Pinagmasdan nya ang sarili sa harap ng malaking salamin ng comfort room. Nangiti sya. Dalawang stallion lang ang nainom nya pero nangangapal na agad ang kanyang mukha. Mabilis talaga syang tamaan kapag pagod at walang tulog. Pinahid nya ang concealer stick na nahiram nya kay Marnie sa ilalim ng kanyang namumumungay na mga mata. Blinend nya iyon gamit ang kanyang daliri, pagkuway ni-retouch ang mga labi ng paboritong nyang pulang lipstick. Maganda sya. Maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi lang iisa o dadalawa. Sa halos lahat ng napupuntahan nilang bar ni Jane noon ay may humihingi ng number nya pero hindi nya binibigay. Marami rin ang nagpapalipad-hangin na manliligaw o gustong makipag-date pero tinatanggihan nya. ‘Ang lalake ay lalake, Abegail. Kapag naniwala ka at nabaliw ka, kawawa ka. Mabuti na lang wais ka. Gamitin mo ang ganda mo sa paraang hindi ka malulugi,’ motivate nya sa sarili. “Kiss dito, o dito. O dito.” Pakiramdam nya ay narinig nya si Jane na nagsalita sa l
Nagtatahip ang dibdib ni Abby sa kaba pagpasok nila ng private lounge. Pinauna sya ni Mr. Gao na makapasok, pagkuway inilapat pasara ang pinto. Naupo sya agad sa gilid ng plush seating na malapit sa nakasaradong pinto. Sa paningin nya lahat ng kagamitan sa loob ng private lounge ay kulay pula dahil sa kulay ng ilaw nito. Pati mga accent lights sa gilid-gilid ng mga dekorasyong nakapakat sa dingding ay kulay pula rin. “Dyan ka lang mauupo?” tanong ni Mr. Gao sa kanya, umayos ito ng pagkakadekwatro ng upo sa harap nya. “Ang dilim no? Wala bang ibang ilaw?” Para syang naduduling. Hirap syang i-adjust ang mata sa pagka-dim light ng kabuuan ng private lounge nito. Humalakhak si Mr. Gao. “Don’t tell me ngayon ka lang nakapasok sa ganito? Well, I doubt it. A woman like you needs to be kept private.” “What does that even mean, Mr. Gao?’ “Let’s not be too formal, Abby. Narito ka sa den ko. Benson na lang. What I mean to say is that, ang babaeng katulad mo ay dapat lang na tinatago, par
Nagkabasag-basag ang salamin ng pinto nang sipain nya ito nang malakas. Nakita nya sa mababang lamesa ng private lounge ni Benson ang mga bote ng alak, mga maliliit na puting gamot at isang bundle ng pera. Agad nyang hinubad ang kanyang suot na t-shirt at isinuot iyon kay Abby na sapo-sapo ang mga dibdib at dilat na dilat ang mga mata sa gulat. Hindi ito nakakilos nang haklitin nya ito bigla payakap sa kanya. “Show’s over Benson. Aalis na si Abby.” Akmang tatayo si Benson sa kinauupuan nya kaya agad nyang binunot ang sukbit sa likod na baril at itinutok iyon sa lalake. “Joaquín!!!” Narinig nyang sigaw ni Abby sa dibdib nya. “Sit. Kilala mo ‘ko Benson. Baliw ako. I’m crazy enough to blow your f*cking head off,” naninigas ang mga panga nya sa gigil. Hindi si Benson nakapagsalita. Wala itong nagawa kundi bumalik na lang sa kanyang kinauupuan. Nagtitili si Abby nang pasanin nya ito sa kanyang balikat palabas ng lounge. Tiniis nya ang mga mura, kalmot, suntok, sabunot at sipa
“Don’t stress yourself. I’ll make some calls tomorrow. Rest. Patulugin mo si Abby. She also needs to rest. Okay?” Sa dami ng sinabi nya kay Rafael ay iyon lang ang naging sagot nito. Napailing na lang sya pagkatapos ng tawag. Hinithit nya ulit ang tangang sigarilyo. He makes another call. He gives out short instructions sa isa sa dati nyang security escort. “Bayaran nyo kung magkano lahat tapos i-zipper nyo ang bibig.” He is talking about Jessica’s goddamned cousin. Inunat-unat nya ang mga kamay, nanginginig at napakahapdi ng mga ito. Pinitik nya ang filter ng kanyang sigarilyo sa trash bin ng balcony, tinukod ang mga kamay sa pasimano at blangkong tumingin sa itim na itim na langit. “Joaquín,” mahinang tawag ni Abby. Nakatayo lang ito sa may glass door ng balcony, yakap-yakap ang first aid box. “Gamutin natin ‘yang kamay mo.” Suot ni Abby ang bathrobe nyang kulay pink at basa pa ang nakalugay na buhok. Nahimasmasan na rin siguro ito sa sobrang kanyang pagkalasing. Isinuka n
“Nag-eenjoy ka bang sampal-sampalin ako??!” nagsasalubong ang makapal na kilay ni Joaquín, kamot-kamot nito ang kanyang kanang pisngi. “So-sorry. Nagulat lang ako,” anas nya, kinipkip nya pasarado ang kanyang bathrobe. “Haist!” pabulagsak na sumandal si Joaquín sa pagkakaupo sa tinulugan nilang sofa ng entertainment room, naiiling na pinagmamasdan sya sa pagkakatayo nya sa harap nito. Naligo sya kagabi kaya sya naka-bathrobe. Hindi sya nag-abalang hanapin ang kanyang bag na may lamang mga malinis na damit, paano’y nawala na naman ito sa pinaglalagyan nya sa kanyang sleeping space. Malamang sa ibinalik na naman ito sa closet ng mga kubre ng cleaning service na tinatawag ni Joaquín. Pinakiramdaman ni Abby ang sarili. Wala namang masakit sa kanya. Wala namang pakiramdam na may namamaga o kung anuman. “Wala. Natulog lang tayo,” irap ni Joaquín. Napansin siguro nito ang paghawak nya sa kanyang keps at dibdib. Inaalala nyang maigi kung anong nangyari kagabi. Ginamot nya ang mga sug
OA masyado ang hospitality ng Presidente kay Joaquín, isip-isip nya habang nakatingin sya sa sideboard na puno ng pagkain na pawang sa mediterranean restaurants lang na-o-order. Naroroon din si Jim na nakatanga sa tabi nya. “Ate, pa’no ‘yan kinakain? Kanina pa ‘ko dito hindi ko alam kung ano’ng pupulutin ko,” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa mga serving dish may mga sawsawan. Kinibit nya ang balikat nya. Nakakain na sya sa mediterranean restaurant pero kasama nya si Joaquín, sya ang umoorder ng pagkain kaya ni hindi nya alam kung ano ang mga tawag sa mga ito. “Kumuha ka na lang ng pastries, Jim. Para sure ka sa lasa,” aniya sa kapatid. “‘Eto na lang, Ate,” nag-aalangang dampot ni Jim sa chocolate muffins. “Umuwi ka ba? Wala na ‘kong damit eh, marami na ring labahan,” tanong nito sa kanya. “Sige, uuwi ako mamaya. Maglalaba ako, pagbalik ko papalitan kita dito para makapagpahinga ka.” “Ayoko sa bahay, Ate. Natatakot ako. Mas masarap dito matulog merong aircon. Dalawan
“Ano’ng oras ka uuwi?” narinig nyang tanong ni Joaquín habang kumukuha sya ng tubig sa water dispenser. “Mamaya nang konte, uuwi na rin ako, maglalaba pa ‘ko pag-uwi,” sagot nya dito. “Hindi ikaw. Si Leng,” ani Joaquín habang inuunat ang likod na parang ngalay na ngalay na ito sa pagkakaupo nya maghapon sa monoblock chair. Pagkaalis ng kanyang kapatid ilang sandali lang matapos nitong pumasok sa opisina ng Presidente ay ginugol ni Joaquín ang maghapon nya na nakatuon lang sa laptop at sa mga folder na inilapag ni Leng. Tumatayo lang ito para mag-unat ng likod, para mag-CR o para silipin ang kanyang ina sa higaan kapag gising ito. Pati ang pagkain na kinuha ni Leng kanina para sa kanya ay hindi nya nakain. Ang kinain lang nito maghapon ay ang soda crackers ng kanyang ina at tubig. “Ah boss, kung pwede na sana. Alas-nuebe na rin kasi eh. May pasok pa bukas,” nag-aalangang sagot ni Leng. “You can take the two days off, tomorrow and the following day, Leng. Tawagan mo ang driver p
“Hindi ka pa ba uuwi, Joaquín?” Kagyat na naputol ang kwentuhan at mahihinang hagikhikan ni Joaquín at dalawang nurse ng kanyang ina sa mahabang lamesa nang magsalita sya. Bitbit na nya ang eco bag ng mga maruruming damit ng ina at ni Jim. Dinampot ni Joaquín ang kanyang laptop bag. “Tara na. Ihahatid kita,” hinalikan ni Joaquín ang noo ng tulog na tulog na pasyente nila saka dumiretso sa pinto ng kwarto. +++++ “Uuwi ako sa bahay, Joaquín. Maglalaba pa ‘ko,” sambit nya nang mapansing papunta sa penthouse ang daang tinatahak nila. “Sa penthouse ka na lang matulog, wala kang kasama sa inyo,” sagot nito. “Maglalaba pa ako eh. Tsaka kukuha ako ng damit ni Jim para madala ko bukas.” “Bukas na lang ‘yon, ipapa-laundry natin.” “Konti lang naman ‘to, papaikutin ko lang sa washing machine.” Nakita nya ang pag-ismid ni Joaquín pagkuway mabilisang minaniobra ang sasakyan. Napahawak sya nang mahigpit sa inner roof handle. “Walang lock ang bahay nyo, isang sipa lang sa p