Natigilan sya nang ilang minuto. Ang tagal bago nag-sink in sa kanya ang tinimbre ni Rafael. Pinagmasdan nya si Abby na nakalupasay pa rin sa kanyang sahig at umiiyak. ‘Mamá’s in the country.’ Tapos na silang mag-usap ni Rafael pero pakiwari nya ay naririnig pa rin nya ito. Well, medyo marami pa syang oras para mag-isip. Matalino naman sya. Makakaisip pa sya ng dahilan. Abby is still crying. He’ll fix Abby first. “Bakit ka umiiyak? Wala akong sinabing ayaw ko sa ‘yo?” pag-uulit nya. Naupo sya sa dating kinauupuan sa gilid ng kama. “Ayaw mo, ayaw mo sa ‘kin! Tinanggihan mo nga ‘ko, ‘di ba?! Virgin pa ‘ko tapos tinanggihan mo ‘ko! Ano’ng gagawin ko kung hindi ako marunong?! Kelangan bang mag-praktis??! Pa’no ba magpa-praktis?! Kanino ako magpapaturo?! May napapanood ba’ng tutorial sa Youtube? Wala naman, ‘di ba?!?” pati boses nito ay nanginginig na sa kakaiyak. Napapahilamos na lang sya ng palad sa panonood nya sa pagda-drama nito. “Ginagalang kasi kita, Abby. Ayoko nang
Darating na ang kanyang Mamá, hindi nya maiwasang hindi isipin. Kilala ng Mamá nya si Abby noong maliit pa ito, katulong nila sa bahay si Nanay Elsa. He’s hoping for the best, hindi pwedeng basta-basta na lang mawawala si Abby. Nasubukan na nya iyon ng manirahan sya sa España ng ilang taon. Kinulit nya ang kanyang Abuelo na magba-branch sya dito ng kanilang negocio familiar para lang magkadahilan syang makabalik ng Pilipinas. Para makita at makasama si Abby. Napakahirap at napakatagal na proseso pero napagtagumpayan nya iyon. Maraming babae ang dumating at nawala. Pero si Abby lang ang nanahan sa utak nya. Napakatagal nya itong tiniis, tiniis nya ito ulit nang ilang linggo pero hindi nya kaya. Pakakawalan na nya ang damdamin nya. Pero hindi sya aamin, pipiglas lang ito sa mga kamay nya lalo na at darating ang kanyang Mamá. Hanggat kaya nya at may oras pa sya. Hinaplos-haplos nya ang kinis ng balat ni Abby sa loob ng t-shirt nito habang tinitingnan nya ang reaksyon ni Abby, napa
“Miss na miss kita, Joaquín… Hmmm…” napapatingalang daïng ni Abby habang malamyos nyang hinahalikan at hinihimod ang magkabilaang tuktok ng dibdib nito at banayad na minamasahe ang malalambot nitong laman. Napapasabunot ito sa buhok nya. Nalamutak nya ang mga s*so ni Abby noong una dahil sa pinagsamang galit at nag-uumapaw nyang pagnanasa, guilty sya roon. Pero hindi na iyon mangyayari ngayon, hindi na kahit kailan. ‘Miss na miss nya naman pala ako.’ Lunod na lunod sya magkakahalo-halong emosyon na gustong kumawala sa dibdib nya. Niyayapos nyang lalo si Abby palapit sa kanya. Napapaluhod na ito sa sahig sa pagkakandong nito sa harap nya. "Hmmm..." naririnig nya ang mahihinang ungol nito sa pagitan ng mga hingal. "Oohhh..." Binuhat nya si Abby nang hindi pinuputol ang maalab nilang halikan, kumapit ito sa leeg nya. Inilapat nya ang likod ni Abby sa malambot nyang kama. Mapupungay ang bahagyang namamagang mga mata nito. “Mi corazon…” nangingiting hinawi nya ang buhok ni Abb
“Teka lang!” his deep voice echoed throughout the penthouse. Pero hindi sya galit. Nagmamadali nyang inakyat ang fiberglass na hagdan patungo sa master’s bedroom dala-dala ang pink na mug ni Abby at saucer na may lamang ilang pirasong crackers na nakuha nya sa kitchen cabinet, pati na rin ang binigay ni Robert na folder at USB. He feels a little jumpy, but in the best way. “Coffee and biscuits for milady,” he utters as he enters the dim-lit room. Inilapag nya ang dalang pagkain sa side drawer at mabilis na inabot ulit ng malamyos na halik ang namumulang mukha ni Abby sa dilaw na accent light ng kanyang headboard. He just couldn’t help it. He can do this all day, he figures. “Thanks… Napakasaya mo, huh?!” tudyo nito sa nakakaloko nyang ngiti. “Syempre!” Kalalaki nyang tao pero sobra syang kinikilig na hindi nya maitago. Itinuloy nila ang maalab nilang halikan. They made love. That was not sex. That is love. Itong araw na ito ang pinaka-fulfilling na araw sa buong buhay
The meeting went on for almost three hours, going over the personalization ng gagawing cybersecurity interface. Abuelo asks him for a timeframe. He suggests three to five months. Masyadong complex ang buong development process ng interface na accustomed sa pangangailangan ng Interpol, hindi nya ito pwedeng madaliin. Hindi pa kasama sa tatlo hanggang limang buwan na sinabi nya ang mga testing at QA na kailangan ding i-conduct kapag nabuo na nila ang mula sa software integration hanggang sa certification ng cybersecurity interface. Ipinaliwanag nya ito nang maigi at naintindihan naman ng Interpol ang kanyang honest calculation. “Three to five months?!” hilaw ang tawa ng kanyang Abuelo nang makapag-solo na sila sa video conference call. “This is not an ordinary eight-to-five job, Joaquín; this is Interpol. Wala ka bang ibibilis?! Nagawa mo ang planning at designing ng tatlong araw, ‘di ba? Cut your timeframe in half. Employ more expert people for your team or get your ass here. Mas
Ipit na ipit ang kanyang mga hita sa pagkakaupo nya sa sectional na sofa sa entertainment room. Bathrobe lang ulit ang suot nya, wala na syang damit dito. Nasa labahan na lahat.“Haaist.” Nangingiwing bulong nya habang wala sa loob na nakatingin sa plato na may pizza na nakapatong sa throw pillow na nasa kandungan nya. Paborito nya ang in-order ni Joaquín na pepperoni pizza pero hindi sya makakain ngayon. Masakit ang balakang at likod nya sa kakaigtad nya kanina, ang magkabilaang s*so nya ay punung-puno at namamaga, parang nahihigit ang mga masel nya sa tiyan, pati na rin ang kanyang keps ay namamanhid sa kirot. Ultimo ang mga hita nya parang na-paddle. Wala rin gaanong lakas ang mga tuhod nya. Magkakahalong hiya at inis ang nararamdaman nya dahil sa padalos-dalos na pagdedesisyon na nadadala ng bugso ng damdamin nya. ‘Gusto mo naman ‘yung nangyari at hindi ka naman pinipintasan, bakit ka nahihiya?! Hindi naman iba si Joaquín, kung may nakita syang mali sa ‘yo, sasabihin nya ‘yu
“Joaquín, nakita mo ba ang uniform ko?” sigaw nya habang tinutulak pabalik sa dating pwesto ang mabigat na sofa bed. Kanina pa nya hinahanap ang kanyang uniform pati na ang mga damit na pinaghubaran pero hindi nya talaga makita. Balak nyang umuwi sa kanila pagkatapos nilang magpunta ng ospital para makapaglaba ng damit at makapagnilay-nilay sa mga nangyari sa kanya sa buong maghapon na kasama nya si Joaquín.“Nandito.”Tinungo nya ang pinanggagalingan ng boses ni Joaquín. Nasa laundy area ito. “I think I should do this more often, no?” nakakaloko ang ngiti nito habang isinasampay ang uniform sa retractable steel hanger na naka-install sa dingding. Minasdan nya ang ilan pa nyang damit na nagkakagulo ang pagkakasampay. Hindi si Joaquín naglalaba ng damit kahit kumpleto ito ng kagamitan sa laundry. Wala syang oras para doon. Nagpapa-laundromat lang ito sa kanya o driver o sa mga escort nya. Pati mga boxer brief at panyo nito ay sa laundry na rin pinalalabahan.“Bakit mo nilabhan?! Lala
“Wait up, mi amor,” ani Joaquín nang akma na nyang bubuksan ang pinto ng kotse para lumabas. Tinitigan nya si Joaquín na lumalakad-patakbo patungo sa passenger’s seat para pagbuksan sya ng pinto. “Tara?” ngiti ni Joaquín sa kanya. Nahihiwagaang tinitigan nya si Joaquín. Trip na trip sya nito ngayon, sa tagal nang panahon na umaangkas sya sa kotse nito ngayon lang nito natipuhang gawin iyon. Feeling nya prinsesa sya. Niyapos na naman sya nito sa bewang at akmang hahalikan pero nag-iwas na sya. “Pumirmis ka, Joaquín, baka ma-shock sa ‘yo ang nanay ko! Baka imbis na okay okay na ang pakiramdam no’n, himatayin ‘yun sa ‘yo,” pinaalalahanan nya ito. Wala syang planong sabihin sa nanay nya maski kay Jim ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa. Ayaw nyang masira ang tingin ng mga ito kay Joaquín kung malalaman nilang sya mismo ang ‘flavor-of-the-month’ nito ngayon. “Sí, sí. Mamaya na lang,” ngiti ni Joaquín, pero dinampian pa rin sya nito ng halik sa labi. Naninigas