Share

Kabanata O2

Author: MariaLigaya
last update Huling Na-update: 2025-03-12 13:00:11

NAGBUBULUNGAN

ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.

Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.

Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata? bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.

“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”

“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha dagdag pa ng isa, sabay irap.

Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.

Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya, masyado siyang nabulag sa paniniwalang mamahalin siya ng lalaking pinili niyang makasama.

Napabuga siya sa hangin saka napapikit na linanghap ang hangin pagkalabas sa malaking gusali.

Nanghihina siya,pinagpawisan ang kanyang mga palad kasabay nito ang pakiramdam ng isang tila may kung anong nakabara sa kaniyang puso na lalong nagpapasikip sa ginhawa niya ngayon.

Pinilit niyang inihakbang ang mga mabibigat niyang paa patungo sa loob ng sakayan ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ay tuluyan niya ng naramdaman ang matinding pagbigat ng dibdib niya hanggang sa tuluyang maging malabo ang paningin niya.

“M-Miss! Miss! Anong--nak ng-- sigaw ng drayber. Nako, masama ito,natatarantang  lumabas ng kotse ang drayber  nang makita ang biglang pagbagsak ni Lily sa bukana ng pintuan ng kotse.

Napapalunok na pinulsuhan nito ang walang malay na si Lily.

“Nako, delikado na ito.” aniya ng drayber matapos mapulsuhan si Lily, halos wala na siyang maramdamang pintig ng pulso kaya maging siya ay namutla. Nagpalinga-linga siya sa paligid at natitiyak naman niyang nakita iyon ng lahat ng mga taong naandon kaya walang masama kung tutulungan niya ang sana’y pasahero niya. Maingat ngunit mabilis niyang naipasok sa loob ng sasakyan si Lily saka nagmadaling umikot at  sumakay sabay paharurot sa sasakyan.

Sa loob ng emergency room, abala ang mga doktor at nars sa pagsisikap na maibalik ang kanyang malay. May mga tinig na nag-uusap sa kanyang paligid, ngunit parang nasa malayo ang mga ito. Ang ingay ng mga makina, ang paggalaw ng mga ilaw sa kisame—lahat ay tila panaginip na hindi niya kayang gisingan.

Ilang sandali pa ay naigalaw ni Lily ang kaniyang isang daliri sa kanang kamay hanggang sa unti-unti siyang makarinig ng mga boses.

“Nars Jane, nakausap mo na ba ang nagdala sa pasyente dito?”

“Wala ba itong ibang kasama? Kapamilya? Kaibigan?”

“Sa tingin ko wala naman po Doc.” mariing sagot ng nars habang napapasulyap kay Lily.

“Nako, kung ganiyan ang totoong kalagayan niya Doc, hindi siya maaaring basta-basta umalis na lang ng walang kasama.” pag-aalala ng isa pang nars habang napapasulyap sa kaniya.

Hanggang sa dahan-dahan niyang naimulat na ang kaniyang mga mata ngunit naging malabo ang paningin niya dahilan upang muli na naman niyang ipikit ang mga mata.

“Doc, ang pasyente nagising na po.” ngiting sambit ng isang nars.

“Naririnig mo ba kami?” mabilis na paglapit ng doktor sa kaniya. Napadilat si Lily ngunit muling napapikit ng mga mata ng makaramdam ng bahagyang kirot sa puso, naguguluhan man ngunit pinilit niyang ibuka ang bibig.

“N-nasaan ako?” wika nito sabay dilat.

“Nasa ospital ka Miss, dinala ka ng mabait na drayber dito.” mabilisang sagot ng nars na lalaki. Sa pagkakataong iyon, isang mapaklang guhit ng ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga labi. Kung gano’n nabigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay muli, ngunit bakit pa?

“A-akala ko katapusan na ng buhay ko.”

sambit niya na may kasamang paglunok ng malalim.

“Miss, masuwerte ka at may busilak na puso ang naghatid agad sa iyo kaya naagapan ka pa. Huminto ang pagpump ng dugo sa puso mo Miss, dahilan para mawalan ka ng malay.” paliwanag ng Doktor sa kaniya dahilan para mapakunot noo siya.

“A-ano pong ibig niyong sabihin?” nalilitong tanong nito na may kasamang pagkurap pa ng mga mata.

“Miss, huwag kang mabibigla pero mayroon kang sakit sa puso.”

“Ano!” napalakas ang boses niya

sa gulat kasabay ang  pilit na pagbangon ngunit mabilis ang kamay ng isang lalaking nars at napigilan siya.

“Miss, wala ka bang mga napansin na sintomas manlang bago ka atakihin ng sakit mo?” usisa ng doktor.

“Sin-sintomas?” napaisip sandali si Lily. “W-wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko, maliban lang kanina ng pasakay ako sa sasakyan.”

“Miss, sa kundisyon mo ngayon, masasabi kong nasa huling yugto ka na at kinakailangan mo na ng agarang gamutan kung gusto mo pang madug--madugtungan pa natin ang buhay mo.” sambit nito na may pag-aalala sa mga matang nakatitig kay Lily.

Bagsak ang balikat ni Lily sa kaniyang narinig, parang gumuho na ng tuluyan ang kaniyang mundo. Diyos ko po, ano pa bang sorpresa ang naghihintay sa akin? 

Nagpalitan ng tingin ang mga doktor, halatang bumibigat ang atmospera ng silid. Parang may kung anong hindi nila masabi, ngunit alam niyang may masakit na katotohanang naghihintay sa kanya.

"May ilang treatment na maaaring makatulong para mapabagal ang kondisyon," maingat na sabi ng isang doktor, ngunit ramdam ni Lily ang bigat ng susunod nitong sasabihin. "Pero sa kalagayan mo ngayon… isang heart transplant lang ang tanging paraan para mabuhay ka nang mas matagal."

Parang biglang nagdilim ang paligid. Nanuyo ang kanyang lalamunan.Heart transplant? Diyos ko, bakit ako pa po?

"Pero…" Nag-atubili ang doktor, kita sa mukha nito ang lungkot. "Napakahirap makahanap ng donor, lalo na’t hindi ka pa nakalista sa organ transplant registry at sa kundisyon mo ngayon, hindi ko masasabi kung aabot k-ka pa ng-- ng i-isang taon,kung-kung hindi maisasagawa ng agaran ito."

Napahawak si Lily sa dibdib niya. Sa loob-loob niya, parang may malalaking kadena na humihigpit sa paligid niya, isang mabigat na tanikalang unti-unting pumipigil sa kanya. Isang taon. Isang taon na lang? Bakit gano’n na lamang kabilis? Paano ang lahat ng plano ko? Paano na ang naisip kong planong gumanti? Paano ang buhay na ninakaw sa akin? Paano na ang kumpanyang naiwan sa akin ng mga magulang ko na ngayon ay ang asawa ko at ang kabit ang magpapakasasa na?”

Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay. Hindi niya namalayang bumagsak ang kanyang luha, tumutulo ito nang walang tunog sa puting kumot na nakatakip sa kanya. Ibinigay ko ang lahat. Lahat ng pagmamahal. Lahat ng tiwala. Lahat ng pangarap. Pero ano ang naging kapalit? Isang pagtataksil. Isang trahedya. Ngayon, sinasabi nilang may natitira na lang akong isang taon?

Hindi. Hindi ko hahayaang matapos ang buhay ko nang ganito. Hindi puwedeng mamatay na lang ako ng gano’n gano’n na lamang.

Pinahid niya ang luha at mariing pumikit, pilit na kinakalma ang sarili. Kung isang taon lang ang natitira sa akin, sisiguraduhin kong magiging bangungot ako ni Royce. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang bawat ginawa niyang panloloko sa akin ngayon.

“Malaking halaga po ba ang kakailanganin?” usisa niya sabay lunok. Napabuntong hininga naman ang doktor bago napatango.

“Maghanda ka lang ng kahit mahigit trente hanggang limampung milyon para sa operasyon kasama na do’n ang mga gamot at gamutan na kakailanganin mo matapos ang operasyon. Ang halaga naman ng operasyon iyon ay nakadepende lang din naman sa tindi ng pangangailangan mo.” Diyos ko po, saan ako kukuha ng malaking halagang kakailanganin para sa operasyon at paghahanap ng donor? Nalulunod na po ako sa mga sorpresang ito ngayon sa buhay ko. Sagipin niyo po sana ako.

“ Tandaan mo, kinakailangan mo ng ingatan ang puso mo. Iwasan mong mapagod, mag-isip ng kung-ano-ano o mastress, iwasan ang mga pagkaing makakapag-patrigger sa sakit mo. Iwasang magalit. Mas magiging maganda kung magiging bukas ang problema mo hija sa iyong pamilya, upang sa gayon ay maging magaan ito sa iyo na harapin at matulungan ka nila.” sambit ng doktor na may pagtapik ng marahan sa balikat ni Lily bago tuluyang umalis.

Naiwang tulala sandali si Lily, halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya. Si Royce, ang sakit niya at ang halaga ng perang kakailanganin niya madugtungan lang ang buhay niya ang tila bombang sumabog ngayon sa buhay niya.

Anong gagawin ko? Masyadong malaking halaga iyon at wala akong ganong hawak na pera na ngayon.

“Miss, after three days ka pa makakalabas kaya maaari mong tawagan na muna ang pamilya mo para ipagbigay alam ang nangyari sa iyo, para na din may mag-bantay.” mabilis na sambit ng nars na napadaan pa sa kuwarto niya para paalalahanan siya nito. Isang simpleng ngiti lang ang isinagot niya dito sabay buga sa hangin pagkalabas ng nars.

Pamilya? Meron pa ba ako no’n? Wala. Wala na ngayon, hindi ba? Sul-sol niya sa isip sabay sulyap sa kaniyang phone na nasa side table. Ilang sandali pa, sinilip niya ito at tulad nga ng inaasahan niya ni isang mensahe galing sa lalaking inaasahan niyang pamilya ay wala siyang natanggap.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O3

    LUMIPAS ang tatlong araw ngunit walang mensaheng natanggap man lang si Lily galing sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalong-lalo na kay Royce. Siguro pag namatay ako masuwerte ng may isang makikiramay sa puntod ko. “Miss, sigurado ka bang kaya mo na? Kailangan mo pa daw ang pahinga sabi ni Doc.” sambit ng nars.“Nako, ayos na ako. Baka pagnanatili pa ako dito ey lalo lang akong magkasakit sa isipin sa bayarin ko.” may pangiti niyang sagot sa mabait na naras, ang matiyagang nag-alaga sa kaniya sa loob ng tatlong araw sa loob ng ospital na ito.“Salamat sa malaking tulong mo.” aniya ni Lily. Buong lakas niyang ihinakbang ang mga paa niya palabas ng ospital. Sandali siyang huminto sa harap ng gusali at napasinghap ng sariwang hanging ng nakapikit ang mga mata. Wala ng isang taon ang buhay ko para makalanghap pa ng ganito kasarap na simoy ng hangin. Kaya dapat sulitin ko na ang bawat minutong inilalagi ko sa mundong ito. Hindi ko man kayang madugtungan pa ang buhay ko, at least sa natit

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O4

    SAKAY ng taksi, tinungo niya ang isang resort na dating pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Naibenta ito sa murang halaga ni Royce nang mamatay ang kanyang mga magulang—isang desisyong labis niyang pinagsisihan, lalo na't hindi niya ipinaglaban ang karapatan niya rito.“Miss, kailangan mo ba ng tulong?” tanong ng isang staff nang makita siyang nahihirapan sa malaking luggage bag.“No, thank you. Ayos lang ako.” may pagngiting sagot niya saka siya huminto at sandaling pinagmasdan ang resort.Malaki na ang ipinagbago nito. Mula sa dating makalumang disenyo, naging moderno na ito. Hindi naman siya nabigo sa kinalabasan—mukhang maayos itong naaalagaan ng bagong may-ari at may maayos na pamamalakad.“Miss, are you okay?” usisa ng staff kanina na ngayon ay pabalik na, muli kasi siyang natanaw nitong nakatitig sa kabuuan ng resort.“Ah-yes.” sagot niya saka niya sinimulang ihakbang ang mga paa hatak ang bagahe niya.Mabilis siyang nakapag-check-in, at ang mas ikinatuwa niya pa ay ang pabor

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O5

    MATAPOS iunat ang kanyang mga braso at binti, unti-unting iminulat ni Lily ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malambot na kutson, ang malamig na simoy ng aircon, at ang hindi pamilyar na kisame sa itaas. Napakunot ang kanyang noo.Muli siyang bumalikwas at inalog ang gilid ng kama, parang sinusubukang gisingin ang sarili mula sa tila panaginip. Anong-Hindi, panaginip lang ito. Ipinikit muli niya ang mga mata sa pag-aakalang babalik sa inaasahan niya ang lahat sa oras na dumilat siya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa buong kwarto, pilit inaalala ang nangyari. Ngunit bigla siyang napatingin sa isang katawan na nakahiga sa kama katabi niya.Diyos ko! Hindi nga panaginip. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Ilang saglit siyang natigilan, nanlalaki ang mga matang tinititigan ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog.Parang may kung anong pamilyar sa kanya ang lalaking iyon.Dahan-dahan siyang lumapit, pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha nito—at doon siya tuluyang

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O1

    NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga

    Huling Na-update : 2025-03-12

Pinakabagong kabanata

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O2

    NAGBUBULUNGAN ang mga empleyado nang bumukas ang elevator at lumabas si Lily. Namumugto ang kanyang mga mata, ngunit tuyo na ang mga luha. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis.Habang naglalakad siya patungo sa labasan, biglang natahimik ang mga tao sa paligid. Ngunit ilang saglit lang, muli silang nagtawanan, tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman.“Siya daw ang asawa, eh bakit kaya mugto ang mata?” bulong ng isa, na sinundan ng mahinang hagikhik.“Baka naman napahiya kasi guni-guni lang talaga niya iyon hehehe.”“Tingnan mo naman ang itsura niya kasi. Siguradong hindi siya ang tipo ni Mr. Royce, ang pakasalan pa kaya hahaha” dagdag pa ng isa, sabay irap.Hindi na sila pinansin ni Lily. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, hindi dahil wala siyang lakas, kundi dahil wala nang saysay pa.Sa tatlong taong pagsasama nila alam niyang may kulang at iyon ang pagmamahal na sana naramdaman niya sa asawa niya. Kung bakit nagpakatanga pa kasi siya,

  • Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire   Kabanata O1

    NANGINGINIG ang mga kamay ni Lily habang pinupulot ang mga nagkalat niyang pinamili. Halos sumabog ang puso niya sa kaba, hindi lang dahil sa kanyang natabig kundi sa matinding kahihiyan. Hindi niya akalaing sa pagmamadali niya ay may masasagi siyang ibang tao—at hindi lang basta tao, kundi isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na coat, parang isang taong hindi dapat ginugulo.“Nako po, pasensya na! Hi-hindi ko sinasadya,” paumanhin niya habang mabilis na dinadampot ang mga gamit sa sahig.Walang anumang sagot mula sa lalaki. Nang matapos niyang pulutin ang lahat, napilitan siyang tumayo at tingnan ito. Tahimik lang ang lalaki, nakatayo na parang estatwa, ang mukha’y walang kahit anong emosyon.Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Lily.Sanay siya na pinapansin ng ibang tao—pero ang estrangherong ito? Tila ba hindi siya kaharap.Sinubukan niyang ngumiti. “Pasensya na ulit, sir.”Ngunit nananatiling akatitig lang ito sa kaniya bago dahan-dahang umiwas ng tingin, ni pag-ga

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status