Share

Chapter 26 - Brotherly Love

It was a 5-hour long drive. Or 6? Hindi nya napansin ang oras. Napahimbing sya ng tulog sa buong byahe pagkatapos nilang kumain. Nakahinto na ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Wala na sa driver's seat si Rafael. Inayos nya ang pagkakakapit ng Ray-ban sa kanyang tenga saka bumaba ng kotse.

“Fuck you! Hindi ka marunong mag-park!!!” umalingawngaw ang kanyang boses sa kawalan nang pagbukas nya ng pinto ay bangin na agad ang nakita nya. Kung anu-anong mura ang lumabas sa kanya sa wikang Español sa sobrang inis nya. Buti na lang hindi sya humakbang pababa agad.

“Boss!” takbo ng isa sa mga escort nya para saklolohan sya.

“I’m fine!” inis na sambit nya habang binubuksan ang kabilang pinto.

“Where’s Rafael?”

“Nandoon po, Boss,” turo ng isa sa mga escort nya sa nag-iisang bahay na nakatirik sa gitna ng malawak na bukirin na may kalayuan din sa kalsada.

Nagpakawala sya ulit ng malutong na mura habang tinatawid ang malawak na daan na ilan-ilang sasakyan lang ang nagdaraan. Sinusuklay nya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status