SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.
“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.
“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.
Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.
“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.
“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.
Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang paboritong spot niya ang napunta sa kanya. Dito siya madalas mag-stay noong dalaga pa siya, dahil mas malapit ito sa kanyang trabaho kaya hindi na siya umuuwi sa bahay nila. Mukhang kahit papaano, hindi naman siya kinakawawa ng kapalaran. May habag pa rin ito sa kanya kahit papaano.
Napahiga siya sa kama saka ipinikit ang kanyang mga mata.
Mom, Dad—nakabalik na po ako sa resort na ito, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na masasabing atin pa rin ito. Patawad kung hinayaan kong mawala ito sa inyo. Patawad kung binalewala ko ang lahat dahil lang sa isang lalaki. Ipinapangako kong babawiin ko ang lahat ng nawala sa akin, bago pa man ako tuluyang makasama ninyo diyan.
Pasado alas-diyes na ng gabi, ngunit hindi mapakali si Lily. Hindi siya makatulog. Sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, muling bumabalik sa kanyang isipan ang panlolokong ginawa sa kanya ni Royce—tila isang bangungot na walang katapusan, isang traumang pilit na sumisira sa kanyang katauhan.
Lily, hindi ka puwedeng manatiling ganito. Kailangan mong bumangon para sa pagbabago.
Tandaan mo, bilang na lang ang panahon mo sa mundong ito. Sa halip na maglublob ka sa walang kwentang pagdadalamhati, gugulin mo na lang ang bawat natitirang sandali sa isang bagay na may kabuluhan—isang layuning mag-iiwan ng bakas sa mundong ito.
Agad siyang nagpalit ng damit at tinungo ang club hall sa resort. Kung mamamatay man ako ngayon, at least naranasan kong maging malaya at magsaya sa huling sandali ko.
Sa gabing iyon, nagpasya si Lily na isantabi muna ang lahat ng kanyang alalahanin. Sawa na siyang matali sa bigat ng realidad—kahit ngayong gabi lang, gusto niyang makalimot. Kaya’t umorder siya ng isang boteng whiskey at inihaw na baka, isang simpleng pagsasaya na matagal na niyang ipinagkait sa sarili.
Sa bawat lagok ng alak, unti-unting dumaloy sa kanyang katawan ang matapang nitong init, tila hinahaplos ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Nagsimulang dumoble ang kanyang paningin, naglaho ang malinaw na hangganan sa pagitan ng katotohanan at ilusyon. Pinilit niyang kusutin ang kanyang mga mata, pilit na binabalik ang pokus.
"Hindi pa ako lasing... nahihilo lang ako," mahina niyang bulong sa sarili, isang mapaklang ngiti ang lumabas sa kanyang labi. "Tama, Lily. Nahihilo ka lang. Hindi ka pa lasing." Ngunit kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, naramdaman niyang unti-unting nawawala ang kontrol sa kanyang katawan.
Nang maramdaman ang kirot sa kanyang pantog, nagdesisyon siyang hanapin ang banyo. Pasuray-suray niyang binaybay ang makipot na pasilyo, ngunit sa kanyang paningin, tila isang walang katapusang daan ito. Sa kanyang harapan, isang malabong anino ang gumagalaw—hindi niya alam kung totoo ito o likha lang ng kanyang malabong paningin. Napangiti siya.
"Guardian angel ko ata ito… Itinuturo niya ang tamang daan sa kaginhawaan," tatawa-tawang bulong niya sa sarili, pilit pinupunan ng katuwaan ang kanyang pagkalito.
Hindi nagtagal, sinundan niya ang anino papasok sa isang kwarto. Doon, bumagsak ang lalaking nauna sa kanya, walang malay, mistulang nilamon ng kalasingan. Napatawa si Lily habang pipikit-pikit pa niyang kinakapa ang pintuan ng banyo.
"Nako, hindi ka pa nakakaihi, bumagsak ka na," aniya, parang aliw na aliw sa nangyayari. Ilang minuto lang, nakaramdam siya ng ginhawa. Nakangiti siyang lumabas ng banyo, nanginginig pa ang kanyang katawan mula sa tama ng alak.
Ngunit nang matanaw niyang nakahandusay pa rin ang lalaki sa gilid ng kama, hindi niya napigilang lapitan ito. Hindi na rin malinaw ang kanyang nakikita, pero sapat ang kanyang ulirat upang abutin ang lalaki at pilit siyang itayo.
"Oh, ikaw na ang sunod. Ihi ka na," biro niya, hinahatak ito pataas.
Ngunit bago pa niya mapagtanto ang sumunod na nangyari, isang malakas na puwersa ang bumaligtad sa sitwasyon—isang iglap lang, bigla siyang natumba sa ibabaw ng lalaki. Ang init ng katawan nito ay dumampi sa kanya, at ramdam niya ang tibok ng puso nitong bumibilis kasabay ng kanya.
Nahihilo man at nakapikit ang kanyang mga mata, hindi niya napigilang hagurin ng kanyang mga daliri ang maamong mukha nito. Makinis ang balat ng lalaki, ngunit may bahagyang gaspang mula sa manipis nitong balbas. Isang mapangahas na ideya ang dumaan sa kanyang isipan—ano kayang pakiramdam kung marahan niyang idampi ang labi sa pisngi nito?
Napangiti siya sa sariling pag-iisip. Ano ba ‘tong naiisip ko? Lasing lang ako. Siguro.
Mabilis ang tibok ng kanyang puso, hindi niya alam kung dahil sa epekto ng alak o sa kakaibang init na nag-uumapaw sa pagitan nila. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pilit niyang inaalam ang kanyang kalagayan, ngunit isang pares ng mga matang malalim at tila punong-puno ng misteryo ang bumungad sa kanya..
Nagtagpo ang kanilang mga mata sa pagitan ng malamlam na ilaw ng silid. May kung anong mapanganib na ningning sa titig ng lalaki—tulad ng isang mandaragit na nakahanap ng biktima, ngunit sa halip na takot, ibang init ang gumapang sa katawan ni Lily.
Ngumisi ito, isang mapang-akit na ngiti na tila nang-aakit, nang-aanyaya. Bago pa siya makagalaw, hinapit siya nito sa bewang, isang mabilis ngunit malambing na kilos na nagbigay ng kilabot sa kanyang balat. Ramdam niya ang matigas na bisig ng lalaki, ang init ng palad nitong dumapo sa kanyang likod, pababa, hanggang sa maramdaman niyang dumampi iyon sa hubad niyang balat.
Sa gabing iyon, sa pagitan ng tama ng alak at ng di-inaasahang pagkakadikit ng kanilang mga katawan, isang bagay ang naging malinaw—hindi lang alak ang nagpapainit sa kanyang pakiramdam kundi ang bawat haplos sa kanyang balat, ang bawat buga ng hininga nito na dumadampi sa kanyang leeg.
Bumigat ang kanyang paghinga nang maramdaman niyang ang maiinit nitong labi ay dumampi sa kanyang punong-tainga, bahagyang nagtagal doon na parang sinusubok ang kanyang reaksyon. Isang masuyong dampi, ngunit may nakatagong alab na nagbigay sa kanya ng kilabot pababa sa kanyang gulugod.
Napakapit siya sa balikat nito, hindi sigurado kung para itulak o para pigilan ang sariling bumigay sa alon ng sensasyon.
"Gusto mo pa bang ituloy?" bulong ng lalaki, mababa ang tinig, bahagyang paos ngunit puno ng panunukso.
Napasinghap siya. Hindi niya alam ang sagot. Hindi niya na rin alam kung ito ba'y epekto pa rin ng alak o kung ito na ang katotohanan ng kanyang katawan—nagising sa isang matinding pagnanasa na hindi niya inaasahang mararamdaman.
Hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi, hinanap ang kanyang mga mata sa dilim.
"Sabihin mo kung gusto mong itigil ko," anito, ang tinig nito’y hindi lang puno ng pagnanasa kundi ng paggalang din sa kanyang sagot. Isang saglit ng katahimikan ang dumaan sa pagitan nila.
Isang saglit ng pag-aalinlangan. Lily, ngayong gabi lang naman, wala namang masama dahil wala ka ng asawa ngayon.
At pagkatapos—isang marahang pagtango mula sa kanya. Isang pagsuko. At sa gabing iyon, hindi lang alak ang tuluyang bumalot sa kanilang dalawa.
MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang
NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga
NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,
LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit

SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor