“What do you mean you don’t know??! Ano ba’ng sinabi ko sa ‘yong gagawin mo?!” naglingunan ang mga taong nagda-dine rin sa restaurant nang umpisahan nyang bulyawan ang kausap nya sa kanyang cellphone. “You got one job, susundan mo lang kahit saan pumunta! Is that too fucking hard to do??!” he saw Abby staring at him in her puzzled look. She grabbed her hand and dashed out of the restaurant. “Joaquín? Sino ‘yan?” tanong ni Abby sa kanya habang sinesenyasan ang valet service na kunin ang sasakyan ni Joaquín. Pangatlong sekretarya na ito na hired nya para kay Santiago. Akala nya nang magkasundo silang lumuwas si Santiago at mag-acting as CEO sa AVTech ay okay na. Pumapasok lang ito sa opisina kapag natipuhan nyang pumasok, okay na lang sana sa kanya iyong ganoon. Isip-isip nya, he’ll eventually come to his senses. Pero ngayong mga panahong ito ay kailangan nya ang presensya nito. Parating na ang kanilang Mama, at isa pa, hindi na nya matututukan ang pangangasiwa sa AVTech dahil n
“Joaquín, naglalaba ako. Baka malaglag ko ang cellphone sa batya.” Naglalaba. Ilang beses na nyang sinabihan si Abby na bibili sya ng automatic na washer na gaya ng sa kanya para hindi na nya kailangang magkusot pero matigas ang ulo nito. He wants her attention. Iniiwan nya ang trabaho nya just to be with her pero hindi sya mabigyan ng oras, laging dahilan ay maglalaba. “H’wag ka munang maglaba, kausapin mo muna ako,” para syang bata na nangangailangan ng atensyon ng ina. “Ano ba’ng ginagawa mo?” “Iniisip ka. Miss na miss kita…” “Aysus! Tatawag ako kapag tapos na ‘ko maglaba.” Hindi sya umimik. Hinihintay nyang sabihin ni Abby na pumunta sya sa kanila, okay lang naman kahit titigan lang nya ito habang kumikilos sa bahay. Kahit walang mangyari, okay lang. Pero hindi sya sigurado doon. “Joaquín? Narinig mo ‘ko?” “Oo, narinig kita. I just feel so sad… and… and unloved.” Baka sakaling maawa naman nang konti. He clutches his hair as he sits on her pink sofa bed. “Pupunta ako buk
“You can’t bail out on me just like that! Alam mong kailangan na kailangan kita ngayon! Ano na naman ba'ng problema??!” sigaw nya kay Santiago nang sagutin nito ang tawag nya. Nawala sa porma ang kutsarang hawak nya nang mapiga nya ito sa inis nya. “I can’t, Joaquín, napapagod ako! Hindi na ako luluwas, go find somebody else to fill your position!” nakipagsigawan din ito sa kanya. “Sa’n ka napagod??! Wala ka pa ngang ginagawa, napapagod ka na?! I only want you to come to the office, 'yon lang naman ang pinagagawa ko sa 'yo, 'di ba?! Hindi ako nagrereklamo sa 'yo kahit nakaistambay ka lang buong maghapon! I-consider mo naman ako, Santiago, akala mo ikaw lang ang nasasakal?! Hindi mo ba ‘ko tatanungin kung ilan ang lubid na nakapalupot sa leeg ko ngayon?!?” himutok nya sa bunso nyang kapatid. Nagtitiim ang kanyang bagang sa katigasan ng ulo nito. Kung kaharap lang nya ito ngayon ay malamang sa nagsuntukan na sila. Kung mayroon pa silang ibang kapatid na pwedeng magmana ng posisyo
“Wala naman akong gagawin bukas, puntahan na lang natin. Para makapag-bakasyon ka na rin. May beach daw doon sa malapit, siguradong matatanggal ang stress mo kapag nakasagap ka ng sariwang hangin,” kumandong sya paharap kay Joaquín at siniil nya ang maalab na halik. “You want to go on a beach? We’ll do that, just not tomorrow,” napakamapang-akit ang boses nito, gumapang ang kamay ni Joaquín sa nag-iinit na nyang katawan. Hindi rin nya maintindihan si Joaquín, kanina lang ay aburidong-aburido ito at pilit na kinukumbinsi si Santiago na bumalik na sa opisina. Ngayong tinutulungan na nga nyang maresolba ang problema sa kapatid ay ayaw namang kumilos ngayon. Hinubad nya ang kanyang malaking t-shirt, nakita nya ang pagnanasa ni Joaquín sa olive green na mga mata nito. Nangiti sya. Napakalaking tulong nya kay Joaquín, isip-isip nya. Always keeping him emotionally and mentally stable. Handang-handa syang magpalamog kahit kailan at kahit saan nito maibigan. That’s how things are now
“Oh sige, ganito na lang. H’wag ka nang mag-book, idaan mo ‘ko sa ospital du’n ako matutulog, tapos umuwi ka na. Tawagan mo na lang ako bukas ‘pag umalis na ‘yung 'kalat' na sinasabi mo, saka ako pupunta.” Nilingon sya ni Joaquín. Nakita nya ang pagsimangot nito sa kanyang tinuran. Nag-iwas syang muli ng tingin. ‘What do you mean?! Na may ibang tao sa penthouse ngayon na ayokong makita mo? Where did that come from?" Hindi sya umimik. Isinandal nya ang ulo sa headrest saka pumikit. Narinig nya ang malalim na buntung-hininga nito. “Wala akong tinatago sa ‘yo, Abby. Ayoko lang muna talaga sa penthouse---" “Naiintindihan ko,” irap nya. “Sa ospital mo na lang ako ihatid kung hindi naman tayo pupunta kay Santiago.” “Hindi tayo kasya sa higaan du’n.” “Wala akong sinabing du’n ka rin matulog.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. "'Yung kuryente, aayusin ko 'yon bukas." "Wala pang isandaan ang kuryente namin dahil madalas walang tao sa bahay, nawala lang
“Nahihilo na ‘ko, Joaquín! Ibaba mo na ‘ko!” hiyaw nya. Nakabaliktad pa rin sya sa balikat nito. Para lang syang isang sakong bigas kung pasanin sya nito. “Artehan mo pa nang konti, malapit ka nang magkaroon ng película, mi vida,” natatawa-tawang sambit nito habang sniswipe ang key card sa smart lock. “Hindi ako umaarte! Ibaba mo na ‘ko, malapit na ‘kong masuka!” Pinagtitripan pa rin sya hanggang ngayon ni Joaquín. “Pumikit ka na lang. Pumikit ka lang hangga’t hindi kita binababa... Lumalaki ang balakang mo ah, ‘di ba gano’n ‘yon kapag buntis? Buntis ka na ba?" umuugong ang halakhak ni Joaquín habang inaakyat ang fiberglass na hagdan. Umaangat na ang damit nito sa likod sa higpit ng pagkakakapit nya. “Walang nabubuntis sa kiskisan, gagi! Nakakainis ka naman eh! Masusuka na ‘ko talaga, malapit na malapit na!” Tatawa-tawa itong iniupo sya sa sofa. “Sa tagal ko ‘tong pinaghandaan, hindi ko akalaing ikaw rin lang pala ang sisira ng sorpresa ko sa ‘yo! Hay nako!" hinihingal
“Hindi ka na nabibiro, Joaquín?” hindi maampat-ampat ang katatawa nya sa pagkakagusot ng mga kilay nito. “I thought you already know. Handa akong pumatay para sa ‘yo,” hinaltak sya nito at naglakad papuntang master’s bedroom. “Biro lang ‘yon, Joaquín. H’wag kang masyadong seryoso,” anas nya habang hinuhubad ang suot na stilletos, nabatid nyang hindi lang ito basta napikon sa sinabi nya. Tikhim lang ang sinagot nito sa kanya. Napatayo sya sa kinauupuan nang marahas nitong hinubad ang suot nyang fitted na blouse. Tinanggap nya ang diin ng hawak nito sa kanyang tagiliran at süso, pati na rin ang halik nitong nakakapugto ng hininga. Parusa iyon sa matabil nyang dila. Gayon pa man ay napapadaïng sya sa sarap na dulot ng pagpaparusa ni Joaquín. Kalaunan ay naging banayad ang mga pisil nito sa kanya. “Abby, I’m really gonna be crazy over you. Please don’t go looking for somebody else, nandito lang ako. Ibibigay ko sa ‘yo lahat-lahat,” bulong nito sa kanyang tenga. Gumuguhit sa mu
“Feels nice,” he says, as he dips his hand into the warm, hot tub water. “Mi cielo, ready to take a dip?” “Dyusku Joaquín, mag-underwear ka nga muna, utang na loob. Lagi na lang matigas 'yan!” naiiritang anas nito habang humihigop ng mainit na kape. Hindi na naman makakilos, maraming masakit. Kailangan ni Abby ng maligamgam na tubig to heal her fresh wounds. “Sorry, naiinis ka na naman.” Dinampot nya ang boxer brief sa sahig at isinuot. Ewan ba nya, bahagyang nanghihina pa ang kanyang mga tuhod, pero hindi pa rin sya pumapanaw ng paninigas ng kanyang alaga. He came not just once, but three times. Tumitigil lang sya ng ilang segundo para huminga tapos bayo na naman ulit. Ito ang unang pagkakataong nagawa nya iyon nang dire-diretso. Natuwa sya sa pagiging vigorous nya. Nasulit nya ang tagal ng kanyang paghihintay na makarating ng langit nang paulit-ulit na kasama si Abby. It was such an absolute experience. “Sure ka bang inilabas mo? Lahat?” tanong ni Abby sa kanya. Pang-apa