OA masyado ang hospitality ng Presidente kay Joaquín, isip-isip nya habang nakatingin sya sa sideboard na puno ng pagkain na pawang sa mediterranean restaurants lang na-o-order. Naroroon din si Jim na nakatanga sa tabi nya. “Ate, pa’no ‘yan kinakain? Kanina pa ‘ko dito hindi ko alam kung ano’ng pupulutin ko,” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa mga serving dish may mga sawsawan. Kinibit nya ang balikat nya. Nakakain na sya sa mediterranean restaurant pero kasama nya si Joaquín, sya ang umoorder ng pagkain kaya ni hindi nya alam kung ano ang mga tawag sa mga ito. “Kumuha ka na lang ng pastries, Jim. Para sure ka sa lasa,” aniya sa kapatid. “‘Eto na lang, Ate,” nag-aalangang dampot ni Jim sa chocolate muffins. “Umuwi ka ba? Wala na ‘kong damit eh, marami na ring labahan,” tanong nito sa kanya. “Sige, uuwi ako mamaya. Maglalaba ako, pagbalik ko papalitan kita dito para makapagpahinga ka.” “Ayoko sa bahay, Ate. Natatakot ako. Mas masarap dito matulog merong aircon. Dalawan
“Ano’ng oras ka uuwi?” narinig nyang tanong ni Joaquín habang kumukuha sya ng tubig sa water dispenser. “Mamaya nang konte, uuwi na rin ako, maglalaba pa ‘ko pag-uwi,” sagot nya dito. “Hindi ikaw. Si Leng,” ani Joaquín habang inuunat ang likod na parang ngalay na ngalay na ito sa pagkakaupo nya maghapon sa monoblock chair. Pagkaalis ng kanyang kapatid ilang sandali lang matapos nitong pumasok sa opisina ng Presidente ay ginugol ni Joaquín ang maghapon nya na nakatuon lang sa laptop at sa mga folder na inilapag ni Leng. Tumatayo lang ito para mag-unat ng likod, para mag-CR o para silipin ang kanyang ina sa higaan kapag gising ito. Pati ang pagkain na kinuha ni Leng kanina para sa kanya ay hindi nya nakain. Ang kinain lang nito maghapon ay ang soda crackers ng kanyang ina at tubig. “Ah boss, kung pwede na sana. Alas-nuebe na rin kasi eh. May pasok pa bukas,” nag-aalangang sagot ni Leng. “You can take the two days off, tomorrow and the following day, Leng. Tawagan mo ang driver p
“Hindi ka pa ba uuwi, Joaquín?” Kagyat na naputol ang kwentuhan at mahihinang hagikhikan ni Joaquín at dalawang nurse ng kanyang ina sa mahabang lamesa nang magsalita sya. Bitbit na nya ang eco bag ng mga maruruming damit ng ina at ni Jim. Dinampot ni Joaquín ang kanyang laptop bag. “Tara na. Ihahatid kita,” hinalikan ni Joaquín ang noo ng tulog na tulog na pasyente nila saka dumiretso sa pinto ng kwarto. +++++ “Uuwi ako sa bahay, Joaquín. Maglalaba pa ‘ko,” sambit nya nang mapansing papunta sa penthouse ang daang tinatahak nila. “Sa penthouse ka na lang matulog, wala kang kasama sa inyo,” sagot nito. “Maglalaba pa ako eh. Tsaka kukuha ako ng damit ni Jim para madala ko bukas.” “Bukas na lang ‘yon, ipapa-laundry natin.” “Konti lang naman ‘to, papaikutin ko lang sa washing machine.” Nakita nya ang pag-ismid ni Joaquín pagkuway mabilisang minaniobra ang sasakyan. Napahawak sya nang mahigpit sa inner roof handle. “Walang lock ang bahay nyo, isang sipa lang sa p
Dumiretso si Joaquín sa labahan nila sa likod-bahay para ilapag ang dala-dala nya kaninang eco bag. “Maglalaba ka pa, gabing-gabi na. Agahan mo na lang gumising bukas,” sambit nito habang hinuhubad ang suot na T-shirt saka ipinampunas iyon sa pawisang mukha. Mainit nga naman kasi sa bahay nila, hindi gaya sa penthouse nya na centralized ang aircon. Pero kahit mainit at masikip ang bahay nila ay laging feeling at home si Joaquín. “Si-sige, bukas na lang ako maglalaba.” Kanina pa talaga kumakalabog ang kanyang dibdib sa kaba. Nakita nyang pumunta si Joaquín sa sofa at nakipaglaban sa electric fan nilang hindi na umiikot. “Sira ba ‘to?” “O-oo, sa kwarto ka na lang mahiga.” Iginala ni Joaquín ang mga mata nya sa tatlong dipa nilang sala. “‘Pag-uwi ni Nanay ipapa-aircon ko ‘tong bahay nyo.” “‘Sus, h’wag na, lilimandaan lang ang kuryente namin buwan-buwan eh napuputulan pa kami,” nagkakatapon-tapon ang mainit na tubig pagsalin nya sa tasang may instant na kape. Narini
“Sino ba sa atin ang talagang pinaglalaruan?! Ako o ikaw?!” inis na inis na dagdag pa nito. Hindi nya gaanong maaninag ang mukha ni Joaquín sa dilim ng kwarto nila pero sa tono palang ng pagsasalita nito ay nawawari na nya ang reaksyon ng kanyang mukha. Ginagap nya ang unan sa likod nya para ipantakip sa hubad nyang katawan. “Hindi iba ito ang gusto mo? Binibigay ko na nga, bakit ayaw mo naman? Hindi kita maintindihan!” nag-uunahang tumulo ang mga luha nya sa kanyang mga pisngi. “That’s not how it works, Eyb!” “Ano’ng? Pa’no ba??! Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh. Halika muna dito kase,” inaabot nya ang kamay ni Joaquín para bumalik sa kama. “Sabihin mo sa ‘kin kung anong gagawin ko para magawa ko nang maayos,” humihikbing pakiusap nya sa lalake. “Baliw ka, Abby?!” Lumakad si Joaquín papunta sa drawer na malapit sa pinto. Naaninag nyang tinukod nito ang siko sa ibabaw ng drawer kung saan nakalagay ang tasa ng kape na tinimpla nya. “Makikipaghalikan ka, tapos mananampal ka. N
“Kuya, hindi kayo umuwi?” tanong nya nang mabungaran nya pagbukas nya ng pinto ang dalawang nag-ayos ng lock ng pinto nila na umiinom ng kape na galing sa vending machine sa labas ng kanilang bahay. Medyo mabigat pa ang mga mata nya pero nakatulong nang malaki ang ice pack na pinabigay ni Joaquín para maidilat nya kahit papaano ang mga matang namaga nang husto sa kakaiyak. “Hindi po, ma’am. Utos ni boss samahan daw kayo,” sabi ng isang mas malaki ang katawan kesa sa isa. “Ihahatid namin kayo sa ospital.” “H’wag na, kuya. Baka masanay ako. Trike at jeep lang naman ang sasakyan ko.” Natuwa na rin sya kahit papaano ay inalala pa rin sya nito kahit galit na galit ito sa kanya. “Bilin ni boss, ma’am. Baka mawalan kami ng trabaho.” “Oh sige ganito na lang, samahan nyo na lang ako ngayon...” +++++ Halos ibinaba lang nya ang mga dalahin nya, sinilip ang ina, nagpaalam kay Jim na may pupuntahan lang saglit saka nagmamadaling lumabas ulit ng ospital. Kakakausap lang nya sa recept
Nanunuot na sa suot nyang manipis na cardigan ang lamig ng ihip ng hangin. Niyakap nya ang sarili. Pinitik-pitik nya ang yosing hawak habang hinihintay ang susundo sa kanya. Medyo naiinis na rin sya, mag-iisang oras na syang nakatayo at nakatunghay sa dinaraanan ng mga sasakyan pero hindi pa rin dumarating ang kausap. Ngayon na nga lang nya pinagbigyan, pamumutiin pa pala ang mata nya. “Pineda, dadating pa ba ‘yang hinihintay mo? Hahaha!” tinawanan pa sya ni Manong na nagtitinda ng sigarilyo at merienda sa labas ng eskuwelahan nila. “Si Manong eh, nang-aasar pa!” irap nya nang pabiro dito. Papara na sana sya ng jeep nang may pumaradang itim na SUV sa harap nya. “Hop in Abby, magko-cause tayo ng traffic,” pinagbuksan sya nito ng passenger’s seat sa loob. “Sasakay na sana ako ng jeep eh,” pakli nya sa lalake. Hinatak nya pabukas ang passenger’s seat at humakbang papasok. “Sorry, dapat kanina pa ‘ko. Biglang may pina-revise si Boss,” paliwanag ng lalake. Napaka-apologe
Sinuyod nya ng tingin ang mga nakaparadang sasakyan sa parking lot sa harap ng ospital. Madalas nya iyon gawin kapag dumadating sya o kapag bumababa sya ng gusali. May designated parking space ang kumpanya ni Joaquín pero minsan ay pinaparadahan din ito ng sasakyan ng mga executives kapag puno ang parking lot. Sa ngayon, masinsin ang hile-hilerang sasakyang nakaparada sa malaking parking lot ng ospital kaya may ibang sasakyan na nakaparada dito.“Baby!”Napalingon sya bigla sa lakas ng boses ng tumawag pagdako nya sa cafeteria. Humahangos ang lalake palapit sa kanya.“Doc Pogi, bakit po? May update kay Nanay?” “No, wala namang bago,” nakangiting sabi ni Dr. Pueblo. “Aayain lang sana kitang kumain, sa canteen lang. Break ko ngayon. Look, I have a cake, it’s your favorite,” tudyo nito sa kanya, iniangat pa nito ang dala-dalang slice ng chocolate cake na nakalagay sa disposable na clamshell container na madalas binibili ng doktor para sa kanya. Ang sarap din kutusan ni Dr. Pueblo, isip