LUMIPAS
ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko.“Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.
“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.
“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natitirang panahon ko dito ay maisasagawa ko ang mga bagay na dapat no’n ko pa nagawa. Ang magkaroon ng tahimik na buhay, masaya, higit sa lahat ang mabawi ang lahat kay Royce.
“Miss, hatid na kita.”
isang pamilyar na boses dahilan para mapadilat siya.“Ikaw iyong--” naibulalas niya ng mamukhaan ang drayber.
“Ako nga hija, kumusta ka na? Nabalitaan ko sa doktor na ngayon ang labas mo kaya nagbakasakali akong mapadaan dito para kumustahin ka muna. Kumusta ka? Sigurado ka bang maayos na ang pakiradamdam mo?” nakangiting sambit sa kaniya, bakas sa mukha nito ang busilak na pusong taglay.
“Nako, maraming maraming salamat po sa kabutihang loob mo. Utang ko po sa inyo ang pangalawang buhay ko.”
nahihiyang sambit nito sa drayber.“Wala iyon hija, kahit sino pa man ang nangangailangan ng tulong nararapat na tulungan. Pauwi ka na ba? May susundo ba sa iyong pamilya mo? Kung wala ihahatid na kita kung pagkakatiwalaan mo ulit ako.” Aniya ng matandang drayber.
Pamilya? Wala na ako no’n. Napangiti si Lily saka tumugon ng tango. Hindi naman masamang pagkatiwalaan muli ang taong nagawang iligtas ang buhay niya. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan.
Hindi naman gano’n kalayo ang bahay niya sa ospital kaya naman naging mabilis lang ang biyahe.
“Maraming salamat ho ulit, sana sa muling pagtatagpo ang landas po natin para maibalik ko po sa inyo ang kabutihang nagawa niyo po sa akin. Habang buhay ko pong tatanawing utang na loob ang nagawa niyo po.” nakangiting saad niya saka iniabot ang hindi kalakihang halaga ng pera.
“Miss--” nanlaki ang mga mata sa gulat ng makita ang halagang iniabot ni Lily, isasauli sana niyangunit mabilis na tinanggihan agad ni Lily.
“Kulang pa po iyan. Mag-iingat po kayo lagi at pagpalain pang lalo ng nasa itaas. Nawa’y muli pong pagtagpuin ang landas natin para makabawi pa po ako sa inyo kahit konting tulong lang.” malapad niyang ngiting sambit habang nakasilip sa bintana ng taksi, hindi naman makapaniwala ang taksi drayber na halos maiyak sa tuwa.
“Napakabait mo, ipagdarasal kong gumaling ka hija. Isasama kita sa mga dasal ko. Napakasuwerte ng pamilya mo sa iyo. Maraming salamat dito, mag-iingat ka palagi. Hanggang sa muli.”
Isang malapad na ngiti lang ang iginawad ni Lily sa drayber bago tuluyang umalis. Suwerte nga ba ako sa pamilya ko ngayon? Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago niya tuluyang pagmasdan ang kabuuang bahay nila.
Sabado ngayon, kaya natitiyak ni Lily na nasa bahay ang asawa, napahimas siya sa kaniyang puso nang maramdaman na naman niya ang mabilis nitong kaba. Shit! Wag ngayon, kailangan kong komprontahin si Royce sa mga panloloko sa akin. Marami akong gustong itanong, maraming kasagutan ang gusto kong malaman, na dapat mapaghandaan ko.
May halong pagtataka sa isip ni Lily ng makapasok sa loob ng bahay. Hindi nakalock ang pintuan at wala din ang mga katulong. Nakakabasag ang katahimikan. Habang marahan niyang inaakyat ang hagdan hindi niya maiwasang kabahan. Parang may mali-hindi siya sanay sa atmosperang ito ng bahay. Ni minsan hindi hinayaan ni Royce na mawala ang mga kasama sa bahay, maging ang aso wala rin.
Hanggang sa pagbukas niya ng kanilang kuwarto, tumambad ang dalawang taong pamilyar sa kaniya. Napapikit pa siya sabay dilat sa pag-aakalang namamalikmata lang siya. Ngunit isang malaking katotohanan pala ang kaharap niya ngayon.
“Royce-hindi ka pa talaga nakuntento at tuluyan mo ng dinala ang babae mo dito sa pamamahay natin. At sa mismong kwarto pa natin.” Sigaw niya na ikinagulat ng dalawa dahilan para mabilis na mapabangon.
Gusto niyang umiyak hindi dahil sa nasaksihan na naman niya sa pangalawang pagkakataon pero mas nangingibabaw na ang galit sa puso’t isipan niya ngayon na siyang pumipigil sa mga luha niya, napakagat labi siya. “Kaya pala, kaya pala wala kang pakialam sa akin sa tatlong araw na pagkawala ko dahil nagpapakasasa ka sa buhay kasama ang kabit mo. Ni hindi ka manlang nag-alala sa akin kung napapaano ako sa tatlong araw na wala ako. Napakawalanghiya mo na talaga!”
Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang matapang siya dahil sa pagtatanggol niya sa sarili niya.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo, kung hindi mo maaatim ang mga nakikita mo sa paligid mo. Huwag ka na lang uuwi dito.” mariing sagot ng lalaki saka siniil ng halik si Jewel.
“Talaga, hindi na ako babalik dito. Magsama kayo ng higad na iyan.” Malinaw, matatag, walang alinlangan. Kinuha niya ang mga papeles sa drawer, pinirmahan ito nang walang pag-aalinlangan. Mabilis niyang sinunggaban ang kanyang maleta at tinungo ang closet room. Kinuha niya ang lahat ng mahahalagang bagay—mga credit at debit card, ilang alahas na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Wala na siyang pakialam sa mga maiiwan. Ang mahalaga, makaalis siya sa impyernong ito bago siya tuluyang malason.
Pero bago siya tuluyang lumabas, tumigil siya sa may pinto. Isang huling sulyap kay Royce at sa babaeng kasama nito.
Tatandaan ko ang sakit na ibinigay mo sa akin ngayon. At sisiguraduhin kong hindi ka sasaya hanggang kamatayan mo, Royce! Maaari mong isipin na ikaw ang nagwagi ngayon. Pero hintayin mo lang ang pagbabalik ko.
Dahil sisiguraduhin kong gagapang ka sa lupa at magmamakaawa sa akin...
SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor
MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang
NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga
NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,

LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit