author-banner
MariaLigaya
MariaLigaya
Author

Novel-novel oleh MariaLigaya

Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's

Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's

"Speaking, Mr. Thompson. What can I--" "I'm looking for my wife, Mr. Montevista. Is she with you, by any chance?" Hinaing nito sa kabilang linya dahilan para magngitngit nang galit lalo si Deiah sa narinig nitong salitang "wife" Ang lakas nga naman ng loob nitong tawagin siya nitong wife pagkatapos siyang pilitin nitong pirmahan ang papel na iyon. "Excuse me. Mawalang galang pero puwede bang piliin mo ang mga salita mo, Mr. Thompson. Ex-wife mo na ako ngayon. Hindi asawa." May diin sa tono ng pagkakasabi ni Deiah sa salitang "hindi asawa" habang ramdam niya ang pangangatog ng tuhod niya. Mas lumalakas na din ang kabog ng puso niya. "Totoo nga. Magkasama nga talaga kayo." Madiing sagot ni Primo, mahahalata sa boses nitong ang nagngingit nitong tono sa pagbitaw sa bawat salita. "Bakit hindi? Ikaw lang ba ang puwedeng humanap ng makakasama?" "Deiah!" Bulyaw ni Primo na halos hindi mapipinta ang mukha dahil sa madilim nitong awra. "I warn you, don't be hasty. Our divorce isn't finalized, we haven't received the certificate. Legally, you're still my wife. Consider the Thompson family's reputation and your dignity." Dagdag niya pang sabi kay Deiah.
Baca
Chapter: Kabanata LXVII
NAKAPAG-ARAL sa pinakamataas na akademyang militar sa bansa noong kolehiyo si Primo at nagsilbi sa hukbong sandatahan sa loob ng tatalong taon. Ngayon ay nasa mundo na siya ng negosyo, ang katawan niyang nakatago sa ilalaim ng mamahaling suit ay nanatiling matatag at matibay. Kaya't kahit malakas ang suntok sa kaniya ni Jared, bahagyang nagdugo lamang ang gilid ng kaniyang labi, ngunit hindi man lang natinag ang kaniyang matangkad at matipunong katawan. "Sh**! Another karibal sa pag-ibig." napamurang sambit nitong si Onyx sa isip, pero hindi niya magawang isigaw ito nang malakas. Galit na galit si Jared na sumugod kay Primo at muling sinusubukang suntikin si Primo, ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng lalaki. Mabilis at maliksi itong umiwas, parang isang bihasang mandirigma. "Primo, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Deiah?! Wala ka na ba talagang hiya?" Hingal na hingal si Jared, namumula ang kaniyang mga mata sa matinding galit. "Kapag may nangyaring masam
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: Kabanata LXVI
SA HOSPITAL, Walang nagawa si Deiah nang tuluyang dalhin siya sa ospital ni Primo. Kahit pa kasi siya magsisisigaw at magpupumiglas ay wala siyang kawala sa lakas ng lalaki kumpara sa lakas na meron lang siya bilang isang babae. Manghihina lang siya at mapapagod. Agaran siyang dinala sa loob ng silid-gamutan, habang si Primo at Onyx ay tahimik na naghihintay sa pasilyo. Kapwa kinakabahan sa magiging resulta, halos malunod ng limang minuto sa katahimikan ang paligid ng dalawa hanggang sa tuluyang basagin nitong si Onyx. "Tol, ang tindi mo talaga no? Hinila mo siya nang walang awa! Ang liit-liit kaya ng braso niya, paano niya kakayanin 'yon? Tsk..ano ba kasi ang iniisip mo, ha?!" Napabuntong-hininga si Onyx at umiiling, halatang hindi natutuwa saka napasandal. Ngunit sa halip na sagutin ang puna ni Onyx, malamig lang siyang tinitigan ni Primo. Ang malalim niyang mga mata ay nagdilim, at sa likod ng kaniyang matikas at maringal na mukha, may natatagong galit. "Pa'no mo nalaman kung
Terakhir Diperbarui: 2025-03-11
Chapter: Kabanata LXV
"DAM*! Primo, nasisiraan ka na ba ng bait?!" Halos lumuwa ang mga mata ni Onyx.Samantala, si Deiah ay namumutla, ang kaniyang manipis nang braso ay tila nakalaylay nang walang lakas sa kaniyang tagiliran. Butil-butil ang pawis sa kaniyang makinis na noo, ngunit kahit anong sakit ang nararamdaman niya, ni hindi siya umungol o lumuhod sa panghihina.Parang pinagsama sa isang eksena ang dalawang magkasalungat na mundo.Si Primo, malamig, malupit, at walang kontrol.Si Deiah, tahimik, matigas, pero litaw ang sakit sa anyo.Hindi makapaniwala si Primo sa nangyari.Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga daliri ni Deiah, pilit itong ginagalaw, ngunit nang maramdaman niyang mas lumakas ang panginginig ng baabe sa sakit, nanghina ang kaniyang tuhod at bahagyang umatras.Bahagyang bumukas ang kaniyang manipis na labi, tila gustong magsalita pero walang lumalabas na kahit isang boses."Mi-Miss Deiah, ang braso mo, s-sa tingin ko na dislocate. Dadalhin na kita sa ospital ngayon din."Halata ang pa
Terakhir Diperbarui: 2025-03-10
Chapter: Kabanata LXIV
"HUWAG mo na akong hintayin pa, masasayang lang ang oras mo." Direktang tinanggihan ni Deiah ang alok nitong si Onyx sa kaniya. "Hindi ako kakain kasabay mo." Napabuntong-hininga si Onyx, parang isang batang na disappoint. "Bakit ang tigas na yata ng puso mo ngayon? Isipin mo na lang na utang na loob mo 'to sa akin dahil tinulungan kita no'n sa bar. Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan kahit isang hapunan lang?" Bahagyang napataas ang kilay ni Deiah bago tumawa nang may panunuya. "Kung tama ang pagkakaalala ko, ang nagligtas sa akin no'n ay ang manloloko mong matalik na kaibigan. Hindi yata maganda na inaangkin mo ang kredito sa likod ng kaibigan mo." Biglang nagdilim ang mata ni Onyx, pero hindi agad nagpatalo. Pinagmasdan niya si Deiah, tinitigan ito nang malalim, puno ng matinding emosyon ang kaniyang makitid na mga mata. "Miss Deiah, may nagawa ba akong kasalanan sa'yo? Bakit hindi mo man lang ako mabigyan ng pagkakataon?" Dahan-dahan siyang lumapit, ang boses niya'y mababa a
Terakhir Diperbarui: 2025-03-10
Chapter: Kabanata LXIII
Habang nagsasalita pa si Primo sa kabilang linya, ay biglang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa loob ng restoran. Biglang naalala ni Onyx-ang babaeng dinala niya ay tiyak na hindi mananatiling tahimik. Isang maliit na puting kuneho at isang demonyo na ikinulong sa isang hawla ang kasalukuyang magkaharap ngayon-hindi ito magtatapos nang maayos! "Teka, saka na lang natin pag-usapan 'to! May su-sunog sa likuran ng bahay ko!" Napalunok siya, ramdam ang papalapit na panganib. "Hindi talaga uubra ngayon. Magkita na lang tayo bukas!" Agad na inihanda ang sarili, ngunit biglang bumaon sa kaniyang tenga ang malamig at malalim na tinig ni Primo, parang isang matalim na espada ang sumaksak sa kaluluwa niya. "Nasaan ka, Onyx?" Sa sandaling iyon, muling umalingawngaw ang isa pang sigaw-mas matinis, mas matindi kaysa sa nauna. "BRSOTEL! Western Restoran!" Mabilis na sambit ni Onyx saka agarang ibinaba ang linya. Agad siyang bumalik sa restoran, nagmamadali at halos hindi makahin
Terakhir Diperbarui: 2025-03-10
Chapter: Kabanata LXII
MAPANG-AKIT at may bahid ng kapilyuhan ang makikitid na mata ni Onyx. "Susunduin kita mamaya pag-out mo dito," bulong niya, puno ng tiwala sa sarili. "Sabay tayong kumain. Sabihin mo lang kung anong gusto mo, ako na ang bahala sa reservation, sagot ko na din ang bayad."Ngunit hindi natuwa si Deiah sa kaniyang kaswal na narinig. Bahagyang bumigat ang kaniyang kilay at lumabas ang inis sa kaniyang tinig. "May nobyo na ako, Ginoo." Madding sagot niya, isang palusot na akala niya makakatulong sa kaniya. Ngunit sa halip na umurong ang lalaki, lalo pang lumapad ang ngiti nito sa kaniya."Wala akong pakialam kung nagkaroon ka ng asawa noon, at lalong wala akong pakialam kung may nobya ka ngayon." Sa larangan ng damdamin, hindi kailanman nagkaroon ng kahihiyan itong si Onyx. Para sa kaniya, ang tanging mahalaga ay kung gusto niya ang isang babae o hindi-wala siyang pakialam kung tama o mali, kung bawal o hindi ang ginagawa niya."Kung natatakot ka, maaari naman tayong magtagpo ng nagtatag
Terakhir Diperbarui: 2025-03-09
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Baca
Chapter: Kabanata O6
MATAPOS maligo at magbihis, handa na si Tyler para sa hapunan. Nakabalot pa rin ang tuwalya sa kaniyang baywang na lumapit sa salamin upang pagmasdan sandali ang sarili. Ginulo niya ang kaniyang buhok gamit ang kaliwang palad at napabuntong-hininga."Siguradong hinihintay pa rin ako do'n..." bulong niya sa sarili bago muling napailing at napabuntong hininga na may inis.Mabilis siyang nakapagpalit ng kaswal na kasuotan, bumaba siya sa hagdanan at nagtungo sa silid ng mga bisita, kung saan naghihintay pa rin sa kaniya si Royce."Inakala kong umalis ka na matapos mong maghintay ng ilang oras sa akin." saad ni Tyler habang umupo naman sa tapat ni Royce at bahagyang itinulak ang lamesa. "Siguradong may nahain na para sa iyo. Pero ang tanong, ano nga ba ang nagdala sa aking karibal dito sa ganitong oras?"Mabilis namang ibinaba agad ni Royce ang cellphone na kanina pa niya tinitingnan at ngumiti ng mapanukso."Tinanggihan ko ang inihain nilang inumin," sagot niya kay Tyler. "So, kumusta an
Terakhir Diperbarui: 2025-03-20
Chapter: Kabanata O5
MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: Kabanata O4
SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: Kabanata O3
LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: Kabanata O2
NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: Kabanata O1
NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Anda juga akan menyukai
LET ME LOVE YOU
LET ME LOVE YOU
Romance · Vlademier Casilla
1.4K Dibaca
LIES AND LOVE
LIES AND LOVE
Romance · Tatiana Hatun
1.4K Dibaca
Bound To My Ex-Husband
Bound To My Ex-Husband
Romance · soxsaffi
1.4K Dibaca
Guns and Roses
Guns and Roses
Romance · ElleyziiBubble
1.4K Dibaca
My Boss was a Nerd
My Boss was a Nerd
Romance · SBS
1.4K Dibaca
The CEO's Forced Love
The CEO's Forced Love
Romance · LC Cross
1.4K Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status