Nanunuot na sa suot nyang manipis na cardigan ang lamig ng ihip ng hangin. Niyakap nya ang sarili. Pinitik-pitik nya ang yosing hawak habang hinihintay ang susundo sa kanya. Medyo naiinis na rin sya, mag-iisang oras na syang nakatayo at nakatunghay sa dinaraanan ng mga sasakyan pero hindi pa rin dumarating ang kausap. Ngayon na nga lang nya pinagbigyan, pamumutiin pa pala ang mata nya. “Pineda, dadating pa ba ‘yang hinihintay mo? Hahaha!” tinawanan pa sya ni Manong na nagtitinda ng sigarilyo at merienda sa labas ng eskuwelahan nila. “Si Manong eh, nang-aasar pa!” irap nya nang pabiro dito. Papara na sana sya ng jeep nang may pumaradang itim na SUV sa harap nya. “Hop in Abby, magko-cause tayo ng traffic,” pinagbuksan sya nito ng passenger’s seat sa loob. “Sasakay na sana ako ng jeep eh,” pakli nya sa lalake. Hinatak nya pabukas ang passenger’s seat at humakbang papasok. “Sorry, dapat kanina pa ‘ko. Biglang may pina-revise si Boss,” paliwanag ng lalake. Napaka-apologe
Sinuyod nya ng tingin ang mga nakaparadang sasakyan sa parking lot sa harap ng ospital. Madalas nya iyon gawin kapag dumadating sya o kapag bumababa sya ng gusali. May designated parking space ang kumpanya ni Joaquín pero minsan ay pinaparadahan din ito ng sasakyan ng mga executives kapag puno ang parking lot. Sa ngayon, masinsin ang hile-hilerang sasakyang nakaparada sa malaking parking lot ng ospital kaya may ibang sasakyan na nakaparada dito.“Baby!”Napalingon sya bigla sa lakas ng boses ng tumawag pagdako nya sa cafeteria. Humahangos ang lalake palapit sa kanya.“Doc Pogi, bakit po? May update kay Nanay?” “No, wala namang bago,” nakangiting sabi ni Dr. Pueblo. “Aayain lang sana kitang kumain, sa canteen lang. Break ko ngayon. Look, I have a cake, it’s your favorite,” tudyo nito sa kanya, iniangat pa nito ang dala-dalang slice ng chocolate cake na nakalagay sa disposable na clamshell container na madalas binibili ng doktor para sa kanya. Ang sarap din kutusan ni Dr. Pueblo, isip
“ANG PUKE MONG MALAKE!” “Ano??! Wala ako no’n. Ang bastos mo,” natawa ito. Nalaglag ang puso nya sa sahig sa sobrang gulat at sa ganda ng ngiti ng dark olive green na mga mata ng gumulat sa kanya. “Dyusko, nakakagulat ka naman! Papatayin mo ba ‘ko sa nerbyos?!” Lumulundag ang puso nya sa kaba at saya nang makita ang mukhang halos dalawang buwan nya ring hindi nasilayan. Ipinamalas nya ang tuwa sa pamamagitan ng pag-ismid at malagkit na irap. Huminga sya nang malalim para mapigilan nya ang matinding emosyong nararamdaman. Sabihin na ng mga multo sa palapag na ito na denial queen nga sya pero talagang naiinis sya sa lalake dahil ngayon lang ito nagpakita sa kanya kahit pa sobra syang natutuwa. Pumina sya sa likod nito at inilapag ang bag at makapal na libro na dala sa upuan. Nalanghap nya ang pabango nitong na-miss ng ilong nya amuy-amuyin. Lihim syang nangiti. “Sa’n ka galing?” inulit nito ang tanong na pinili nyang h’wag munang sagutin dahil nagtatampo sya. “Nasa’n s
He’s been sitting at his table staring at that blinking red arrow with his chin resting on the palm of his hand for over an hour now. ‘Stalker,’ isip-isip nya. Kung tutuusin hindi naman nya kailangan. He knows her, hindi sya madaling ayaing lumabas para lang makipag-date, lalo na ngayong maysakit ang nanay nya at maraming demands ang pagiging graduating student nya. Ngunit nang malaman nya na dumiretso kahapon si Robert sa HR para magpaalam na mag-a-undertime at hindi na ipinaalam pa sa kanya ay kinutuban talaga sya nang husto. Bihirang lumabas ng opisina ni Robert nang hindi pa tapos ang oras ng trabaho. At kung sakaling mayroon itong importanteng lalakarin ay mauuna muna sya nitong abisuhan. Napakabilis rin nitong nakapag-revise ng hinabol nyang report para subuka sanang pigilan sa lakad. Hindi nga sya nagkamali sa hinala nya nang i-track nya ang cellphone ni Abby. Lalong sumambulat ang butsi nya nang piniling suungin ng magka-date ang trapik papunta sa malayong bar and grill
Sinwipe nya ang bago nyang key card sa smart lock na katabi ng bakal na pinto. Narinig nya ang paglagitik ng door handle. “Sinabotahe mo ‘ko,” sinimangutan nya ang welcome message na rumehistro sa maliit na screen ng smart lock. Hindi sya naniniwala kay Joaquín na nagkamali sya ng key card na ginamit. Imposibleng-imposible iyon dahil wala namang ibang key card sa wallet nya. Pero dahil sa sinabi ni Joaquín na mali sya, tinanggap na lang nya iyon kesa makipagtalo pa. Ang mahalaga ay nabalik na ang access nya sa penthouse, nakabalik na sya sa buhay ni Joaquín. Nilakad nya ang may limang metrong hallway papunta sa magarbong main living room na may high-end na six-piece sectional sofa sa gitna na bihirang maupuan at 12-seater na glass dining table na hindi rin naman kinakainan. Naririto rin sa main living room ang access sa balcony na pwedeng paglagyan ng halaman pero tanging trash bin lang sa gilid ang nakatayo. Puno pa rin ng mamahaling alak ang shelf ng mini bar ni Joaquín kahit
“Tingnan mo ang laway mo sa couch, bumakat na!” sambit ni Joaquín nang gisingin sya nito sa hampas sa kanyang pwetan. Tumungo ito sa kitchen counter para mag-brew ng kape. Napapikit sya sa liwanag na sumisipat sa pagitan ng mga solar shades, umaga na pala. Dito na sya sa sofa sa main living room nahimbing nang ipahinga nya ang pagal na katawan sa kakagayak ng mga christmas tree. Nangiwi sya nang pagmasdan nya ang naiwang ginagawa kagabi. Wala pa sya sa kalahati. Kinusot-kusot nya ang kanyang mga mata. Inabot nya nag dalawa nyang kamay ang pink na mug nya na may lamang brew coffee na hinandog ni Joaquín. Patalungko syang naupo sa hinigaang sofa, umupo ito sa tapat nya na sinusuklay ng kamay ang medyo basa pang buhok. Bagong ligo na ito pero parang ngayon palang dumating sa penthouse. “Ngayon ka lang umuwi?” tanong nya dito. Paano’y nakatulog na lang sya at lahat sa sofa kakahintay nya sa lalake pero hindi ito dumating. “Oo,” walang karea-reaksyong sagot nito. “Saan ka nat
Biglang nag-init lalo ang kanyang mga pisngi. Parang gusto na rin nyang maramdaman kung paano sya hihiluran ni Joaquín.Nag-isip syang buksan ang sliding door ng shower kaso inalihan naman sya ng hiya. Napakaliwanag pa naman ng mga ilaw sa buong bathroom, kitang-kita maski ang kaliit-liitang detalye ng mga itinatago nya.“Ano nga kase, p-privacy,” mahinang sabi nya.“‘Privacy…’ Ewan ko sa ‘yo.” Tumalikod ito at ipinagpatuloy ang pag-aahit sa malaking salamin.Napakatagal ng ginagawang pag-aahit ni Joaquí
“Estudyante palang naman ako talaga eh,” ngiti nya. Naisip nyang silahis siguro ang kausap, dahil sa sobrang hinhin ng mga kilos nito pati pagsasalita. “Ahh sabi ko na nga ba eh! Galing kong manghula!” nakipag-apiran pa ito sa kanya. “Mukha kasi akong napadaan lang dito eh, no?” bumungisngis sya. Paano’y simpleng skinny jeans, t-shirt, at tsinelas lang naman ang suot nya. "Hindi naman. Ang comfy nga eh, kaswal na kaswal. Kathryn Bernardo ang dating. Hahaha! Sayang no? Hiwalay na sila ni Daniel, fave ko pa naman sila," medyo nadi-dismaya pa nitong sabi. Pumilantik ang mga daliri nito pagpitik ng tangang sigarilyo habang nagsasalita kaya agad nyang na-kumpirma. Marami syang kaibigang bading sa lugar nila kaya naamoy nya na ito. “Sige ha, kakain pa pala ako sa loob." “Uy sama ako, pwede ba? Kanina pa kasi ako nagmumukhang tanga do’n eh.” Napalagay agad ang loob nya. “Sure,” pumayag naman ito agad. +++++ Masarap talagang kausap ang mga bading. Marami silang napagkwentuhan