NANININGKIT ang mga mata ni Primo na nagpapalipat-lipat ng tingin kay Deiah at sa kasamang lalaki nito. "Sumama ka sa akin." Aniya ni Primo, akmang hahawakan na sana nito ang braso ni Deiah nang mabilis na tinapik ni Jared ang kamay nito, dahilan para mapaatras si Primo at magkasalubungan na sila ng tingin."Mr. Thompson, malinaw naman siguro sa iyo ang mga narinig mo. So please, leave us alone." Kunot noong wika ni Jared na no'n ay nagpipigil na ipadapo ang kamao niya sa lalaking kaharap ng kapatid niya."Ahh! So, may pinagmamalaki ka na nga talaga huh?" Napapatangong pangungumbinsi ni Primo sa sarili niyang tanong kay Deiah."At ano naman kung may ipinagmamalaki nga ako?" Madiing sambit ni Deiah na buong tapang nilalabanan ng kaniyang mga mata ang matalim na mga titig sa kaniya ni Primo."Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo ngayon?" Tanong ni Primo kay Deiah habang nakatitig dito."At sa tingin mo, tama din ba ang ginagawa mo?Unfair naman yata kung ikaw lang ang gumagawa ng apoy w
"HAPPY BIRTHDAY!" Six fireworks exploded simultaneously, forming two words in the sky."Oh, it seems someone's celebrating a birthday. I wonder who will be so happy to receive such a wonderful gift." Tasya feeling envious, sighed when he saw those words in the sky. Napakunot noo naman bigla si Primo nang marinig ang sinabi ni Atasha. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng isang coffee shop building, mula sa kanilang spot makikita mo ang napakagandang view mula sa ibaba hanggang sa matanaw mo ang mga nagtataasang buildings sa palibot ng shop na iyon at ang napakalawak na baybaying dagat sa di kalayuan.Napakunot noo si Primo nang makita iyon dahilan para may biglang kung ano ang sumagi sa isip niya."What date today?" Agad niyang tanong kay Atasha."Hmm, It's October 11--Why?" Nagtatakang tanong ni Atasha sa kaharap na napainum ng kape."No-nothing." Madilim ang mukhang sagot nito saka muling uminom ng kape.Might it be possible that these fireworks are intended as a birthday gift for Deia
LUMIPAS na ang limang araw ngunit hindi pa din maalis-alis sa isipan ni Primo ang mga nangyari sa gabing iyon. Maging ang trabaho niya ay naaapektuhan na, nahihirapan na siyang makapag-focus sa kaniyang trabaho sa pag-aalalang dumating ang kaniyang lolo sa linggong ito.Kaya naman hindi na siya nakapaghintay pa at ipinatawag niya na mismo sa kaniyang opisina ang private investigator na kaniyang kinuha para makibalita dito. Hindi kasi niya nagawang makipagkita no'ng Sabado dahil saktong dumating at nagpasama si Atasha na magsukat ng mga gowns na susuotin nito no'ng event no'ng paalis na siya."How's your investigation on Deiah?" Madiing tanong niya habang nakaharap sa french window type ng kaniyang opisina. Ang tindig ng kaniyang pangangatawan ay nababalot ng nakakatakot na awra dahilan para mapalunok ang private investigator na kasalukuyan namang nasa likuran niya."Sorry, Mr. Thompson, but still no progress ." Sagot nito na kinakabahang napapunas sa kaniyang pawis."Noong araw na um
HINARAP nang buong tapang ni Primo ang kaniyang lolo, ang kaniyang ama at ang personal na bodyguard nitong si Eric sa loob ng reception room habang si Atasha ay hindi naman hinayang makapasok pang tuluyan sa loob ng kompanya ng matanda. Sa galit at inis ay hindi nito naiwasang ikumpara sa isang kabit ang ginagawa nitong pagsalakay sa kinalalagyan ng kaniyang apo. Isang kabit na hindi dapat pag-aksayahan ng oras at karapat-dapat maging parte ng kaniyang pamilya."Sabihin mo sa akin, anong sadya ng babaeng iyon dito?" Malakas, may diing sambit nito dahilan para ibagsak ang tungkod nito sa harapan ni Primo. "Dad, kumalma po muna kayo."Aniya ng ama ni Primo kay Don Sebastian saka inalalayang makaupo at binigyan ng masamang tingin ang kaniyang anak na si Primo."Lolo, tapos na po ang tatlong kontrata ng kasal namin." "Anong ibig mong sabihing tatlong taong kontrata, Primo?""Lolo, you promised me before na kapag pumayag akong pakasalan si Deiah, kilalanin at pakisamahan sa loob ng tatlon
BLISSFUL RETREAT SOTEL NAGMISTULANG mga personal bodyguard ng magkapatid na Montevista ang mga senior executives na no'n ay nakasunod lamang sa kanila sa loob ng sotel. Akmang tutuloy na sana itong si Aevia pasakay sa elevator nang biglang tinawag ito ni Deiah, dahilan para lahat ay mapahinto nang may pagtataka. Maging si Jared ay napaisip sa kung anong binabalak ng kapatid niya. "May problema po ba?" Bulong ni Aeviah kay Deiah. "I want to go to the restaurant, first." Aniya ni Deiah sabay ngiti, sabay-sabay namang nagkatinginan ang mga senior executives nang marinig nila ang sinabi ng bagong general manager, mababakas sa kanilang mga tingin ang pagtataka. Tila ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na mas uunahing kumain ng general manager kaysa ang gawin ang trabaho nito. Walang kaalam-alam ang mga ito sa susunod na mga mangyayari. Mabilis naman siyang iginiya ni Aeviah patungo sa direksiyon ng restaurant. Ilang hakbang lang ay narating na nila ito. Napataas ang isang kilay ni
SA PAGBABALIK ni Aeviah, bukod sa bitbit nitong tubig para kay Deiah ay may dala ring balita para sa magkapatid."Lady Nana, following your instructions, I confirm that Haven Home Co. is our hotel's provider for bedding and certain furniture items. Mr. Lauro serves as the primary contact."Mapaklang natawa si Jared, " Oh haha! Haven Home Co.?" Aniya nitong nakatingin kay Deiah.Deiah's eyes narrowed, her slender legs crossed in a commanding pose."Get me a detailed financial report for the past two years. And sever ties with Haven Home Co., we're switching suppliers now.'""Woah! Mukhang mapapalaban tayo ah!" Wika nitong si Jared."Haven Home Co. is a company founded by Nyjah, the cousin of Primo Thompson." Naninigkit ang mga matang may diing sambit sa pangalan ng kaniyang asawa."Oh, paghihiganti para sa pansariling interes." Sabay pang napabigkas sina Jared at Aeviah habang napapatangong nagparinig sa kaharap na si Deiah."Excuse me, hindi. Alam ko na ang mga bagay na iyon ay sinady
MABABAKAS sa buong mukha ni Primo ang pag-aalala sa kaniyang lolo habang nasa labas ng pintuan kasama si Eric. Tinurukan kasi ng pampakalma ang matanda nang magkamalay ito kanina, dahil sa hindi mapigilan na pagwawala nito. Ayaw siya nitong makita hanggat hindi niya kasama si Deiah sa loob kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na humanap ng paraang kontakin si Mr. Montevista dahil sa paghihinalang baka nga kasama nito ang asawa. At hindi nga siya nagkamali, nakausap niya pa ito sa kabilang linya na tila may ipinagmamalaki na."Sir, tubig po." Pag-aabot ni Eric ng isang mineral bottle."Thank you." Kunot noo nitong sagot saka mabilis na kinuha at tinungga ang tubig."Sa tingin niyo po, dadating siya?" Tanong ni Eric."Kilala ko siya, hindi marunong sumira ng pangako lalo na kung pagdating kay grandpa." Madilim ang awrang sagot nito kay Eric na napatango naman.While Deiah swiftly reached Monte Vista Medical Center. Jared was eager to accompany her, but she declined because she avoi
ISANG MALAMIG na titig ang ipinukol ni Deiah kay Atasha na nakangiti ng wagas habang papalapit kay Primo.Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Atasha nang mahagip ng kaniyang mga mata ang katabi ni Primo, si Deiah. Nagtataka man ang mga titig niya sa kung bakit ito naririto ay mas binilisan pa niya ang paghakbang papalapit kay Primo ng nakangiti. "Why are you here?" Gulat na tanong ni Primo dito.Hindi pa man natatapos ang tanong ay naipulupot na nito ang mga kamay sa bewang ni Primo habang si Deiah ay napayuko na lamang. "Hmmm, nabalitaan ko ang nangyari kay lolo Sebastian. Bakit naman hindi mo agad sinabi sa akin? Para namang iba ako sa iyo. Magtatampo na pa naman sana ako sa iyo no'n dahil sa walang sundong dumating sa akin sa labas ng kompanya. Muntik na kami magpalit ni Manong guard ng mukha sa sobrang tagal. Kung hindi ko pa nakita si Patricia na bumaba hindi ko malalaman ang nangyari kay Lolo." Aniya nito na nangungusap ang mga matang nakatitig kay Primo."Ihina
NAKAPAG-ARAL sa pinakamataas na akademyang militar sa bansa noong kolehiyo si Primo at nagsilbi sa hukbong sandatahan sa loob ng tatalong taon. Ngayon ay nasa mundo na siya ng negosyo, ang katawan niyang nakatago sa ilalaim ng mamahaling suit ay nanatiling matatag at matibay. Kaya't kahit malakas ang suntok sa kaniya ni Jared, bahagyang nagdugo lamang ang gilid ng kaniyang labi, ngunit hindi man lang natinag ang kaniyang matangkad at matipunong katawan. "Sh**! Another karibal sa pag-ibig." napamurang sambit nitong si Onyx sa isip, pero hindi niya magawang isigaw ito nang malakas. Galit na galit si Jared na sumugod kay Primo at muling sinusubukang suntikin si Primo, ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng lalaki. Mabilis at maliksi itong umiwas, parang isang bihasang mandirigma. "Primo, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Deiah?! Wala ka na ba talagang hiya?" Hingal na hingal si Jared, namumula ang kaniyang mga mata sa matinding galit. "Kapag may nangyaring masam
SA HOSPITAL, Walang nagawa si Deiah nang tuluyang dalhin siya sa ospital ni Primo. Kahit pa kasi siya magsisisigaw at magpupumiglas ay wala siyang kawala sa lakas ng lalaki kumpara sa lakas na meron lang siya bilang isang babae. Manghihina lang siya at mapapagod. Agaran siyang dinala sa loob ng silid-gamutan, habang si Primo at Onyx ay tahimik na naghihintay sa pasilyo. Kapwa kinakabahan sa magiging resulta, halos malunod ng limang minuto sa katahimikan ang paligid ng dalawa hanggang sa tuluyang basagin nitong si Onyx. "Tol, ang tindi mo talaga no? Hinila mo siya nang walang awa! Ang liit-liit kaya ng braso niya, paano niya kakayanin 'yon? Tsk..ano ba kasi ang iniisip mo, ha?!" Napabuntong-hininga si Onyx at umiiling, halatang hindi natutuwa saka napasandal. Ngunit sa halip na sagutin ang puna ni Onyx, malamig lang siyang tinitigan ni Primo. Ang malalim niyang mga mata ay nagdilim, at sa likod ng kaniyang matikas at maringal na mukha, may natatagong galit. "Pa'no mo nalaman kung
"DAM*! Primo, nasisiraan ka na ba ng bait?!" Halos lumuwa ang mga mata ni Onyx.Samantala, si Deiah ay namumutla, ang kaniyang manipis nang braso ay tila nakalaylay nang walang lakas sa kaniyang tagiliran. Butil-butil ang pawis sa kaniyang makinis na noo, ngunit kahit anong sakit ang nararamdaman niya, ni hindi siya umungol o lumuhod sa panghihina.Parang pinagsama sa isang eksena ang dalawang magkasalungat na mundo.Si Primo, malamig, malupit, at walang kontrol.Si Deiah, tahimik, matigas, pero litaw ang sakit sa anyo.Hindi makapaniwala si Primo sa nangyari.Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga daliri ni Deiah, pilit itong ginagalaw, ngunit nang maramdaman niyang mas lumakas ang panginginig ng baabe sa sakit, nanghina ang kaniyang tuhod at bahagyang umatras.Bahagyang bumukas ang kaniyang manipis na labi, tila gustong magsalita pero walang lumalabas na kahit isang boses."Mi-Miss Deiah, ang braso mo, s-sa tingin ko na dislocate. Dadalhin na kita sa ospital ngayon din."Halata ang pa
"HUWAG mo na akong hintayin pa, masasayang lang ang oras mo." Direktang tinanggihan ni Deiah ang alok nitong si Onyx sa kaniya. "Hindi ako kakain kasabay mo." Napabuntong-hininga si Onyx, parang isang batang na disappoint. "Bakit ang tigas na yata ng puso mo ngayon? Isipin mo na lang na utang na loob mo 'to sa akin dahil tinulungan kita no'n sa bar. Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan kahit isang hapunan lang?" Bahagyang napataas ang kilay ni Deiah bago tumawa nang may panunuya. "Kung tama ang pagkakaalala ko, ang nagligtas sa akin no'n ay ang manloloko mong matalik na kaibigan. Hindi yata maganda na inaangkin mo ang kredito sa likod ng kaibigan mo." Biglang nagdilim ang mata ni Onyx, pero hindi agad nagpatalo. Pinagmasdan niya si Deiah, tinitigan ito nang malalim, puno ng matinding emosyon ang kaniyang makitid na mga mata. "Miss Deiah, may nagawa ba akong kasalanan sa'yo? Bakit hindi mo man lang ako mabigyan ng pagkakataon?" Dahan-dahan siyang lumapit, ang boses niya'y mababa a
Habang nagsasalita pa si Primo sa kabilang linya, ay biglang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa loob ng restoran. Biglang naalala ni Onyx-ang babaeng dinala niya ay tiyak na hindi mananatiling tahimik. Isang maliit na puting kuneho at isang demonyo na ikinulong sa isang hawla ang kasalukuyang magkaharap ngayon-hindi ito magtatapos nang maayos! "Teka, saka na lang natin pag-usapan 'to! May su-sunog sa likuran ng bahay ko!" Napalunok siya, ramdam ang papalapit na panganib. "Hindi talaga uubra ngayon. Magkita na lang tayo bukas!" Agad na inihanda ang sarili, ngunit biglang bumaon sa kaniyang tenga ang malamig at malalim na tinig ni Primo, parang isang matalim na espada ang sumaksak sa kaluluwa niya. "Nasaan ka, Onyx?" Sa sandaling iyon, muling umalingawngaw ang isa pang sigaw-mas matinis, mas matindi kaysa sa nauna. "BRSOTEL! Western Restoran!" Mabilis na sambit ni Onyx saka agarang ibinaba ang linya. Agad siyang bumalik sa restoran, nagmamadali at halos hindi makahin
MAPANG-AKIT at may bahid ng kapilyuhan ang makikitid na mata ni Onyx. "Susunduin kita mamaya pag-out mo dito," bulong niya, puno ng tiwala sa sarili. "Sabay tayong kumain. Sabihin mo lang kung anong gusto mo, ako na ang bahala sa reservation, sagot ko na din ang bayad."Ngunit hindi natuwa si Deiah sa kaniyang kaswal na narinig. Bahagyang bumigat ang kaniyang kilay at lumabas ang inis sa kaniyang tinig. "May nobyo na ako, Ginoo." Madding sagot niya, isang palusot na akala niya makakatulong sa kaniya. Ngunit sa halip na umurong ang lalaki, lalo pang lumapad ang ngiti nito sa kaniya."Wala akong pakialam kung nagkaroon ka ng asawa noon, at lalong wala akong pakialam kung may nobya ka ngayon." Sa larangan ng damdamin, hindi kailanman nagkaroon ng kahihiyan itong si Onyx. Para sa kaniya, ang tanging mahalaga ay kung gusto niya ang isang babae o hindi-wala siyang pakialam kung tama o mali, kung bawal o hindi ang ginagawa niya."Kung natatakot ka, maaari naman tayong magtagpo ng nagtatag
NANG sandaling iyon, agad na napansin ni Deiah si Onyx pagkapasoak pa lang ng hotel. Napasinghap siya nang bahagya, ngunit mabilis niyang itinago ang kaniyang gulat sa likod ng isang kalmadong ekspresyon. Tatlong taon na silang kasal ni Primo, ngunit para lamang siyang isang dekorasyon sa buhay nito-isang babaeng itinabi at kinalimutan. Hindi siya kailanman isinama nito sa mga okasyon, at lalong hindi siya ipinakilala sa kaniyang mga kaibigan. Gayunpaman, alam ni Deiah na ang matalik nitong kaibigan ay walang iba kundi si Onyx. Hindi niya nga lang kailanman naintindihan kung paano nagagawang maging magkaibigan ng dalawang lalaking iyon kung magkaiba naman ang dating ng ugali, ngunit isang bagay ang sigurado-parang magkapatid ang dalawa, at ang kanilang pagkakaibigan ay walang hanggan. Mabuti na lang at walang ibang empleyado sa restoran na posibleng makakilala sa kaniya sa mga sandaling iyon. Kung sakaling may lumapit at tumawag sa kaniyang Young Madam, o di kaya Ms. Hannah, tiyak
KINABUKASAN, dumating na ang bagong kutson. Sa sobrang tuwa ni Deiah ay sumama ito kay Aeviah at nagawang magtago pa sa likod ng pintuan para pagmasdan ang mga produkto. "Young Madam, hindi niyo na po kailangang gawin ito. Ako na po ang bahala at ang nakatoka po dito. Hayaan niyo na po kami dito, kaya na po namin ito. Masyado pong marami ito baka mapagod lang po kayo." Aniya ni Aeviah na nakangiti pa kay Deiah. Pasimpleng napangiti si Deiah. "Alam mo, kung pagod lang naman ang pag-uusapan. Kulang pa ang mga iyan para ikapagod ko. Nagawa kong labanan ang pagod ko sa ilang taong mag-isa lang sa buhay, nagawa ko ng humawak ng baril at makapagpapututok nito, nagawa ko ng magligtas ng mga sugatan no'n sa gitna ng digmaan, nagbuhat na ako ng mga sugatang sundalo at nakapagligtas ng daan-daang tao, ito pa kayang sisiw lang sa buhay ko? Paano ako mapapagod sa isang pagsusuri lang ng kutson, isa pa gusto ko makasigurado na sa ganitong sitwasyon ay hindi na tayo papalya. Huwag kang mag-alal
IT TURNED out that he knew it a long time ago. Bulong sa sarili ni Atasha saka sinundan ng mapaklang ngiti habang titig na titig kay Primo."S-so do-do you think I want to do that? Sa tingin mo ba ginusto kong gawin lahat iyon? Hindi mo ba naisip na ginawa ko iyon dahil lang sa lintik na pagmamahal ko sa iyo. This bullsh*t feelings that I have for you." Lumuwag ang pagkakunot ng noo ni Primo ngunit nanatiling malamig ang kaniyang ekspresyon, madalim na awra."Next time, you can talk to me directly when you're going through difficulties. As long as it does not harm others or yourself, I can help you. I don’t like our love being used for other motives, and I don’t like being deceived by the people close to me. You announced the marriage to save your business in this way. You took that opportunity to elevate your company’s name while the whole public feasted on our lives. I’m not blaming you, but I hope this doesn’t happen again."Aniya nito saka mabilis na umalis sa harapan ni Atasha n