Share

Kabanata V

NAPAPIKIT si Deiah nang makababa na siya sa mamahaling kotse. Tanaw nito mula sa kinatatayuan niya na ang malaking mansiyo at ang malawak nilang Villa hindi niya maiwasang mapaisip kung tama nga ba ang ginawa niya ngayon.

Ang magbalik dito.

Ngunit hindi na siya pwedeng umatras pa.

Nandito na siya.

Nagbabalik.

“Maligayang pagbabalik sa inyo, Lady Nana.” Malugod na pagbati ng dalawang guardiya sa labas nang makilala siya at agarang yumuko na din.

Bahagya namang nakaramdam ng kaonting pagkailang itong si Deiah, sa tagal niyang namuhay sa ibang lugar nakaligtaan niya na talaga ang buhay na nakasanayan niya nuon. Ang totoong siya, ang totoong pagkatao niya. Ang buhay na kinalakihan niya.

Napabuntong hininga siya. Eto na ang magiging buhay niya ulit. Hindi malaya.

“Lady Nana, may problema ho ba?” Tanong sa kaniya ng lalaking nagmaneho ng sasakyan.

“No-nothing. Nanibago po siguro ulit ako sa paligid ko.” Sagot niya sabay ngiti.

Habang pinagmamasdan niya ang kabuuang Villa, hindi pa rin mawala sa alaala niya ang nakaraan. Hindi niya pa rin magawang makalimutan ang masasamang pangyayari sa buhay niya dahilan para sumama siya noon kay Lolo Sebastian.

At ngayong nandito na siya, nakahanda na nga ba siyang harapin ang nakaraang tinakasan niya noon?

“Tara na po. Naghihintay na po ang lahat sa pagbabalik niyo po.” Nakangiting sambit ni butler Jude. Napatango siya at napangiti dito saka napabuntong hininga. Wala pa ding pagbabago si Butler Jude, sobrang bait pa din nito sa kaniya. Natatandaan niya pa kung paano siya lagi ipinagtatanggol nito sa kaniyang ama.

"Matutuwa ang senior nito sa oras na makita ka niya." Saad ng butler sa mahinang boses na ikinangisi lang niya.

“Baka sa sobrang tuwa panggigilan pa ako sa galit, well-- wala na ngang atrasan ito Deiah.” Bulong niya sa isip saka tuloy-tuloy na humakbang papalapit sa malahiganteng pintuan.

Sa pagbukas ng malaking pintuan, sinalubong na agad siya ng grupo ng mga katulong na nakahati sa dalawang hanay habang nakayuko at binabati siya ng may galak. Napaangat pa ang isa niyang kilay nang mapansin ang pulang carpet sa gitna kung saan siya nakatayo. 

“Maligayang pagbabalik po, Lady Nana!” Sabay-sabay na bati sa kaniya ng mga katulong. Nana ang kinalakihan niyang tawag sa kaniya ng mga taong nakapaligid sa kaniya sa lugar nila. Pinaiksi sa kaniyang pangalawang pangalang Hannah.

“Salamat sa pagtanggap niyo ulit sa akin.” Aniya ni Deiah na nakangiti. Masaya siyang makita pa din ang mga taong pamilyar sa kaniya. Ngunit mabilis ding nawala ang ngiti nito nang matanaw niya sa dulo ng hanay nito ang mukha ng babaeng kinasusuklaman niya. Halatang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napatindig siya lalo saka napataas muli ang isang kilay. Kung gigil lang ang mapag-uusapan ay baka kanina niya pa ito nasakal. 

“Oh, my lovely daughter. Mas lalo ka yatang gumanda. Nako, salamat naman at nakabalik ka na. Kay tagal ka naming hinanap at hinintay ng daddy mo.” Ani nito na akmang yayakapain sana si Deiah ngunit mabilis itong nakaiwas. Makikita naman sa mukha ng babaeng madrasta ang pagkadismaya sa pagpapahiya nito sa mga nakapaligid sa kanila.

“I’m not your daughter.” Madiin na sambit nito sa madrasta.

“Ayos ah! Anong masamang ihip ng hangin kaya ang nagturo sa iyo para bumalik dito?” Saad ng babaeng nasa kabilang hanay. Pamilyar ang boses nito kaya mabilis niyang binalingan ng tingin.

“Galing lang naman sa bunganga mo ang masamang hangin. Thanks to you.” Nakangiting saad nito na may halong pang-aasar sa dalagang halos kasing edad niya at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa direksyon ng hagdan.

Sumatotal, may anim siyang mga kapatid, tatlong babae sa unang madrasta, at triplets namang mga lalaki sa pangalawa niyang madrasta.

Si Dahlia, Daisy at Daphne ang mga anak ng bruha niyang si tita Veronica sa daddy niya.

Habang sina Jared, Thyme at Sage naman ang triplets na anak ng pangalawa niyang madrast na si Tita Marigold sa daddy niya.

“Mo-mommy, na-narinig mo iyon? Binastos ako. P-pinahiya niya ako.” Hindi maipintang sumbong nito sa ina habang napapatingin sa mga katulong na nakayuko ngunit maririnig ang mahinang pag-ngisi ng mga ito.

“Mom!” Sigaw nito na ikinatingin naman ng masama sa kaniya ng kaniyang ina saka sinenyasang manahimik na lamang muna ito.

“Wala ka pa ring pagbabago. M*****a. Manang-mana sa ina.” Bulong ng madrasta habang sinusundan ng tingin ang dalagang kasalukuyang papalayo mula sa kanila.

Habang tinititigan niya ang papalayong bulto ni Deiah, hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit sa tagal na panahon nitong nawala sa buhay nila ay bakit bigla na lamang sumulpot at nagparamdam.

Hindi tuloy maiwasan ng madrasta na mabahala sa posibleng aksyon na gawin nito sa kaniya at sa mga kapatid nito sa pagbabalik nito.

Kung anuman ang dahilan, kailangan niyang malaman sa madaling panahon.

“Oh kayo, anong tinatayo-tayo niyo pa? Go back to your work. Mga ambsiyosang tamad.” Singhal niya sa mga katulong saka inayos ang sarili at sinundan si Deiah.

Habang binabaybay ni Deiah ang kabuuang bahay, hindi niya mapigilang maging emosyonal sa bawat parte nito. Hindi niya mapigilang balikan ang mga alaalang pansamantala niyang ibinaon sa limot.

Lahat ng bahagi ng bahay, tanging ang kaniyang ina ang nakikita niya. Lahat ng masasayang alaala kasama ang kaniyang ina ay nakikita niya.

Sandali siyang napahinto nang matapat siya sa silid ng kaniyang ina.

“Ay jusmeyo Nana, nandito ka pala. Nagulat naman ako. Nasa hardin ang triplets, medyo nainip sila sa paghihintay kaya ayon naisipang maglaro muna ng golf. Matutuwa iyon kapag--

"Kailan pa nilock ang pintuang ito?” Putol ni Deiah.

“Ah--eh. Natatandaan mo pa pala iyan. Iyan ang kuwarto ng namayapa mong mommy mo hindi ba? Eh, nuong nawala ka kasi, minabuti ng daddy mo na ilock na lang muna iyan alam mo na para iwas kamalasan este iwas takot na din sa mga taong nandito, lalo na iyong mga bagong katulong. Para na din, alam mo na, walang mawalang gamit diyan. Alam niya kasi kung gaano kaimportante ang lahat ng iyan para sa iyo. Kaya pinakainiingat-ingatan niya iyan sa lahat, sumunod ang kwarto mo na ayaw niyang padapuan ng kahit isang alikabok manlang kaya dalawang beses sa isang araw niya pinalilinisan iyan sa mga katulong. Para daw pagbalik mo ay malinis.” Saad nito sa likuran ni Deiah.

 “Siya nga pala, tawagin mo na lang ako kung may ibig kang gawin sa kuwar--.”

“Ang susi? Susi sa kuwarto na ito.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status