“Hindi nga pwede, Joaquín. Kung kinausap mo kasi ang Abuelo noong nakikipagtagayan ka kina Abby edi napaghandaan mo sana ang meeting mo. You need to check-in now, maiiwan ka na ng eroplano. Napakatrapik pa naman papuntang airport," pilit syang kinukumbinsi ni Rafael. Noong nakaraang araw pa pala sya tinatawagan ng kanyang Lolo, naka-schedule na ang meeting nya with Interpol España Cyber Working Group at hindi na ito mauurong. Nagpalakad-lakad sya sa harap ni Rafael nang nakapameywang sa malawak na living room ng penthouse. Hawak nya ang wallet, cellphone, at susi ng 4x4 na iniwan nya kina Abby na pinick-up na lang ng kanyang driver. Kung alam lang nya na may lakad pa palang syang iba ay hindi na sana sya sumama pa kay Rafael na puntahan si Santiago para nakapag-recap man lang sana sya. Apat na araw lang syang nawala sa radar ng kanilang Abuelo pero parang marami sya agad na-miss. "Kung may importante kang lalakarin, ipagpaliban mo muna, isang linggo ka lang naman na mawawala. Ano
Madrid, España It’s 10°c in Madrid. It’s nearly winter. Nakakasilaw ang sinag ng araw pero hindi masakit sa balat. In fact, he’s feeling cold. Nagtatayuan ang mga mahahabang balahibo nya sa mga braso paglabas nya ng kanilang villa sa Segovia kaninang umaga para mag-jogging. Ni hindi man lang sya pinagpawisan. Ayon sa news, wala pang chance ng snow fall at this time of year. Baka sa January pa, or February. Or not at all. Either way, hindi na nya iyon ma-e-experience. Hindi sya magpapaabot maski ng Pasko sa bansang ito. Tapos na ang presentation nya with the Interpol España Cyber Working Group. It was a success, he assumes. Para syang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Kumbinsidong-kumbinsido ang mga taga-National Central Bureau sa elaborative na threat security strategy na inilatag nya. In a month or so, lalabas ang resulta ng pagpupuyat ng kanyang team sa Pilipinas ng dalawang linggo. Yes, dalawang linggo lang. Kung tutuusin, kulang nga ang isang buwang paghahanda. Pero dah
Sinenyasan nya ang nakatayong butler pagpasok nila ni Margot sa lobby ng hotel. Agad na sinalo ng butler ang mga shopping bags na bitbit nya sa magkabilaang kamay at ibinigay iyon sa hotel steward na nasa likod nito. Hinubad ng butler sa kanila ang trench coat nilang suot. Bahagyang nabasa ang kanyang dark brown na buhok sa kagyat na pag-ulan sa labas, pinagpag nya ito ng kanyang kamay. Naisip nyang hindi pa sya nakakapagpagupit may dalawang linggo na, mahaba na ang medium fade cut na buhok. Pagkauwi na lang nya sa Pilipinas saka sya magpapagupit, isip-isip nya.Pinagmamasdan sila ng Abuelo habang papalapit sila ni Margot sa bilog na lamesa.“Hmm.” Tumikhim ito nang makaayos sila ng upo. Hindi sya tumatawa, o ngumingiti o kahit na anong pagpapakita ng saya sa pagdating nila. Nakasipat lang sa ibabaw ng kanyang binabasang dyaryo. Normal na sa mukha ng kanyang Abuelo iyong parang laging galit o ‘di kaya ay iyong walang damdamin na itsura. Kahit noong bata pa sya ay ganito talaga ito. N
Hindi pa nya tuluyang naisasara ang pinto ng hotel suite ay sinunggaban na sya agad ni Margot. “I’ve missed you, darlin’,” sambit nito habang pwersahang hinuhubad ang kanyang suot na polo. Napakapit sya sa doorknob nang marahas na tanggalin ni Margot ang pagkaka-buckle ng kanyang sinturon at hatakin pababa ang suot nyang pantalon. Pinaghahagis ni Margot ang lahat ng saplot sa katawan nya sa kung saan-saan. Nakita nyang lumipad ang pantalon nya sa gilid ng kama kasama na ang bagong bili nyang cellphone. Buti na lang carpeted ang flooring ng buong celebrity suite kundi paniguradong basag na naman. Dinala sya nito sa malaking kama. Bahagya syang nasisindak pero hindi sya nagpahalata, nagpapatianod na lang sya sa pagkahayok ng babae. Nang matulak sya ni Margot pahiga sa malambot na kama ay itinali nito ang kanyang mga kamay ng nakuha nitong shoestrings sa side drawer na pinaglalagyan ng magarang lampshade sa bed post. “Let’s tie these, mi amor, le’ts get kinky!” sabay hagikhik n
“Nakuha ko na ‘yung cellphone, ‘eto nga, ginagamit ko na. Hindi pa naman sira ang cellphone ko eh. Bakit mo ‘ko binilhan?” “No’ng nakaraan pa ‘yan eh, ngayon lang dumating sa ‘yo? Kumusta ka?” pinakikinggan nya ang background noise ni Abby, maingay. Parang nasa labas ito ng bahay nila. “Uhm, kaninang umaga. Salamat na rin, ibinigay ko ‘yung sa ‘kin kay Jim… H’wag mo ‘ko bilhan ng gamit no! Dadagdag lang ‘to sa utang ko sa ‘yo. Magkano ba ‘to?” “Regalo ko ‘yan,” minasdan nya si Margot na bumalik sa pagkakadukdok sa kanyang pag-aari na bahagyang nanlambot pagkarinig nya ng boses ng kaibigan. Tumutunog-tunog ang bawat pagsupsop ni Margot sa isa pa nyang ulo. “Matagal pa ang Pasko, Joaquín. H’wag kang ano d’yan," napangiti sya nang marinig ang bungisngis ni Abby. "Uh... nasa España ka raw?” “Oo. ku-kumusta ka?" pag-uulit nya. Pinipilit nyang maging normal ang boses nya para hindi mahalata. Importante ang tawag na ito sa kanya. “España? Spain??! ‘Di nga?” “O-oo nga. Biglaan
“La concha de tu madre Joaquín! Ang laki ng nagastos ko sa ‘yo sa pagpunta mo dito, wala ka pang isang linggo aalis ka na??!” umalingawngaw ang malaking boses ng kanyang galit na galit na Lolo sa buong Presidential suite. Nanlilisik ang mga mata ng kanyang Lolo. Hindi nito tinatanggap ang pagpapaalam nya. Nakapagpa-book na sya ng flight, by hook or by crook uuwi sya ngayong gabi na ito ng Pilipinas. Halos ibato nito sa kanya ang hawak na baraha. Hindi sila pinapansin ng tatlong lalakeng hindi nalalayo sa edad ng kanyang Abuelo na kalaro nito sa kuwadradong lamesa. Pati ang mga uniformed escorts ng kanyang Lolo at ng mga amigo nito ay iwas ang tingin sa kanila na parang walang naririnig. “I need to go back, Abuelo," pakiusap nya. "Tambak ang trabaho ko sa opisina. Hindi pa ako nare-relieve sa pwesto. Mahigit isang buwan pa naman ang hihintayin natin para lumabas ang resulta ng presentation. I can easily fly back kapag kailangan.” Pilit nyang ibinababa ang boses nya, kailangan nyan
Napatalungko sya sa sahig sa bandang ulunan ng kamang hinihigaan ng ina, kipkip ang cellphone na binigay sa kanya ni Leng. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng malalaking luha sa kanyang mga mata. Kakakausap lang nya kay Joaquín, gumagaan na sana ang pakiramdam nya habang kausap nya ang lalake pero nang marinig nya ang boses ng babaeng kasiping ni Joaquín ay parang ibinagsak lang syang muli nito sa lupa. Napaniwala sya ni Joaquín sa matatamis nitong salita. Buti na lang hindi sya agad bumigay, dahil nagkaroon pa ng distansya sa kanilang dalawa at matagal silang hindi nakapag-usap. 'Sabi na nga ba joke lang 'yon eh. It's a prank! Ang tanga mo rin eh, no?' aniya sa sarili. Pinilit nyang itawa ang pait na nararamdaman. Ipinikit nya ang mga mata at isinandig ang ulo sa pader. Kailangan nyang maging matibay. Hindi importante ang nararamdaman nya ngayon, ang importante ay gumaling ang kanyang ina. Mariin nyang pinunasan ang kanyang mukha ng tuwalyang sukbit saka inayos ang pagkakapuyod ng
Halos paliparin nya ang dalang Ford Raptor Ranger patungo sa ospital na pinagdalhan kay Nanay Elsa. Hindi sya makapaniwala na nasa ospital ngayon ito samantalang noong fiesta lang ay napakasigla pa, asikasong-asikaso pa sya. Buong akala nya ay nakaka-recover na ang Nanay ni Abby sa pagkakasakit nito noong nakaraang taon dahil ayon pa nga sa kanya ay nakakainom na sya palagi ng maintenance na gamot. Hindi nya pinansin ang pagtatanong ng gwardya sa labas ng pintuan ng ER, dire-diretso syang pumasok sa loob. Nakita nya agad si Jim na nangangalum-mata sa antok at si Nanay Elsa na nakahiga sa hospital bed sa dulong sulok ng ER. “Kuya Joaquín!” sinalubong sya ng binatilyong kapatid ni Abby, nakita nyang nangilid agad ang mga luha nito. “Jim! Ano’ng nangyari?” Tinitigan nya ang namumutlang mukha ni Nanay Elsa. May konting luha pa ito sa mga matang nakapikit nang mariin. Sa pakiwari nya ay tumanda agad si Nanay Elsa ng isang dekada. Dinukot nya ang panyo sa bulsa at pinunasan nya ang