Abala si Abby sa paglilinis ng bahay nang mag-ring ang cellphone nya. Unknown caller ang nag-register sa kanyang cellphone. Abby: Yes? Robert: Abby, hi! *10 seconds of dead air* This is Robert. You still, uh, remember? Abby: Robert? Bioethics? Kay Prof. Navarra? Robert: No, no. Just Robert. Abby: Walang apelyido? Robert: Robert from AVTech. Abby: Ah! Robert, the IT expert, tama? Robert: *8 seconds of dead air* Yeah, I’m that Robert. Sorry. Ehem! Abby: Oh, ano’ng meron? Robert: Baka kasi available ka uhm, any time? Kain lang sa labas tapos konting cocktails, kung gusto mo. Abby: Ano ‘yon? Date, gano’n? *kunot noo* Robert: I-i guess you can say so, hehehe Abby: Hmm, ewan ko lang. Out of the blue, aayain mo ‘ko ng date eh hahaha! Kilala ba kita? Robert: It’s okay kung ano uhm, kung hindi pwede. Abby: Sa’n mo nakuha number ko? Robert: Ahh ano, alam ko na dati pa. Abby: *nagtaas sya ng kilay* ows?! Robert: *5 seconds of dead air*... Abby: Hello? He
“‘Pre, pumayag si Abby!” “Ow?” nanlaki ang mga mata nya sa ibinalita ni Robert. Halos hindi nya mapaniwalaang napapayag nito si Abby makipag-date sa kanya. Kahit sa kanya galing ang ideya ay alam nyang suntok iyon sa buwan. Hindi si Abby mahilig mag-entertain ng manliligaw, there must be something kaya napapayag nya. He turns his gaze at the woman kneeling right in front of him. Hinawi nya ang mahabang buhok nito para makita nya in full view ang ginagawa. Nginitian nya ito. The woman is clearly enjoying every inch of his manhood. Hindi man lang ito humihinto kahit may kausap sya sa cellphone. “So, kelan?” “Tonight. 6 PM susunduin ko sya sa may Recto mamaya.” “Ano’ng ginagawa sa Recto?!” takang tanong nya. “Ewan ko. Hindi ko natanong eh. Na-excite kasi ako, napatay ko agad ‘yung tawag,” napahagikhik ito. “Mag-e-early out ako ‘pre, sasalubungin ko ang traffic sa España mamaya, baka maghintay si Abby. Ano’ng susuotin ko? May favorite ba syang kulay? Bumili kaya ako ng bulaklak?”
Tirik na tirik ang araw bago sya umalis pero pagdating nya ng Divisoria ay parang may bagyo sa lakas ng ulan at hangin. Bumabaha pa. Mabuti na lang at mabilis nyang natunton ang bilihan ng mga pang-giveaways kaya nakapunta sya agad sa meeting place nila ni Robert. “Pasensya na, basang-basa ako,” aniya pagsakay nya ng kotse ni Robert. “Okay lang, Abby. Hindi maintindihan ang panahon ngayon, ano? Mainit tapos biglang uulan.”“Kaya nga eh, sakit tuloy ng ulo ko,” kinapa nya ang maliit na lagayan nya ng gamot sa kanyang bag. Aagapan na nya ang sakit ng ulo bago pa ito lumala. Kung si Joaquín ang sumundo sa kanya nakapagpalit na sana sya ng damit sa backseat para hindi matuyo sa katawan nya ang damit na suot. Mabilis pa naman syang ubuhin. “Girls scout?”“Always,” ngiti nya.Naipit na sila sa trapik dala ng baha sa ilang parte ng kalsadang dinaraanan nila.“I’m really sorry, I already made reservations sa Scarlet eh.”“Hindi mo namang kasalanang ma-trapik, h’wag kang mag-sorry,” aniya.
“Thank you,” aniya kay Robert nang hatakin nito ang katabi nitong upuan. Tiningnan nya si Joaquín na nakapangalumbaba at matamang nakatingin pa rin sa laptop. Hindi ito nag-react nang dumating sya. Hindi rin sya tiningnan. Katabi ng kaibigan ang school registrar na tahimik na nakasipat sa binabasa ni Joaquín. “Hi again, Miss Nicole!”“Hi, Miss Pineda, you look pretty.”“Not prettier than you, Miss. Blooming ka po ngayon. I want to know why?” pumangalumbaba sa sya lamesa at matamang tinitigan ang babaeng kaharap nya.Bumuntong-hininga si Joaquín. Umangat ito sa pagkakasandal sa couch at pinagkrus ang mga braso na hindi inaalis ang mga mata sa laptop. She knows every gesture. He didn’t like her making these small talks sa ka-date nito. “Thanks,” nakangiting ana
BACKGROUND SONG: "LEAVE THE DOOR OPEN by BRUNO MARS" “Hey! Hey!” Pinitik ni Joaquin ang mga daliri sa gawi ni Robert. Para na itong nananaginip habang nakatingin sa pagse-sexy dance ni Abby sa saliw ng rendition ng banda sa kanta ni Bruno Mars. Maraming beses na nyang nakitang magwala sa dance floor si Abby pero ngayon lang nya natitigan ang paraan ng pagsasayaw nito. She dances so gracefully. Kahit sa suot nitong butas-butas na maong pants, simpleng t-shirt at tsinelas ay na-e-emphasize nito ang kanyang makurbang katawan. Yes, she has all the curves in all the right places. No wonder parang nasisiraan na ng bait si Robert sa pagkakatitig nito sa dalaga. Mapanukso ang bawat galaw ni Abby. Dinadama ang bawat tyempo ng chorus ng paborito nyang kanta. Mapang-akit. Nananawag. Nagbibigay ng motibo. Pati sya ay napamaang. Lumilitaw ang kagandahan ni Abby sa pulang-pulang lipstick nya. Kahit kadalasan ay pulbos at lipstick lang ang inilalagay sa mukha at magulo palagi ang
“‘Yung pinamili ko pala! Nakalimutan ko sa kotse ni Robert!” “Bukas na lang ‘yon,” sagot nya habang sinasalansan sa mini ref ang mga beer in can na binili nila. “Baka hanapin tayo ni Robert. Sabi nya ihahatid daw nya ako.” “Tinext ko na sabi ko nakatulog ka kaya hinatid na kita sa bahay nyo.” “Tsk! Baka sabihin no’n ang hina kong uminom kaya nakatulog ako,” Abby frowned. “Does it matter?” “Hmm, hindi naman.” Pabagsak na nahiga si Abby sa sofa ng entertainment room kung saan sila madalas tumambay kapag umiinom. “Isara mo naman ‘yung mga blinds, baka ‘pag nalasing ako maghubad ako dito, kitang-kita ng kabilang building ang katawan ko.” Nilapag nya sa center table ang dalawang beer in can, isang baso na may yelo, Lays, mga chocolates at isang platitong asin. He laid down all the solar shades gamit ang remote. “Alright!” umupo ito at kumurot ng konting asin saka nagsalin ng beer sa baso na nilapag nya. Asin ang gusto ni Abby na pulutan, pampaalis daw ng pait ng alak at hindi r
“Hoy! Bakit ka nakaganyan?” tanong nya nang pumasok si Joaquín ng kwarto. Kumportable na syang nakahiga sa kanyang sleeping space. Meron syang sariling fuschia pink na sofa bed, bean bag na fuschia pink din, baby pink na side drawer kung saan nakalagay ang maliit na hello kitty na lampshade at mga nursing books na binili ni Joaquín para sa kanya. Hindi nagaganyak ang kaibigan sa paborito nyang kulay, pero hindi ito tumutol nang bilhin nila ang mga pink na kagamitan na napusuan nyang ilagay sa kanyang espasyo at palamutian ng fairy lights at mga selfie pictures ang dingding ng bahagi nya sa malaking master’s bedroom ni Joaquín. Sa buong penthouse ni Joaquín na kadalasan ay shades ng gray, black at white ang makikitang kulay, itong parte lang na ito ang kakaiba. “Ano’ng ganito?” ibinalik nito ang tanong habang nag-iinat inat ng kanyang mga braso at likod sa harap nya. “Naka-boxers ka lang samantalang anlamig-lamig! May paflex-flex ka pa, ‘kala mo natutuwa ako sa ‘yo?” “Bakit?
“Abe, c’mon, let’s go!” Nakagayak na sya at lahat pero tulog na tulog pa si Abby, alas-syete pasado na. Naalimpungatan sya kagabi nang lumipat ito ng higa. Hindi talaga si Abby napapakali nang may katabi sa pagtulog. Malikot kasi sya. Nagkaroon ba naman ang kamay nya ng sariling isip kagabi. Tumingala sya saka tahimik na nanalangin na sana hindi na uriratin pa ni Abby ang ginawa nya. Ide-deny nya talaga iyon. Sasabihin nyang wala syang alam, nananaginip lang sya.Pinagmasdan nya si Abby, plano nyang hampasin ito para magising pero nagdalawang-isip sya. Paharap syang naupo sa kaibigan sa kulay pink na bean bag. Nasipa na ni Abby papunta sa paanan nya ang comforter. Pati sa pagtulog ay napakagaslaw nito, nakalilis na ang damit nito hanggang kalahati ng tyan. Wala na rin sa tamang ayos ang pajamang suot. Bumabakat sa suot nitong manipis na sweater ang maliliit na tuldok sa dibdib nito na umusbong sa lamig ng aircon. Nang mapasadahan nya ng kamay ang mga iyon kagabi noong ipasok nya