Ipit na ipit ang kanyang mga hita sa pagkakaupo nya sa sectional na sofa sa entertainment room. Bathrobe lang ulit ang suot nya, wala na syang damit dito. Nasa labahan na lahat.“Haaist.” Nangingiwing bulong nya habang wala sa loob na nakatingin sa plato na may pizza na nakapatong sa throw pillow na nasa kandungan nya. Paborito nya ang in-order ni Joaquín na pepperoni pizza pero hindi sya makakain ngayon. Masakit ang balakang at likod nya sa kakaigtad nya kanina, ang magkabilaang s*so nya ay punung-puno at namamaga, parang nahihigit ang mga masel nya sa tiyan, pati na rin ang kanyang keps ay namamanhid sa kirot. Ultimo ang mga hita nya parang na-paddle. Wala rin gaanong lakas ang mga tuhod nya. Magkakahalong hiya at inis ang nararamdaman nya dahil sa padalos-dalos na pagdedesisyon na nadadala ng bugso ng damdamin nya. ‘Gusto mo naman ‘yung nangyari at hindi ka naman pinipintasan, bakit ka nahihiya?! Hindi naman iba si Joaquín, kung may nakita syang mali sa ‘yo, sasabihin nya ‘yu
“Joaquín, nakita mo ba ang uniform ko?” sigaw nya habang tinutulak pabalik sa dating pwesto ang mabigat na sofa bed. Kanina pa nya hinahanap ang kanyang uniform pati na ang mga damit na pinaghubaran pero hindi nya talaga makita. Balak nyang umuwi sa kanila pagkatapos nilang magpunta ng ospital para makapaglaba ng damit at makapagnilay-nilay sa mga nangyari sa kanya sa buong maghapon na kasama nya si Joaquín.“Nandito.”Tinungo nya ang pinanggagalingan ng boses ni Joaquín. Nasa laundy area ito. “I think I should do this more often, no?” nakakaloko ang ngiti nito habang isinasampay ang uniform sa retractable steel hanger na naka-install sa dingding. Minasdan nya ang ilan pa nyang damit na nagkakagulo ang pagkakasampay. Hindi si Joaquín naglalaba ng damit kahit kumpleto ito ng kagamitan sa laundry. Wala syang oras para doon. Nagpapa-laundromat lang ito sa kanya o driver o sa mga escort nya. Pati mga boxer brief at panyo nito ay sa laundry na rin pinalalabahan.“Bakit mo nilabhan?! Lala
“Wait up, mi amor,” ani Joaquín nang akma na nyang bubuksan ang pinto ng kotse para lumabas. Tinitigan nya si Joaquín na lumalakad-patakbo patungo sa passenger’s seat para pagbuksan sya ng pinto. “Tara?” ngiti ni Joaquín sa kanya. Nahihiwagaang tinitigan nya si Joaquín. Trip na trip sya nito ngayon, sa tagal nang panahon na umaangkas sya sa kotse nito ngayon lang nito natipuhang gawin iyon. Feeling nya prinsesa sya. Niyapos na naman sya nito sa bewang at akmang hahalikan pero nag-iwas na sya. “Pumirmis ka, Joaquín, baka ma-shock sa ‘yo ang nanay ko! Baka imbis na okay okay na ang pakiramdam no’n, himatayin ‘yun sa ‘yo,” pinaalalahanan nya ito. Wala syang planong sabihin sa nanay nya maski kay Jim ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa. Ayaw nyang masira ang tingin ng mga ito kay Joaquín kung malalaman nilang sya mismo ang ‘flavor-of-the-month’ nito ngayon. “Sí, sí. Mamaya na lang,” ngiti ni Joaquín, pero dinampian pa rin sya nito ng halik sa labi. Naninigas
“What do you mean you don’t know??! Ano ba’ng sinabi ko sa ‘yong gagawin mo?!” naglingunan ang mga taong nagda-dine rin sa restaurant nang umpisahan nyang bulyawan ang kausap nya sa kanyang cellphone. “You got one job, susundan mo lang kahit saan pumunta! Is that too fucking hard to do??!” he saw Abby staring at him in her puzzled look. She grabbed her hand and dashed out of the restaurant. “Joaquín? Sino ‘yan?” tanong ni Abby sa kanya habang sinesenyasan ang valet service na kunin ang sasakyan ni Joaquín. Pangatlong sekretarya na ito na hired nya para kay Santiago. Akala nya nang magkasundo silang lumuwas si Santiago at mag-acting as CEO sa AVTech ay okay na. Pumapasok lang ito sa opisina kapag natipuhan nyang pumasok, okay na lang sana sa kanya iyong ganoon. Isip-isip nya, he’ll eventually come to his senses. Pero ngayong mga panahong ito ay kailangan nya ang presensya nito. Parating na ang kanilang Mama, at isa pa, hindi na nya matututukan ang pangangasiwa sa AVTech dahil n
“Joaquín, naglalaba ako. Baka malaglag ko ang cellphone sa batya.” Naglalaba. Ilang beses na nyang sinabihan si Abby na bibili sya ng automatic na washer na gaya ng sa kanya para hindi na nya kailangang magkusot pero matigas ang ulo nito. He wants her attention. Iniiwan nya ang trabaho nya just to be with her pero hindi sya mabigyan ng oras, laging dahilan ay maglalaba. “H’wag ka munang maglaba, kausapin mo muna ako,” para syang bata na nangangailangan ng atensyon ng ina. “Ano ba’ng ginagawa mo?” “Iniisip ka. Miss na miss kita…” “Aysus! Tatawag ako kapag tapos na ‘ko maglaba.” Hindi sya umimik. Hinihintay nyang sabihin ni Abby na pumunta sya sa kanila, okay lang naman kahit titigan lang nya ito habang kumikilos sa bahay. Kahit walang mangyari, okay lang. Pero hindi sya sigurado doon. “Joaquín? Narinig mo ‘ko?” “Oo, narinig kita. I just feel so sad… and… and unloved.” Baka sakaling maawa naman nang konti. He clutches his hair as he sits on her pink sofa bed. “Pupunta ako buk
“You can’t bail out on me just like that! Alam mong kailangan na kailangan kita ngayon! Ano na naman ba'ng problema??!” sigaw nya kay Santiago nang sagutin nito ang tawag nya. Nawala sa porma ang kutsarang hawak nya nang mapiga nya ito sa inis nya. “I can’t, Joaquín, napapagod ako! Hindi na ako luluwas, go find somebody else to fill your position!” nakipagsigawan din ito sa kanya. “Sa’n ka napagod??! Wala ka pa ngang ginagawa, napapagod ka na?! I only want you to come to the office, 'yon lang naman ang pinagagawa ko sa 'yo, 'di ba?! Hindi ako nagrereklamo sa 'yo kahit nakaistambay ka lang buong maghapon! I-consider mo naman ako, Santiago, akala mo ikaw lang ang nasasakal?! Hindi mo ba ‘ko tatanungin kung ilan ang lubid na nakapalupot sa leeg ko ngayon?!?” himutok nya sa bunso nyang kapatid. Nagtitiim ang kanyang bagang sa katigasan ng ulo nito. Kung kaharap lang nya ito ngayon ay malamang sa nagsuntukan na sila. Kung mayroon pa silang ibang kapatid na pwedeng magmana ng posisyo
“Wala naman akong gagawin bukas, puntahan na lang natin. Para makapag-bakasyon ka na rin. May beach daw doon sa malapit, siguradong matatanggal ang stress mo kapag nakasagap ka ng sariwang hangin,” kumandong sya paharap kay Joaquín at siniil nya ang maalab na halik. “You want to go on a beach? We’ll do that, just not tomorrow,” napakamapang-akit ang boses nito, gumapang ang kamay ni Joaquín sa nag-iinit na nyang katawan. Hindi rin nya maintindihan si Joaquín, kanina lang ay aburidong-aburido ito at pilit na kinukumbinsi si Santiago na bumalik na sa opisina. Ngayong tinutulungan na nga nyang maresolba ang problema sa kapatid ay ayaw namang kumilos ngayon. Hinubad nya ang kanyang malaking t-shirt, nakita nya ang pagnanasa ni Joaquín sa olive green na mga mata nito. Nangiti sya. Napakalaking tulong nya kay Joaquín, isip-isip nya. Always keeping him emotionally and mentally stable. Handang-handa syang magpalamog kahit kailan at kahit saan nito maibigan. That’s how things are now
“Oh sige, ganito na lang. H’wag ka nang mag-book, idaan mo ‘ko sa ospital du’n ako matutulog, tapos umuwi ka na. Tawagan mo na lang ako bukas ‘pag umalis na ‘yung 'kalat' na sinasabi mo, saka ako pupunta.” Nilingon sya ni Joaquín. Nakita nya ang pagsimangot nito sa kanyang tinuran. Nag-iwas syang muli ng tingin. ‘What do you mean?! Na may ibang tao sa penthouse ngayon na ayokong makita mo? Where did that come from?" Hindi sya umimik. Isinandal nya ang ulo sa headrest saka pumikit. Narinig nya ang malalim na buntung-hininga nito. “Wala akong tinatago sa ‘yo, Abby. Ayoko lang muna talaga sa penthouse---" “Naiintindihan ko,” irap nya. “Sa ospital mo na lang ako ihatid kung hindi naman tayo pupunta kay Santiago.” “Hindi tayo kasya sa higaan du’n.” “Wala akong sinabing du’n ka rin matulog.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. "'Yung kuryente, aayusin ko 'yon bukas." "Wala pang isandaan ang kuryente namin dahil madalas walang tao sa bahay, nawala lang