“Tingnan mo ang laway mo sa couch, bumakat na!” sambit ni Joaquín nang gisingin sya nito sa hampas sa kanyang pwetan. Tumungo ito sa kitchen counter para mag-brew ng kape. Napapikit sya sa liwanag na sumisipat sa pagitan ng mga solar shades, umaga na pala. Dito na sya sa sofa sa main living room nahimbing nang ipahinga nya ang pagal na katawan sa kakagayak ng mga christmas tree. Nangiwi sya nang pagmasdan nya ang naiwang ginagawa kagabi. Wala pa sya sa kalahati. Kinusot-kusot nya ang kanyang mga mata. Inabot nya nag dalawa nyang kamay ang pink na mug nya na may lamang brew coffee na hinandog ni Joaquín. Patalungko syang naupo sa hinigaang sofa, umupo ito sa tapat nya na sinusuklay ng kamay ang medyo basa pang buhok. Bagong ligo na ito pero parang ngayon palang dumating sa penthouse. “Ngayon ka lang umuwi?” tanong nya dito. Paano’y nakatulog na lang sya at lahat sa sofa kakahintay nya sa lalake pero hindi ito dumating. “Oo,” walang karea-reaksyong sagot nito. “Saan ka nat
Biglang nag-init lalo ang kanyang mga pisngi. Parang gusto na rin nyang maramdaman kung paano sya hihiluran ni Joaquín.Nag-isip syang buksan ang sliding door ng shower kaso inalihan naman sya ng hiya. Napakaliwanag pa naman ng mga ilaw sa buong bathroom, kitang-kita maski ang kaliit-liitang detalye ng mga itinatago nya.“Ano nga kase, p-privacy,” mahinang sabi nya.“‘Privacy…’ Ewan ko sa ‘yo.” Tumalikod ito at ipinagpatuloy ang pag-aahit sa malaking salamin.Napakatagal ng ginagawang pag-aahit ni Joaquí
“Estudyante palang naman ako talaga eh,” ngiti nya. Naisip nyang silahis siguro ang kausap, dahil sa sobrang hinhin ng mga kilos nito pati pagsasalita. “Ahh sabi ko na nga ba eh! Galing kong manghula!” nakipag-apiran pa ito sa kanya. “Mukha kasi akong napadaan lang dito eh, no?” bumungisngis sya. Paano’y simpleng skinny jeans, t-shirt, at tsinelas lang naman ang suot nya. "Hindi naman. Ang comfy nga eh, kaswal na kaswal. Kathryn Bernardo ang dating. Hahaha! Sayang no? Hiwalay na sila ni Daniel, fave ko pa naman sila," medyo nadi-dismaya pa nitong sabi. Pumilantik ang mga daliri nito pagpitik ng tangang sigarilyo habang nagsasalita kaya agad nyang na-kumpirma. Marami syang kaibigang bading sa lugar nila kaya naamoy nya na ito. “Sige ha, kakain pa pala ako sa loob." “Uy sama ako, pwede ba? Kanina pa kasi ako nagmumukhang tanga do’n eh.” Napalagay agad ang loob nya. “Sure,” pumayag naman ito agad. +++++ Masarap talagang kausap ang mga bading. Marami silang napagkwentuhan
“¡Buenas tardes, Señor! Le estaba esperando! (Good afternoon, Sir! I have been waiting for you.)” bineso sya ni Alicia, ang may-ari ng bridal shop. “Lo siento, tuvimos que ir a la Customs para recoger mi coche. (Sorry, we had to come to Customs to pick up my car.)” Hinawakan nya ang kamay ng nahihiwagaang si Abby na nakatayo lang sa may glass door, hinatak nya ito sa loob ng bridal shop. “¿Es esa la chica de la que está hablando? ¡Es tan sencilla pero tan hermosa, Señor! (Is that the girl you are talking about? She is so simple yet so beautiful, Sir!)” puri ng couturier habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Abby. “Sí, sí. Ella es mi vida. (Yes, yes. She is. She's my life.)” nangingiting tinapunan nya ng tingin si Abby na nahihilawang naman ng ngiti. Yakap-yakap nito ang kanyang bag at pa-simpleng ipinupunas ang harapan ng kanyang tsinelas sa hem ng kanyang pantalon. “¿Qué?” humalakhak ang couturier. “Qué chica tan afortunada! (Ow? What a lucky girl!)” “Pero ella no sabe nada a
“Napakalakas mo namang tumawa, hindi ko na naririnig ‘yung mga sasakyan sa labas!” iritableng sambit nya habang nagda-drive. Kung hindi lang dire-diretso ang hawak nya sa manibela at gear stick ay inagaw na talaga nya ang cellphone ni Abby at hinagis sa labas. Kanina pa nagpapanting ang tenga nya kay Abby at sa kung sinuman ang kausap nito sa kanyang cellphone na inaaya sya kung saan kaya sya tawa nang tawa. Kagyat lang syang nilingon ni Abby, umirap nang pagkalagkit-lagkit saka bumalik sa pagkakabaling sa kanan nya at tumawa ulit nang tumawa. “Sino ba ‘yang kausap mo at para kang kinikiliti?!?” “Naku pasensya ka na Derick, mainit ulo ng boss ko eh. Maya ka na lang tumawag pag-uwi ko, okay? Kita tayo sa school bukas, Bye!” ani Abby sa kausap saka inilaglag sa bag ang cellphone. ‘Ako ang bumili ng cellphone pero iba ang kinakausap nitong babae na ‘to,’ isip-isip nya. “Haay,” bumuntong-hininga si Abby. “Uuwi muna ako, Joaquín. Maglalaba pa ako ng uniform. Babalik na lang ako bu
Natigilan sya nang ilang minuto. Ang tagal bago nag-sink in sa kanya ang tinimbre ni Rafael. Pinagmasdan nya si Abby na nakalupasay pa rin sa kanyang sahig at umiiyak. ‘Mamá’s in the country.’ Tapos na silang mag-usap ni Rafael pero pakiwari nya ay naririnig pa rin nya ito. Well, medyo marami pa syang oras para mag-isip. Matalino naman sya. Makakaisip pa sya ng dahilan. Abby is still crying. He’ll fix Abby first. “Bakit ka umiiyak? Wala akong sinabing ayaw ko sa ‘yo?” pag-uulit nya. Naupo sya sa dating kinauupuan sa gilid ng kama. “Ayaw mo, ayaw mo sa ‘kin! Tinanggihan mo nga ‘ko, ‘di ba?! Virgin pa ‘ko tapos tinanggihan mo ‘ko! Ano’ng gagawin ko kung hindi ako marunong?! Kelangan bang mag-praktis??! Pa’no ba magpa-praktis?! Kanino ako magpapaturo?! May napapanood ba’ng tutorial sa Youtube? Wala naman, ‘di ba?!?” pati boses nito ay nanginginig na sa kakaiyak. Napapahilamos na lang sya ng palad sa panonood nya sa pagda-drama nito. “Ginagalang kasi kita, Abby. Ayoko nang
Darating na ang kanyang Mamá, hindi nya maiwasang hindi isipin. Kilala ng Mamá nya si Abby noong maliit pa ito, katulong nila sa bahay si Nanay Elsa. He’s hoping for the best, hindi pwedeng basta-basta na lang mawawala si Abby. Nasubukan na nya iyon ng manirahan sya sa España ng ilang taon. Kinulit nya ang kanyang Abuelo na magba-branch sya dito ng kanilang negocio familiar para lang magkadahilan syang makabalik ng Pilipinas. Para makita at makasama si Abby. Napakahirap at napakatagal na proseso pero napagtagumpayan nya iyon. Maraming babae ang dumating at nawala. Pero si Abby lang ang nanahan sa utak nya. Napakatagal nya itong tiniis, tiniis nya ito ulit nang ilang linggo pero hindi nya kaya. Pakakawalan na nya ang damdamin nya. Pero hindi sya aamin, pipiglas lang ito sa mga kamay nya lalo na at darating ang kanyang Mamá. Hanggat kaya nya at may oras pa sya. Hinaplos-haplos nya ang kinis ng balat ni Abby sa loob ng t-shirt nito habang tinitingnan nya ang reaksyon ni Abby, napa
“Miss na miss kita, Joaquín… Hmmm…” napapatingalang daïng ni Abby habang malamyos nyang hinahalikan at hinihimod ang magkabilaang tuktok ng dibdib nito at banayad na minamasahe ang malalambot nitong laman. Napapasabunot ito sa buhok nya. Nalamutak nya ang mga s*so ni Abby noong una dahil sa pinagsamang galit at nag-uumapaw nyang pagnanasa, guilty sya roon. Pero hindi na iyon mangyayari ngayon, hindi na kahit kailan. ‘Miss na miss nya naman pala ako.’ Lunod na lunod sya magkakahalo-halong emosyon na gustong kumawala sa dibdib nya. Niyayapos nyang lalo si Abby palapit sa kanya. Napapaluhod na ito sa sahig sa pagkakandong nito sa harap nya. "Hmmm..." naririnig nya ang mahihinang ungol nito sa pagitan ng mga hingal. "Oohhh..." Binuhat nya si Abby nang hindi pinuputol ang maalab nilang halikan, kumapit ito sa leeg nya. Inilapat nya ang likod ni Abby sa malambot nyang kama. Mapupungay ang bahagyang namamagang mga mata nito. “Mi corazon…” nangingiting hinawi nya ang buhok ni Abb