Share

Chapter 31 - Andrés Alejo Del Campo Verdaguer

Sinenyasan nya ang nakatayong butler pagpasok nila ni Margot sa lobby ng hotel. Agad na sinalo ng butler ang mga shopping bags na bitbit nya sa magkabilaang kamay at ibinigay iyon sa hotel steward na nasa likod nito. Hinubad ng butler sa kanila ang trench coat nilang suot. Bahagyang nabasa ang kanyang dark brown na buhok sa kagyat na pag-ulan sa labas, pinagpag nya ito ng kanyang kamay. Naisip nyang hindi pa sya nakakapagpagupit may dalawang linggo na, mahaba na ang medium fade cut na buhok. Pagkauwi na lang nya sa Pilipinas saka sya magpapagupit, isip-isip nya.

Pinagmamasdan sila ng Abuelo habang papalapit sila ni Margot sa bilog na lamesa.

“Hmm.” Tumikhim ito nang makaayos sila ng upo. Hindi sya tumatawa, o ngumingiti o kahit na anong pagpapakita ng saya sa pagdating nila. Nakasipat lang sa ibabaw ng kanyang binabasang dyaryo.

Normal na sa mukha ng kanyang Abuelo iyong parang laging galit o ‘di kaya ay iyong walang damdamin na itsura. Kahit noong bata pa sya ay ganito talaga ito.

N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status