“Hoy! Bakit ka nakaganyan?” tanong nya nang pumasok si Joaquín ng kwarto. Kumportable na syang nakahiga sa kanyang sleeping space. Meron syang sariling fuschia pink na sofa bed, bean bag na fuschia pink din, baby pink na side drawer kung saan nakalagay ang maliit na hello kitty na lampshade at mga nursing books na binili ni Joaquín para sa kanya. Hindi nagaganyak ang kaibigan sa paborito nyang kulay, pero hindi ito tumutol nang bilhin nila ang mga pink na kagamitan na napusuan nyang ilagay sa kanyang espasyo at palamutian ng fairy lights at mga selfie pictures ang dingding ng bahagi nya sa malaking master’s bedroom ni Joaquín. Sa buong penthouse ni Joaquín na kadalasan ay shades ng gray, black at white ang makikitang kulay, itong parte lang na ito ang kakaiba. “Ano’ng ganito?” ibinalik nito ang tanong habang nag-iinat inat ng kanyang mga braso at likod sa harap nya. “Naka-boxers ka lang samantalang anlamig-lamig! May paflex-flex ka pa, ‘kala mo natutuwa ako sa ‘yo?” “Bakit?
“Abe, c’mon, let’s go!” Nakagayak na sya at lahat pero tulog na tulog pa si Abby, alas-syete pasado na. Naalimpungatan sya kagabi nang lumipat ito ng higa. Hindi talaga si Abby napapakali nang may katabi sa pagtulog. Malikot kasi sya. Nagkaroon ba naman ang kamay nya ng sariling isip kagabi. Tumingala sya saka tahimik na nanalangin na sana hindi na uriratin pa ni Abby ang ginawa nya. Ide-deny nya talaga iyon. Sasabihin nyang wala syang alam, nananaginip lang sya.Pinagmasdan nya si Abby, plano nyang hampasin ito para magising pero nagdalawang-isip sya. Paharap syang naupo sa kaibigan sa kulay pink na bean bag. Nasipa na ni Abby papunta sa paanan nya ang comforter. Pati sa pagtulog ay napakagaslaw nito, nakalilis na ang damit nito hanggang kalahati ng tyan. Wala na rin sa tamang ayos ang pajamang suot. Bumabakat sa suot nitong manipis na sweater ang maliliit na tuldok sa dibdib nito na umusbong sa lamig ng aircon. Nang mapasadahan nya ng kamay ang mga iyon kagabi noong ipasok nya
Maingat nyang ipinarada ang dalang Ford F-150 sa gilid ng bakanteng lote na may bakod. Sinipat nya sa rear view mirror ang kasunod nyang dark gray na sedan. Napamura sya. Problema na nga nya ang parking dito sa makipot na lugar nina Abby, problema pa nya kung saan paparada ang mga escort nya. Ilang araw mula ng insidente sa party ay dumating ang dalawang security escort na pinadala ng kanyang ninong, utos daw iyon ng kanyang Mamá. Mula noon ay nakasunod na ang mga ito sa kanya kahit saan sya magpunta. Pakiramdam nya para syang kriminal na may mabigat na kasalanan pero hindi na sya nakipaglaban pa, hindi rin naman sya mananalo sa kagustuhan ng kanyang Mamá. Bumaba ang isa sa mga ito at kumatok sa kanyang sasakyan. ‘Boss, sa’n kami paparada?” tanong nito. “Malay ko sa inyo. Maghanap kayo,” aniya nang makababa sya ng sasakyan. Dumukot sya ng pera sa wallet at iniabot sa lalake. “H’wag nyo na akong sundan, do’n lang naman ako sa bahay na ‘yon,” turo nya sa daang papunta kina Abby.
“Wala dito ‘yung bruha, h’wag kang mag-alala. Maaga palang pinatawag na ni Kap. Hindi na nga nakapag-almusal eh.” “H’wag nyong papagurin ang sarili nyo,” anas nya. Noong huli nyang makita si Nanay ay sobrang putla nito at matamlay, buti naman kahit papaano ay bumabalik na ito sa dati nyang sigla. “Hinay-hinay lang ako, anak. Malapit na kasi magpasukan, kailangang mag-ipon ng pang-tuition ni Abby, isang sem na lang eh, baka mahinto na naman.” “H’wag nyong alalahanin si Abby, ‘nay, naayos ko na ‘yon. Kung may kailangan pa sya ako na’ng bahala.” Umiling si Nanay Elsa. “Magagalit ‘yon sa ‘yo, Joaquín.” “Hindi po, nag-usap na kami. At least bago ako umalis makita ko syang ga-graduate.” “Bakit? Kinukulit ka na naman ba ng Lolo mo?” Hindi sya kumibo. Hinigop nya ang mapait na kape na inihandog ni Nanay Elsa. Alam ni Nanay Elsa ang suliranin nya sa kanyang Lolo at Mamá. Wala naman syang tinatago sa mag-ina. “Pinapahanap po si Santiago, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.” “Naku ‘
“¡Hola Mamá!” kunway excited syang marinig ang boses ng ina. “No puedo dormir pensando en ti, hijo mío (I can’t sleep thinking about you, my son), I want to go there but your hermano Rafael wouldn’t let me, maysakit daw ako,” anas ng kanyang Mamá. Bahagyang may nginig sa makapal na Spanish accent nito, tila galing palang ito sa pag-iyak. “Ano’ng sakit mo, Mamá?” Bigla nyang naalala ang sinabi ng kayang Lolo na nagkaka-nervous breakdown ang kanyang Mamá dahil sa kanya, agad syang nagsisi na naitanong pa nya. “I wanna go there to come and see you, Iñigo, and Santiago… Have you found Santiago?” “Not yet, Mamá, just give me a little more time. I will get to him.” “How much more time do you want?! Nagkakasakit na ako dahil sa inyo, gusto nyo na ba akong mamatay?!” hikbi ng kanyang ina. Nagda-drama na naman ang kanyang Mamá. Nararamdaman nyang mag-uumpisa na naman itong mag-sermon. Ibinaba nya ang balikat at pabagsak na naupo sya sahig. “Hindi naman po sa gano’n, it’s j
Inabot sa kanya ng tanggero ang maliit na baso na agad naman nyang tinungga ang laman. Nangiwi sya sa anghang na gumuhit sa lalamunan hanggang sikmura nya. Hindi nya talaga kaya ang lasa ng gin na pinigaan lang ng calamansi. Nag-init bigla ang kanyang tenga, lumalaban ang dugo nya sa tapang ng alcohol ng gin. Hinubad nya ang suot na T-shirt saka paikot-ikot na ipinaypay iyon sa sarili. Hindi na sya naiiba sa mga kaharap, halos lahat sila walang damit na pang-itaas. “Ito nga pala ‘yung inaanak nyo ni Abby ‘pre, si Lizzie,” turo ni Denver sa batang babae na may limang taon na ang edad at abala sa pagdo-drawing gamit ang chalk sa sementadong kalsada. “Mag-bless ka, anak. Magpasalamat ka kay Ninong Joaquín mo.” “Bless po!” nakangiting tinanggap nya ang pagmamano ng batang babae. “Ninong, salamat po sa regalo no’ng pasko tska no’ng birthday ko, binigay po ni Ninang sa ‘kin kahit hindi kayo pumunta.” “Ah oo, busy kasi, pero naalala ko naman, ‘di ba? Ano’ng regalo ang gusto mo sa susunod
“Beks may bisita kayo bukas?" tanong ni Marnie habang nanonood sila ng palaro ni Kap ng basketball. Na-sense na nya na si Joaquín ang pinupunto nito. Malamang sa nakita na ni Marnie ang 4x4 ni Joaquín kaninang umaga. “Ewan ko lang beks. Bakit?”“Aayain ko lang sana kayo ni Joaquín sa bahay, maghahanda si Mama eh. Inom tayo as friends. ‘Yun lang,” nakangiting sabi ni Marnie. “F na f ko pa rin si Joaquín, beks! Hahaha! Sorry ha, kung okay lang naman… Hindi naman kayo, ‘di ba?”“Friends pa rin!” nakangiting sagot nya agad. “Nakatatak na ‘yun sa bato… Ask ko sya kung bet nya.”“H’wag ka nang mag-alala beks, hindi ko na aagawin sa ‘yo si Joaquín kahit bet ko sya kasi may jowa na ‘ko.”“Jowa? Sino’ng jowa mo?” takang tanong nya sa kaibigan. Sa pagkakaalam nya ay wala naman itong boyfriend. “‘Yun ang jowa ko! Hihihi!” kilig na kilig si Marnie sa poging lalake na magfi-free throw. “ Beks ang pogiiiii!”Halos mapatiran ng litid ang kaibigan sa pagtili kahit hindi nagawang maipasok ng lalake
Narinig nyang sumitsit ang kanyang Nanay nang makadaan sya sa gate nila, sinenyasan sya nitong pumasok sa bahay nila. “Nanay bakit nyo naman pinalabas??! Tingnan nyo naman ang itsura do’n! Hindi ‘yon umiinom ng gin!” “Eh hayaan mo lang ‘nak, nagkakasiyahan lang naman,” tawa nang tawa si Nanay Elsa at Jim sa mga pinanonood nilang sayawan sa labas ng kanilang bahay. “Alam nyo namang alcoholic ‘yong tao eh. Malalaman ‘yan ng Lolo at Mamá nya, walang nakakalampas pa naman sa mga ‘yon.”“Ako ang kakausap kay Señora kapag tumawag.”“Eh kung ma-picturan ‘yan, lagot na naman sa Lolo nya!”“Sino’ng magpi-picture? Wala namang nakakakilala sa kanya dito! Ano ba’ng pinag-aalala mo? Ayaw mong mag-enjoy man lang ‘yung tao kahit ngayon lang? Tingnan mo oh, masaya sya. Mas gusto mo bang nagwawala at nakikipag-rambulan si Joaquín kapag nakakainom kesa ‘yung masaya sya?” saway sa kanya ni Nanay Elsa.“Eh kung makahanap ng away dito, paano na?!”“May mga bodyguard naman sya, ‘di ba?!”“Ayun na nga ri