Share

Kabanata XXVII

Author: MariaLigaya
last update Huling Na-update: 2024-11-28 23:16:11
NAKALUBOG na si haring araw nang makarating ng mansyon si Deiah. Malapad ang mga ngiti nitong bumaba sa kaniyang paboritong motorsiklo, pakiramdam niya sa mabilis niyang byahe na iyon nailabas niya ang tatlong taong pagkakakulong niya sa boring na katauhan ng isang Deiah Thompson.

Mabilis niyang ibinulsa ang susi ng kaniyang motorsiklo matapos niyang igarahe ito sa tabi ng mga nakahanay na magagarang sasakyan ng kanilang pamilya saka tinungo ang direksiyon ng likod mansyon upang duon na lamang dumaan.

Sa maliwanag na dirty kitchen, natanaw na agad niya ang triplets, nakatunganga itong pinagmamasdan ang kawalan na tila ba'y malalalim ang iniisip.

"Oh manang, anong ganap po? Bakit nasa dirty kitchen ang tatlo? Anong nangyari po sa tatlong iyon? Bakit para yatang pinagsakluban ng mga kawali ang pagmumukha." Usisa niya dito sa babaeng nasa singkwenta na ang edad.

Agad naman siyang nginitian nito. "Nako, malulungkot ang mga iyan at nagugutom."

"Nagugutom? Sa dami ng pera ng pamilya, nagugut
MariaLigaya

Nǐ hǎo! Maraming Salamat po Ms. Jhambie at Ms. Jenny Alaman sa inyong pa-GEMS at sa mga sumusubaybay sa kwentong ito kulang ang salamat sa suportang ibinibigay niyo po sa kwento at sa akin po. Chill lang po tayo at mas dadalasan saka hahabaan ko na po ang update. God bless all po at mag-iingat po tayong lahat.

| 6
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXVIII

    TINUNGO ni Deiah ang direksyon ng dirty kitchen habang nilalaro ang isang lollipop sa kaniyang bibig, at mula sa maliwanag na kusina ay abot tanaw niya na abala ang dalawa sa triplets sa paghihiwa ng karne, habang si Sage ay naglalaro sa cellphone."Victory!" Sigaw ni Sage na may pagtaas pa ng isang kamay sa hangin."Ako naman." Mabilis siyang humakbang saka hinablot ang cellphone na hawak ni Sage mula sa likuran nito."Snatch--pambihira, anong ginagawa mo dito. Bawal ka dito ah." Singhal ni Sage habang ang dalawang kapatid ay napalingon naman sa kanilang dalawa."Anong bawal? Kailan pa ako naging bawal sa sarili kong pamamahay na bisitahin ang kitchen na ito." Aniya ni Deiah habang nakapokus na ang mga mata sa screen saka lumuhod sa upuan na nakalapat ang mga braso sa lamesa, habang nilalaro laro pa din ng kaniyang bibig ang lollipop nito."Makasigaw ng victory, ang baba naman pala ng score mo sa team." Natatawang inalis ni Deiah ang lollipop."Hoy, ang yabang mo naman. Maglaro tayo

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXIX

    SA KABILANG PANIG, sa Villa Thompson, nakarating si Primo na nananatiling lutang ang isipan matapos ang pag-uusap nila ni Deiah sa kabilang linya kanina. Nakauwi na siya sa pamamahay niya ngunit pakiramdam niya naiwan ang kaluluwa niya sa opisina sa hindi malamang dahilan.Oo, nakausap niya ang babae at sa numero ng lalaking iyon na naman niya nakontak.Tinawagan niya ito nang makaalis si Eric kanina sa opisina, pinauna niya kasi itong umuwi dahil tumawag si Atasha upang ipaalam na nasa labas ito ng kaniyang pamamahay na no'n wala namang katao-tao na.Wala naman siyang choice kung hindi patuluyin ito kaysa umuwi sa kanila ng gano'ng oras na ng walang kasama. Naisip na lamang niyang sumunod kay Eric sa pag-uwi pagkatapos niyang tawagan si Deiah.Nang makausap niya ang babaeng iyon ramdam niyang napakadesidido at malamig na kung makipag-usap ito sa kaniya, kabaliktaran sa dati nitong pagkakakilala niya dito. Ang dating malumanay makipag-usap at nagmamakaawa sa kaniyang huwag itong hiw

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXX

    PAGDATING ni Primo, bumulaga sa kaniya ang mga nagkakalat na gamit sa sahig. "Tash, anong ginagawa mo?" Kunot-noong tanong na ni Primo habang isa-isang tinitingnan ang mga gamit na kasalukuyang nasa sahig at sira na. Bagsak ang balikat niya nang matanaw ang ilang mga paintings na nakasabit ngunit sira na."Ayoko ng kahit anumang bakas ng babaeng iyon dito Primo, dito sa pamamahay mo. Ayoko ng amoy niya. Ayoko, Primo." Muling umiyak si Atasha nang matitigan si Primo, “Kung hindi dahil sa kanya...hindi sana mawawala sa atin ang tatlong taon na pinuno na natin ng mga plano. Siya ang sumira ng lahat, siya ang sumira sa dapat posisyon ko ngayon sa buhay mo. Pero bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan ngayon. Bakit ako ang nagmumukha ng kabit, kung ako, ako ang nauna sa buhay mo. Kung ako naman talaga ang para sana sa iyo, una pa lang. Inagaw niya lang naman niya no'ng mga panahong iyon sa akin, dahil alam niyang may mas prayuridad pa akong dapat unahin no'ng mga panahong iyon. Bakit? Ba

    Huling Na-update : 2024-11-30
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXXI

    GUSTO PA sanang magtagal pa sa pagtulog ni Deiah dahil sa hinihila ang kaniyang buong katawan ng malambot nitong kama, ngunit pilit naman siyang ginigising ng kanyang diwa sa natural na body clock niya ngayong alas-singko ng umaga.Dahil sa oras na ito, karaniwan na siyang nagluluto ng almusal para sa asawa, gano'n din kapag nasa mansiyon siya ng pamilya siya ng Thompson. Babangon ng maaga para ipagluto ang mga ito, at huling papasok sa kwarto just to make sure that everythings okay bago siya makatulog sa gabi.Ngayon, hindi na niya kailangang magluto, maghugas, maglaba o mag-alala sa kahit anu pa mang bagay para sa buong pamilya Thompson o sa asawa habang nalulunod sa usok, at hindi na rin niya kailangang magtiis sa masungit na tingin ng pamilya nito sa kaniya.Ang saya! Napakasarap pala ng pakiramdam ng hiwalay. Walang inaalalang pakikisamahan. Mabilis siyang bumangon at walang oras na sinayang. Matapos niyang gawin ang pang-araw-araw na ritwal niya sa sarili ay agad siyang nagpalit

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXXII

    HINDI maiwasang mapailing ni Deiah sa nadiskubre, galit siya sa mga taong ang ginawa lang ay maging sakim at mapang-abuso sa posisyong ibinigay sa kanila. Batid niyang ang isang tao ay nagiging gahaman lang dahil sa nais mamuhay ng maayos at marangya, ngunit hindi ito tama para mangloko sa iba, at hindi din siya makakapayag kung ang maaapektuhan ay ang mga costumers nila na nagbabayad ng tama sa kanila."Sabihin niyo po sa akin Young Madam kung anong desisyon niyo po ngayon kay Mr. Lauro. Gusto niyo po bang magpameeting ako sa financial department at sabihin sa kanila ang tungkol dito para mabilis mapakalat sa mga empl--""Hayaan muna natin siyang kumilos. Kung gagawin kong masyadong marahas ang lahat, maaaring magkaroon ng mapanlaban na kaisipan ang iba pang mga senior executives ng hotel sa akin at traydurin ako ng patalikod. Bukod pa dito, si Senyor ang nagpromote kay Mr. Lauro sa pagiging bise nito at ayoko namang bastusin ang matanda." Aniya nito habang nakatuon ang atensyon sa l

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXXIII

    "KUNG hindi ka naniniwala, maaari mong tingnan ang label sa loob ng laylayan ng suit na ito. Nakalagay do'n ang pangalan mo." Mabilis na hinubad ni Primo ang suit at itinapon ito sa sofa na para bang nasusunog siya dito. "Divored na kami. Wala na po akong interes pang alamin kung ano pa ang ginawa niya para sa akin. Mabuti pa po, magpahinga na po muna kayo sa silid, Yaya Rosing." "Bakit mo nga ba ginustong hiwalayan ang babaeng may ginintuang puso, hijo? Buong-buo ang pagmamahal niya sa iyo, at nakita ko iyon--""Buong-buo?" Nanunuyang tanong ni Primo sa matanda. "Buong-buo ba iyon Yaya? Pagkatapos lang niyang pirmahan ang papel ay umalis na parang bula sa bahay na ito at sumama na agad sa ibang lalaki? Iyon ba ang buo, iyon ba ang may ginintuang puso huh?""Pap-paanong magagawa iyon ni Young lady?" Gulat na wika ng matanda. "Iyon na nga po, kung totoo ngang may ginintuang puso iyan, ay bakit niya nagawa 'yon? Maniwala kayo sa hindi, Yaya Rosing. Totoo ang kasabihang hindi sasapat

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXXIV

    NAPAPIKIT sandali si Primo bago kalmadong sinagot ang tawag ni Atasha. Pagkasagot pa lamang niya ay narinig niya na agad ang ingay sa kabilang linya na para bang pinagkakaguluhan si Atasha ng karamihan. Bigla siyang kinutuban, dahilan para tuluyan na siyang mag-alala dito."Tash? Where are you? Asan ka ngayon? Okay ka lang ba? Anong---""Pri-Prim, please--please help me. " Naiiyak na humihingi ng tulong si Atasha sa kabilang linya. "Nandito ako sa ibaba ng ko-kompanya mo. Si-sinalubong nila ako and na---naapapaligiran na nila ako ngayon. Masyadong maraming reporter, hindi ako makalusot. Please come down, help me. Natatakot ako, Prim." "Pupuntahan kita." Mabilis na ibinaba ni Primo ang phone . Mabilis niyang kinuha ang kaniyang jacket at nagmamadaling lumabas ng pinto nang wala man lang salitang binitiwan kay Eric na siyang nag-aalala na rin."Boss--teka lang!" Pagharang nitong sigaw ni Eric sa amo."Boss, makinig ka po sa akin, huwag po kayong magpadalos-dalos at magpadala sa nararam

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XXXV

    HINDI naman nagpahuli itong si Thyme at nagpadala rin ng mensahe sa grupo.Thyme: Mga kapatid, may natuklasan ako na siguradong pagpipyestahan ng lahat.Hindi man mukhang isang katiwa-tiwala sa panlabas na anyo ang kapatid nilang si Thyme, ngunit alam nilang lahat na ito ang pinakamagaling sa kanila pagdating sa hacking. Walang ligtas kapag ito ang binangga ng kalaban.Ilang mga litrato ang lumabas sa kanilang grupo na ikinagulat nilang lahat.Malinaw sa larawan ang mukha ni Atasha na masigasig na humalik sa isang mestisong lalaki na naka-pang sports wear ang pormahan. Sa ikalawang litrato, topless naman ito habang hinahaplos ng malaking kamay ng lalaki ang kaniyang katawan.Bagsak ang panga ni Deiah sa gulat ng bumungad sa kaniyang mga mata ang mga litrato. Hindi niya lubos maisip na kayang gawin ng babaeng iyon ang mga nakikita niya ngayon sa litrato. Paanong nakayang gawin ng babaeng iyon? Ito ba ang babaeng buong pusong ipinagmamalaki ni Primo sa kaniya? Ito ba ang sinasabing mas

    Huling Na-update : 2024-12-02

Pinakabagong kabanata

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata LV

    MALAPAD NA NGITI ang isinalubong ni Eric sa mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ni Primo."Boss! Ano? Pinahirapan ka ba ni Ms. Hannah Montevista? Pumayag ba siya sa hiling mo? Boss-boss?" Agad na lumapit si Eric upang magtanong, ngunit napansin niyang masama ang itsura nito kaya napalunok na lamang ito ng lagpasan lang siya nito."Okay lang, pag-usapan na lang natin 'pag nakarating na tayo sa opisina," matipid na sagot ni Primo.Mabibigat ang bawat hakbang ng mga paa ni Primo habang naglalakad palabas ng malaking hotel. Muling sumakit pa ang kanyang ulo, ngunit hindi nito napigilan ang pagbabalik ng bawat salitang sinabi ng Hannah Montevista na iyon sa kanyang isipan. Nang marinig niya kasi ang pag-play ng recording kanina, ay para siyang naging isang malaking katawa-tawa sa harapan ng babaeng iyon.Akala niya’y inosente ang mga Dela Fuente, at ang lahat ng nangyari ay bunga lamang ng balitang pagpapakasal nila. Iniisip niyang ang Montevista Group ay sadyang gumamit ng paraan upang

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata LIV

    ISANG malalimang hininga ang binitawan ni Primo. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, sanay siya sa malalaking eksena ngunit bakit ngayon ay bigla siyang nakaramdam ng kaba, dahil ba siya ang kauna-unahang CEO na makakakita ng tunay na anyo ng lehitimong anak ng Montevista? Pagkatapos ng dalawang katok sa pinto, narinig ang boses ng isang babae. "Pasok."Binuksan ni Aeviah ang pinto at gumawa ng kilos na tila sinasabing "mauna ka."Bahagyang gumalaw ang lalamunan ni Primo, tuwid ang kanyang likod habang ang mahahaba niyang mga binti ay nagsimulang humakbang patungo sa loob ng opisina.Sa mga sandaling iyon, sa silid sa isang tabi, si Deiah ay nakamasid sa eksenang ito nang may kasiyahan habang ngumunguya ng tsokolate sa harap ng screen ng kanyang computer.Habang ang nasa likod naman ng mesa, na kasing kinis ng isang lawa, ay nakaupo naman ang isang dalagang may kasuotang elegante, may mahabang buhok na nakalugay sa kanyang balikat, at may mukhang napaka-ganda at maingat na ayos.

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata LIII

    AFTER persistent efforts, Primo finally secured an opportunity to meet Tang Qiaoer after his third visit to the company.Bagamat nanatiling kalmado ang kanyang seryosong ekspresyon, ang kanyang puso ay bahagyang nanginginig at hindi mapanatag sa hindi maipaliwanag na dahilan.Inihatid sila ni Eric ni Aeviah papunta sa elevator. Habang naglalakad, hindi nakaligtas sa mga babaeng empleyado ang kaakit-akit na anyo ni Primo, na naging sanhi ng lihim na mga titig at bulungan ng paghanga.Pagdating nila sa harap ng elevator, agad na pumasok si Eric at nang tatangkain na sanang pumindot sa button, ay siya namang bilis ni Aeviah na pigilan ito. Napakunot noo tuloy si Eric."I'm sorry, Sir. Pero po ang elevator na iyan ay eksklusibo para kay Miss Hannah at sa mga kapatid niya lamang po. Kailangan ninyong gumamit ng ibang elevator." Aniya ni Aeviah sa seryosong tono na ikinabagsak ng mga balikat ng dalawang kalalakihan."Tsk, ano ba naman ’yan," aniya ni Eric, sabay irap sa kawalang pasensya.N

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata LII

    KINABUKASAN, dumating si Primo sa hotel nang mas maaga kaysa inaasahan, ang kanyang determinasyon ay mas matindi pa kaysa dati. Sa isang kalmado ngunit matibay na tindig, nilapitan niya ang reception desk, inaasahan na ang hamon sa harap."Good morning, Sir Primo. I’m sorry, but Miss Hannah still cannot accommodate you today. She has a fully packed schedule." Agad na siyang sinalubong ng nakangiting si Aeviah."Good morning. I assumed as much. It seems Miss Hannah is exceptionally busy these days."Nagbigay ng magalang na tango si Aeviah, halatang hindi komportable ngunit matatag na naiparating ang kanyang mensahe. "I understand your concerns, sir, but we must adhere to her instructions. I can assure you we’ll notify you if there’s any change in her availability."Primo chuckled lightly, but there was an undeniable edge to his tone. "That’s quite thoughtful, but I believe I’ve made my intentions clear. If she won’t see me today, I’ll be here tomorrow. And the day after that. Every sin

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata LI

    NADATNAN ni Primo si Atasha na walang malay, hinimatay ito sa kalagitnaan ng kanyang pagwawala dahil sa mga negatibong komento na natatanggap mula sa mga tao."Kumusta siya, Doc?" tanong ni Primo, bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata."Ayos na siya ngayon. Kailangan lang niya ng oras para makapagpahinga," sagot ng doktor habang inaalis ang kanyang stethoscope."Primo, maraming-maraming salamat sa pagpunta mo. Hindi na namin alam ang gagawin, nagkakagulo na. Ang totoo niyan, nakisuyo ako sa kapatid ko, kay Carmela, na puntahan ka para kausapin tungkol dito. Hindi kami makalabas; maaga pa lang nagkakagulo na ang mga reporters sa labas ng bahay, dahilan para lalong mag-panic si Atasha. Kilala mo naman ang anak ko, ayaw na ayaw niya ang napapahiya siya," sabi ng ina ni Atasha, halata sa kanyang mga mata ang halo-halong emosyon—pagod, takot, at pag-aalala."Huwag po kayong mag-alala, gagawan ko ho ito ng paraan. Sa ngayon, mas mabuti po munang manatili kayo sa loob ng bahay. Alam kong

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata L

    SANDALING ipinikit ni Primo ang kaniyang mga mata, pilit na binabalikan ang malabong larawang tumatak sa kaniyang isipan. Hindi niya maalis ang katanungan sa sarili—bakit tila may kakaibang koneksyon siya sa batang iyon? Bagamat malabo ang larawan, may pamilyar na bagay tungkol dito na hindi niya maipaliwanag."Boss, nasa kabilang linya po si Ms. Atasha," ani Patricia, na agad nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.Mabilis na inayos ni Primo ang kaniyang pagkakaupo, sabay sapo sa noo na para bang sinusubukang burahin ang bigat ng iniisip. Napalitan ng pag-aalala ang mga tanong sa kaniyang isipan nang marinig ang pangalan ng kasintahan."Sige, sagutin mo," utos niya kay Patricia, ang boses ay mahina ngunit matatag. "Sabihin mong pupuntahan ko siya kaagad."Habang pinapanood niya ang assistant na inaasikaso ang tawag, mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan mula sa mesa. Wala nang ibang mahalaga sa ngayon kundi ang makita si Atasha at malaman kung ano ang nangyayari. Pipindutin na sana

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabana XLIX

    ANG tahimik na opisina ni Preston ay biglang napuno ng tensyon nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Carmela, ang kanyang presensya ay tila nagpapabigat sa hangin, nagulat sa pagdating ng babae."What are you doing here? Baka makita ka ng anak ko? Baka magawi si Olivia dito." Ang kanyang boses ay mababa ngunit madiin, halatang pinipilit maging kalmado. Ang kanyang mga mata ay mabilis na tumingin-tingin sa paligid, tila naghahanap ng sinuman na maaaring makakita sa kanila.Ngunit hindi alintana ni Carmela ang pag-aalala nito. Sa halip, lumapit siya at lumingkis sa bisig ng lalaki, ang kanyang kilos ay puno ng kasiguraduhan at tila hindi naiilang sa sitwasyon. "Wag kang mag-alala, may lusot na ako diyan. Hindi ko lang matiis na hindi ka makita at mayakap."Agad siyang yumuko upang halikan si Preston, ngunit bahagya itong umiwas, marahan ngunit madiin niyang inilayo ang babae mula sa kanyang katawan saka tumayo. Ang kanyang ekspresyon ay nanatiling seryoso, habang ang kanyang tinig

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XLVIII

    "HANNAH Montevista?" Isang pangalan—Hannah Montevista—ang paulit-ulit na umiikot sa kanyang utak. Parang narinig niya na ito dati, ngunit hindi niya matandaan kung saan o kailan.Habang pinipisil ang kanyang mga kilay, nagsalita siya nang mahina, parang nagbubukas ng pinto sa isang madilim na kwarto ng nakaraan."Hannah Montevista... Parang narinig ko na ang pangalang 'yan dati." Ang tono ng kanyang boses ay puno ng pagdududa, halos isang bulong na naglalaman ng mga tanong na hindi matukoy. Sa loob ng kanyang utak, ang pangalan na ito ay nagsisimulang magbukas ng isang tila malabo at nakakabagabag na alaala, ngunit hindi pa ito buo, at ang sagot ay tila nakatago pa."Nag-imbestiga ako nang masusi tungkol sa Miss Montevista na 'yan, Boss."Inisip ni Primo na sa wakas ay nagkaroon ng tamang pag-iisip ang sekretaryo niyang madalas palpak sa lahat ng bagay. Inisip niyang marahil ay napag-isipan na nito ang mga susunod na hakbang, kaya’t ang kanyang mga mata ay kumislap sa kasiyahan."Ano

  • Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's   Kabanata XLVII

    Kinagabihan, nang oras na pinakaabala ang internet—ang sandali kung kailan gising ang karamihan, nakatutok sa kani-kanilang screen—isang tahimik na balita ang biglang sumingaw. Walang anunsyo, walang pasakalye, ngunit sa loob lamang ng wala pang isang oras, ang simpleng ulat na ito ay naging sentro ng usap-usapan sa lahat ng social media.BRS Nag-terminate ng Kontrata sa Haven Home Co. dahil sa DelaFuentech Raw-M?Manila, Pilipinas – Opisyal nang tinapos ng BRS Group ang kanilang kontrata sa Haven Home Co., ang supplier ng mga produktong ginagamit sa kanilang mga hotel branches.Ang desisyon ay iniulat na bunga ng hindi sapat na kalidad ng mga materyales mula sa DelaFuentech RAW-M, na siyang pangunahing supplier ng Haven Home Co. Ang mga materyales na ito ay nagdulot ng paulit-ulit na problema sa produksyon at operasyon, na hindi lamang nakaapekto sa Haven Home kundi pati na rin sa mga proyekto at serbisyo ng BRS.Ayon sa tagapagsalita ng BRS, ang kanilang pasya ay hakbang upang masig

DMCA.com Protection Status