“Oh sige, ganito na lang. H’wag ka nang mag-book, idaan mo ‘ko sa ospital du’n ako matutulog, tapos umuwi ka na. Tawagan mo na lang ako bukas ‘pag umalis na ‘yung 'kalat' na sinasabi mo, saka ako pupunta.” Nilingon sya ni Joaquín. Nakita nya ang pagsimangot nito sa kanyang tinuran. Nag-iwas syang muli ng tingin. ‘What do you mean?! Na may ibang tao sa penthouse ngayon na ayokong makita mo? Where did that come from?" Hindi sya umimik. Isinandal nya ang ulo sa headrest saka pumikit. Narinig nya ang malalim na buntung-hininga nito. “Wala akong tinatago sa ‘yo, Abby. Ayoko lang muna talaga sa penthouse---" “Naiintindihan ko,” irap nya. “Sa ospital mo na lang ako ihatid kung hindi naman tayo pupunta kay Santiago.” “Hindi tayo kasya sa higaan du’n.” “Wala akong sinabing du’n ka rin matulog.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. "'Yung kuryente, aayusin ko 'yon bukas." "Wala pang isandaan ang kuryente namin dahil madalas walang tao sa bahay, nawala lang
“Nahihilo na ‘ko, Joaquín! Ibaba mo na ‘ko!” hiyaw nya. Nakabaliktad pa rin sya sa balikat nito. Para lang syang isang sakong bigas kung pasanin sya nito. “Artehan mo pa nang konti, malapit ka nang magkaroon ng película, mi vida,” natatawa-tawang sambit nito habang sniswipe ang key card sa smart lock. “Hindi ako umaarte! Ibaba mo na ‘ko, malapit na ‘kong masuka!” Pinagtitripan pa rin sya hanggang ngayon ni Joaquín. “Pumikit ka na lang. Pumikit ka lang hangga’t hindi kita binababa... Lumalaki ang balakang mo ah, ‘di ba gano’n ‘yon kapag buntis? Buntis ka na ba?" umuugong ang halakhak ni Joaquín habang inaakyat ang fiberglass na hagdan. Umaangat na ang damit nito sa likod sa higpit ng pagkakakapit nya. “Walang nabubuntis sa kiskisan, gagi! Nakakainis ka naman eh! Masusuka na ‘ko talaga, malapit na malapit na!” Tatawa-tawa itong iniupo sya sa sofa. “Sa tagal ko ‘tong pinaghandaan, hindi ko akalaing ikaw rin lang pala ang sisira ng sorpresa ko sa ‘yo! Hay nako!" hinihingal
“Hindi ka na nabibiro, Joaquín?” hindi maampat-ampat ang katatawa nya sa pagkakagusot ng mga kilay nito. “I thought you already know. Handa akong pumatay para sa ‘yo,” hinaltak sya nito at naglakad papuntang master’s bedroom. “Biro lang ‘yon, Joaquín. H’wag kang masyadong seryoso,” anas nya habang hinuhubad ang suot na stilletos, nabatid nyang hindi lang ito basta napikon sa sinabi nya. Tikhim lang ang sinagot nito sa kanya. Napatayo sya sa kinauupuan nang marahas nitong hinubad ang suot nyang fitted na blouse. Tinanggap nya ang diin ng hawak nito sa kanyang tagiliran at süso, pati na rin ang halik nitong nakakapugto ng hininga. Parusa iyon sa matabil nyang dila. Gayon pa man ay napapadaïng sya sa sarap na dulot ng pagpaparusa ni Joaquín. Kalaunan ay naging banayad ang mga pisil nito sa kanya. “Abby, I’m really gonna be crazy over you. Please don’t go looking for somebody else, nandito lang ako. Ibibigay ko sa ‘yo lahat-lahat,” bulong nito sa kanyang tenga. Gumuguhit sa mu
“Feels nice,” he says, as he dips his hand into the warm, hot tub water. “Mi cielo, ready to take a dip?” “Dyusku Joaquín, mag-underwear ka nga muna, utang na loob. Lagi na lang matigas 'yan!” naiiritang anas nito habang humihigop ng mainit na kape. Hindi na naman makakilos, maraming masakit. Kailangan ni Abby ng maligamgam na tubig to heal her fresh wounds. “Sorry, naiinis ka na naman.” Dinampot nya ang boxer brief sa sahig at isinuot. Ewan ba nya, bahagyang nanghihina pa ang kanyang mga tuhod, pero hindi pa rin sya pumapanaw ng paninigas ng kanyang alaga. He came not just once, but three times. Tumitigil lang sya ng ilang segundo para huminga tapos bayo na naman ulit. Ito ang unang pagkakataong nagawa nya iyon nang dire-diretso. Natuwa sya sa pagiging vigorous nya. Nasulit nya ang tagal ng kanyang paghihintay na makarating ng langit nang paulit-ulit na kasama si Abby. It was such an absolute experience. “Sure ka bang inilabas mo? Lahat?” tanong ni Abby sa kanya. Pang-apa
He hears Abby grunting as she pulls herself out of bed. “Sabi ko na sa ‘yo bubuhatin na lang kita eh,” agad nyang inilapag ang singsing na hawak sa ilalim ng mga naka-pile na papel sa loob ng drawer. “Hindi naman na gano'ng masakit. Magtrabaho ka na lang d’yan, magbababad lang ako ng ilang minuto,” ngiti nito. Pumangalumbaba sya sa kanyang Macbook na bukas din na nasa gilid nya, pero hindi nya naiwasang hindi tapunan ng tingin ang babae habang pinupuyod pataas ang buhok ng pink na clamp na nakuha nito sa sofa bed pagkatapos ay sinimot ang kape sa pink rin nyang mug. Nakakatuyo ng lalamunan si Abby. Pinasadahan nya ang tingin ang kabuuan ng hubu't hubad na katawan nito. ‘Shit,’ nanikip na naman ang kanyang boxer brief. Nakakasira talaga ng konsentrasyon sa trabaho ang presensya ni Abby. Pero hindi rin naman sya makapag-pokus kapag nasa opisina sya o nasa unit sya ng kanyang Interpol team sa pangambang baka bigla na lang nitong maisipang umalis nang hindi nya alam. Wala syang m
Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi nya maintindihan kung bakit sa coffee shop pa naisipang makipagkita ng doktor gayong nasa ospital ang pasyenteng pinag-uusapan nila at sa ganitong oras pa ng gabi. ‘Akala siguro nitong bugok na ‘to hindi ako kasama,’ he smirks. Isinalikop nya ang kanyang mga braso at humilig pagawi kay Abby. Tinaliman nya ang kanyang tingin sa mga nagniningning na mga mata ng doktor na titig na titig sa kanyang nobya. ‘You can stare until your eyes pop out of your sockets, pero hanggang do’n ka lang.’ Nakatukod ang isang siko ni Abby sa lamesa at nakahawak sa leeg para matago ang kiss mark na kagagawan nya. Napaka-prominente nga naman kasi nito, medyo napasipsip sya nang matindi sa gigil nya sa pakikipagkita ng doktor. Nawala sa kanyang isip na may party pa nga pala itong dadaluhan. ‘Kaya naman siguro ng makeup, bahala na ang makeup artist ni Alicia,’ isip-isip nya. “...napakaswerte ninyo, Abby, sa haba ng pi
Nilingon nyang muli si Abby na papunas-punas ng panyong hawak sa mga mata, pero nakangiti sa kausap. Umiiyak nga si Abby. Hindi nya alam kung bakit, samantalang kanina lang ay masayang-masaya ito sa ibinabalita ng doktor. He immediately realizes he should be there. Dapat alam nya ang nangyayari. Dapat sya ang nagko-comfort dito, hindi ibang tao. “I’m hanging up, Jessica, I’m really sorry. May inaasikaso kasi ako ngayong importante.” At bago pa man nakapagsalita ang babae ay napatay na nya ang tawag. Agad nyang hinakbang ang pabalik sa loob ng coffee shop. “W-what— Why, mi vida?” alalang tanong nya nang maupo sya sa tabi ni Abby na pahikbi-hikbi. “I think she needs to see her mother, Señor. Kung may gagawin pa kayo ako na lang ang maghahatid sa kanya, tutal pabalik na rin ako sa ospital. This is just my lunch break,” seryosong sambit ni Dr. Pueblo. “No, no, no, I’ll bring her myself if she needs to. Bakit? May nangyari ba? Tatawagan ko si Jim," nag-aapurang hinahanap nya a
“Hay! Akala ko hindi ko na makikita ang langit,” ani Nanay Elsa habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa malawak na garden sa likod ng ospital. “Hindi ka ba inilalabas ng mga nurse, ‘Nay?” Dahan-dahan lang ang ginagawa nilang paglalakad, halos yakapin nya ang ina sa paninigurado nya. Para syang umaalalay ng batang kakaumpisa lang maglakad. Mini stroke lang ang nangyari sa ina ayon sa mga doktor, pero malaki ang naging epekto nito sa balanse ni Nanay Elsa. Nakakatulong sana ang palagiang paglalakad para ma-exercise nito ang mga nanghihinang binti.“Lumalabas naman kami ni Nancy kapag sya ang naka-duty pero lagi akong nakaupo lang sa wheelchair, samantalang kaya ko naman maglakad kahit dahan-dahan lang. Wala naman na akong suero eh,” ngiti nito sa kanya. Minasdan nya ang fistula na bahagyang umangat sa nagnipis nang braso ng kanyang ina. “Malapit nang matanggal ‘yang access mo sa dialysis, ‘Nay. Konting panahon pa,” sambit nya. Tinanaw nya si Joaquín na seryosong nakatunghay sa