MABABAKAS sa buong mukha ni Primo ang pag-aalala sa kaniyang lolo habang nasa labas ng pintuan kasama si Eric. Tinurukan kasi ng pampakalma ang matanda nang magkamalay ito kanina, dahil sa hindi mapigilan na pagwawala nito. Ayaw siya nitong makita hanggat hindi niya kasama si Deiah sa loob kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na humanap ng paraang kontakin si Mr. Montevista dahil sa paghihinalang baka nga kasama nito ang asawa. At hindi nga siya nagkamali, nakausap niya pa ito sa kabilang linya na tila may ipinagmamalaki na."Sir, tubig po." Pag-aabot ni Eric ng isang mineral bottle."Thank you." Kunot noo nitong sagot saka mabilis na kinuha at tinungga ang tubig."Sa tingin niyo po, dadating siya?" Tanong ni Eric."Kilala ko siya, hindi marunong sumira ng pangako lalo na kung pagdating kay grandpa." Madilim ang awrang sagot nito kay Eric na napatango naman.While Deiah swiftly reached Monte Vista Medical Center. Jared was eager to accompany her, but she declined because she avoi
ISANG MALAMIG na titig ang ipinukol ni Deiah kay Atasha na nakangiti ng wagas habang papalapit kay Primo.Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Atasha nang mahagip ng kaniyang mga mata ang katabi ni Primo, si Deiah. Nagtataka man ang mga titig niya sa kung bakit ito naririto ay mas binilisan pa niya ang paghakbang papalapit kay Primo ng nakangiti. "Why are you here?" Gulat na tanong ni Primo dito.Hindi pa man natatapos ang tanong ay naipulupot na nito ang mga kamay sa bewang ni Primo habang si Deiah ay napayuko na lamang. "Hmmm, nabalitaan ko ang nangyari kay lolo Sebastian. Bakit naman hindi mo agad sinabi sa akin? Para namang iba ako sa iyo. Magtatampo na pa naman sana ako sa iyo no'n dahil sa walang sundong dumating sa akin sa labas ng kompanya. Muntik na kami magpalit ni Manong guard ng mukha sa sobrang tagal. Kung hindi ko pa nakita si Patricia na bumaba hindi ko malalaman ang nangyari kay Lolo." Aniya nito na nangungusap ang mga matang nakatitig kay Primo."Ihina
ANG MATANDANG may sakit ay tila nabuhayan ng sigla nang matanaw ang bultong papasok. Isang malapad na ngiti ang ibinungad agad niya sa kaniyang grand-daughter-in-law.'Oh, apo ko. Hija." Naibulalas niya habang nakangiti ng malapad. Sa eksenang iyon pa lamang ay mabilis ng napalambot ang kaninang galit at matigas na puso ni Deiah. Parang otomatikong bumalik ang personalidad ng Deiah na kilala ng mga ito."Halika apo, dito ka maupo sa tabi ko." Wika ng matanda na may pagkampay pa sa kamay palapit sa kaniya habang pinipilit na bumangon."Nako lolo, huwag na po kayong bumangon. Hindi pa po kaya ng katawan niyo." Agad na lumapit si Deiah para tulungan sana ang matanda ngunit mabilis na itong nakaupo."Apo, ayos na ayos ang lolo. Kinagat lang ng langgam ang puso ko pero hindi naman dapat ipag-alala pa." Ani ng matanda na kinukumbinsi ang sarili na nasa mabuting kalagayan.Hindi mapigilang malungkot ni Deiah na makita ang matandang nakahiga sa isang ospital bed na kung tutuusin ay dapat malu
NAPAPADYAK ang mga paa at iritableng nagpapabalik-balik sa harapan ng pintuan si Atasha, mahigit kalahating oras na kasi siyang nasa labas lang at naghihintay na iluwa si Primo mula sa pintuang iyon. Sinubukan niyang pihitin ang door knob kanina sa yamot ngunit naka-lock ito dahilan para madagdagan ang isipin niya sa mga posibleng mangyari sa loob.Napahinto siya at napahilot sa kaniyang sintido. Aminado siyang hindi siya mapakali sa mga oras na ito. Kinakabahan siya."Relax Tash,." Kasabay ang malalim na paghinga. "You know how the old man operates. That old man can't hold Primo back forever, all you need is to hold Primo's heart tightly, which would be enough. Hanggang nasa saiyo ang puso ni Primo hindi siya basta-basta makukumbinsi ng matanda." Bulong niya sa sarili, batid niya no'n pa man ang pagkadisgusto ng matanda sa kaniya, sa pamilya niya kaya sigurado siyang gagawin ang lahat ng makakaya nito para hindi mapunta sa kaniya si Primo. Natitiyak niyang kung hindi siya kikilos, ma
NAPANGITI si Atasha nang marinig ang tunog ng pagpihit sa door knob, naisip niyang si Primo na ito at papapasukin na siya. Ngunit sa kasamaang palad, mabilis na napalitin ng inis ang mga ekspresyon ng mukha niya ng iluwa ang bulto ni Deiah sa pintuang iyon. At ang agad na nakapukaw ng atensyon niya ay ang ang bracelet nito na kumikintab sa ganda sa kamay nito.Hindi niya nakitang nakasuot ito ng papasok sa kuwartong iyon kanina kaya nakakasigurado siyang bigay ng matanda iyon.Napataas ang isa niyang kilay nang may maisip siya.Mabilis niyang sinalubong si Deiah at nang matapat siya dito ay nagpanggap siyang matitisod. Akmang hahawakan na sana niya ang kamay nito kung saan naroon ang bracelet na iyon ay siyang mabilis namang nailihis ni Deiah ang direksyon ng kaniyang paghakbang, na naging dahilan upang matuluyan si Atasha sa pagkakatalisod at pagkawalag balanse na ikinabagsak nito sa sahig.Sa lakas pa nga ng pagbagsak ang isa niyang kamay ang naidiin sa sahig na tuluyang ikinabasag
PRIMO approached Deiah with big steps."Is there any problem, Mr. Thompson?" Malamig ang mga matang nakatitig kay Primo. "Ah! I knew it." Napapatangong saad niya sa sarili. "Alam ko na. Kung nag-aalala pa din talaga si Ms. Dela Fuente sa kaniyang relos na nabasag, pakisabi na lang sa kaniya na huwag ng mag-alala at ako na ang bahala. Padadalhan ko siya ng isang trak na mga antique na relo bukas." Sambit niya saka tinitigan nito si Primo na sandaling napatulala.Sa mga oras na iyon, tila may sariling ring light ang ganda ni Deiah na hindi mawari ni Primo.Her attire accentuated her physique, while her long hair cascaded down, emitting a captivating fragrance with every gentle sway. Her naturally thin lips, now adorned with crimson lipstick, complemented her doll-like eyes and chocolate-brown irises, which mesmerized with their lengthy lashes, hinting at an understated elegance.Akmang tatalikod na sana si Deah nang bigla-bigla na lamang hawakan ang kaniyang kamay ni Primo."Mr. Thompso
NANG mahawakan ni Deiah ang manibela ng sasakyan gamit lamang ang isang kamay ay wala siyang pag-aalinlangang patakbuhin ito ng mabilis sa kalsada. Ganadong-ganado siyang sabayan ng kanta ang tugtuging paborito niya, ang "Crossing the Finish Line" isang track song ng anime na paborito niya. Sa mga oras na iyon, hindi siya natatakot na imbestigahan siya ni Primo.Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit ang isang lalaking nagtrato sa kanya tulad ng hangin at pinagtiisahan siya nang tatlong taon ay biglang na lamang naging kyuryos sa pagkatao niya ngayon, ngayon pang malapit na silang maghiwalay.Well, katulad ng inaasahan, ang mga lalaki nga naman ay pare-pareho. Lahat sila walang pagkakaiba.Kapag sinundan mo sila, kapag hinabol ng hinabol mo makakatanggap ka ng kasuklam-suklam na trato mula sa kanila, magmumukhang kaawa-awa. At kapag pinabayaan mo naman at itrato silang basura ay ikaw pa din ang magiging masama. Walang pinagkaiba.Bigla siyang napatingin sa salamin sa likod at
NAKALUBOG na si haring araw nang makarating ng mansyon si Deiah. Malapad ang mga ngiti nitong bumaba sa kaniyang paboritong motorsiklo, pakiramdam niya sa mabilis niyang byahe na iyon nailabas niya ang tatlong taong pagkakakulong niya sa boring na katauhan ng isang Deiah Thompson.Mabilis niyang ibinulsa ang susi ng kaniyang motorsiklo matapos niyang igarahe ito sa tabi ng mga nakahanay na magagarang sasakyan ng kanilang pamilya saka tinungo ang direksiyon ng likod mansyon upang duon na lamang dumaan.Sa maliwanag na dirty kitchen, natanaw na agad niya ang triplets, nakatunganga itong pinagmamasdan ang kawalan na tila ba'y malalalim ang iniisip."Oh manang, anong ganap po? Bakit nasa dirty kitchen ang tatlo? Anong nangyari po sa tatlong iyon? Bakit para yatang pinagsakluban ng mga kawali ang pagmumukha." Usisa niya dito sa babaeng nasa singkwenta na ang edad.Agad naman siyang nginitian nito. "Nako, malulungkot ang mga iyan at nagugutom.""Nagugutom? Sa dami ng pera ng pamilya, nagugut
MALAPAD NA NGITI ang isinalubong ni Eric sa mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ni Primo."Boss! Ano? Pinahirapan ka ba ni Ms. Hannah Montevista? Pumayag ba siya sa hiling mo? Boss-boss?" Agad na lumapit si Eric upang magtanong, ngunit napansin niyang masama ang itsura nito kaya napalunok na lamang ito ng lagpasan lang siya nito."Okay lang, pag-usapan na lang natin 'pag nakarating na tayo sa opisina," matipid na sagot ni Primo.Mabibigat ang bawat hakbang ng mga paa ni Primo habang naglalakad palabas ng malaking hotel. Muling sumakit pa ang kanyang ulo, ngunit hindi nito napigilan ang pagbabalik ng bawat salitang sinabi ng Hannah Montevista na iyon sa kanyang isipan. Nang marinig niya kasi ang pag-play ng recording kanina, ay para siyang naging isang malaking katawa-tawa sa harapan ng babaeng iyon.Akala niya’y inosente ang mga Dela Fuente, at ang lahat ng nangyari ay bunga lamang ng balitang pagpapakasal nila. Iniisip niyang ang Montevista Group ay sadyang gumamit ng paraan upang
ISANG malalimang hininga ang binitawan ni Primo. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, sanay siya sa malalaking eksena ngunit bakit ngayon ay bigla siyang nakaramdam ng kaba, dahil ba siya ang kauna-unahang CEO na makakakita ng tunay na anyo ng lehitimong anak ng Montevista? Pagkatapos ng dalawang katok sa pinto, narinig ang boses ng isang babae. "Pasok."Binuksan ni Aeviah ang pinto at gumawa ng kilos na tila sinasabing "mauna ka."Bahagyang gumalaw ang lalamunan ni Primo, tuwid ang kanyang likod habang ang mahahaba niyang mga binti ay nagsimulang humakbang patungo sa loob ng opisina.Sa mga sandaling iyon, sa silid sa isang tabi, si Deiah ay nakamasid sa eksenang ito nang may kasiyahan habang ngumunguya ng tsokolate sa harap ng screen ng kanyang computer.Habang ang nasa likod naman ng mesa, na kasing kinis ng isang lawa, ay nakaupo naman ang isang dalagang may kasuotang elegante, may mahabang buhok na nakalugay sa kanyang balikat, at may mukhang napaka-ganda at maingat na ayos.
AFTER persistent efforts, Primo finally secured an opportunity to meet Tang Qiaoer after his third visit to the company.Bagamat nanatiling kalmado ang kanyang seryosong ekspresyon, ang kanyang puso ay bahagyang nanginginig at hindi mapanatag sa hindi maipaliwanag na dahilan.Inihatid sila ni Eric ni Aeviah papunta sa elevator. Habang naglalakad, hindi nakaligtas sa mga babaeng empleyado ang kaakit-akit na anyo ni Primo, na naging sanhi ng lihim na mga titig at bulungan ng paghanga.Pagdating nila sa harap ng elevator, agad na pumasok si Eric at nang tatangkain na sanang pumindot sa button, ay siya namang bilis ni Aeviah na pigilan ito. Napakunot noo tuloy si Eric."I'm sorry, Sir. Pero po ang elevator na iyan ay eksklusibo para kay Miss Hannah at sa mga kapatid niya lamang po. Kailangan ninyong gumamit ng ibang elevator." Aniya ni Aeviah sa seryosong tono na ikinabagsak ng mga balikat ng dalawang kalalakihan."Tsk, ano ba naman ’yan," aniya ni Eric, sabay irap sa kawalang pasensya.N
KINABUKASAN, dumating si Primo sa hotel nang mas maaga kaysa inaasahan, ang kanyang determinasyon ay mas matindi pa kaysa dati. Sa isang kalmado ngunit matibay na tindig, nilapitan niya ang reception desk, inaasahan na ang hamon sa harap."Good morning, Sir Primo. I’m sorry, but Miss Hannah still cannot accommodate you today. She has a fully packed schedule." Agad na siyang sinalubong ng nakangiting si Aeviah."Good morning. I assumed as much. It seems Miss Hannah is exceptionally busy these days."Nagbigay ng magalang na tango si Aeviah, halatang hindi komportable ngunit matatag na naiparating ang kanyang mensahe. "I understand your concerns, sir, but we must adhere to her instructions. I can assure you we’ll notify you if there’s any change in her availability."Primo chuckled lightly, but there was an undeniable edge to his tone. "That’s quite thoughtful, but I believe I’ve made my intentions clear. If she won’t see me today, I’ll be here tomorrow. And the day after that. Every sin
NADATNAN ni Primo si Atasha na walang malay, hinimatay ito sa kalagitnaan ng kanyang pagwawala dahil sa mga negatibong komento na natatanggap mula sa mga tao."Kumusta siya, Doc?" tanong ni Primo, bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata."Ayos na siya ngayon. Kailangan lang niya ng oras para makapagpahinga," sagot ng doktor habang inaalis ang kanyang stethoscope."Primo, maraming-maraming salamat sa pagpunta mo. Hindi na namin alam ang gagawin, nagkakagulo na. Ang totoo niyan, nakisuyo ako sa kapatid ko, kay Carmela, na puntahan ka para kausapin tungkol dito. Hindi kami makalabas; maaga pa lang nagkakagulo na ang mga reporters sa labas ng bahay, dahilan para lalong mag-panic si Atasha. Kilala mo naman ang anak ko, ayaw na ayaw niya ang napapahiya siya," sabi ng ina ni Atasha, halata sa kanyang mga mata ang halo-halong emosyon—pagod, takot, at pag-aalala."Huwag po kayong mag-alala, gagawan ko ho ito ng paraan. Sa ngayon, mas mabuti po munang manatili kayo sa loob ng bahay. Alam kong
SANDALING ipinikit ni Primo ang kaniyang mga mata, pilit na binabalikan ang malabong larawang tumatak sa kaniyang isipan. Hindi niya maalis ang katanungan sa sarili—bakit tila may kakaibang koneksyon siya sa batang iyon? Bagamat malabo ang larawan, may pamilyar na bagay tungkol dito na hindi niya maipaliwanag."Boss, nasa kabilang linya po si Ms. Atasha," ani Patricia, na agad nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.Mabilis na inayos ni Primo ang kaniyang pagkakaupo, sabay sapo sa noo na para bang sinusubukang burahin ang bigat ng iniisip. Napalitan ng pag-aalala ang mga tanong sa kaniyang isipan nang marinig ang pangalan ng kasintahan."Sige, sagutin mo," utos niya kay Patricia, ang boses ay mahina ngunit matatag. "Sabihin mong pupuntahan ko siya kaagad."Habang pinapanood niya ang assistant na inaasikaso ang tawag, mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan mula sa mesa. Wala nang ibang mahalaga sa ngayon kundi ang makita si Atasha at malaman kung ano ang nangyayari. Pipindutin na sana
ANG tahimik na opisina ni Preston ay biglang napuno ng tensyon nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Carmela, ang kanyang presensya ay tila nagpapabigat sa hangin, nagulat sa pagdating ng babae."What are you doing here? Baka makita ka ng anak ko? Baka magawi si Olivia dito." Ang kanyang boses ay mababa ngunit madiin, halatang pinipilit maging kalmado. Ang kanyang mga mata ay mabilis na tumingin-tingin sa paligid, tila naghahanap ng sinuman na maaaring makakita sa kanila.Ngunit hindi alintana ni Carmela ang pag-aalala nito. Sa halip, lumapit siya at lumingkis sa bisig ng lalaki, ang kanyang kilos ay puno ng kasiguraduhan at tila hindi naiilang sa sitwasyon. "Wag kang mag-alala, may lusot na ako diyan. Hindi ko lang matiis na hindi ka makita at mayakap."Agad siyang yumuko upang halikan si Preston, ngunit bahagya itong umiwas, marahan ngunit madiin niyang inilayo ang babae mula sa kanyang katawan saka tumayo. Ang kanyang ekspresyon ay nanatiling seryoso, habang ang kanyang tinig
"HANNAH Montevista?" Isang pangalan—Hannah Montevista—ang paulit-ulit na umiikot sa kanyang utak. Parang narinig niya na ito dati, ngunit hindi niya matandaan kung saan o kailan.Habang pinipisil ang kanyang mga kilay, nagsalita siya nang mahina, parang nagbubukas ng pinto sa isang madilim na kwarto ng nakaraan."Hannah Montevista... Parang narinig ko na ang pangalang 'yan dati." Ang tono ng kanyang boses ay puno ng pagdududa, halos isang bulong na naglalaman ng mga tanong na hindi matukoy. Sa loob ng kanyang utak, ang pangalan na ito ay nagsisimulang magbukas ng isang tila malabo at nakakabagabag na alaala, ngunit hindi pa ito buo, at ang sagot ay tila nakatago pa."Nag-imbestiga ako nang masusi tungkol sa Miss Montevista na 'yan, Boss."Inisip ni Primo na sa wakas ay nagkaroon ng tamang pag-iisip ang sekretaryo niyang madalas palpak sa lahat ng bagay. Inisip niyang marahil ay napag-isipan na nito ang mga susunod na hakbang, kaya’t ang kanyang mga mata ay kumislap sa kasiyahan."Ano
Kinagabihan, nang oras na pinakaabala ang internet—ang sandali kung kailan gising ang karamihan, nakatutok sa kani-kanilang screen—isang tahimik na balita ang biglang sumingaw. Walang anunsyo, walang pasakalye, ngunit sa loob lamang ng wala pang isang oras, ang simpleng ulat na ito ay naging sentro ng usap-usapan sa lahat ng social media.BRS Nag-terminate ng Kontrata sa Haven Home Co. dahil sa DelaFuentech Raw-M?Manila, Pilipinas – Opisyal nang tinapos ng BRS Group ang kanilang kontrata sa Haven Home Co., ang supplier ng mga produktong ginagamit sa kanilang mga hotel branches.Ang desisyon ay iniulat na bunga ng hindi sapat na kalidad ng mga materyales mula sa DelaFuentech RAW-M, na siyang pangunahing supplier ng Haven Home Co. Ang mga materyales na ito ay nagdulot ng paulit-ulit na problema sa produksyon at operasyon, na hindi lamang nakaapekto sa Haven Home kundi pati na rin sa mga proyekto at serbisyo ng BRS.Ayon sa tagapagsalita ng BRS, ang kanilang pasya ay hakbang upang masig