“Kapag napansin nyo na dumating, tell her to call me, please. Thank you,” bilin nya sa receptionist na naka-duty sa condo na malapit sa airport. Tumawag na rin sya sa penthouse.
“Nasaan kaya ‘yung babae na ‘yon?” tanong ni Joaquin sa sarili. Kahapon pa hindi sumasagot sa mga tawag nya si Abby. Plus one nya sana ang bestfriend kung nagkapag-usap lang sila kahapon. Nawala naman sa isip nyang banggitin ito noong nakaraang araw na tinulungan sya ni Abby na i-vacate ang binentang condo unit. Sa ganitong mga pagkakataon kailangan nya ng suporta ng kaibigan. Hindi sya sanay sa mga ganitong pagtitipon kaya mas gusto nya sanang kasama nya ang bestfriend. Kahit lagi silang nag-aasaran ay masarap itong kasama. Nabalitaan lang kasi nyang pupunta si Jessica sa party kaya tinanggap nya ang invitation. Marami syang gustong sabihin dito na hindi nya nasabi noong bago sila naghiwalay. Baka makumbinsi rin nya itong balikan sya. Hinanap nya sa karamihan ng tao ang mukha ng babaeng umiwan sa kanya three years ago. Hindi nagkamali ang source, naririto nga ang babae na nakatingin na sa kanya bago pa nya ito makita. She looks thrilled as she approaches him. “Oh, hi Joaquin! They told me you’re coming,” bineso sya nito. “H-how are you?” “I just arrived from Canada the other day.” “Yeah, I heard,” he pretended to look cool. Pero hindi maitago ng mga mata ang tuwa nya nang makita ang nag-iisang babae na minahal nya nang totoo. “It's nice to see you talaga...” Tinitigan sya ng babae nang matagal saka muling nagsalita, “look, I am really sorry about what had happened last—” Ito na iyong cue nya, sasabihin na nya ang kanina pa nya kinakabisado sa isip, kaso natigilan sila pareho nang may lumapit na lalake. Hin*gkan nito ang babae sa labi. “Hi sweetheart!” bati ni Jessica sa lalake, “I’d like you to meet Joaquin Molina Verdaguer. He is the CEO of AVTech Cyber Solutions Philippines, such an established man at the age of 26!” Tila umurong ang kanyang dila. Hindi dahil sa puri ng ex, kundi dahil sa lalakeng nakakapit sa bewang nito. "Hello, Joaquin! Nice to meet you. Matunog na matunog ang expansion nyo sa Europe, how’s it going?” “Nice, nice!” napakatanga ng sagot nya. “That’s good to hear.” Nabasag ang ilang segundo ring awkwardness sa kanilang tatlo nang magsalita si Jessica. “Well, enjoy the party, okay? I heard they serve the best girls here,” kindat ng babae sa kanya, pagkatapos ay naglakad ang magkasintahan nang magkaakbay palayo para makihalubilo sa ibang mga guest ng party. Naiwan syang nakatulala. Hindi nya iyon inasahan. Agad nyang pinagsisihan ang pagpunta nya sa party. “Drinks, sir?” alok ng waitstaff na naka-French maid costume. Magkasunod na nilagok nya ang dalawang baso ng whiskey na kinuha nya sa tray ng waitstaff. Magpapakalunod na lang sya sa alak para makalimutan nya ang rason kung bakit sya naroroon sa party at nag-iisa. He is the award-winning CEO of one of the largest cybersecurity solutions in the country. He drives his '67 Chevy Corvette with style. He owns the most luxurious penthouse. He can go all around the world and can still earn seven f*cking digits each month. Gwapo, matalino, at madiskarte. Nakukuha nya ang lahat ng babaeng matipuhan nya. And yet, hindi pa rin sya masaya, ang dami pa ring kulang. Gusto nyang ituwid ang pagkakamali nya kay Jessica, pero sa nakikita nya ay mukhang masaya na ito sa bago nitong relasyon. Ang Mamá at Lolo nya ay pinipilit syang mag-base na rin sa Amerika para sundan ang yapak nito bilang Chairman of the Board na mariin nyang tinatanggihan. Idagdag pa rito ang kanyang bestfriend, na sa dinami-rami ng kursong related sa computers ay nursing ang naisipang kuhanin. Abby. Tinitigan nya ang babaeng kayakap ng Governor ng hindi nya matandaang probinsya. ‘Parang si Abby ‘yon,’ siningkit nya ang mga mata. Nakailang whiskey palang naman sya, hindi pa sya lasing. As far as he knows, wala itong boyfriend at imposibleng makarating dito si Abby nang mag-isa, exclusive ang party na ito. Kinurap-kurap nya ang mga mata at pinagmasdang muli ang dalawang magkayapos. This time, parang pumipiglas na ‘yung babae. Hindi nya naiwasang hindi mag-usisa. Pasimple syang umakyat sa staircase. “Brod, parang ayaw yata eh,” sambit nya habang iniinom ang tangang baso ng alak. Ipit ang iyak ng babaeng waitstaff. Nakayakap ang isang kamay sa sarili habang ang isang kamay ay pilit na tinutulak palayo ang lalakeng pini-pin sya sa pader at sinusubukang ipasok ang susing hawak sa door knob ng katabi nilang kwarto. “Brod, this is how she likes it.” “Ayoko po… Please, please…” mangiyak-ngiyak na pakiusap ng babae. “Oh, ayaw nga! Hindi mo narinig?!” “Brod, imbis na mangialam ka tulungan mo na lang akong buksan ‘tong pinto, maybe you can join us for a threesome,” ngisi ng lalakeng pawis na pawis, inaabot nito sa kanya ang susi. Sa kapipilig ng babae ay natanggal ang mask nito sa pagkakasabit sa isang tenga, agad nito tinakpan ng dalawang kamay ang bibig. ‘SI ABBY NGA!’ “What the hell??!” Ngunit parang hindi sya nakikita ni Abby sa sobrang takot sa lalakeng kumokorner sa kanya sa pader. “Bitiwan mo brod,” tiim ang bagang nyang sabi. Nagdidilim na ang paningin nya sa lalakeng pilit na humahaklit kay Abby. “Bakit? Syota mo ba ‘tong hostess na ‘to?” “Ang sabi ko, bitiwan mo!!!” sinapak nya agad ang lalake. Napamaang ito sa ginawa nya. Nabitawan nito si Abby na nanginginig na lumayo agad at pumina sa likuran nya. “Eh g*go ka palang pakialamero ka eh!!!” sinuntok din sya nito sa panga. Gigil na gumanti sya ng suntok hanggang sa nagrambulan na sila. Nakakuha sya ng buwelo nang bumagsak ang likod ng lalake sa sahig. Sinuntok nya nang sinuntok ang mukha ng bastos na lalake. Naghiyawan ang mga guests sa party nang makita ang kaguluhan. “Pren tama na! Tama na!!!” umiiyak na awat ni Abby sa kanya, niyayakap sya nito sa likod at pilit na itinatayo sa pagkakasakay nya sa lalakeng duguan na ang mukha.“Ano’ng demonyo na naman ang sumapi sa ‘yo?!? Ano’ng ginagawa mo sa underground party na ‘yon?! Puro adik ang naroroon!” pabulong na tanong ng galit na galit na abogado nang lumabas ang pulis sa cubicle para ayusin ang kanyang papel. “Ninong, baka malaman ni Mamá—” “Alam na nya bago pa tayo makarating dito, g*go! Tuwang-tuwa nga sya nang malaman nya eh! For the nth time, uuwi sya dito para sunduin ka!” masakit na ang ulo ng abogado sa kanya, “You just don’t f*cking care about everything but yourself, ano? Feeling macho ka ba no’ng nakipagsuntukan ka sa Governor??? Pasalamat ka kumpadre ko ‘yung tao na ‘yon at pinagbigyan ka pa, kundi nasa morgue ka na sana ngayon!” Hindi nakakibo si Joaquin sa galit ng ninong nyang abogado. “Buti na lang at negative ang resulta ng drug test mo kundi sa rehab kita ididiretso!” pinaling-paling nito ang kanyang mukha na pasaan sa pakikipagbuno nya sa lalakeng bumastos kay Abby kanina. “‘Yan ang napapala mo sa kayabangan mo! ¡Por Dios santo Joaqu
“F*ck!” He realized he had been staring at the blank email template for too long. Inangat nya ang nakataob na cellphone sa malawak na computer table na nakaset-up sa isang banda ng kanyang kwarto. No messages. Joaquín let out a weary sigh. He has a hangover. Nilingon nya ang nakatumbang bote ng whiskey na walang laman sa ibabaw ng side table ng kama. Nangako sya sa sarili na hindi na sya uubos ng isang bote sa isang upuan lang, and yet, parang kinulang pa dahil halos maubos nya ang mga beer in can na naka-stock sa kanyang ref. It had been days since their fight. Hindi sinasagot ni Abby ang mga tawag at text nya. Wala man lang maski text ng pasasalamat sa mga pinadala nyang groceries sa bahay nito. Gusto nyang manghingi ng sorry sa dalaga sa mga masasakit na sinabi nya pero natitilihan sya ng kanyang pride. ‘I’m not saying sorry,’ tutol nya, ‘nabugbog na nga ako, ako pa ang manghihingi ng sorry?!’ He appeared at work earlier than usual, pero halos wala rin syang magawa. T
“Anak, okay lang ba? Hindi ka naman natutulog ng alanganing oras, masama ba ang pakiramdam mo?” Nagmulat si Abby ng mata nang marinig ang Nanay nya na pumasok ng kwarto. Binuhat nya ang mabigat na katawan paupo sa gilid ng higaan. Sinipat nya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng study table. 12 missed calls. “Okay lang ‘nay, medyo masakit lang ang ulo ko kaya nahiga ako ulit.” “Sya nga pala, tumawag sa akin si Joaquín kanina, hindi mo raw sinasagot ang mga tawag nya,” sabi ni Nanay Elsa habang maayos na sinasalansan ang mga bagong labang damit sa luma nilang aparador. “Nagsumbong na naman pala sa inyo. Bayaan nyo po ‘yun ‘nay, baka may iuutos lang.” “Inaway mo raw sya eh,” pakli ng Nanay nya. Kahit noong mga bata pa sila, kapag inaaway nya si Joaquín ay dumidiretso ito sa Nanay nya para magsumbong, hanggang sa napapagalitan sya nito. Pinakiramdaman nya ang kanyang ina na abala sa ginagawang pagliligpit ng mga damit. Sa tingin naman nya ay wala namang binanggit ng kaibigan na mun
“DefenderCom and Europrotek already signed the papers just today, Joaquín, this is very good news! Through them, mapapalawak pa natin ang ating services portfolio. I want you to lead in the development of the new global cyber partnership program for private and public sectors across Europe.” Itinukod nya ang mga braso sa pasimano ng balcony habang nakatingin sa kulay asul na tubig ng pool. Kanina bago tumawag ang kanyang Lolo ay plano nyang mag-skinny dipping pero nanunuot na pala sa balat ang lamig ng simoy ng hangin. Paano’y malapit nang mag-pasko. “You need to make another global threat security strategy for Interpol España. I’ll email you all the details.” “Interpol España?” “Yes, mijo. That is one great opportunity for us kapag nakapag-seal tayo ng partnership with them before I retire. Naniniwala ako na makukuha mo ‘yon,” naramdaman nya ang excitement sa tinig ng kanyang Lolo. “Don’t you think it’s a bit too early for you to retire?” Tuwing tatawag ito ay lagi nitong nab
Abala si Abby sa paglilinis ng bahay nang mag-ring ang cellphone nya. Unknown caller ang nag-register sa kanyang cellphone. Abby: Yes? Robert: Abby, hi! *10 seconds of dead air* This is Robert. You still, uh, remember? Abby: Robert? Bioethics? Kay Prof. Navarra? Robert: No, no. Just Robert. Abby: Walang apelyido? Robert: Robert from AVTech. Abby: Ah! Robert, the IT expert, tama? Robert: *8 seconds of dead air* Yeah, I’m that Robert. Sorry. Ehem! Abby: Oh, ano’ng meron? Robert: Baka kasi available ka uhm, any time? Kain lang sa labas tapos konting cocktails, kung gusto mo. Abby: Ano ‘yon? Date, gano’n? *kunot noo* Robert: I-i guess you can say so, hehehe Abby: Hmm, ewan ko lang. Out of the blue, aayain mo ‘ko ng date eh hahaha! Kilala ba kita? Robert: It’s okay kung ano uhm, kung hindi pwede. Abby: Sa’n mo nakuha number ko? Robert: Ahh ano, alam ko na dati pa. Abby: *nagtaas sya ng kilay* ows?! Robert: *5 seconds of dead air*... Abby: Hello? He
“‘Pre, pumayag si Abby!” “Ow?” nanlaki ang mga mata nya sa ibinalita ni Robert. Halos hindi nya mapaniwalaang napapayag nito si Abby makipag-date sa kanya. Kahit sa kanya galing ang ideya ay alam nyang suntok iyon sa buwan. Hindi si Abby mahilig mag-entertain ng manliligaw, there must be something kaya napapayag nya. He turns his gaze at the woman kneeling right in front of him. Hinawi nya ang mahabang buhok nito para makita nya in full view ang ginagawa. Nginitian nya ito. The woman is clearly enjoying every inch of his manhood. Hindi man lang ito humihinto kahit may kausap sya sa cellphone. “So, kelan?” “Tonight. 6 PM susunduin ko sya sa may Recto mamaya.” “Ano’ng ginagawa sa Recto?!” takang tanong nya. “Ewan ko. Hindi ko natanong eh. Na-excite kasi ako, napatay ko agad ‘yung tawag,” napahagikhik ito. “Mag-e-early out ako ‘pre, sasalubungin ko ang traffic sa España mamaya, baka maghintay si Abby. Ano’ng susuotin ko? May favorite ba syang kulay? Bumili kaya ako ng bulaklak?”
Tirik na tirik ang araw bago sya umalis pero pagdating nya ng Divisoria ay parang may bagyo sa lakas ng ulan at hangin. Bumabaha pa. Mabuti na lang at mabilis nyang natunton ang bilihan ng mga pang-giveaways kaya nakapunta sya agad sa meeting place nila ni Robert. “Pasensya na, basang-basa ako,” aniya pagsakay nya ng kotse ni Robert. “Okay lang, Abby. Hindi maintindihan ang panahon ngayon, ano? Mainit tapos biglang uulan.”“Kaya nga eh, sakit tuloy ng ulo ko,” kinapa nya ang maliit na lagayan nya ng gamot sa kanyang bag. Aagapan na nya ang sakit ng ulo bago pa ito lumala. Kung si Joaquín ang sumundo sa kanya nakapagpalit na sana sya ng damit sa backseat para hindi matuyo sa katawan nya ang damit na suot. Mabilis pa naman syang ubuhin. “Girls scout?”“Always,” ngiti nya.Naipit na sila sa trapik dala ng baha sa ilang parte ng kalsadang dinaraanan nila.“I’m really sorry, I already made reservations sa Scarlet eh.”“Hindi mo namang kasalanang ma-trapik, h’wag kang mag-sorry,” aniya.
“Thank you,” aniya kay Robert nang hatakin nito ang katabi nitong upuan. Tiningnan nya si Joaquín na nakapangalumbaba at matamang nakatingin pa rin sa laptop. Hindi ito nag-react nang dumating sya. Hindi rin sya tiningnan. Katabi ng kaibigan ang school registrar na tahimik na nakasipat sa binabasa ni Joaquín. “Hi again, Miss Nicole!”“Hi, Miss Pineda, you look pretty.”“Not prettier than you, Miss. Blooming ka po ngayon. I want to know why?” pumangalumbaba sa sya lamesa at matamang tinitigan ang babaeng kaharap nya.Bumuntong-hininga si Joaquín. Umangat ito sa pagkakasandal sa couch at pinagkrus ang mga braso na hindi inaalis ang mga mata sa laptop. She knows every gesture. He didn’t like her making these small talks sa ka-date nito. “Thanks,” nakangiting ana