Napatalungko sya sa sahig sa bandang ulunan ng kamang hinihigaan ng ina, kipkip ang cellphone na binigay sa kanya ni Leng. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng malalaking luha sa kanyang mga mata. Kakakausap lang nya kay Joaquín, gumagaan na sana ang pakiramdam nya habang kausap nya ang lalake pero nang marinig nya ang boses ng babaeng kasiping ni Joaquín ay parang ibinagsak lang syang muli nito sa lupa. Napaniwala sya ni Joaquín sa matatamis nitong salita. Buti na lang hindi sya agad bumigay, dahil nagkaroon pa ng distansya sa kanilang dalawa at matagal silang hindi nakapag-usap. 'Sabi na nga ba joke lang 'yon eh. It's a prank! Ang tanga mo rin eh, no?' aniya sa sarili. Pinilit nyang itawa ang pait na nararamdaman. Ipinikit nya ang mga mata at isinandig ang ulo sa pader. Kailangan nyang maging matibay. Hindi importante ang nararamdaman nya ngayon, ang importante ay gumaling ang kanyang ina. Mariin nyang pinunasan ang kanyang mukha ng tuwalyang sukbit saka inayos ang pagkakapuyod ng
Halos paliparin nya ang dalang Ford Raptor Ranger patungo sa ospital na pinagdalhan kay Nanay Elsa. Hindi sya makapaniwala na nasa ospital ngayon ito samantalang noong fiesta lang ay napakasigla pa, asikasong-asikaso pa sya. Buong akala nya ay nakaka-recover na ang Nanay ni Abby sa pagkakasakit nito noong nakaraang taon dahil ayon pa nga sa kanya ay nakakainom na sya palagi ng maintenance na gamot. Hindi nya pinansin ang pagtatanong ng gwardya sa labas ng pintuan ng ER, dire-diretso syang pumasok sa loob. Nakita nya agad si Jim na nangangalum-mata sa antok at si Nanay Elsa na nakahiga sa hospital bed sa dulong sulok ng ER. “Kuya Joaquín!” sinalubong sya ng binatilyong kapatid ni Abby, nakita nyang nangilid agad ang mga luha nito. “Jim! Ano’ng nangyari?” Tinitigan nya ang namumutlang mukha ni Nanay Elsa. May konting luha pa ito sa mga matang nakapikit nang mariin. Sa pakiwari nya ay tumanda agad si Nanay Elsa ng isang dekada. Dinukot nya ang panyo sa bulsa at pinunasan nya ang
Pinagmasdan nya ang sarili sa harap ng malaking salamin ng comfort room. Nangiti sya. Dalawang stallion lang ang nainom nya pero nangangapal na agad ang kanyang mukha. Mabilis talaga syang tamaan kapag pagod at walang tulog. Pinahid nya ang concealer stick na nahiram nya kay Marnie sa ilalim ng kanyang namumumungay na mga mata. Blinend nya iyon gamit ang kanyang daliri, pagkuway ni-retouch ang mga labi ng paboritong nyang pulang lipstick. Maganda sya. Maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi lang iisa o dadalawa. Sa halos lahat ng napupuntahan nilang bar ni Jane noon ay may humihingi ng number nya pero hindi nya binibigay. Marami rin ang nagpapalipad-hangin na manliligaw o gustong makipag-date pero tinatanggihan nya. ‘Ang lalake ay lalake, Abegail. Kapag naniwala ka at nabaliw ka, kawawa ka. Mabuti na lang wais ka. Gamitin mo ang ganda mo sa paraang hindi ka malulugi,’ motivate nya sa sarili. “Kiss dito, o dito. O dito.” Pakiramdam nya ay narinig nya si Jane na nagsalita sa l
Nagtatahip ang dibdib ni Abby sa kaba pagpasok nila ng private lounge. Pinauna sya ni Mr. Gao na makapasok, pagkuway inilapat pasara ang pinto. Naupo sya agad sa gilid ng plush seating na malapit sa nakasaradong pinto. Sa paningin nya lahat ng kagamitan sa loob ng private lounge ay kulay pula dahil sa kulay ng ilaw nito. Pati mga accent lights sa gilid-gilid ng mga dekorasyong nakapakat sa dingding ay kulay pula rin. “Dyan ka lang mauupo?” tanong ni Mr. Gao sa kanya, umayos ito ng pagkakadekwatro ng upo sa harap nya. “Ang dilim no? Wala bang ibang ilaw?” Para syang naduduling. Hirap syang i-adjust ang mata sa pagka-dim light ng kabuuan ng private lounge nito. Humalakhak si Mr. Gao. “Don’t tell me ngayon ka lang nakapasok sa ganito? Well, I doubt it. A woman like you needs to be kept private.” “What does that even mean, Mr. Gao?’ “Let’s not be too formal, Abby. Narito ka sa den ko. Benson na lang. What I mean to say is that, ang babaeng katulad mo ay dapat lang na tinatago, par
Nagkabasag-basag ang salamin ng pinto nang sipain nya ito nang malakas. Nakita nya sa mababang lamesa ng private lounge ni Benson ang mga bote ng alak, mga maliliit na puting gamot at isang bundle ng pera. Agad nyang hinubad ang kanyang suot na t-shirt at isinuot iyon kay Abby na sapo-sapo ang mga dibdib at dilat na dilat ang mga mata sa gulat. Hindi ito nakakilos nang haklitin nya ito bigla payakap sa kanya. “Show’s over Benson. Aalis na si Abby.” Akmang tatayo si Benson sa kinauupuan nya kaya agad nyang binunot ang sukbit sa likod na baril at itinutok iyon sa lalake. “Joaquín!!!” Narinig nyang sigaw ni Abby sa dibdib nya. “Sit. Kilala mo ‘ko Benson. Baliw ako. I’m crazy enough to blow your f*cking head off,” naninigas ang mga panga nya sa gigil. Hindi si Benson nakapagsalita. Wala itong nagawa kundi bumalik na lang sa kanyang kinauupuan. Nagtitili si Abby nang pasanin nya ito sa kanyang balikat palabas ng lounge. Tiniis nya ang mga mura, kalmot, suntok, sabunot at sipa
“Don’t stress yourself. I’ll make some calls tomorrow. Rest. Patulugin mo si Abby. She also needs to rest. Okay?” Sa dami ng sinabi nya kay Rafael ay iyon lang ang naging sagot nito. Napailing na lang sya pagkatapos ng tawag. Hinithit nya ulit ang tangang sigarilyo. He makes another call. He gives out short instructions sa isa sa dati nyang security escort. “Bayaran nyo kung magkano lahat tapos i-zipper nyo ang bibig.” He is talking about Jessica’s goddamned cousin. Inunat-unat nya ang mga kamay, nanginginig at napakahapdi ng mga ito. Pinitik nya ang filter ng kanyang sigarilyo sa trash bin ng balcony, tinukod ang mga kamay sa pasimano at blangkong tumingin sa itim na itim na langit. “Joaquín,” mahinang tawag ni Abby. Nakatayo lang ito sa may glass door ng balcony, yakap-yakap ang first aid box. “Gamutin natin ‘yang kamay mo.” Suot ni Abby ang bathrobe nyang kulay pink at basa pa ang nakalugay na buhok. Nahimasmasan na rin siguro ito sa sobrang kanyang pagkalasing. Isinuka n
“Nag-eenjoy ka bang sampal-sampalin ako??!” nagsasalubong ang makapal na kilay ni Joaquín, kamot-kamot nito ang kanyang kanang pisngi. “So-sorry. Nagulat lang ako,” anas nya, kinipkip nya pasarado ang kanyang bathrobe. “Haist!” pabulagsak na sumandal si Joaquín sa pagkakaupo sa tinulugan nilang sofa ng entertainment room, naiiling na pinagmamasdan sya sa pagkakatayo nya sa harap nito. Naligo sya kagabi kaya sya naka-bathrobe. Hindi sya nag-abalang hanapin ang kanyang bag na may lamang mga malinis na damit, paano’y nawala na naman ito sa pinaglalagyan nya sa kanyang sleeping space. Malamang sa ibinalik na naman ito sa closet ng mga kubre ng cleaning service na tinatawag ni Joaquín. Pinakiramdaman ni Abby ang sarili. Wala namang masakit sa kanya. Wala namang pakiramdam na may namamaga o kung anuman. “Wala. Natulog lang tayo,” irap ni Joaquín. Napansin siguro nito ang paghawak nya sa kanyang keps at dibdib. Inaalala nyang maigi kung anong nangyari kagabi. Ginamot nya ang mga sug
OA masyado ang hospitality ng Presidente kay Joaquín, isip-isip nya habang nakatingin sya sa sideboard na puno ng pagkain na pawang sa mediterranean restaurants lang na-o-order. Naroroon din si Jim na nakatanga sa tabi nya. “Ate, pa’no ‘yan kinakain? Kanina pa ‘ko dito hindi ko alam kung ano’ng pupulutin ko,” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa mga serving dish may mga sawsawan. Kinibit nya ang balikat nya. Nakakain na sya sa mediterranean restaurant pero kasama nya si Joaquín, sya ang umoorder ng pagkain kaya ni hindi nya alam kung ano ang mga tawag sa mga ito. “Kumuha ka na lang ng pastries, Jim. Para sure ka sa lasa,” aniya sa kapatid. “‘Eto na lang, Ate,” nag-aalangang dampot ni Jim sa chocolate muffins. “Umuwi ka ba? Wala na ‘kong damit eh, marami na ring labahan,” tanong nito sa kanya. “Sige, uuwi ako mamaya. Maglalaba ako, pagbalik ko papalitan kita dito para makapagpahinga ka.” “Ayoko sa bahay, Ate. Natatakot ako. Mas masarap dito matulog merong aircon. Dalawan