Share

Kabanata O5

Author: MariaLigaya
last update Huling Na-update: 2025-03-12 13:02:32

MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.

Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.

Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.

Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.

Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang natigilan. Hindi... Hindi maaari...

Isang iglap, bumalik sa kanya ang alaala—ang aksidente sa mall, ang nabangga niyang lalaki noong kaarawan ni Royce, at ang matalim na tingin nitong hindi niya kailanman nakalimutan. Napatalon siya mula sa kama sa gulat saka mabilis na napahawak sa dibdib habang habol ang kaniyang hininga.

Mabilis siyang umatras na natataranta. Hindi, kailangan ko ng makaalis bago pa man siya magising!

Wala nang oras para alamin ang buong katotohanan. Wala nang oras para magtaka o maghintay. Ang tanging mahalaga ay makaalis siya bago pa magising ang lalaking iyon. Dali-dali niyang dinampot ang kanyang mga damit, nagmadaling sinuot ang mga ito, at walang lingon-likod na lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad nang mabilis sa pasilyo ng resort, hinahabol ang kanyang hininga, isang bagay lang ang nasa isip niya—masama itong napasok ko. Ahhh! Kung bakit mo pa kasi naisipang uminom kagabi alam mo namang mahina ka pagdating sa alak Lily, kung sana nagkape ka na lang naiwasan mo pa ito. Pero may magagawa pa ba? Nangyari na, mabuti na lamang hiwalay na ako sa asawa ko kung hindi-isang malaking kahihiyan ito at gulo. Aaaah! Lily, ang tanga mo. Gusto mo lang magpakasaya pero bakit humantong ka sa ganito pa. Napasandal na lamang sa pintuan si Lily pagkapasok sa kuwarto saka yinakap ang sarili.

Bumilis ang kanyang paghinga, para bang ang bawat pag-alala sa nangyari ay dagok sa kanyang isip. Pilit niyang itinaboy ang mga imahe sa kanyang utak—ang hindi pamilyar na silid, ang mainit na katawan na katabi niya kanina, at ang mukha ng lalaking iyon. Hindi ngayon. Hindi ko dapat isipin ‘to ngayon.

Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga mata at marahang hinilot ang sentido. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya maaaring mabuhay sa takot at pagkalito—hindi siya maaaring magpatalo sa ganitong sitwasyon.

Nagsisimula pa lang siya sa kanyang bagong buhay. Marami pa siyang kailangang gawin bago ang kanyang huling araw. 

Huminga siya nang malalim at unti-unting bumagal ang pintig ng kanyang puso. Nang sa wakas ay bumalik na sa normal ang kanyang paghinga, unti-unti siyang tumayo at naglakad patungo sa banyo.

Isang saglit siyang tumitig sa sarili sa salamin. Magulo ang kanyang buhok, namumula ang kanyang pisngi, at may bakas ng pagkalito sa kanyang mga mata. Kailangan kong maglinis ng isip... at katawan.

Binuksan niya ang shower, hinayaang bumagsak ang malamig na tubig sa kanyang balat.  

--

SAMANTLA, isang malakas na katok ang gumising kay Tyler, pilit niyang iminulat ang kanyang mata habang pupungas-pungas na iniunat ang buong katawan. Mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam, tila hinahatak siya pabalik sa higaan ng antok na hindi pa tuluyang nawawala.

Ipipikit na sana niyang muli ang kanyang mga mata, ninanamnam ang natitirang init ng kanyang higaan, ngunit muling bumakas sa kanyang pandinig ang isa pang sunod-sunod na katok—mas madiin, mas walang pasensiya. Napabuntong-hininga siya. Wala siyang nagawa kundi bumangon, kasabay ng pagbagsak ng kumot na nagsilbing panakip sa kanyang hubad na katawan. Napasinghap siya sa biglang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat, mabilis na dinampot ang kumot at itinapis ito sa kanyang baywang.

Napahilot siya sa sentido, ramdam ang hapdi ng bahagyang sakit ng ulo—isang hindi maikakailang paalala ng alak na nilunod niya kagabi. Pilit niyang inaalala kung anong nangyari, ngunit sa ngayon, isa lamang ang malinaw—may isang taong gigil na naghihintay sa labas ng kanyang pinto.

Agad niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon nang walang pag-aalinlangan.

“Woah!” Naibulalas ni Red, ang kanyang matalik na kaibigan, isang doktor sa isang sikat na ospital, sabay taas ng dalawang kamay na may nakakalokong ngiti. “’Tol, kailangan mo ba ng mas matinong tapis? O gusto mo talagang ipakita ‘yan?” biro nito, sabay sulyap sa kumot na bahagyang nakalugay sa kanyang baywang.

Napairap si Tyler. “Anong sadya mo?” tanong niya, halatang inis.

“Naabala ba kita?” singit ni Red, pilit iniiwas ang tawa. “O baka naman may chikas ka pa diyan sa loob? Mukhang nag-enjoy ka yata kagabi at nawala ka sa linya natin, ah! At mukhang nalipasan ka ng gising pa, ha! Hahaha!”

“Shut up,” malamig na sagot ni Tyler, umiling na lang siya bago tinalikuran ang kaibigan at muling tinungo ang kama. Napatingin siya sa paligid—walang ibang tao, walang kahit anong bakas ng presensya ng sinumang kasama niya kagabi.

“Sino na naman kaya ang mapalad na babaeng nauto mo kagabi?” patuloy na tukso ni Red habang nakasandal sa pinto, nakangisi pa rin.

Napakunot-noo si Tyler, saka muling napahilot sa sentido. Sandali siyang napatigil. Tila biglang lumamig ang pakiramdam niya.

Oo nga pala Napalunok siya. Nasaan na ang babaeng iyon?

“Oh, hayan.” Iniabot ni Red ang isang papel na nakasilid sa brown envelope.

“Ano ito?” tanong ni Tyler habang mariing tinitigan ang dokumentong nasa harapan niya.

“Ano pa? Eh di ang resulta ng check-up mo.” Sagot ni Red, sabay umupo sa tabi ng bintana at binuksan ang kurtina. “Mukhang malabo ka na talagang magkaanak. Pareho pa rin ang lumabas na resulta,” dagdag pa nito, may bahagyang pangungutya sa tinig.

Nanatiling tahimik si Tyler. Nakapako ang tingin niya sa papel na hawak. Tumigil ang mundo niya sa sandaling iyon. Parang hindi siya makahinga. Hindi siya makapaniwala. Papaanong nangyari ito? Wala sa dugo nila ang pagiging baog. Sa kanilang pamilya, ang pagpapatuloy ng lahi ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang responsibilidad.

Isang kahihiyan ito sa buong angkan niya kung lalabas ang balita at mapatunayan. Napakaraming doktor na ang kinausap niya. Pinag-aralan na niya ang lahat ng posibleng paraan. Ayaw niyang magpakasal, kaya't naisip niyang gumamit ng surrogacy—isang praktikal na solusyon sa kanyang sitwasyon. Ngunit kung siya mismo ang may diperensya, paano niya maisasakatuparan ang plano?

Hindi niya matanggap ang katotohanan. Isa siya sa mga sikat at matagumpay na negosyante, CEO ng isang Velroy Motors ngunit bakit kahit ang salaping meron siya ay wala ring magagawa para sa problema niya ngayon? Hindi maari. Hindi maaaring ito ang kanyang kapalaran. Napailing siya at marahang dinurog ang papel sa kanyang palad.

Kailangan kong magkaanak sa lalong madaling panahon,

bulong niya sa sarili, puno ng determinasyon at pag-aalala.

Napatingin sa kanya si Red, nakangisi. Anong plano mo ngayon.”

“Ulitin ulit natin. Hanggang sa tumugma sa inaasahan kong resulta,” aniya nito saka tumayo at kinuha ang tuwalya sabay diretso sa banyo.

“Paano kung pareho pa din ang resulta?” habol na tanong nito kay Tyler.

Habang naliligo, ramdam niya ang lagaslas ng tubig sa kanyang balat, pero hindi nito maibsan ang bigat ng iniisip niya. Pilit niyang gustong magpahinga kahit sandali mula sa stress na dala ng sitwasyon, pero sa halip, may isang alaala ang biglang sumagi sa kanyang isipan—ang babae kagabi.

Napahinto siya. Napakapit sa tiles ng banyo habang bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Naalala niya ang malambot nitong katawan na nakayakap sa kanya, ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang balat, at higit sa lahat, ang boses nito—ang bawat ungol na musika sa kanyang pandinig. Ibang-iba ang kanyang lasa—hindi tulad ng sinumang babaeng natikman niya noon. May kakaibang init at pang-akit itong hindi niya mawari. Parang isang lason na bumalot sa kanyang sistema at hindi niya magawang kalimutan.

Napakagat siya sa labi, pinigilan ang kilabot na gumapang sa kanyang katawan. Isang bahagi ng kanyang isip ang nagsasabing tapusin na ang alaala, ngunit may isang bahagi rin na gustong balikan iyon.

Bakit ganoon ang epekto nito sa kanya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O1

    NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O2

    NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O3

    LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O4

    SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor

    Huling Na-update : 2025-03-12

Pinakabagong kabanata

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O5

    MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O4

    SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O3

    LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O2

    NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O1

    NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status