Share

Chapter 37 - A Drink and A Dance

Pinagmasdan nya ang sarili sa harap ng malaking salamin ng comfort room. Nangiti sya. Dalawang stallion lang ang nainom nya pero nangangapal na agad ang kanyang mukha. Mabilis talaga syang tamaan kapag pagod at walang tulog.

Pinahid nya ang concealer stick na nahiram nya kay Marnie sa ilalim ng kanyang namumumungay na mga mata. Blinend nya iyon gamit ang kanyang daliri, pagkuway ni-retouch ang mga labi ng paboritong nyang pulang lipstick.

Maganda sya. Maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi lang iisa o dadalawa. Sa halos lahat ng napupuntahan nilang bar ni Jane noon ay may humihingi ng number nya pero hindi nya binibigay. Marami rin ang nagpapalipad-hangin na manliligaw o gustong makipag-date pero tinatanggihan nya.

‘Ang lalake ay lalake, Abegail. Kapag naniwala ka at nabaliw ka, kawawa ka. Mabuti na lang wais ka. Gamitin mo ang ganda mo sa paraang hindi ka malulugi,’ motivate nya sa sarili.

“Kiss dito, o dito. O dito.”

Pakiramdam nya ay narinig nya si Jane na nagsalita sa l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status