Share

Chapter 6 - Grumpy Ol' Boss With A Hangover

“F*ck!”

He realized he had been staring at the blank email template for too long. Inangat nya ang nakataob na cellphone sa malawak na computer table na nakaset-up sa isang banda ng kanyang kwarto.

No messages.

Joaquín let out a weary sigh. He has a hangover. Nilingon nya ang nakatumbang bote ng whiskey na walang laman sa ibabaw ng side table ng kama. Nangako sya sa sarili na hindi na sya uubos ng isang bote sa isang upuan lang, and yet, parang kinulang pa dahil halos maubos nya ang mga beer in can na naka-stock sa kanyang ref.

It had been days since their fight. Hindi sinasagot ni Abby ang mga tawag at text nya. Wala man lang maski text ng pasasalamat sa mga pinadala nyang groceries sa bahay nito. Gusto nyang manghingi ng sorry sa dalaga sa mga masasakit na sinabi nya pero natitilihan sya ng kanyang pride.

‘I’m not saying sorry,’ tutol nya, ‘nabugbog na nga ako, ako pa ang manghihingi ng sorry?!’

He appeared at work earlier than usual, pero halos wala rin syang magawa. Tinambak nya lang sa isang gilid ng office desk nya ang mga documents na binigay ng kanyang tomboy na sekretarya na kailangan nyang basahin at pirmahan. Mainit ang ulo nya, halos lahat ng tao na masalubong nya ay sinisinghalan nya.

“What’ve you been up to lately, Joaquín?” pabulong na tanong ni Robert sa kanya nang mapansin ang blankong titig nya sa malalaking screen ng control room.

“What?” tinanggap nya ang ibuprofen na binibigay ng kanyang sekretarya. Nilaro-laro muna nya iyon sa mga daliri saka isinabay sa pag-inom ng tubig.

“I heard nakipag-suntukan ka raw kay Gov. Palma? Why is that? It’s a good thing maagap ang ninong mo at hindi nakalabas sa media ang balita. Or else nasa dyaryo na naman ang pagmumukha mo. This time hindi sa lifestyle section o sa business news kundi sa front page,” mahinang tawa ni Robert, lumingon sya paligid kung may nakarinig sa sinabi nya.

Ramdam ang tensyon sa buong opisina sa pagpasok ni Joaquín ngayong araw. Mahihinang bulungan at pawang mga naninigas ang mga katawan ng mga tao sa opisina as they go through their work. Naririto ang boss at sa postura palang nito, mapapansing wala ito sa mood para makipagbatian. Tanging si Robert lang ang bukod tanging may lakas ng loob na biruin sya.

“It’s none of your business,” he said as he stepped into his office.

“Mr. Grumpy decided to show up today at the office, feeling grumpy as ever,” tukso ng kanya ng lalake.

“No’ng sinabi kong 'dress for comfort', it doesn’t also mean you are allowed to wear a red-plaid flannel to work,” sarkastikong sabi nya nang makita ang baduy na attire ni Robert.

“Wow! Could you be any meaner?” Robert laughed as he flopped down onto the chair in front of his desk. “Oo alam ko, mas gwapo ka sa ‘kin, mas magaling ka rin manamit, pero wala namang ganyanan!”

“Just a hangover,” isinandal nya ang ulo sa sandalan ng upuan. Kanina pa tumitibok ang sintido nya sa sakit.

“Right. Dahil kay Maurice? Maurice ba ‘yon? Nag-expire na ba ‘yon? O si uhm... Sammy, or Sunny? Hindi ko matandaan ang pronounciation."

“Zamy.”

“Right! Zamy,” ngisi ni Robert.

“Of course not,” tanggi nya.

Robert is the Head of his IT team, a long-time friend at inaanak ng kanyang Lolo. He is quite an expert in his craft, kaya kahit referred lang ito sa kanya ng kanyang Lolo ay wala syang masabi sa work performance at decision-making skills ng lalake kaya agad nya itong prinomote mula sa pagiging researcher.

“C’mon! Okay, I’ll ask Abby. Alam kong alam nito eh...” banta nito, kunway dinukot nito ang cellphone sa bulsa.

“Nagkakausap ba kayo?”

“I wish! Hindi naman sinasagot ang mga text ko,” naiiling pang sabi nito.

Hindi lingid sa kaalaman nya na may gusto ang lalake kay Abby, hindi naman nya ito masisisi kung mahulog man ang loob ni Robert sa dalaga noong unang beses na isinama nya si Abby manood ng laro ng basketball ng kilalang team na iniisposoran ng kumpanya nya. Maganda si Abby at masayang kasama. Pero hindi ito nag-aakmang gumawa ng kahit anong hakbang para liwagan ang dalaga.

“Gwapo ka sana eh, torpe ka lang,” ngisi nya.

“You know the woman, man. Ayokong mareject sa unang date pa lang.”

“Have you asked her out in the first place?”

“Hindi ka ba magagalit? I don’t want feud with the bestfriend lalo na kung boss ko ang bestfriend,” tinitigan sya ng binata.

“Bakit naman? Wala ka namang sabit, 'di ba? I know for sure she’s in good hands kung sakali man na maging kayo,” he suddenly came up with a plan. His expression brightened. “Why not ask her out on a date? Nasa bahay lang ‘yon ngayon, sembreak eh. Call her. Mag-a-icebreaker ako sa inyo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status