Share

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire
Author: MariaLigaya

Kabanata O1

Author: MariaLigaya
last update Huling Na-update: 2025-03-12 13:00:04

NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.

“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.

Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.

Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.

Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.

Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”

Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-galaw man lang ng labi ay hindi nagawa, ni isang tungo bilang tugon ay wala.

Nakaramdam tuloy si Lily ng pagka-ilang bigla. Ang kaninang kamay niyang inihahanda sana niyang iabot upang makipag-kamay ay tila umurong at napatago na lamang sa likod niya.

Ramdam niya ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila sa bawat segundong tumatakbo, at malinaw na walang kahit anong sagot na manggagaling mula sa lalaki.

Ayaw niyang sayangin ang oras sa isang estrangherong hindi marunong tumugon ng oo o tungo man lang.

Sa huli, hindi niya na lang hinintay ang sagot at marahan siyang umatras ng dalawang hakbang bago tuluyang tumalikod.Tsss, ano bang problema niya? Humingi naman ako ng paumanhin ah.

Ngunit bago siya tuluyang makalayo pa papunta sa sakayan ay napansin niyang muli ang lalaki sakay sa loob ng isang itim na sasakyang padaan sa harapan niya ng marahan habang nakatingin ito sa kaniya . Saglit lamang ang sulyap, ngunit sapat na upang mapaisip siya. Bakit niya ako tinititigan nang gano'n? Kanina lang, hindi niya ako pinansin...

Umiling siya at inayos ang sarili at binalewala ang kaganapan.

“Focus lang sa goal mo today, Lily.” bulong niya sa sarili saka ipinara ang isang taksi at dali-daling sumakay. Habang nasa taksi, hindi nito mapigilang mapangiti habang pasimpleng sinusulyapan ang mga pinamili nito.

“Magugustuhan kaya niya?” tanong niya sa sarili kasabay ang malalim na pagbuntong hinga.

“Miss, saan po tayo?”

“Ahm, sa Aurum Luxe Corpo po tayo, please.” aniya nito saka binalingan ng atensyon ang tanawin sa labas ng bintana ng kotse.

Habang binabaybay ang daan, hindi niya pa din maintindihan kung bakit nananatili pa din ang kaba sa dibdib niya simula pa kanina ngunit hindi siya dapat magpadala dito-may mas mahalaga siyang dapat isipin muna.

Humigpit ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa yakap nitong paper bag.

Ngayong araw ay isang espesyal na araw para sa kaniya. Araw ng anibersaryo nila ng kanyang asawa—si Royce Salvador, ang CEO lang naman ng Aurum Luxe Corpo. Tatlong taon na silang kasal, at ngayong taon, nais niya sanang sorpresahin ito. Ilang buwan din niyang pinag-ipunan ang isang espesyal na regalo, isang bagay na siguradong magugustuhan nito-sana.

Matapos ang ilang minutong biyahe lang ay ibinaba na siya ng drayber ng taksi sa harapan ng malaking gusali, mabilis niyang inabutan ng bayad sa pamasahe ang drayber at nagpasalamat.

Habang nasa harapan siya ng gusali, isang hindi mapigilang ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. Bilang lang sa kamay niya kung ilang beses siyang nakapunta dito, hindi kasi siya hinahayaan ni Royce. Pero ngayon, lakas loob niyang susuwayin ito para sa sorpresang gagawin niya.

Hindi tuloy siya makapaghintay na masorpresa ang asawa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka nakangiting inayos ang sarili at ang mahaba nitong buhok na palaging nakatali lang.

Dire-diretsong naglakad si Lily papasok sa gusali hanggang sa makarating siya sa reception. Pinilit niyang ngumiti, kahit na may kaba siyang nararamdaman.

Uhm-magandang araw. Narito po ako para makita si Mr. Royce Salvador.”

Sandaling tumingin ang receptionist sa kanya bago marahang ngumiti. “Pasensya na po, Ma’am. May appointment po ba kayo?”

Napasinghap si Lily. “Ahm… wala eh, pero ako ang kanyang asawa. Pakisabi lang sa kanya—Liana May Salvador-Lily, Lily May.

Nagkatinginan ang mga receptionist, tila nag-aalinlangan sa kanyang sinabi. Muli siyang tiningnan ng babae sa harapan niya, ang ngiti nito’y unti-unting nawala.

“Pasensya na po, Ma’am, pero hindi po talaga kayo maaaring dumiretso kay Mr. Salvador. Kailangan po muna itong ipagbigay-alam sa Manager.”

Napakunot-noo si Lily. “Manager? Kailangan ko pang dumaan sa kanya? Hindi po ba normal lang na puntahan ko ang asawa ko?”

Sa halip na sumagot, muling nagpalitan ng tingin ang mga receptionist. Isang malamig na pakiramdam ang gumapang sa kanyang katawan—parang may mali.

Bago pa siya makapagsalita, isang babae ang lumapit mula sa likuran. Naka-brown na suit ito, pulido ang makeup, at may mapanuksong ngiti sa labi

"Asawa ni Sir

Royce?" Humalukipkip ito, bahagyang iniangat ang kilay. "Bakit ngayon ko lang nalaman ‘yan? Ikakasal pa lang si Royce ah.

Nanlaki ang mga mata ni Lily. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Miss, Pasensya na huh, pero maling asawa ata ang hinahanap mo dito.”

“Miss, kilala ko ang asawa ko, at totoo ang sinasabi ko.”

“Kung gano’n, may patunay ka bang maipapakita para mapagbigyan ka namin sa gusto mo?” taas kilay nitong tanong na siyang ikinalunok niya at ikinahigpit ng kapit sa bitbit niya.

Ramdam niya ang hagod ng mga tingin sa kaniya ng mga taong naroon sa paligid niya. Maging ang daliri niya sa kamay ay hindi pinalagpas ng mapanghusgang mga mata. Tss!

Oo nga pala, sa kamamadali hindi niya rin naisuot ang wedding ring niya. Gayunpaman, sa mga matang mapanghusga hindi magiging sapat na patunay iyon.

Simple lang ang suot niya, puting bestida na may simpleng burda, sneakers na puti at nakatali naman ang mahabang buhok.Sino nga bang mag-aakalang sa ganitong pananamit ay magiging asawa ako ni Royce, hays!

“FYI lang Miss huh, wala akong time na ubusin ang oras ko sa iyo, ikakasal na ang boss namin sa long time girlfriend niyang sekretarya niya, kaya huwag sanang ikaw at ang pagiging ambisyosa mo ang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang dalawa. Okay?”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya. Kamuntik pa niyang maibagsak ang bitbit niya. Pakiramdam niya naipako ang mga paa niya ng kusa sa kaniyang kinatatayuan, hindi siya makagalaw.

Long time girlfriend? Sino? Kalokohan?, naibulalas niya sa isip. Kaya ba hindi siya nito magawang papuntahin sa kompanya dahil matagal na siyang niloloko nito? Kaya ba hindi siya nito maisama-sama sa mga mahahalagang okasyon? Kung bakit mas gusto nito na maging isang simpleng maybahay na lamang siya at hindi na naisin pang magtrabaho pa sa kompanya nito dahil kasama nito ang babae sa kompanya?

Napakagat labi si Lily, saka pinilit na ikompos ang sarili sa dati nitong pag-iisip.

Hindi. Hindi ni Royce magagawa iyon sa kaniya. Hindi naman siguro gagawin ng asawa niya ito. Alam niya ang dahilan kung bakit mas gusto nitong manatili siya ng bahay, iyon ay dahil sa kagustuhan na nilang magkaanak at iyon ay kinakailangan niyang pagtuunan ng pansin, kailangan niya ang pahinga at makapagrelaks, malayo sa pagiging abala at pagod sa trabaho.

“Gano’n ba? Sayang naman, mukhang matagal pang mangyayari iyon hanggat hindi pa nakikipagdibursyo sa akin si Royce.” sambit niya na may ngiti, ngiting may kasamang kirot sa puso.

Mapanuksong ngumiti si Lily, “Mabuti pa, ihatid mo na lang ako sa kinalalagyan ng manager niyo ng makausap ko na siya.” Nagkatinginan muna ang mga ito bago siya samahan ng pilit ng isang dalaga.

"Sumunod ka—"

mataray nitong saad.

Gumamit sila ng elevator na nagdala sa kanila sa palapag kung saan matatagpuan ang tatlong pinakamahalaga at espesyal na opisina.

Habang nasa elevator sila, hindi mapigilan ni Lily na mapahimas sa dibdib-hindi niya mawari kung bakit ganito na lang katindi ang kabang nararamdaman niya. Aminado din siyang hindi na naalis pa sa isipan niya ang binanggit nitong nalalapit na kasal daw ni Royce sa sekretarya nito. Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko ang asawa ko sa sariling kompanya nito? Wala naman sigurong masama kung bibisitahin ko ang asawa ko at higit sa lahat ang sorpresahin siya.

"Sandali lang at kakatukin ko muna." wika ng babae habang papalapit sa opisina ng Manager.

Ngunit sa halip na maghintay, isang desisyong hindi niya inasahang gagawin ang sumilay sa isip ni Lily. Hindi niya kayang palampasin ang pagkakataong ito—ang pagkakataong makaharap ang taong nagbibigay ng matinding kaba sa kaniya ngayon.

Kaya bago pa man makapigil ang babae, mabilis niyang tinakbo ang pintuan ng CEO. "Ano'ng ginagawa mo diyan?!" sigaw ng nito sa kaniya ng mahuli siya, ngunit huli na ang lahat.

Nang mapagtantong hindi naka-lock ang pinto, agad niyang binuksan ito at isinara nang mariin bago pa siya mahabol. Doon, sa mismong opisina ng lalaking nangako ng habambuhay na pagmamahal, bumungad sa kanya ang isang tanawin na hindi niya kailanman inakala o pinangarap makita.

Nakadikit ang hubad na katawan ni Royce sa isang babae—sa kanyang sekretarya, si Jewel. Ang kamay nito'y nakalapat sa hubad na likod ng babae, habang ang kanilang mga katawan ay magkadikit sa isang hindi maikakailang kasalanan.

Nadulas ang bitbit mula sa kanyang mga kamay.

"Ro-Royce!!" Hindi niya matiyak kung narinig ng lalaki ang kanyang tinig, ngunit alam niyang nabanggit niya ang pangalan nito. Ang pangalan ng lalaking akala niya'y tapat sa kanya. Nagtaas ng tingin si Royce, ngunit imbes na mabahala, isang malamig na tingin ang ipinukol nito sa kanya.

"Bakit ka nandito?" malamig nitong tanong.

"Patawad po, Sir. Hindi ko ho alam na dito siya biglang

papasok..." nanginginig na wika ng babae na kakapasok lang mula sa likuran ni Lily na napapikit.

“Get out!” singhal nito sa babae na nagmadaling lumabas agad halos bumunggo pa sa pintuan.

Tila walang anuman naman kay Royce ang nangyari. Muli nitong binalik ang atensyon sa sekretarya, hinahapuhap ang katawan ni Jewel na tila ba’y walang taong nanonood sa kanila. “Siguro naman sapat na ang mga nakita mo para hindi ko na sagutin ang anumang gusto mo pang malaman.” aniya, hindi man lang nagtangkang takpan ang hubad niyang katawan. Sa halip, hinapit niya nang mas mahigpit pa lalo si Jewel. "Ang sarap ng sandali namin ng sekretarya ko, tapos bigla mo lang sisirain. Sa susunod, tumawag ka at sabihin sa akin na pupunta ka.."

Nalaglag ang panga ni Lily sa narinig.

"Kaya pala… totoo nga. Si-siya nga? Si-siya ba? Siya ba ang tinutukoy na pakakasalan mo?"

Napangisi si Julian, hindi man lang nag-abala na magpaliwanag. "Mukhang nabalitaan mo na din pala iyon.”

“Ro-Royce, may asawa ka ng tao. Pa-paanong--.” Namuo ang luha sa mga mata ni Lily.

“At sinong may sabi? At

paano mo inaasahan na ipapakilala kitang asawa ko? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?"

Ramdam ni Lily ang muling pagkapit ng sakit sa kanyang puso. Ngunit ang sumunod na sinabi ni Royce ay tuluyang bumasag sa kanyang natitirang dignidad. “Ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na, o baka gusto mong panoorin na lamang kaming matapos?”

Napasinghap si Lily. Ramdam niya ang mga matang tila nasusunog sa init ng kanyang luha. Ang hindi siya ipresentang asawa sa publiko ay isang bagay na matatanggap pa niya. Ngunit ang ipahiya siya sa ganitong paraan, ang bastusin siya—sa mismong harap niya, habang walang kahihiyan nitong ipinagkakaloob ang sarili sa ibang babae—ay ibang usapan.

Bakas sa mukha ni Jewel ang matinding kasiyahan, tila lalo pang nasisiyahan sa presensiya at ginagawa ni Royce sa kaniya. "Oh, babe.. Oh!..." Mahinang ungol ng babae habang bahagyang nakanganga, mahigpit ang pagkakapit sa mesa. Sulyap nitong puno ng pangungutya ang nagbigay ng matinding kirot sa puso ni Lily.

Sa sobrang sakit, hindi na niya namalayang nag-uunahang tumutulo na pala ang kanyang luha. Ang buong mundo niya, ang mga pangarap na itinayo niya kasama ang lalaking ito, ay bumagsak sa isang iglap. Hindi niya kayang panoorin ang ganitong eksena, eksenang ni minsan hindi ipinakita o ipinaramdam sa kaniya ng asawa niya.

Dahan-dahan niyang pinahid muli ang luha sa kanyang pisngi, pinulot ang nalaglag na dala niya mula sa sahig, at lumapit sa mesa. Marahang inilapag ito sa mesa, walang pakialam sa patuloy na malaswang tunog at nakikita sa paligid.

"Uuwi na ako."

Napangisi si Royce nang marinig nito ang sambit ng asawa, tila tuwang-tuwa sa kanyang reaksyon.

“Ngayong nasaksihan mo na, siguro naman magiging sapat na dahilan na ito para pirmahan na ang mga papeles ng diborsyo na nasa drawer ng office table ko sa kwarto. At kung hindi mo maaatim na maging laruan ko, makabubuting umalis ka na lang din sa bahay.” saglit siyang tumigil saka ngumiti ng mapanukso dahilan para magliyab ang katawan ni Lily sa init sa matinding  galit.

 Napuno ang kanyang dibdib ng hinanakit na hindi niya naisip na mararamdaman niya dahilan para muling dumagsa ang mga luha niya.

"Talaga!?" Nanginginig ang kanyang labi sa sakit. "Gusto mo akong hiwalayan? Paano naman ang kumpanyang ito na pinaghirapan nating maitayo?” Sa unang pagkakataon mula nang pumasok siya sa kwartong iyon, may bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Royce. Saglit itong napatingin sa kanya, ngunit agad ring bumalik sa kanyang dating walang pakialam na anyo.

"Hindi mo kailanman pinangunahan ang kumpanyang iyon, Lily." Bumuntong-hininga ito, saka muling itinuloy ang ginagawa. "Baka nakakalimutan mo sinagip ko ang pamilya mo mula sa papabagsak niyong kompanya, lahat ng nakikita mo ngayon, pinaghirapan ko na, tandaan mo pabagsak na ang kompanyang ito ng saluhin ko sa mga magulang mo. Kaya labas ka na sa anumang desisyon na meron  ako sa kompanya."

Napayuko si Lily-mariing pumikit. Pilit niyang nilulunok ang sakit, ngunit ramdam niya itong gumagapang sa buong katawan niya, unti-unting winawasak ang natitirang lakas niya.

Dapat ba siyang sumigaw? Dapat ba siyang lumapit at saktan si Jewel? O dapat ba niyang tanungin si Royce kung bakit? Ngunit wala siyang nagawa sa lahat ng mga katanungan sa isip niya.

Ang kaya lang niyang gawin ay tumayo roon, walang kalaban-laban, habang ang mundo niya ay tuluyang gumuguho.

Dahan-dahan niyang pinahid ang luha sa pisngi, pilit pinapatay ang huling bahagi ng kanyang damdamin para sa kanya.

Umatras siya, pilit nilulunok ang pait na lumulunod sa kanya. Sa huling pagkakataon, tiningnan niya si Royce— tumalikod at tuluyang lumabas ng opisina, iniwan ang mga luhang hindi niya naisip na ipagkakaloob pa niya sa taong hindi kailanman naging tapat sa kanya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O2

    NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O3

    LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O4

    SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O5

    MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang

    Huling Na-update : 2025-03-12

Pinakabagong kabanata

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O1

    NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status