“Beks may bisita kayo bukas?" tanong ni Marnie habang nanonood sila ng palaro ni Kap ng basketball. Na-sense na nya na si Joaquín ang pinupunto nito. Malamang sa nakita na ni Marnie ang 4x4 ni Joaquín kaninang umaga. “Ewan ko lang beks. Bakit?”“Aayain ko lang sana kayo ni Joaquín sa bahay, maghahanda si Mama eh. Inom tayo as friends. ‘Yun lang,” nakangiting sabi ni Marnie. “F na f ko pa rin si Joaquín, beks! Hahaha! Sorry ha, kung okay lang naman… Hindi naman kayo, ‘di ba?”“Friends pa rin!” nakangiting sagot nya agad. “Nakatatak na ‘yun sa bato… Ask ko sya kung bet nya.”“H’wag ka nang mag-alala beks, hindi ko na aagawin sa ‘yo si Joaquín kahit bet ko sya kasi may jowa na ‘ko.”“Jowa? Sino’ng jowa mo?” takang tanong nya sa kaibigan. Sa pagkakaalam nya ay wala naman itong boyfriend. “‘Yun ang jowa ko! Hihihi!” kilig na kilig si Marnie sa poging lalake na magfi-free throw. “ Beks ang pogiiiii!”Halos mapatiran ng litid ang kaibigan sa pagtili kahit hindi nagawang maipasok ng lalake
Narinig nyang sumitsit ang kanyang Nanay nang makadaan sya sa gate nila, sinenyasan sya nitong pumasok sa bahay nila. “Nanay bakit nyo naman pinalabas??! Tingnan nyo naman ang itsura do’n! Hindi ‘yon umiinom ng gin!” “Eh hayaan mo lang ‘nak, nagkakasiyahan lang naman,” tawa nang tawa si Nanay Elsa at Jim sa mga pinanonood nilang sayawan sa labas ng kanilang bahay. “Alam nyo namang alcoholic ‘yong tao eh. Malalaman ‘yan ng Lolo at Mamá nya, walang nakakalampas pa naman sa mga ‘yon.”“Ako ang kakausap kay Señora kapag tumawag.”“Eh kung ma-picturan ‘yan, lagot na naman sa Lolo nya!”“Sino’ng magpi-picture? Wala namang nakakakilala sa kanya dito! Ano ba’ng pinag-aalala mo? Ayaw mong mag-enjoy man lang ‘yung tao kahit ngayon lang? Tingnan mo oh, masaya sya. Mas gusto mo bang nagwawala at nakikipag-rambulan si Joaquín kapag nakakainom kesa ‘yung masaya sya?” saway sa kanya ni Nanay Elsa.“Eh kung makahanap ng away dito, paano na?!”“May mga bodyguard naman sya, ‘di ba?!”“Ayun na nga ri
“ANO?! 350 THOUSAND?!” Napipikit na pinilig ni Denver ang kanyang ulo nang bigla syang humiyaw. Hindi sya makapaniwala sa narinig nya sa kababata nang tanungin nya kung magkano lahat ang nagastos nila sa tuloy-tuloy nilang pag-inom. “Ano’ng currency n‘yan, yen o peso?” “Ano po?” tanong ng isa sa escort ni Joaquín. “Peso po,” sagot ng isa pa. Sumakit bigla ang ulo nya. Nakahilera sa sofa ang apat na lalake na tinawag nya para i-interrogate: ang dalawang escort ni Joaquín, si Denver, at syempre si Joaquín na parang batang gusgusin ang itsura at nag-aakmang pupunta sa CR. “Sa’n ka pupunta?” “Sa CR po, your honor.” “3 minutes. Bilisan mo!” Nilundag ni Joaquín ang papuntang CR sa pagmamadali. “Eto po pala ‘yung ATM ni Boss,” iniabot sa kanya ng isang escort ang ATM ni Joaquín. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Pasipat-sipat lang sa tuwing magsasalita. “Oh, akala ko cash na binigay?! Bakit nasa ‘yo ang ATM?” “Eh kasi 400 na lang daw ang laman ng wallet
Wala na ang malakas na tugtog pero hindi pa rin sya makatulog. Iniisip nya ang halik na iyon ni Joaquín sa kanya. Malayong malayo sa mga mga nakaw na halik nya sa lalake noong makauwi sila sa penthouse pagkatapos ng double date nila ni Robert. Prank lang kasi iyon. Ibang-iba ang dating sa kanya ng napakalamyos na halik na iyon ni Joaquín, tumigil ng sampung segundo ang mundo nya. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Para syang lumutang sa ere. Lumangitngit pabukas ang kalawangin nilang gate. Ngayon lang natapos ang pakiwari nya ay walang hanggang inuman sa labas. Wala na nga sana syang balak na bumaba pa pero tinapik sya ng kanyang ina na nakahiga sa ibaba ng kama nya. “‘Nak si Joaquín baka hindi makapasok. Nai-lock ko ‘ata ang pinto, asikasuhin mo muna. Pagkapehin mo. Hindi ‘yon kumain ng hapunan. Dyusko ‘yung bata na ‘yon,” pumalatak ang kanyang ina. Nangiwi sya. ‘Sabi nyo kasi hayaan eh,’ gusto nya sana nyang isagot sa kanyang nanay. Lumabas sya ng pinto, nakita nya si Joaquín na
Isinandal nya ang likod sa upholstery ng backseat ng kanyang sasakyan. Hindi sya ang driver ngayon. Joaquín gazes through the tinted door of his Black Toyota Fortuner. Kahit heavily tinted ang mga bintana ng sasakyan nya ay silaw na silaw sya. He puts on his Ray-ban. He have a blasting hangover, bloodshot eyes, and throbbing temples. He closes his eyes wishing to get some sleep. Dinukot nya ang cellphone sa bulsa ng kanyang laptop bag, wala pang isang linggo nyang nabibili ang cellphone pero durog na naman ito. Naiwan pa nya ang isa sa bahay nina Abby. He let out an exaggerated sigh. “You want something?” Rafael asks as he glances at him through the rear view mirror. “No, just some sleep,” isinandal nya ang ulo sa upholstery. “Here, I brought you this, it will help you get some sleep,” inabot ni Rafael sa kanya ang isang bote ng gamot. Punit ang gitna ng ibabang labi ni Rafael sa pagkakasuntok nya nang bulagain sya nito kaninang umaga sa bahay nina Abby at pilitin syan
It was a 5-hour long drive. Or 6? Hindi nya napansin ang oras. Napahimbing sya ng tulog sa buong byahe pagkatapos nilang kumain. Nakahinto na ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Wala na sa driver's seat si Rafael. Inayos nya ang pagkakakapit ng Ray-ban sa kanyang tenga saka bumaba ng kotse. “Fuck you! Hindi ka marunong mag-park!!!” umalingawngaw ang kanyang boses sa kawalan nang pagbukas nya ng pinto ay bangin na agad ang nakita nya. Kung anu-anong mura ang lumabas sa kanya sa wikang Español sa sobrang inis nya. Buti na lang hindi sya humakbang pababa agad. “Boss!” takbo ng isa sa mga escort nya para saklolohan sya. “I’m fine!” inis na sambit nya habang binubuksan ang kabilang pinto. “Where’s Rafael?” “Nandoon po, Boss,” turo ng isa sa mga escort nya sa nag-iisang bahay na nakatirik sa gitna ng malawak na bukirin na may kalayuan din sa kalsada. Nagpakawala sya ulit ng malutong na mura habang tinatawid ang malawak na daan na ilan-ilang sasakyan lang ang nagdaraan. Sinusuklay nya
“Mga kuya ko,” dagling lumumanay ang boses ni Santiago. “Si Aurora.”“Naku, pasensya na ho kayo sa bahay! Kanina pa ba kayo dumating? Galing kasi ako sa likod, nanguha ako ng gulay. Nagkape na ba kayo?” tarantang ini-estima sila ng babae. “Maupo ho kayo, bakit kayo mga nakatayo?” “Uh, paalis na rin kami. Napadalaw lang kami kay Santi, babalik na lang kami sa susunod na araw,” paalam ni Rafael. “Oo, paalis na sila,” sang-ayon ni Santiago. “H’wag ho muna, ngayon lang kayo napakadako rito, kakaripas na kayo ng alis? Dito na kayo maggabihan. Siguro’y taga-Maynila kayo, ano po?”“Ah oo, sa Manila kami nakatira,” ngiting sagot ni Joaquín, nakita nya ang malagkit na irap ni Santiago sa babae na hindi naman nito pinansin. Lumingon sya sa paligid. It’s nearly dusk, wala namang ibang tao sa bahay na iyon kundi silang apat lang. “Dito ka nakatira?” pabulong na tanong nya kay Santiago nang lumakad pagawi sa pawid na kusina ang babae. “Oo,” sagot na pabulong ni Santiago.“Kayong dalawa lang a
Pilit nyang inaaninag ang nilalakaran nila sa sobrang dilim ng paligid. Wala man lang kailaw-ilaw sa gawi nito nina Santiago. Sinusundan lang nya ang tunog ng yabag ni Rafael patungo sa kalsada kung saan nito pinarada ang sasakyan. Nagpasalamat sya sa Diyos na naroroon pa rin ang kanyang Fortuner. Siguro kung lumindol ng konti tuluyan na itong mahuhulog sa malalim na bangin. “Ikaw na ang mag-drive, matutulog ako.” Inabot ni Rafael sa kanya ang susi. Muntik nang hindi magtama ang mga kamay nila sa sobrang dilim ng paligid. Pumuwesto na ito agad sa backseat. Malalakas ang huni ng mga ibon sa paligid. Ibang-iba sa huni ng mga ibon na alam nya. Nakaramdam sya ng konting takot. Pumasok sya agad sa kotse at ini-start ang engine nito. Nang umilaw ang kanyang headlignt ay napansin nyang wala na ang kotse na gamit ng kanyang mga escort samantalang kanina ay nasa harap lang ng sasakyan nya nakaparada. ‘Mga duwag din sa dilim,’ sabi nya sa sarili. Naalala nya ang wallet na naiwan kina Ab