umaasa lang naman ako na baka lang naman may mabuo na sila sa tatlong buwang pagkakalayo ko sa kanila.” Ani ng matanda na hindi napigilang ikailing at ikangiti ng mga nars na nasa loob.
“Oh siya, dapat lolo mas magpalakas pa po kayo bago kayo ilabas dito. Para talagang pagbalik niyo sa Pinas next week ey, mas ganahan silang bigyan ka na ng magandang balita.” Dagdag ng isa pang pinay na nars.
“Mabuti pa, tawagan mo na Eric si Pam sa bahay ngayon, pakisabi na sa susunod na linggo ang balik ko at gusto ko puntahan niya sa bahay nila ang kuya Primo at Ate Deiah niya para ibalita ito sa kanila.” Utos nito sa kaniyang personal bodyguard.
“Opo—”
“Ay teka, tsaka sabihan mo si Pam na magpapitas kay Mang Ernesto ng mga prutas sa farm, yung magaganda ang bunga lang saka ipadeliver sa mag-asawa.” Dagdag pa nito kay Eric.
Si Pam ang bunso nitong apo, ang nag-iisang kapatid ni Primo.
Agaran namang sinunod ni Eric ang ipinag-uutos ng amo sa kaniya. Tinawagan sa kabilang linya si Pam.
“Hi, Pamparampam!”
“Puwede ba kung wala ka namang sasabihing matino, papatayin ko na ito at sinasayang mo ang oras ko.”
“Te-teka! Ang lolo mo kasi, may pinapasabi.”
“What?”
“Sagutin mo na daw ak-“
“Hoy! Magunaw na ang mundo pero never ever kitang magugustuhan.”
“Ang harsh mo naman, as if naman type kita.”
“Abat—”
“Pinapasabi ng lolo mo, puntahan mo ang kuya mo sabihan mong uuwi na ang lolo sa susunod na linggo.” Walang kabuhay-buhay na saad ni Eric sa kabilang linya.
“Really?” Maririnig sa boses ni Pam ang pagkatuwa sa magandang balita.
“Oh, huwag ka naman pahalata masyado na gusto mo na akong makita.”
“Bwisit ka! Ang kapal mo.”
“Pinapasabi din ni lolo na magpaharvest ka kay Mang Ernesto ng mga prutas daw sa farm at ipadeliver sa mag-asawa.”
“Oo na. Wala ka na bang ibang sasabihin?”
“Hmmm—wala na bukod sa I miss you. Ikaw b---” Hindi na natapos pa ang sasabihin dahil naibaba n ani Pam ang linya. Tawang-tawa naman si Eric sa pang-aasar kay Pam.
“Anong sabi ng apo ko?” Tanong ni lolo Sebastian kay Eric na ngingiti-ngiti.
“Ah, okay daw po lolo. Siya nga pala, si Papa nagteks, nabili na daw po niya ang mga pasalubong na pinabibili niyo po.”
“Magandang balita iyan. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mag-asawang iyon at si Pam.”
“Kaya kailangan niyo pong magpalakas pang lalo ngayon lolo, para tuloy-tuloy na po ang pag-galing niyo at hindi na po ulit kayo bumalik dito.” Paalala ni Eric habang ipinagbabalat ang matanda ng mansanas.
“Aba’y siyempre. Ayoko na dito, pakiramdam ko nakakulong ako. Ni hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mga gamot sa paligid. Tsaka, manonose bleed ako dito sa mga kausap kong doctor araw-araw.” May pagreklamo nitong saad na ikinangiti na lang ni Eric.
“Hindi na ako makapaghintay na makasama ko ang apat kong mga apo.”
MABILIS na nakaalis si Pam sa bahay para puntahan nga ang kuya Primo nito at ang ate Deiah nito. Dahil hindi naman kalayuan ang bahay nito sa kanila ay sigurado siyang mabilis niyang mararating eto.At ilang sandali pa nga ay natatanaw niya ang malaking bahay. “Oh, si Ate Deiah iyon ah!” Bulong niya nang makita si Deiah na sumakay sa isang mamahaling kotse.“Wow it's a roll royce phantom VIII car? Shock! bigatin ang may-ari ng kotse.” Paghangang saad niya saka mabilis na napahinto. Mahilig at may alam sa sasakyan si Pam kaya marunong itong kumilatis pagdating sa mga ganitong klaseng sasakyan.“Pero sino iyon? Hindi kotse ni kuya, at mas lalong hindi kotse ng tatlong kuripot na ugok iyon.” Dagdag pa ulit niya na ang tinutukoy ay ang tatlong kaibigan ng kuya niya na sina Blue, Jette at Felix.Palaisipan man kay Pam, mabilis niyang itinabi na muna ang kotse saka lumabas.“Kung hindi sila, sino?” Pagtatakang tanong niya sa sarili. Pahakbang na siya nang mapansin naman niya ang iilang mga
NAPAPIKIT si Deiah nang makababa na siya sa mamahaling kotse. Tanaw nito mula sa kinatatayuan niya na ang malaking mansiyo at ang malawak nilang Villa hindi niya maiwasang mapaisip kung tama nga ba ang ginawa niya ngayon.Ang magbalik dito.Ngunit hindi na siya pwedeng umatras pa.Nandito na siya.Nagbabalik.“Maligayang pagbabalik sa inyo, Lady Nana.” Malugod na pagbati ng dalawang guardiya sa labas nang makilala siya at agarang yumuko na din.Bahagya namang nakaramdam ng kaonting pagkailang itong si Deiah, sa tagal niyang namuhay sa ibang lugar nakaligtaan niya na talaga ang buhay na nakasanayan niya nuon. Ang totoong siya, ang totoong pagkatao niya. Ang buhay na kinalakihan niya.Napabuntong hininga siya. Eto na ang magiging buhay niya ulit. Hindi malaya.“Lady Nana, may problema ho ba?” Tanong sa kaniya ng lalaking nagmaneho ng sasakyan.“No-nothing. Nanibago po siguro ulit ako sa paligid ko.” Sagot niya sabay ngiti.Habang pinagmamasdan niya ang kabuuang Villa, hindi pa rin mawal
SITTING in front of the dining table, Deiah just exhaled deeply.Her expression still conveys how annoyed she was when someone interrupted her earlier by entering her mother's room. Ipinatawag kasi sila ng madrasta niya para sa hapunan.Nang matanaw niya na ang amang papalapit sa kinalalagyan nila ay bahagyang napaangat ang isa niyang kilay. Mababakas na nito ang katandaan sa katawan ng kaniyang ama na may tungkod na hawak-hawak habang nasa likod nito ang butler na si Jo."Mukhang masamang damo nga talaga, matibay pa ang pangangatawan natin tanda ah?" Hirit niya na ikinatingin ng mga kapatid niya sa kaniya. Agad naman siyang binalingan ng tingin ng kaniyang ama pagkaupo nito. Hindi na bago sa ama nito kung paano manalita ang anak niya sa kaniya. Alam niya ang pinagkukunan ng galit nito sa kaniya kaya hindi niya masisi kung bakit ganito na lamang siya itrato."You've been away for years, and now you're wishing me to fall seriously ill. You're so thoughtful, my dear daughter!" Malapad
RAMDAM ng triplets ang lamig na bumabalot sa mga oras na iyon sa pagitan ng kanilang ama at ni Deiah. Kaya naman napatikhim itong si Sage senyales sa dalawang kalalakihan na basagin ang katahimikang bumabalot na sa paligid."Dad, I know she can do it. I’m sure she can surpass it in time. She needs some time and, of course, your trust." Jared said, giving his sister Deiah a wink."Oh, yeah! Wait, Dad! I just remembered something, Dad. Do you still remember Uncle's business in the Visayas region in Tacloban? The financial crisis they faced six years ago? That time, ey pinagbakasyon mo kami sa kanila because of your business trip in France. So, yes. Deiah proposed several effective control measures to survive, gladly nangyari naman and that's because of our pretty sister." Hirit nitong si Thyme na agad namang sinang-ayunan ng kapatid na si Sage at Jared."Oh, yes. I still remember that time. Uhugin ka pa nga noon Jared." Dagdag nitong si Sage na pinipigilang hindi matawa."You, shut up br
“PWEDE—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Maluha-luhang sambit ni Deiah habang pinakatititigan niya ang pangalan sa papel na pirmado na ng lalaking nasa harapan niya, si Primo Thompson, her husband. The perfect definition of a man para kay Deiah. He is one of the top richest, powerful and sexiest man alive ika nga ng lahat ng humahanga din dito.Sandaling katahimikan lang ang sumagot sa katanungan ni Deiah. Kaya naman marahan siyang napatingin sa labas ng bintana habang pasimpleng inaaliw ang mga mata sa paligid upang hindi tuluyang kumawala ang kanina pang mga luhang nagbabadyang bumagsak.Umaasa pa din kasi siyang magbabago ang isip ng asawa niya sa nagawang desisyon nito.“Pw-pwede—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Pag-uulit niyang muli sa tanong. Nagbabakasakaling masagot na nito sa pangalawang pagkakataon.“Grandpa is fine, we can stop this nonsense now” Madiing saad ng lalaking baritone ang boses.“Bu-but wha-what if malaman niya ito? Pr-Primo, ba-baka naman p-pwede pang
“ANO?” Gulat na saad ni Jette.“Are you serious?” Napalunok na tanong ni Felix sa kaharap nitong kaibigan.“Totoo?” Aniya ni Blue.Napatitig ang tatlong mga kaibigan nito kay Primo na kasalukuyang nilalaro ang kupitang may lamang alak sa kamay nito.“But why?” Sabay-sabay muling naitanong nang tatlo na nagkatinginan pa matapos.Agad namang napabuntong hininga si Primo, pagkatapos ay mabilis nitong tinungga ang lamang alak sa kupita at inilapag nito saka sila tiningnan.“Lolo is in America right now.”“And so?” Sabay-sabay ulit na tanong ng tatlo na ikinakunot no oni Primo.“t think he’s okay na and I don’t think na makakapag-hintay pa ako ng isa pang taon para makasama ko pa si Deiah.”“At ano namang plano mo kapag naaprobahan na?”“Teka, hulaan natin. Pakakasalan mo na si Atasha?” Kunot noong tanong ni Jette.“Walang masama kung pakakasalan ko, in the first place she's the one I should've married before."“Nadali mo Jette. So, for short kaya mo hihiwalayan si Deiah, because you plan