Share

Chapter 5 - La Primera Pilea (The First Fight)

“Ano’ng demonyo na naman ang sumapi sa ‘yo?!? Ano’ng ginagawa mo sa underground party na ‘yon?! Puro adik ang naroroon!” pabulong na tanong ng galit na galit na abogado nang lumabas ang pulis sa cubicle para ayusin ang kanyang papel.

“Ninong, baka malaman ni Mamá—”

“Alam na nya bago pa tayo makarating dito, g*go! Tuwang-tuwa nga sya nang malaman nya eh! For the nth time, uuwi sya dito para sunduin ka!” masakit na ang ulo ng abogado sa kanya, “You just don’t f*cking care about everything but yourself, ano? Feeling macho ka ba no’ng nakipagsuntukan ka sa Governor??? Pasalamat ka kumpadre ko ‘yung tao na ‘yon at pinagbigyan ka pa, kundi nasa morgue ka na sana ngayon!”

Hindi nakakibo si Joaquin sa galit ng ninong nyang abogado.

“Buti na lang at negative ang resulta ng drug test mo kundi sa rehab kita ididiretso!” pinaling-paling nito ang kanyang mukha na pasaan sa pakikipagbuno nya sa lalakeng bumastos kay Abby kanina. “‘Yan ang napapala mo sa kayabangan mo! ¡Por Dios santo Joaquín, umasta ka naman na naaayon sa titulo mo! Hindi ‘yang parang tambay ka lang sa kanto!”

+++++

“Bawas-bawasan mo 'yang pagiging mainitin mo ng ulo, Joaquín! Ikukuha kita ng bodyguard, pasahuran mo, mayaman ka di ’ba?” pasarkastikong sabi ng kanyang ninong.

“Salamat po, Ninong,” ngising-aso sya. Lagi naman itong galit kapag ganitong napapa-trouble sya pero hindi naman sya nito natitiis.

"Sa susunod na mapa-trouble ka pa ulit, hahanap ka na ng ibang abogado mo, ¡leche!” Tinitigan pa sya nito nang patalikod bago tuluyang sumakay ng sasakyan.

Napabuntong-hininga sya habang hinahatid ng tingin ang magarang sasakyan ng abogado. Naalala nya ang sinabi nito na uuwi na naman ng Pilipinas ang Mamá nya para sunduin sya. Ano na naman kayang idadahilan nya dito this time? Ayaw nyang sumama dito para manirahan sa Amerika. Ayaw nya ang responsibilidad na binibigay sa kanya ng kanyang Lolo. CEO pa nga lang ng kumpanya dito sa Pilipinas, masakit na ang ulo nya, what more kaya kung sya pa ang Chairman. Tatanda ang pogi nyang mukha nang maaga.

Nilingon nya si Abby na nakapikit at pasandal na nakaupo sa waiting shed ng presinto. Hinihintay sya nito.

“Hoy!” sinipa nya ito sa paa.

“Oh, buti naman tapos na,” binuhat nito ang malaking bag na dala, “uuwi na ‘ko.” Walang anong sabi nito.

Iiwas ito sa interogasyon. Inagaw nya ang bag ni Abby saka pinasan.

“Hindi! Kailangan nating mag-usap.”

Nakatangang sinundan sya ng kaibigan papunta sa kotse.

+++++

“What the hell, Abe [eyb]?” Ano’ng ginagawa mo do’n sa party?” timping tanong ni Joaquin, “‘Yun ba 'yung sinasabi mong mga raket mo?!”

“Sabi nila magse-serve lang ng drinks, hindi ko naman alam na gano’n ang mangyayari,” mahina nitong sagot. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya, tila guilting-guilty ito sa nangyari.

“Mga p*kpok ang tinatawag nila sa gano’ng klaseng party, mga nagtatrabaho sa bar, mga model na pakawala, Abby! Bakit hindi mo man lang nabanggit sa ‘kin? Alam ba ‘to ng nanay mo?!”

Mariing hinilamos nya ang mukha ng mga kamay na may benda sa sobrang inis na hindi nya mailabas. Hindi pa nagsasalita si Abby na lalong nakadagdag ng inis nya. Nakatingin lang ito sa sahig. Masakit ang kanyang panga, napuruhan din sya sa pakikipagbasag-ulo nya kanina.

“Gano’n ba ang mga raket na pinupuntahan mo hanggang madaling-araw?! Sino’ng nagyakag sa ‘yo do’n?” nameywang sya. Tinitigan nya si Abby na tila naging pipi na sa pagkakatuon sa sahig. Naisip nyang diretsuhin na ito baka sakali ay mapilitang magsalita.

“Teka, p*kpok ka ba?”

“Hindi ako p*kpok!” agad na depensa nito, “kilala mo ‘ko Joaquin, wala pang nakakagalaw sa ‘kin maski ‘yung naging boyfriend ko noon, alam mo ‘yan! Hindi ako tulad ng mga babaeng pakarat na nakukuha mo sa tabi-tabi!”

“Eh muntik ka na ngang ikama no’ng adik na Governor na ‘yon eh! Nakikita mo ba ‘tong pagmumukha ko?!” nanggagalaiting turo nya sa punit ng kanyang kilay na tinakpan ng band-aid. “Kung wala ako doon, na-imagine mo ba kung ano ang pwedeng nangyari sa ‘yo??!”

“Hindi mo naman kelangang makipagbugbugan do'n kasi! Kaya ko namang depensahan ang sarili ko.”

“Ah talaga??! Kaya pala hindi ka na halos makapagsalita sa takot kanina nang paghahalikan ka ng manyakis na ‘yon!” tumaas lalo ang boses nya sa gigil.

Hindi nya lubos akalain na makikita nya si Abby sa ganoong sitwasyon. Muntikan na syang makapatay kanina sa sobrang galit nya. Pero hindi nya pinagsisisihan ang nagawa nyang iyon. Kahit siguro maulit man ang ganoong eksena sa bestfriend ay iyon pa rin ang gagawin nya.

“Gusto kong maintindihan Abby, pa’no ka nagkaroon ng koneksyon sa gano’ng klaseng raket? Ano ba’ng problema mo bakit sa dami ng trabaho na pwede mong pasukan eh ‘yun pa ang pinatos mo?!”

“Pera ang problema ko! Isang taon na lang ga-graduate na ‘ko, ang laki ng utang ko sa eskuwelahan, hindi ako makakapag-exam hanggat hindi ako nakakapagbayad! Ang nanay ko maysakit. Madaliang pera, 15k in cash pagkatapos ng event. Napakalaking tulong no’n para sa ‘kin!’

”Napakasimple ng problema mo Abby, bakit hindi ka nagsasabi?! Mukha bang hindi kita tutulungan??! Ang tagal na nating magkaibigan, simpleng salita lang sana ang gusto kong marinig sa ‘yo, bakit hindi mo masabi at kailangan pang magpababoy ka pa sa ibang tao??!“

“Hindi ako nagpapababoy! Hindi ako p*kpok! Paulit-ulit kong sasabihin sa ‘yo. Hindi. Ako. P*kpok!” Humihikbing binuhat nito ang kanyang bag saka nagmamadaling naglakad papunta sa pinto.

“Abby naman,” dagling lumambot ang boses nya. Naging matagumpay ang pag-trigger nya sa bestfriend, iyon nga lang ay na-offend nya ito nang todo-todo. Winaksi ni Abby ang kamay nya nang abutin nya ito sa braso para pigilang umalis.

“Para sa’yo simple ang problema ko! Mayaman ka, mayaman ang pamilya mo, walang kulang sa ‘yo. You got everything you need. Ako kasi, araw-araw pinaghihirapan ko ang bawat hininga ko. Hindi tayo pareho ng buhay, ni hindi nga bagay ‘tong tsinelas ko dito sa napakagarbong penthouse mo! Alam mo hindi ko nga rin alam kung bakit naging magkaibigan tayo eh!”

“Abby, please,”

“Please-in mo mukha mo!!!” sigaw nito bago lumabas ng pinto ng penthouse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status