“Thank you,” aniya kay Robert nang hatakin nito ang katabi nitong upuan. Tiningnan nya si Joaquín na nakapangalumbaba at matamang nakatingin pa rin sa laptop. Hindi ito nag-react nang dumating sya. Hindi rin sya tiningnan. Katabi ng kaibigan ang school registrar na tahimik na nakasipat sa binabasa ni Joaquín.
“Hi again, Miss Nicole!”“Hi, Miss Pineda, you look pretty.”“Not prettier than you, Miss. Blooming ka po ngayon. I want to know why?” pumangalumbaba sa sya lamesa at matamang tinitigan ang babaeng kaharap nya.Bumuntong-hininga si Joaquín. Umangat ito sa pagkakasandal sa couch at pinagkrus ang mga braso na hindi inaalis ang mga mata sa laptop.She knows every gesture. He didn’t like her making these small talks sa ka-date nito.“Thanks,” nakangiting anaBACKGROUND SONG: "LEAVE THE DOOR OPEN by BRUNO MARS" “Hey! Hey!” Pinitik ni Joaquin ang mga daliri sa gawi ni Robert. Para na itong nananaginip habang nakatingin sa pagse-sexy dance ni Abby sa saliw ng rendition ng banda sa kanta ni Bruno Mars. Maraming beses na nyang nakitang magwala sa dance floor si Abby pero ngayon lang nya natitigan ang paraan ng pagsasayaw nito. She dances so gracefully. Kahit sa suot nitong butas-butas na maong pants, simpleng t-shirt at tsinelas ay na-e-emphasize nito ang kanyang makurbang katawan. Yes, she has all the curves in all the right places. No wonder parang nasisiraan na ng bait si Robert sa pagkakatitig nito sa dalaga. Mapanukso ang bawat galaw ni Abby. Dinadama ang bawat tyempo ng chorus ng paborito nyang kanta. Mapang-akit. Nananawag. Nagbibigay ng motibo. Pati sya ay napamaang. Lumilitaw ang kagandahan ni Abby sa pulang-pulang lipstick nya. Kahit kadalasan ay pulbos at lipstick lang ang inilalagay sa mukha at magulo palagi ang
“‘Yung pinamili ko pala! Nakalimutan ko sa kotse ni Robert!” “Bukas na lang ‘yon,” sagot nya habang sinasalansan sa mini ref ang mga beer in can na binili nila. “Baka hanapin tayo ni Robert. Sabi nya ihahatid daw nya ako.” “Tinext ko na sabi ko nakatulog ka kaya hinatid na kita sa bahay nyo.” “Tsk! Baka sabihin no’n ang hina kong uminom kaya nakatulog ako,” Abby frowned. “Does it matter?” “Hmm, hindi naman.” Pabagsak na nahiga si Abby sa sofa ng entertainment room kung saan sila madalas tumambay kapag umiinom. “Isara mo naman ‘yung mga blinds, baka ‘pag nalasing ako maghubad ako dito, kitang-kita ng kabilang building ang katawan ko.” Nilapag nya sa center table ang dalawang beer in can, isang baso na may yelo, Lays, mga chocolates at isang platitong asin. He laid down all the solar shades gamit ang remote. “Alright!” umupo ito at kumurot ng konting asin saka nagsalin ng beer sa baso na nilapag nya. Asin ang gusto ni Abby na pulutan, pampaalis daw ng pait ng alak at hindi r
“Hoy! Bakit ka nakaganyan?” tanong nya nang pumasok si Joaquín ng kwarto. Kumportable na syang nakahiga sa kanyang sleeping space. Meron syang sariling fuschia pink na sofa bed, bean bag na fuschia pink din, baby pink na side drawer kung saan nakalagay ang maliit na hello kitty na lampshade at mga nursing books na binili ni Joaquín para sa kanya. Hindi nagaganyak ang kaibigan sa paborito nyang kulay, pero hindi ito tumutol nang bilhin nila ang mga pink na kagamitan na napusuan nyang ilagay sa kanyang espasyo at palamutian ng fairy lights at mga selfie pictures ang dingding ng bahagi nya sa malaking master’s bedroom ni Joaquín. Sa buong penthouse ni Joaquín na kadalasan ay shades ng gray, black at white ang makikitang kulay, itong parte lang na ito ang kakaiba. “Ano’ng ganito?” ibinalik nito ang tanong habang nag-iinat inat ng kanyang mga braso at likod sa harap nya. “Naka-boxers ka lang samantalang anlamig-lamig! May paflex-flex ka pa, ‘kala mo natutuwa ako sa ‘yo?” “Bakit?
“Abe, c’mon, let’s go!” Nakagayak na sya at lahat pero tulog na tulog pa si Abby, alas-syete pasado na. Naalimpungatan sya kagabi nang lumipat ito ng higa. Hindi talaga si Abby napapakali nang may katabi sa pagtulog. Malikot kasi sya. Nagkaroon ba naman ang kamay nya ng sariling isip kagabi. Tumingala sya saka tahimik na nanalangin na sana hindi na uriratin pa ni Abby ang ginawa nya. Ide-deny nya talaga iyon. Sasabihin nyang wala syang alam, nananaginip lang sya.Pinagmasdan nya si Abby, plano nyang hampasin ito para magising pero nagdalawang-isip sya. Paharap syang naupo sa kaibigan sa kulay pink na bean bag. Nasipa na ni Abby papunta sa paanan nya ang comforter. Pati sa pagtulog ay napakagaslaw nito, nakalilis na ang damit nito hanggang kalahati ng tyan. Wala na rin sa tamang ayos ang pajamang suot. Bumabakat sa suot nitong manipis na sweater ang maliliit na tuldok sa dibdib nito na umusbong sa lamig ng aircon. Nang mapasadahan nya ng kamay ang mga iyon kagabi noong ipasok nya
Maingat nyang ipinarada ang dalang Ford F-150 sa gilid ng bakanteng lote na may bakod. Sinipat nya sa rear view mirror ang kasunod nyang dark gray na sedan. Napamura sya. Problema na nga nya ang parking dito sa makipot na lugar nina Abby, problema pa nya kung saan paparada ang mga escort nya. Ilang araw mula ng insidente sa party ay dumating ang dalawang security escort na pinadala ng kanyang ninong, utos daw iyon ng kanyang Mamá. Mula noon ay nakasunod na ang mga ito sa kanya kahit saan sya magpunta. Pakiramdam nya para syang kriminal na may mabigat na kasalanan pero hindi na sya nakipaglaban pa, hindi rin naman sya mananalo sa kagustuhan ng kanyang Mamá. Bumaba ang isa sa mga ito at kumatok sa kanyang sasakyan. ‘Boss, sa’n kami paparada?” tanong nito. “Malay ko sa inyo. Maghanap kayo,” aniya nang makababa sya ng sasakyan. Dumukot sya ng pera sa wallet at iniabot sa lalake. “H’wag nyo na akong sundan, do’n lang naman ako sa bahay na ‘yon,” turo nya sa daang papunta kina Abby.
“Wala dito ‘yung bruha, h’wag kang mag-alala. Maaga palang pinatawag na ni Kap. Hindi na nga nakapag-almusal eh.” “H’wag nyong papagurin ang sarili nyo,” anas nya. Noong huli nyang makita si Nanay ay sobrang putla nito at matamlay, buti naman kahit papaano ay bumabalik na ito sa dati nyang sigla. “Hinay-hinay lang ako, anak. Malapit na kasi magpasukan, kailangang mag-ipon ng pang-tuition ni Abby, isang sem na lang eh, baka mahinto na naman.” “H’wag nyong alalahanin si Abby, ‘nay, naayos ko na ‘yon. Kung may kailangan pa sya ako na’ng bahala.” Umiling si Nanay Elsa. “Magagalit ‘yon sa ‘yo, Joaquín.” “Hindi po, nag-usap na kami. At least bago ako umalis makita ko syang ga-graduate.” “Bakit? Kinukulit ka na naman ba ng Lolo mo?” Hindi sya kumibo. Hinigop nya ang mapait na kape na inihandog ni Nanay Elsa. Alam ni Nanay Elsa ang suliranin nya sa kanyang Lolo at Mamá. Wala naman syang tinatago sa mag-ina. “Pinapahanap po si Santiago, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.” “Naku ‘
“¡Hola Mamá!” kunway excited syang marinig ang boses ng ina. “No puedo dormir pensando en ti, hijo mío (I can’t sleep thinking about you, my son), I want to go there but your hermano Rafael wouldn’t let me, maysakit daw ako,” anas ng kanyang Mamá. Bahagyang may nginig sa makapal na Spanish accent nito, tila galing palang ito sa pag-iyak. “Ano’ng sakit mo, Mamá?” Bigla nyang naalala ang sinabi ng kayang Lolo na nagkaka-nervous breakdown ang kanyang Mamá dahil sa kanya, agad syang nagsisi na naitanong pa nya. “I wanna go there to come and see you, Iñigo, and Santiago… Have you found Santiago?” “Not yet, Mamá, just give me a little more time. I will get to him.” “How much more time do you want?! Nagkakasakit na ako dahil sa inyo, gusto nyo na ba akong mamatay?!” hikbi ng kanyang ina. Nagda-drama na naman ang kanyang Mamá. Nararamdaman nyang mag-uumpisa na naman itong mag-sermon. Ibinaba nya ang balikat at pabagsak na naupo sya sahig. “Hindi naman po sa gano’n, it’s j
Inabot sa kanya ng tanggero ang maliit na baso na agad naman nyang tinungga ang laman. Nangiwi sya sa anghang na gumuhit sa lalamunan hanggang sikmura nya. Hindi nya talaga kaya ang lasa ng gin na pinigaan lang ng calamansi. Nag-init bigla ang kanyang tenga, lumalaban ang dugo nya sa tapang ng alcohol ng gin. Hinubad nya ang suot na T-shirt saka paikot-ikot na ipinaypay iyon sa sarili. Hindi na sya naiiba sa mga kaharap, halos lahat sila walang damit na pang-itaas. “Ito nga pala ‘yung inaanak nyo ni Abby ‘pre, si Lizzie,” turo ni Denver sa batang babae na may limang taon na ang edad at abala sa pagdo-drawing gamit ang chalk sa sementadong kalsada. “Mag-bless ka, anak. Magpasalamat ka kay Ninong Joaquín mo.” “Bless po!” nakangiting tinanggap nya ang pagmamano ng batang babae. “Ninong, salamat po sa regalo no’ng pasko tska no’ng birthday ko, binigay po ni Ninang sa ‘kin kahit hindi kayo pumunta.” “Ah oo, busy kasi, pero naalala ko naman, ‘di ba? Ano’ng regalo ang gusto mo sa susunod