Narinig nyang sumitsit ang kanyang Nanay nang makadaan sya sa gate nila, sinenyasan sya nitong pumasok sa bahay nila. “Nanay bakit nyo naman pinalabas??! Tingnan nyo naman ang itsura do’n! Hindi ‘yon umiinom ng gin!” “Eh hayaan mo lang ‘nak, nagkakasiyahan lang naman,” tawa nang tawa si Nanay Elsa at Jim sa mga pinanonood nilang sayawan sa labas ng kanilang bahay. “Alam nyo namang alcoholic ‘yong tao eh. Malalaman ‘yan ng Lolo at Mamá nya, walang nakakalampas pa naman sa mga ‘yon.”“Ako ang kakausap kay Señora kapag tumawag.”“Eh kung ma-picturan ‘yan, lagot na naman sa Lolo nya!”“Sino’ng magpi-picture? Wala namang nakakakilala sa kanya dito! Ano ba’ng pinag-aalala mo? Ayaw mong mag-enjoy man lang ‘yung tao kahit ngayon lang? Tingnan mo oh, masaya sya. Mas gusto mo bang nagwawala at nakikipag-rambulan si Joaquín kapag nakakainom kesa ‘yung masaya sya?” saway sa kanya ni Nanay Elsa.“Eh kung makahanap ng away dito, paano na?!”“May mga bodyguard naman sya, ‘di ba?!”“Ayun na nga ri
“ANO?! 350 THOUSAND?!” Napipikit na pinilig ni Denver ang kanyang ulo nang bigla syang humiyaw. Hindi sya makapaniwala sa narinig nya sa kababata nang tanungin nya kung magkano lahat ang nagastos nila sa tuloy-tuloy nilang pag-inom. “Ano’ng currency n‘yan, yen o peso?” “Ano po?” tanong ng isa sa escort ni Joaquín. “Peso po,” sagot ng isa pa. Sumakit bigla ang ulo nya. Nakahilera sa sofa ang apat na lalake na tinawag nya para i-interrogate: ang dalawang escort ni Joaquín, si Denver, at syempre si Joaquín na parang batang gusgusin ang itsura at nag-aakmang pupunta sa CR. “Sa’n ka pupunta?” “Sa CR po, your honor.” “3 minutes. Bilisan mo!” Nilundag ni Joaquín ang papuntang CR sa pagmamadali. “Eto po pala ‘yung ATM ni Boss,” iniabot sa kanya ng isang escort ang ATM ni Joaquín. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Pasipat-sipat lang sa tuwing magsasalita. “Oh, akala ko cash na binigay?! Bakit nasa ‘yo ang ATM?” “Eh kasi 400 na lang daw ang laman ng wallet
Wala na ang malakas na tugtog pero hindi pa rin sya makatulog. Iniisip nya ang halik na iyon ni Joaquín sa kanya. Malayong malayo sa mga mga nakaw na halik nya sa lalake noong makauwi sila sa penthouse pagkatapos ng double date nila ni Robert. Prank lang kasi iyon. Ibang-iba ang dating sa kanya ng napakalamyos na halik na iyon ni Joaquín, tumigil ng sampung segundo ang mundo nya. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Para syang lumutang sa ere. Lumangitngit pabukas ang kalawangin nilang gate. Ngayon lang natapos ang pakiwari nya ay walang hanggang inuman sa labas. Wala na nga sana syang balak na bumaba pa pero tinapik sya ng kanyang ina na nakahiga sa ibaba ng kama nya. “‘Nak si Joaquín baka hindi makapasok. Nai-lock ko ‘ata ang pinto, asikasuhin mo muna. Pagkapehin mo. Hindi ‘yon kumain ng hapunan. Dyusko ‘yung bata na ‘yon,” pumalatak ang kanyang ina. Nangiwi sya. ‘Sabi nyo kasi hayaan eh,’ gusto nya sana nyang isagot sa kanyang nanay. Lumabas sya ng pinto, nakita nya si Joaquín na
Isinandal nya ang likod sa upholstery ng backseat ng kanyang sasakyan. Hindi sya ang driver ngayon. Joaquín gazes through the tinted door of his Black Toyota Fortuner. Kahit heavily tinted ang mga bintana ng sasakyan nya ay silaw na silaw sya. He puts on his Ray-ban. He have a blasting hangover, bloodshot eyes, and throbbing temples. He closes his eyes wishing to get some sleep. Dinukot nya ang cellphone sa bulsa ng kanyang laptop bag, wala pang isang linggo nyang nabibili ang cellphone pero durog na naman ito. Naiwan pa nya ang isa sa bahay nina Abby. He let out an exaggerated sigh. “You want something?” Rafael asks as he glances at him through the rear view mirror. “No, just some sleep,” isinandal nya ang ulo sa upholstery. “Here, I brought you this, it will help you get some sleep,” inabot ni Rafael sa kanya ang isang bote ng gamot. Punit ang gitna ng ibabang labi ni Rafael sa pagkakasuntok nya nang bulagain sya nito kaninang umaga sa bahay nina Abby at pilitin syan
It was a 5-hour long drive. Or 6? Hindi nya napansin ang oras. Napahimbing sya ng tulog sa buong byahe pagkatapos nilang kumain. Nakahinto na ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Wala na sa driver's seat si Rafael. Inayos nya ang pagkakakapit ng Ray-ban sa kanyang tenga saka bumaba ng kotse. “Fuck you! Hindi ka marunong mag-park!!!” umalingawngaw ang kanyang boses sa kawalan nang pagbukas nya ng pinto ay bangin na agad ang nakita nya. Kung anu-anong mura ang lumabas sa kanya sa wikang Español sa sobrang inis nya. Buti na lang hindi sya humakbang pababa agad. “Boss!” takbo ng isa sa mga escort nya para saklolohan sya. “I’m fine!” inis na sambit nya habang binubuksan ang kabilang pinto. “Where’s Rafael?” “Nandoon po, Boss,” turo ng isa sa mga escort nya sa nag-iisang bahay na nakatirik sa gitna ng malawak na bukirin na may kalayuan din sa kalsada. Nagpakawala sya ulit ng malutong na mura habang tinatawid ang malawak na daan na ilan-ilang sasakyan lang ang nagdaraan. Sinusuklay nya
“Mga kuya ko,” dagling lumumanay ang boses ni Santiago. “Si Aurora.”“Naku, pasensya na ho kayo sa bahay! Kanina pa ba kayo dumating? Galing kasi ako sa likod, nanguha ako ng gulay. Nagkape na ba kayo?” tarantang ini-estima sila ng babae. “Maupo ho kayo, bakit kayo mga nakatayo?” “Uh, paalis na rin kami. Napadalaw lang kami kay Santi, babalik na lang kami sa susunod na araw,” paalam ni Rafael. “Oo, paalis na sila,” sang-ayon ni Santiago. “H’wag ho muna, ngayon lang kayo napakadako rito, kakaripas na kayo ng alis? Dito na kayo maggabihan. Siguro’y taga-Maynila kayo, ano po?”“Ah oo, sa Manila kami nakatira,” ngiting sagot ni Joaquín, nakita nya ang malagkit na irap ni Santiago sa babae na hindi naman nito pinansin. Lumingon sya sa paligid. It’s nearly dusk, wala namang ibang tao sa bahay na iyon kundi silang apat lang. “Dito ka nakatira?” pabulong na tanong nya kay Santiago nang lumakad pagawi sa pawid na kusina ang babae. “Oo,” sagot na pabulong ni Santiago.“Kayong dalawa lang a
Pilit nyang inaaninag ang nilalakaran nila sa sobrang dilim ng paligid. Wala man lang kailaw-ilaw sa gawi nito nina Santiago. Sinusundan lang nya ang tunog ng yabag ni Rafael patungo sa kalsada kung saan nito pinarada ang sasakyan. Nagpasalamat sya sa Diyos na naroroon pa rin ang kanyang Fortuner. Siguro kung lumindol ng konti tuluyan na itong mahuhulog sa malalim na bangin. “Ikaw na ang mag-drive, matutulog ako.” Inabot ni Rafael sa kanya ang susi. Muntik nang hindi magtama ang mga kamay nila sa sobrang dilim ng paligid. Pumuwesto na ito agad sa backseat. Malalakas ang huni ng mga ibon sa paligid. Ibang-iba sa huni ng mga ibon na alam nya. Nakaramdam sya ng konting takot. Pumasok sya agad sa kotse at ini-start ang engine nito. Nang umilaw ang kanyang headlignt ay napansin nyang wala na ang kotse na gamit ng kanyang mga escort samantalang kanina ay nasa harap lang ng sasakyan nya nakaparada. ‘Mga duwag din sa dilim,’ sabi nya sa sarili. Naalala nya ang wallet na naiwan kina Ab
“Hindi nga pwede, Joaquín. Kung kinausap mo kasi ang Abuelo noong nakikipagtagayan ka kina Abby edi napaghandaan mo sana ang meeting mo. You need to check-in now, maiiwan ka na ng eroplano. Napakatrapik pa naman papuntang airport," pilit syang kinukumbinsi ni Rafael. Noong nakaraang araw pa pala sya tinatawagan ng kanyang Lolo, naka-schedule na ang meeting nya with Interpol España Cyber Working Group at hindi na ito mauurong. Nagpalakad-lakad sya sa harap ni Rafael nang nakapameywang sa malawak na living room ng penthouse. Hawak nya ang wallet, cellphone, at susi ng 4x4 na iniwan nya kina Abby na pinick-up na lang ng kanyang driver. Kung alam lang nya na may lakad pa palang syang iba ay hindi na sana sya sumama pa kay Rafael na puntahan si Santiago para nakapag-recap man lang sana sya. Apat na araw lang syang nawala sa radar ng kanilang Abuelo pero parang marami sya agad na-miss. "Kung may importante kang lalakarin, ipagpaliban mo muna, isang linggo ka lang naman na mawawala. Ano
Kasalukuyan syang nakatayo sa nakabukas na sliding panel door at nakatanaw sa pink na convertible nang malingon sya sa direksyon ng boses ng babaeng bumati sa kanya. “Wow! You’re so dashing, hon! You don’t fail to sweep me off my feet,” puri ng nakangiting babaeng naglalakad na patungo sa kanya na animo’y nasa fashion runway. “Hm, flopped ba ang party? Konti lang ang tao,” puna nya sa iilan-ilang guests na naroroon sa malawak na garden at ini-enjoy ang tugtugan ng Latin band. “Well, today’s Christmas. Most of the people are spending time with their families. But I’m still expecting a few persons on the list na nakapag-RSVP. So we’ll just have to wait a little longer,” ani Jessica habang chini-check ang mga listahan ng mga pangalan sa bitbit nyang iPad. "Your Mamá doesn't care much, kasi masaya na sya sa pakikipagkwentuhan nya sa mga amiga nya na naririto na.” Hindi na sya umimik at ibinaling muli ang tingin sa kotseng nasa labas. Kanina pa nya binubuo sa kanyang isip kung paano
“Lasing ka na agad, Tiyago?” sita nyang napapahalukipkip sa pamumula ng tisoy na mukha at leeg ng bunsong kapatid nina Joaquín. “Hindi pa, ‘no! Konti palang nainom ko, pwede pa nga tayong magsayaw mamaya eh.” Napasigaw sya nang bigla sya nitong buhatin. “Oist! Ano ba?!” hampas nya sa balikat nito kaya ibinaba rin sya nito agad.“Buntis si Ate Abby,” anas ng medyo nagigitlang si Helena sa kakulitan ni Santiago.“I don’t know but I’m kind of skeptical about it,” kinibit pa nito ang balikat.Inirapan lang ang pagdududa ni Santiago at pinuna ang suot nitong gray na ternong university hoodie at jogging pants. “Hindi ka magbihis ng naaayon sa theme ng party? Kapag nakita ka ng Mamá mo baka magalit ‘yun sa ‘yo,” tinapik nya ang kamay ni Santiago nang ang kulitin naman nito ay ang bulaklak sa kanyang buhok.“Magalit na lang sila kung magagalit sila, nagpapakasaya lang ako. ‘Yun naman ang true meaning ng mga party, ‘di ba? Ang mag-enjoy, uminom at sumaya,” Nalubog sya sa jacket nito nang yaka
Pagbukas nya ng pinto ay napaatras sya nang makita si Helena at ang haggard nitong itsura. Agad syang nakaramdam ng guilt na hindi man lang sya nakatulong dito sa pag-aasikaso sa baba.“Helena? Bakit hindi ka kumakatok? Para kang multo d’yan. Halika, pumasok ka.”“Ate, bababa ka na ba? Sorry ha, kakapalan ko na ‘tong mukha ko. Manghihiram sana ako ng lipstick, baka mayroon kang extra. Wala kasi akong dala.” Matamlay pati ang tinig nito. Halatang-halata ang pagod ng asawa ni Iñigo sa maghapong pagtulong sa kusina.“Meron. Marami,” dinala nya si Helena sa 4-seater na lamesa at binuksan sa harap nito ang kanyang makeup box. “Ito oh. Gusto mo makeup-an kita?” “Hindi po. Marunong ako,” sagot nito. “Sige na, help yourself, hihintayin kita makatapos tapos sabay na tayong bumaba,” ngiti nya. Inumpisahan agad ni Helena ang kanyang pagme-makeup. Inabala naman nya ang kanyang sarili sa pagre-reply ng mga text message ng pampaskong pagbati na natanggap nya sa mga kaklase at kaibigan. Ngumuso sy
Marahan nyang hinawakan ang banat na banat na katawan ng eight inches nitong masel at hinalik-halikan ang ulo nito. ‘Parang sumusubo ng lollipop o kumakain ng ice cream na patunaw na. Smooth lang dapat ang hagod. Labi lang at dila. H’wag mong sasamahan ng ngipin kahit gaano ka pa kagigil. H'wag mo ring hihigpitan ng hawak. Hindi mo kelangang isubo lahat, ‘yung kaya mo lang kesa maduwal ka at ma-turnoff,’ naririnig nya sa kanyang isip ang free lecture ng kaklase nyang babae nang minsang nagbida ito tungkol sa ginagawa nito sa kanyang nobyo. At talaga nga namang manggigigil ka, lalo na kung maririnig mo pa sa taong mahal na mahal mo ang mahihinang usal at ang malalalim at sunud-sunod na paghinga nito habang hinahaplos-haplos ang iyong buhok at mataman lang na nakatingin sa iyong ginagawa—tulad na lang ni Joaquín ngayon. “Hm… that feels fucking nice,” bulong ni Joaquín sabay unat ng mga hita nito nang ipasada nya ang kanyang dila ang mula sa puno ng malaki nitong nota hanggang sa
Dapit-hapon na nang magising syang nakaakbay si Joaquín sa kanya at nakaunan sya sa balikat nito. Nangiti sya, kaya siguro ang haba ng naitulog nya kasi kumportable ang pagkakahiga nya. Tiningnan nya ang walang suot na pantaas na lalakeng katabi nya na mahimbing pang natutulog. Hindi man lang nya namalayan ang pagtabi nito sa kanya. Naroroon sa side drawer ang tray ng pagkaing may takip. Nakita nyang nakabukas pa ang Macbook nito sa lamesa katabi ng bestidang iniwan ni Jessica. Siguro’y inusisa ito ni Joaquín nang makita dahil naiba ang pagkakasampay nito sa upuan. Sa tagal ng panahon, ngayon lang si Joaquín natulog ng may araw pa. Paano’y lagi itong busy kaya hindi na nito nagagawang makapag-siesta. Nasa bakasyon naman sya ngayon, kaya okay lang matulog sya maghapon. ‘Ang pogi talaga,’ isip-isip nya. Pinasadahan nya ng daliri ang baba nitong bahagya nang magaspang sa tumubo nang balbas. Siguro’y kung hindi ito magse-shave ay magma-mature nang konti ang itsura nito—pero gwapo pa r
Nakakatulog na sana sya nang maramdaman nya ang paglangitngit pabukas ng pinto ng kwarto. “Mahal ko? Ngayon palang ako nakakaidlip…” bulong nya sabay sipat nya sa gawi ng pintuan. Dagli syang napaupo sa kama nang ang babaeng kinaiinisan nya ngayon ang nakita nyang pumasok sa pinto. Ngiting-ngiti ito sa kanya at may dala pang dalawang box na inilapag nito sa lamesa. “Hi, Abby! Are you sleeping? The door isn't locked kaya pumasok na ‘ko.” Napagdesisyunan nyang magpaka-casual. Pasko ngayon at na-stress na sya nang todo-todo kanina. At isa pa, wala naman talaga itong ginagawang masama sa kanya. Wala syang dapat ikagalit at hinding-hindi rin nya kailangang magselos. Walang rason para magselos. “Ah oo, patulog na sana ako eh... Ano ‘yang dala mo?” “Your flamenco dress and black sandals, pinabili ng Mamá n’yo sa ‘kin sa Manila. Tig-isa kayo ng hipag mo. I hope I got your size correct. This color suits you well since hindi ka naman kaputian,” ipinakita nito ang kabuuan ng kulay puti
Matapos nyang makakain ng konting kanin na may sabaw ng nilagang baka at palitan ng t-shirt at trousers ni Joaquín ay nagpaalam itong lalabas sandali ng kwarto. “May gagawin lang ako saglit sa labas. Hindi ako magtatagal, babalik rin ako agad,” sinulyapan nito ang cellphone na nasa bulsa pagkatapos ay binuksan ni Joaquín ang malalaking salaming bintana sa kanyang ulunan para makapasok ang hangin sa kwarto. “Okay lang ako rito, kahit h’wag ka nang bumalik,” malamig nyang sagot. “Napakasungit mo naman. Saglit nga lang ako,” malambing na anas nito. “Matulog ka lang muna, paggising mo nandito na ‘ko ulit," tumabi ito sa kanya at hinalik-halikan ang kanyang leeg. "Hm... alam mo ang bango-bango mo talaga ngayon, humahalimuyak ka sa buong kwarto natin, mi cielo. Amoy biko ka ngayon ni Nanay na may konting thinner ng pintura. Masarap at nakaka-adik," natatawang dagdag ni Joaquín. "Nang-iinis ka pa, lumayas ka na nga rito," naiiritang pumiksi sya nang bahagya nang pisilin ni Joaquín a
“Hindi, uhm, nagbigay lang ako ng number ng OB sa kanya,” tumungo sya para iiwas ang tingin sa lalakeng puzzled na puzzled na nakatuon lang ang tingin sa kanya.“Edi nagpapa-checkup ka nga kasi may OB-Gyn ka?” nagugulumihanang tanong ni Joaquín. “Hindi nga… Wala akong OB. Ewan ko.” “Anong ewan mo?!” kumukunot na ang noong susog ni Joaquín. “Ewan ko nga. Hindi naman kasi ako buntis eh. ‘Di ba props lang natin ‘to?” tinumbasan nya ang iritableng tinig ni Joaquín. “Oo nga, eh bakit sabi ni Rafael paglilihi 'yan? Anong meron bakit madalas kang nahihilo ngayon eh hindi ka naman ganyan dati kung hindi ka naglilihi? Madalas ka namang tanghali na magising dati, ni hindi ka nga nakakapag-almusal bago ka pumasok sa school pero hindi ka nahihilo. Ngayon lang."“Eh, anong gusto mong isagot ko sa ‘yo? Na buntis ako? Hindi nga ako buntis,” naiinis na wika nya. Dagli nyang tinakpan ang kanyang bibig nang magpaduwal-duwal na naman sya sa hapdi ng nararamdaman nyang umaakyat na mapait mula sa kan
“Para magkabalikan sila. Hindi mo ba napapansin? Tuwing makakaharap na lang si Jessica laging binibida ni Joaquín ang tungkol sa pagbubuntis ko pati sa kasal-kasal na ‘yan… Pinagseselos nya ‘yung tao.” “Ano?!” malakas na sambit ni Rafael. Kagyat na nagiba pa ang mukha nito sa narinig nito sa kanya. “Kaya ayokong tuluyang makasal kami. Rafael, hindi ito tulad ng laro natin nu’ng mga bata pa tayo. Seryosong commitment ang kasal. Sagrado. Hindi na maaaring bawiin ang lahat kapag natuluyan nga kaming magpakasal tapos naisip nyang si Jessica pa rin ang gusto nya,” pangangatwiran nya. “Nagpapanggap na nga akong buntis eh, pati ba naman sa kasal?” “Oh my God! You’re so unbelievable, Eyb,” pakli ni Rafael. Naiiling na tumayo ito sa kinauupuan sabay biro pa nito. “Selos yata ang dahilan ng pagkahilo mo eh." “Hoy, para sabihin ko sa ‘yo hindi ko kelangang magselos,” depensa nya. “Alam ko ang lugar ko. ‘Eto oh,” sabay proud na itinaas nya ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.