Dumiretso si Joaquín sa labahan nila sa likod-bahay para ilapag ang dala-dala nya kaninang eco bag. “Maglalaba ka pa, gabing-gabi na. Agahan mo na lang gumising bukas,” sambit nito habang hinuhubad ang suot na T-shirt saka ipinampunas iyon sa pawisang mukha. Mainit nga naman kasi sa bahay nila, hindi gaya sa penthouse nya na centralized ang aircon. Pero kahit mainit at masikip ang bahay nila ay laging feeling at home si Joaquín. “Si-sige, bukas na lang ako maglalaba.” Kanina pa talaga kumakalabog ang kanyang dibdib sa kaba. Nakita nyang pumunta si Joaquín sa sofa at nakipaglaban sa electric fan nilang hindi na umiikot. “Sira ba ‘to?” “O-oo, sa kwarto ka na lang mahiga.” Iginala ni Joaquín ang mga mata nya sa tatlong dipa nilang sala. “‘Pag-uwi ni Nanay ipapa-aircon ko ‘tong bahay nyo.” “‘Sus, h’wag na, lilimandaan lang ang kuryente namin buwan-buwan eh napuputulan pa kami,” nagkakatapon-tapon ang mainit na tubig pagsalin nya sa tasang may instant na kape. Narini
“Sino ba sa atin ang talagang pinaglalaruan?! Ako o ikaw?!” inis na inis na dagdag pa nito. Hindi nya gaanong maaninag ang mukha ni Joaquín sa dilim ng kwarto nila pero sa tono palang ng pagsasalita nito ay nawawari na nya ang reaksyon ng kanyang mukha. Ginagap nya ang unan sa likod nya para ipantakip sa hubad nyang katawan. “Hindi iba ito ang gusto mo? Binibigay ko na nga, bakit ayaw mo naman? Hindi kita maintindihan!” nag-uunahang tumulo ang mga luha nya sa kanyang mga pisngi. “That’s not how it works, Eyb!” “Ano’ng? Pa’no ba??! Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh. Halika muna dito kase,” inaabot nya ang kamay ni Joaquín para bumalik sa kama. “Sabihin mo sa ‘kin kung anong gagawin ko para magawa ko nang maayos,” humihikbing pakiusap nya sa lalake. “Baliw ka, Abby?!” Lumakad si Joaquín papunta sa drawer na malapit sa pinto. Naaninag nyang tinukod nito ang siko sa ibabaw ng drawer kung saan nakalagay ang tasa ng kape na tinimpla nya. “Makikipaghalikan ka, tapos mananampal ka. N
“Kuya, hindi kayo umuwi?” tanong nya nang mabungaran nya pagbukas nya ng pinto ang dalawang nag-ayos ng lock ng pinto nila na umiinom ng kape na galing sa vending machine sa labas ng kanilang bahay. Medyo mabigat pa ang mga mata nya pero nakatulong nang malaki ang ice pack na pinabigay ni Joaquín para maidilat nya kahit papaano ang mga matang namaga nang husto sa kakaiyak. “Hindi po, ma’am. Utos ni boss samahan daw kayo,” sabi ng isang mas malaki ang katawan kesa sa isa. “Ihahatid namin kayo sa ospital.” “H’wag na, kuya. Baka masanay ako. Trike at jeep lang naman ang sasakyan ko.” Natuwa na rin sya kahit papaano ay inalala pa rin sya nito kahit galit na galit ito sa kanya. “Bilin ni boss, ma’am. Baka mawalan kami ng trabaho.” “Oh sige ganito na lang, samahan nyo na lang ako ngayon...” +++++ Halos ibinaba lang nya ang mga dalahin nya, sinilip ang ina, nagpaalam kay Jim na may pupuntahan lang saglit saka nagmamadaling lumabas ulit ng ospital. Kakakausap lang nya sa recept
Nanunuot na sa suot nyang manipis na cardigan ang lamig ng ihip ng hangin. Niyakap nya ang sarili. Pinitik-pitik nya ang yosing hawak habang hinihintay ang susundo sa kanya. Medyo naiinis na rin sya, mag-iisang oras na syang nakatayo at nakatunghay sa dinaraanan ng mga sasakyan pero hindi pa rin dumarating ang kausap. Ngayon na nga lang nya pinagbigyan, pamumutiin pa pala ang mata nya. “Pineda, dadating pa ba ‘yang hinihintay mo? Hahaha!” tinawanan pa sya ni Manong na nagtitinda ng sigarilyo at merienda sa labas ng eskuwelahan nila. “Si Manong eh, nang-aasar pa!” irap nya nang pabiro dito. Papara na sana sya ng jeep nang may pumaradang itim na SUV sa harap nya. “Hop in Abby, magko-cause tayo ng traffic,” pinagbuksan sya nito ng passenger’s seat sa loob. “Sasakay na sana ako ng jeep eh,” pakli nya sa lalake. Hinatak nya pabukas ang passenger’s seat at humakbang papasok. “Sorry, dapat kanina pa ‘ko. Biglang may pina-revise si Boss,” paliwanag ng lalake. Napaka-apologe
Sinuyod nya ng tingin ang mga nakaparadang sasakyan sa parking lot sa harap ng ospital. Madalas nya iyon gawin kapag dumadating sya o kapag bumababa sya ng gusali. May designated parking space ang kumpanya ni Joaquín pero minsan ay pinaparadahan din ito ng sasakyan ng mga executives kapag puno ang parking lot. Sa ngayon, masinsin ang hile-hilerang sasakyang nakaparada sa malaking parking lot ng ospital kaya may ibang sasakyan na nakaparada dito.“Baby!”Napalingon sya bigla sa lakas ng boses ng tumawag pagdako nya sa cafeteria. Humahangos ang lalake palapit sa kanya.“Doc Pogi, bakit po? May update kay Nanay?” “No, wala namang bago,” nakangiting sabi ni Dr. Pueblo. “Aayain lang sana kitang kumain, sa canteen lang. Break ko ngayon. Look, I have a cake, it’s your favorite,” tudyo nito sa kanya, iniangat pa nito ang dala-dalang slice ng chocolate cake na nakalagay sa disposable na clamshell container na madalas binibili ng doktor para sa kanya. Ang sarap din kutusan ni Dr. Pueblo, isip
“ANG PUKE MONG MALAKE!” “Ano??! Wala ako no’n. Ang bastos mo,” natawa ito. Nalaglag ang puso nya sa sahig sa sobrang gulat at sa ganda ng ngiti ng dark olive green na mga mata ng gumulat sa kanya. “Dyusko, nakakagulat ka naman! Papatayin mo ba ‘ko sa nerbyos?!” Lumulundag ang puso nya sa kaba at saya nang makita ang mukhang halos dalawang buwan nya ring hindi nasilayan. Ipinamalas nya ang tuwa sa pamamagitan ng pag-ismid at malagkit na irap. Huminga sya nang malalim para mapigilan nya ang matinding emosyong nararamdaman. Sabihin na ng mga multo sa palapag na ito na denial queen nga sya pero talagang naiinis sya sa lalake dahil ngayon lang ito nagpakita sa kanya kahit pa sobra syang natutuwa. Pumina sya sa likod nito at inilapag ang bag at makapal na libro na dala sa upuan. Nalanghap nya ang pabango nitong na-miss ng ilong nya amuy-amuyin. Lihim syang nangiti. “Sa’n ka galing?” inulit nito ang tanong na pinili nyang h’wag munang sagutin dahil nagtatampo sya. “Nasa’n s
He’s been sitting at his table staring at that blinking red arrow with his chin resting on the palm of his hand for over an hour now. ‘Stalker,’ isip-isip nya. Kung tutuusin hindi naman nya kailangan. He knows her, hindi sya madaling ayaing lumabas para lang makipag-date, lalo na ngayong maysakit ang nanay nya at maraming demands ang pagiging graduating student nya. Ngunit nang malaman nya na dumiretso kahapon si Robert sa HR para magpaalam na mag-a-undertime at hindi na ipinaalam pa sa kanya ay kinutuban talaga sya nang husto. Bihirang lumabas ng opisina ni Robert nang hindi pa tapos ang oras ng trabaho. At kung sakaling mayroon itong importanteng lalakarin ay mauuna muna sya nitong abisuhan. Napakabilis rin nitong nakapag-revise ng hinabol nyang report para subuka sanang pigilan sa lakad. Hindi nga sya nagkamali sa hinala nya nang i-track nya ang cellphone ni Abby. Lalong sumambulat ang butsi nya nang piniling suungin ng magka-date ang trapik papunta sa malayong bar and grill
Sinwipe nya ang bago nyang key card sa smart lock na katabi ng bakal na pinto. Narinig nya ang paglagitik ng door handle. “Sinabotahe mo ‘ko,” sinimangutan nya ang welcome message na rumehistro sa maliit na screen ng smart lock. Hindi sya naniniwala kay Joaquín na nagkamali sya ng key card na ginamit. Imposibleng-imposible iyon dahil wala namang ibang key card sa wallet nya. Pero dahil sa sinabi ni Joaquín na mali sya, tinanggap na lang nya iyon kesa makipagtalo pa. Ang mahalaga ay nabalik na ang access nya sa penthouse, nakabalik na sya sa buhay ni Joaquín. Nilakad nya ang may limang metrong hallway papunta sa magarbong main living room na may high-end na six-piece sectional sofa sa gitna na bihirang maupuan at 12-seater na glass dining table na hindi rin naman kinakainan. Naririto rin sa main living room ang access sa balcony na pwedeng paglagyan ng halaman pero tanging trash bin lang sa gilid ang nakatayo. Puno pa rin ng mamahaling alak ang shelf ng mini bar ni Joaquín kahit
Kasalukuyan syang nakatayo sa nakabukas na sliding panel door at nakatanaw sa pink na convertible nang malingon sya sa direksyon ng boses ng babaeng bumati sa kanya. “Wow! You’re so dashing, hon! You don’t fail to sweep me off my feet,” puri ng nakangiting babaeng naglalakad na patungo sa kanya na animo’y nasa fashion runway. “Hm, flopped ba ang party? Konti lang ang tao,” puna nya sa iilan-ilang guests na naroroon sa malawak na garden at ini-enjoy ang tugtugan ng Latin band. “Well, today’s Christmas. Most of the people are spending time with their families. But I’m still expecting a few persons on the list na nakapag-RSVP. So we’ll just have to wait a little longer,” ani Jessica habang chini-check ang mga listahan ng mga pangalan sa bitbit nyang iPad. "Your Mamá doesn't care much, kasi masaya na sya sa pakikipagkwentuhan nya sa mga amiga nya na naririto na.” Hindi na sya umimik at ibinaling muli ang tingin sa kotseng nasa labas. Kanina pa nya binubuo sa kanyang isip kung paano
“Lasing ka na agad, Tiyago?” sita nyang napapahalukipkip sa pamumula ng tisoy na mukha at leeg ng bunsong kapatid nina Joaquín. “Hindi pa, ‘no! Konti palang nainom ko, pwede pa nga tayong magsayaw mamaya eh.” Napasigaw sya nang bigla sya nitong buhatin. “Oist! Ano ba?!” hampas nya sa balikat nito kaya ibinaba rin sya nito agad.“Buntis si Ate Abby,” anas ng medyo nagigitlang si Helena sa kakulitan ni Santiago.“I don’t know but I’m kind of skeptical about it,” kinibit pa nito ang balikat.Inirapan lang ang pagdududa ni Santiago at pinuna ang suot nitong gray na ternong university hoodie at jogging pants. “Hindi ka magbihis ng naaayon sa theme ng party? Kapag nakita ka ng Mamá mo baka magalit ‘yun sa ‘yo,” tinapik nya ang kamay ni Santiago nang ang kulitin naman nito ay ang bulaklak sa kanyang buhok.“Magalit na lang sila kung magagalit sila, nagpapakasaya lang ako. ‘Yun naman ang true meaning ng mga party, ‘di ba? Ang mag-enjoy, uminom at sumaya,” Nalubog sya sa jacket nito nang yaka
Pagbukas nya ng pinto ay napaatras sya nang makita si Helena at ang haggard nitong itsura. Agad syang nakaramdam ng guilt na hindi man lang sya nakatulong dito sa pag-aasikaso sa baba.“Helena? Bakit hindi ka kumakatok? Para kang multo d’yan. Halika, pumasok ka.”“Ate, bababa ka na ba? Sorry ha, kakapalan ko na ‘tong mukha ko. Manghihiram sana ako ng lipstick, baka mayroon kang extra. Wala kasi akong dala.” Matamlay pati ang tinig nito. Halatang-halata ang pagod ng asawa ni Iñigo sa maghapong pagtulong sa kusina.“Meron. Marami,” dinala nya si Helena sa 4-seater na lamesa at binuksan sa harap nito ang kanyang makeup box. “Ito oh. Gusto mo makeup-an kita?” “Hindi po. Marunong ako,” sagot nito. “Sige na, help yourself, hihintayin kita makatapos tapos sabay na tayong bumaba,” ngiti nya. Inumpisahan agad ni Helena ang kanyang pagme-makeup. Inabala naman nya ang kanyang sarili sa pagre-reply ng mga text message ng pampaskong pagbati na natanggap nya sa mga kaklase at kaibigan. Ngumuso sy
Marahan nyang hinawakan ang banat na banat na katawan ng eight inches nitong masel at hinalik-halikan ang ulo nito. ‘Parang sumusubo ng lollipop o kumakain ng ice cream na patunaw na. Smooth lang dapat ang hagod. Labi lang at dila. H’wag mong sasamahan ng ngipin kahit gaano ka pa kagigil. H'wag mo ring hihigpitan ng hawak. Hindi mo kelangang isubo lahat, ‘yung kaya mo lang kesa maduwal ka at ma-turnoff,’ naririnig nya sa kanyang isip ang free lecture ng kaklase nyang babae nang minsang nagbida ito tungkol sa ginagawa nito sa kanyang nobyo. At talaga nga namang manggigigil ka, lalo na kung maririnig mo pa sa taong mahal na mahal mo ang mahihinang usal at ang malalalim at sunud-sunod na paghinga nito habang hinahaplos-haplos ang iyong buhok at mataman lang na nakatingin sa iyong ginagawa—tulad na lang ni Joaquín ngayon. “Hm… that feels fucking nice,” bulong ni Joaquín sabay unat ng mga hita nito nang ipasada nya ang kanyang dila ang mula sa puno ng malaki nitong nota hanggang sa
Dapit-hapon na nang magising syang nakaakbay si Joaquín sa kanya at nakaunan sya sa balikat nito. Nangiti sya, kaya siguro ang haba ng naitulog nya kasi kumportable ang pagkakahiga nya. Tiningnan nya ang walang suot na pantaas na lalakeng katabi nya na mahimbing pang natutulog. Hindi man lang nya namalayan ang pagtabi nito sa kanya. Naroroon sa side drawer ang tray ng pagkaing may takip. Nakita nyang nakabukas pa ang Macbook nito sa lamesa katabi ng bestidang iniwan ni Jessica. Siguro’y inusisa ito ni Joaquín nang makita dahil naiba ang pagkakasampay nito sa upuan. Sa tagal ng panahon, ngayon lang si Joaquín natulog ng may araw pa. Paano’y lagi itong busy kaya hindi na nito nagagawang makapag-siesta. Nasa bakasyon naman sya ngayon, kaya okay lang matulog sya maghapon. ‘Ang pogi talaga,’ isip-isip nya. Pinasadahan nya ng daliri ang baba nitong bahagya nang magaspang sa tumubo nang balbas. Siguro’y kung hindi ito magse-shave ay magma-mature nang konti ang itsura nito—pero gwapo pa r
Nakakatulog na sana sya nang maramdaman nya ang paglangitngit pabukas ng pinto ng kwarto. “Mahal ko? Ngayon palang ako nakakaidlip…” bulong nya sabay sipat nya sa gawi ng pintuan. Dagli syang napaupo sa kama nang ang babaeng kinaiinisan nya ngayon ang nakita nyang pumasok sa pinto. Ngiting-ngiti ito sa kanya at may dala pang dalawang box na inilapag nito sa lamesa. “Hi, Abby! Are you sleeping? The door isn't locked kaya pumasok na ‘ko.” Napagdesisyunan nyang magpaka-casual. Pasko ngayon at na-stress na sya nang todo-todo kanina. At isa pa, wala naman talaga itong ginagawang masama sa kanya. Wala syang dapat ikagalit at hinding-hindi rin nya kailangang magselos. Walang rason para magselos. “Ah oo, patulog na sana ako eh... Ano ‘yang dala mo?” “Your flamenco dress and black sandals, pinabili ng Mamá n’yo sa ‘kin sa Manila. Tig-isa kayo ng hipag mo. I hope I got your size correct. This color suits you well since hindi ka naman kaputian,” ipinakita nito ang kabuuan ng kulay puti
Matapos nyang makakain ng konting kanin na may sabaw ng nilagang baka at palitan ng t-shirt at trousers ni Joaquín ay nagpaalam itong lalabas sandali ng kwarto. “May gagawin lang ako saglit sa labas. Hindi ako magtatagal, babalik rin ako agad,” sinulyapan nito ang cellphone na nasa bulsa pagkatapos ay binuksan ni Joaquín ang malalaking salaming bintana sa kanyang ulunan para makapasok ang hangin sa kwarto. “Okay lang ako rito, kahit h’wag ka nang bumalik,” malamig nyang sagot. “Napakasungit mo naman. Saglit nga lang ako,” malambing na anas nito. “Matulog ka lang muna, paggising mo nandito na ‘ko ulit," tumabi ito sa kanya at hinalik-halikan ang kanyang leeg. "Hm... alam mo ang bango-bango mo talaga ngayon, humahalimuyak ka sa buong kwarto natin, mi cielo. Amoy biko ka ngayon ni Nanay na may konting thinner ng pintura. Masarap at nakaka-adik," natatawang dagdag ni Joaquín. "Nang-iinis ka pa, lumayas ka na nga rito," naiiritang pumiksi sya nang bahagya nang pisilin ni Joaquín a
“Hindi, uhm, nagbigay lang ako ng number ng OB sa kanya,” tumungo sya para iiwas ang tingin sa lalakeng puzzled na puzzled na nakatuon lang ang tingin sa kanya.“Edi nagpapa-checkup ka nga kasi may OB-Gyn ka?” nagugulumihanang tanong ni Joaquín. “Hindi nga… Wala akong OB. Ewan ko.” “Anong ewan mo?!” kumukunot na ang noong susog ni Joaquín. “Ewan ko nga. Hindi naman kasi ako buntis eh. ‘Di ba props lang natin ‘to?” tinumbasan nya ang iritableng tinig ni Joaquín. “Oo nga, eh bakit sabi ni Rafael paglilihi 'yan? Anong meron bakit madalas kang nahihilo ngayon eh hindi ka naman ganyan dati kung hindi ka naglilihi? Madalas ka namang tanghali na magising dati, ni hindi ka nga nakakapag-almusal bago ka pumasok sa school pero hindi ka nahihilo. Ngayon lang."“Eh, anong gusto mong isagot ko sa ‘yo? Na buntis ako? Hindi nga ako buntis,” naiinis na wika nya. Dagli nyang tinakpan ang kanyang bibig nang magpaduwal-duwal na naman sya sa hapdi ng nararamdaman nyang umaakyat na mapait mula sa kan
“Para magkabalikan sila. Hindi mo ba napapansin? Tuwing makakaharap na lang si Jessica laging binibida ni Joaquín ang tungkol sa pagbubuntis ko pati sa kasal-kasal na ‘yan… Pinagseselos nya ‘yung tao.” “Ano?!” malakas na sambit ni Rafael. Kagyat na nagiba pa ang mukha nito sa narinig nito sa kanya. “Kaya ayokong tuluyang makasal kami. Rafael, hindi ito tulad ng laro natin nu’ng mga bata pa tayo. Seryosong commitment ang kasal. Sagrado. Hindi na maaaring bawiin ang lahat kapag natuluyan nga kaming magpakasal tapos naisip nyang si Jessica pa rin ang gusto nya,” pangangatwiran nya. “Nagpapanggap na nga akong buntis eh, pati ba naman sa kasal?” “Oh my God! You’re so unbelievable, Eyb,” pakli ni Rafael. Naiiling na tumayo ito sa kinauupuan sabay biro pa nito. “Selos yata ang dahilan ng pagkahilo mo eh." “Hoy, para sabihin ko sa ‘yo hindi ko kelangang magselos,” depensa nya. “Alam ko ang lugar ko. ‘Eto oh,” sabay proud na itinaas nya ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.