“ANO?” Gulat na saad ni Jette.
“Are you serious?” Napalunok na tanong ni Felix sa kaharap nitong kaibigan.
“Totoo?” Aniya ni Blue.
Napatitig ang tatlong mga kaibigan nito kay Primo na kasalukuyang nilalaro ang kupitang may lamang alak sa kamay nito.
“But why?” Sabay-sabay muling naitanong nang tatlo na nagkatinginan pa matapos.
Agad namang napabuntong hininga si Primo, pagkatapos ay mabilis nitong tinungga ang lamang alak sa kupita at inilapag nito saka sila tiningnan.
“Lolo is in America right now.”
“And so?” Sabay-sabay ulit na tanong ng tatlo na ikinakunot no oni Primo.
“t think he’s okay na and I don’t think na makakapag-hintay pa ako ng isa pang taon para makasama ko pa si Deiah.”
“At ano namang plano mo kapag naaprobahan na?”
“Teka, hulaan natin. Pakakasalan mo na si Atasha?” Kunot noong tanong ni Jette.
“Walang masama kung pakakasalan ko, in the first place she's the one I should've married before."
“Nadali mo Jette. So, for short kaya mo hihiwalayan si Deiah, because you plan to fix na the relationship you have with Atasha na naudlot nuon?" Paglilinaaw ni Blue na mabilis ikinatango ng ulo ni Primo.
“Tsk! Tsk! Kawawang Deiah.”
“So, paano na si Deiah? Paano ang lolo mo? Nakahanda ka na ba sa posibleng mangyari sa oras na malaman ng lolo mo? Naplano mo na din ba ang magiging outcome nitong gagawin mo ngayon?” Pag-uusisa ni Felix na may pagtaas pa ng isang kilay habang nakatitig sa kaibigang si Primo.
“Final destination—este final decision na ba iyan?” Dagdag ni Felix. Napabuntong hininga nang malalim si Primo saka tuluyang tinungga na ang alak ng natitirang laman sa bote.
“Ang heavy ng tanong mo Felix, gaanan mo lang at baka malaki ang malugi ko sa mga alak na pwedeng inumin pa niyang lalaki.” Aniya ni Blue.
“Ah, sige, sige. Ganito na lang, anong mangyayari kay Deiah after nito? Paano kong malaman ng lolo mo ito? Nakahanda ka ba sa posibleng mangyari sa oras na malaman ng lolo mo?”
“Pambihira, inulit mo na nga lang pinahaba mo pa iyang tanong. Ako na nga lang. Paano si Deiah, ang lolo pag-nalaman? Naplano mo na din ba ang possible mong gawin kapag nagkaalaman na?” Seryosong tanong ni Jette.
“Wala namang magagawa ang lolo sa oras na iharap ko na si Atasha bilang asawa ko na. At sa babaeng iyon? Bahala na siya sa buhay niya. Basta lumayo lang siya sa pamilya ko lalong lalo na kay lolo. Kung maaari bumalik siya sa kung saan siya dinampot ni lolo nuon.”
“Wow, ang tapang huh? Sana makita namin iyang tapang mo sa oras na magkaalamanan na.”
“Wala ka ba talagang naramdamang pagmamahal kay Deiah?”
“Look, alam nating lahat na wala akong gusto o nararamdaman sa babaeng iyon simula umpisa pa lang hanggang pinakasalan ko at ngayon. Alam nating lahat na kaya ko lang siya pinakasalan para hindi mapahiya ang pamilya ko sa ginawa niyang kalokohan. Lahat ng ginawa ko ay para maisalba ko ang pamilya, pangalan namin. Siguro, possible pang mahalin ko siya sa mga susunod kong buhay kung hindi niya lang ginawa iyon.”
“Pero, alam naman nating nagawa niya lang iyon dahil sa pagmamahal niya sa iyo.”
“Kaya inunahan niya na. Alam niyang plano kong magpropose nuon kay Atasha, kaya inunahan niya na ako. Hindi anghel ang Deiah na kilala niyo ni hind inga natin alam kung saan ba talaga siya nanggaling, basta na lamang siyang dinampot ng lolo at dinala sa bahay para palakihin at sirain ang buhay ko, gumising kayo. Maamo ang mukha lang nuon pero kayang kaya niyang baliktarin ang lahat masunod lang ang gusto niya.” Galit na galit na saad ni Primo.
“Naiintindihan ka naman naming, ang sa amin lang, ay baka mapagsisihan mo ang lahat ng iyan pagdating ng panahon.”
“Kailanman hindi ko pagsisisihan ang gagawin kong hakbang ngayon. Si Atasha ang mundo ko, at alam kong sasaya lang ulit ako, aayos lang ulit ang buhay ko kung makakasama ko na siya. Kung hindi niyo ako masusuportahan, ayos lang. Hindi lang naman ako ang kaibigan niyo, alam kong nahihirapan din kayo dahil kaibigan niyo din si Deiah, pero sana lang, sa pagkakataong ito masuportahan niyo man lang ako dito.” Saad nito bago tuluyang umalis bitbit ang isa pang bote.
“Oy—teka, iyong bot—” Hindi na nahabol pa ni Blue dahil sa bilis nitong maglakad palabas. Hindi naman mapigilan nang tatlo na magkatinginan saka mapatagay sa alak na nasa harapan nila.
Sa buong buhay nila ngayon lang yata sila nakaramdam ng bigat sa kalooban para sa kaibigang si Primo at kay Deiah.
“Paano na ito?” Napapailing tanong ni Felix sa dalawa.
“Wala naman tayong magagawa na eh. Kilala nating lahat si Primo, kapag napag-desisyonan na nito, tuldok na iyon. Bawal pakialaman na. Si Deiah naman, nagiging mahina kapag si Primo na ang pinag-uusapan.” Sagot ni Jette.
“What do you think, guys? Will she sign it?” Usisa ni Blue sa dalawa.
“Masyado nang malaki ang sugat na ginagawa ni Primo sa kaniya, kaya posibleng oo ang sagot.” Sagot ni Felix.
“Posible ding hindi, kilala natin si Deiah, hindi basta-bastang bumibitaw.” Sagot ni Jette.
“So, ang pwedeng sagot, oo at hindi? Ay, ang gulo niyo naman. Basta ako, maigi na lang na suportahan na lang natin kung anuman maging desisyon ng dalawa.” Sambit ni Blue na napapailing.
Ramdam nilang tatlo ang pagkadismaya sa ginawa ng kaibigan nito kay Deiah. Ngunit hindi din naman nila masisi si Primo.
“Kaya ayokong pinapapasok iyang si Primo dito eh. Parang hinihigop ang enerhiya sa munti kong tahanan pagnandito. Tingnan mo tuloy, para tayong halamang nalanta, kakaisip sa problema niya.” Saad ni Blue.
“Pero alam niyo sa totoo lang, gustong-gusto kong masagot ang katanungang matagal ng nagsusumigaw sa utak ko nuon pa man.” Sambit ni Blue.
“Ano iyon?” Tanong ni Felix at Jette.
“Gusto ko talaga malaman ku-kung saan nanggaling si Deiah. Kasi kung matatandaan natin, bigla na lang siyang dumating sa buhay natin, kay Primo nuong highschool tayo. At ni isa sa kanila ng pamilya niya o kahit si Primo ay walang nakakaalam sa totoong pagkatao nito kung hindi ang lolo lang nito? Siguro, for sure, kasi ito ang nagdala at nagpakilala eh. Pero kasi-- like, sino ang pamilya niya? Anong pinanggalingan niya? Sino ba talaga siya. Like, Deiah ba talaga ang pangalan niya? She was so special to lolo, to the point na mas pinili nitong siya ang pakasalan ni Primo kaysa kay Tasha na alam naman nating lahat na kalevel ng estado nila sa buhay. Di ba? Like, nagegets ko din naman si Primo kung bakit ganuon na lang din siya kay Deiah, tipong may hinala siya sa pagkatao nit—araaayy!” Napakamot sa ulo si Blue.
“Itikom mo na ang bibig mo, umaalingasaw ang baho.” Saway ni Jette
“Eh totoo naman, kahit kaibigan natin si Deiah, ni minsan wala siyang na-ikwento sa pinanggalingan niya.” Dagdag pa nito na ikinabuga sa hangin ni Jette. Hindi naman maiwasang mapatango si Felix, may punto din naman si Blue.
Sino nga ba talaga si Deiah Hannah Thompson?
SA huling pagkakataon, pinasadahan muli ng tingin ni Deiah ang kabuuang bahay na siyang nababalot na kalungkutan ngayon. Hindi niya pa din maiwasang mapangiti sa kabila nang nararamdamang kirot ng puso niya.Sa bahay na ito kasi nagsimula ang lahat para sa kaniya. Regalo eto sa kanila ng lolo ni Primo noong kasal nila. Dito niya sinimulan pangarapin na magkaroon ng munting pamilya kasama si Primo. Sa bahay na ito natutunan niya ang mga bagay na ni minsan ay hindi niya nagawa sa buong buhay niya. Sa bahay na ito sinubok ang tatag niyang mamuhay kasama si Primo. Sa bahay na ito nagsimula ang lahat at dito din pala matatapos.“Sigurado, ibibenta niya na ito.” Bulong niya sa sarili habang pinakatititigan niya ang kabuuang bahay dahilan para tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Mas lalo pa siyang naiyak nang matanaw niya ang malaking frame ng kanila wedding picture.“Sana, magawa ko pa ding ngumiti tulad ng Deiah na nasa larawang iyan matapos ang araw na ito.” Bulong niya sa sarili.Sa pag
MABILIS na nakaalis si Pam sa bahay para puntahan nga ang kuya Primo nito at ang ate Deiah nito. Dahil hindi naman kalayuan ang bahay nito sa kanila ay sigurado siyang mabilis niyang mararating eto.At ilang sandali pa nga ay natatanaw niya ang malaking bahay. “Oh, si Ate Deiah iyon ah!” Bulong niya nang makita si Deiah na sumakay sa isang mamahaling kotse.“Wow it's a roll royce phantom VIII car? Shock! bigatin ang may-ari ng kotse.” Paghangang saad niya saka mabilis na napahinto. Mahilig at may alam sa sasakyan si Pam kaya marunong itong kumilatis pagdating sa mga ganitong klaseng sasakyan.“Pero sino iyon? Hindi kotse ni kuya, at mas lalong hindi kotse ng tatlong kuripot na ugok iyon.” Dagdag pa ulit niya na ang tinutukoy ay ang tatlong kaibigan ng kuya niya na sina Blue, Jette at Felix.Palaisipan man kay Pam, mabilis niyang itinabi na muna ang kotse saka lumabas.“Kung hindi sila, sino?” Pagtatakang tanong niya sa sarili. Pahakbang na siya nang mapansin naman niya ang iilang mga
NAPAPIKIT si Deiah nang makababa na siya sa mamahaling kotse. Tanaw nito mula sa kinatatayuan niya na ang malaking mansiyo at ang malawak nilang Villa hindi niya maiwasang mapaisip kung tama nga ba ang ginawa niya ngayon.Ang magbalik dito.Ngunit hindi na siya pwedeng umatras pa.Nandito na siya.Nagbabalik.“Maligayang pagbabalik sa inyo, Lady Nana.” Malugod na pagbati ng dalawang guardiya sa labas nang makilala siya at agarang yumuko na din.Bahagya namang nakaramdam ng kaonting pagkailang itong si Deiah, sa tagal niyang namuhay sa ibang lugar nakaligtaan niya na talaga ang buhay na nakasanayan niya nuon. Ang totoong siya, ang totoong pagkatao niya. Ang buhay na kinalakihan niya.Napabuntong hininga siya. Eto na ang magiging buhay niya ulit. Hindi malaya.“Lady Nana, may problema ho ba?” Tanong sa kaniya ng lalaking nagmaneho ng sasakyan.“No-nothing. Nanibago po siguro ulit ako sa paligid ko.” Sagot niya sabay ngiti.Habang pinagmamasdan niya ang kabuuang Villa, hindi pa rin mawal
SITTING in front of the dining table, Deiah just exhaled deeply.Her expression still conveys how annoyed she was when someone interrupted her earlier by entering her mother's room. Ipinatawag kasi sila ng madrasta niya para sa hapunan.Nang matanaw niya na ang amang papalapit sa kinalalagyan nila ay bahagyang napaangat ang isa niyang kilay. Mababakas na nito ang katandaan sa katawan ng kaniyang ama na may tungkod na hawak-hawak habang nasa likod nito ang butler na si Jo."Mukhang masamang damo nga talaga, matibay pa ang pangangatawan natin tanda ah?" Hirit niya na ikinatingin ng mga kapatid niya sa kaniya. Agad naman siyang binalingan ng tingin ng kaniyang ama pagkaupo nito. Hindi na bago sa ama nito kung paano manalita ang anak niya sa kaniya. Alam niya ang pinagkukunan ng galit nito sa kaniya kaya hindi niya masisi kung bakit ganito na lamang siya itrato."You've been away for years, and now you're wishing me to fall seriously ill. You're so thoughtful, my dear daughter!" Malapad
RAMDAM ng triplets ang lamig na bumabalot sa mga oras na iyon sa pagitan ng kanilang ama at ni Deiah. Kaya naman napatikhim itong si Sage senyales sa dalawang kalalakihan na basagin ang katahimikang bumabalot na sa paligid."Dad, I know she can do it. I’m sure she can surpass it in time. She needs some time and, of course, your trust." Jared said, giving his sister Deiah a wink."Oh, yeah! Wait, Dad! I just remembered something, Dad. Do you still remember Uncle's business in the Visayas region in Tacloban? The financial crisis they faced six years ago? That time, ey pinagbakasyon mo kami sa kanila because of your business trip in France. So, yes. Deiah proposed several effective control measures to survive, gladly nangyari naman and that's because of our pretty sister." Hirit nitong si Thyme na agad namang sinang-ayunan ng kapatid na si Sage at Jared."Oh, yes. I still remember that time. Uhugin ka pa nga noon Jared." Dagdag nitong si Sage na pinipigilang hindi matawa."You, shut up br
“PWEDE—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Maluha-luhang sambit ni Deiah habang pinakatititigan niya ang pangalan sa papel na pirmado na ng lalaking nasa harapan niya, si Primo Thompson, her husband. The perfect definition of a man para kay Deiah. He is one of the top richest, powerful and sexiest man alive ika nga ng lahat ng humahanga din dito.Sandaling katahimikan lang ang sumagot sa katanungan ni Deiah. Kaya naman marahan siyang napatingin sa labas ng bintana habang pasimpleng inaaliw ang mga mata sa paligid upang hindi tuluyang kumawala ang kanina pang mga luhang nagbabadyang bumagsak.Umaasa pa din kasi siyang magbabago ang isip ng asawa niya sa nagawang desisyon nito.“Pw-pwede—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Pag-uulit niyang muli sa tanong. Nagbabakasakaling masagot na nito sa pangalawang pagkakataon.“Grandpa is fine, we can stop this nonsense now” Madiing saad ng lalaking baritone ang boses.“Bu-but wha-what if malaman niya ito? Pr-Primo, ba-baka naman p-pwede pang