Share

Chapter 27 - Jet Lag

“Mga kuya ko,” dagling lumumanay ang boses ni Santiago. “Si Aurora.”

“Naku, pasensya na ho kayo sa bahay! Kanina pa ba kayo dumating? Galing kasi ako sa likod, nanguha ako ng gulay. Nagkape na ba kayo?” tarantang ini-estima sila ng babae. “Maupo ho kayo, bakit kayo mga nakatayo?”

“Uh, paalis na rin kami. Napadalaw lang kami kay Santi, babalik na lang kami sa susunod na araw,” paalam ni Rafael.

“Oo, paalis na sila,” sang-ayon ni Santiago.

“H’wag ho muna, ngayon lang kayo napakadako rito, kakaripas na kayo ng alis? Dito na kayo maggabihan. Siguro’y taga-Maynila kayo, ano po?”

“Ah oo, sa Manila kami nakatira,” ngiting sagot ni Joaquín, nakita nya ang malagkit na irap ni Santiago sa babae na hindi naman nito pinansin.

Lumingon sya sa paligid. It’s nearly dusk, wala namang ibang tao sa bahay na iyon kundi silang apat lang.

“Dito ka nakatira?” pabulong na tanong nya kay Santiago nang lumakad pagawi sa pawid na kusina ang babae.

“Oo,” sagot na pabulong ni Santiago.

“Kayong dalawa lang a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status