Share

Chapter (5)

Grammatical ERROR and TYPOS Ahead!

-Don't me.-

"Kuya Raul, okay na ba ito?"

"Depende sa taste niyo po ma'am."

"Ay heto kaya?"

"Kayo po ang bahala ma'am."

Napabuntong hininga ako sa sagot ni kuya Raul, kanina pa kasi itong ganun ang sagot sa akin. Kaya nga nagpasama ako sa kanya para sakaling mahingan ko ng second option.

"Wala ka pong gift sakin ngayong christmas." Medyo mahina kong bulong.

"Mas maganda po yung napili niyo noong una."

"Mabuti naman at pu- wa-wait." Kung pwede ko lang sapukin si Kuya Raul nagawa ko na.

Ilang oras na kaming paikot ikot at pumipili dito sa loob ng mall pero ngayon pa siya iimik na mas maganda yung nauna kong napili?!

"Balik nalang po tayo ma'am." Sambit ni kuya Raul at nauna ng maglakad.

Halos mag init ang ulo ko sa turan nito. Nananakit na ang paa ko kalalakad halos maabot na namin ang dulo nitong store pero kailangan pa naming bumalik sa pinaka entrance ng store.

Dali-dali akong naglakad para maabutan si kuya Raul, ang bilis naman kasing maglakad. Hindi na ako mag hi-hills sa susunod.

"Ouch!"

"Sorry po, sorry." Yukong paumanhin ko ng may mabangga ako bago pinulot ang nahulog na gamit nito.

"S-stella."

"Pasensya na po." Sabi ko bago tumayo at iniabot ang pinamili nito.

"Stella, ikaw nga." Napatulala ako dito. She's like goddesses.

Ang hugis puso na mukha nito, mapupulang labi, makapag na mga pilik at blue eyes?

"Kilala mo po ako?" Namamangha kong tanong.

Padalawa na sana ito kaso ang lalaking ayon ay iba pala ang hinahanap.

"Oo naman, kilalang-kalala you're my bestfriend since then!"

"B-bestfriend?" May bestfriend ako? Really?!

"Oo n-naman." Naiiyak na ani ng babae. "Ako ito si Sopia Bella Marie Zeyn Vyon!" Dugtong pa nito.

Ang haba ng pangalan niya, nakakalula.

---

"Kuya Chris?" -me.

"Oo yung kapatid ko na greatest love mo since high school." Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang mga sinasabi nito. 'Chris' nanaman then kuya pa niya?

Napahawak ako sa dibdib ko ng bumigat nanaman ang paghinga ko.

Pakiramdam ko ay magkakasakit nanaman ako sa puso. Hindi na yata normal ito.

Mabuti nalang at mabait si kuya Raul dahil

Pinauna ko muna siya sa parking lot habang kami naman ni Sopia ay nandito sa isang fast food chain.

"Okay ka lang ba? Did I say anything wrong?" Ramdam ko ang pag aalala sa tono ng salita nito.

"I'm okay." Sabi ko at ngumiti dito para sa assurance.

We eat, talk, laugh. Ang saya niyang kasama, nakakawala ng stress at ang gaan agad ng loob ko sa kanya.

Sopia is part of my past, nafefeel ko yon.

Ang dami naming napag usapan pero hindi na ako nag tanong pa tungkol sa kuya Chris niya, dahil wala din akong idea kung iisa bang tao ang Chris na tinutukoy niya sa Chris na nasa isip ko. But they have similarities lalo na sa mga mata.

Nalaman ko din na isang sikat na modelo si Sopia kaya humanga talaga ako dito.

Ako kasi yung babaeng walang kaalam-alam. Twice lang ako nakapunta dito simula noong maoperahan ako pero hindi din nagtatagal di tulad ngayon.

Ngayon mag-isa kong kinakapa at inaalam kung sino ba talaga ako. Although hindi na maibabalik yung ibang ala-ala ko pero sabi ni Doc. Mendez ay may part pa naman na pwede kong maalala ang mga bagay o tao, lugar sa nakaraan ko.

It's already 9pm ng makadating kami sa condo at hindi ko inaasahan na makikita ko nanaman si Chris sa harap ng pintuan habang pauli-ulit na pinipindot ang doorbell nito.

Nakakahiya na sa kalapit na unit dahil nakakaagaw pansin na ito 

"Chris." Tawag ko dito na ikinalingon naman niya kaagad.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Chris kaya nagtaka ako.

"Oo naman, halika pasok ka muna. "Ani ko at binuksan ang pintuan. Hindi agad ito kumilos, he look at me in tightly.

"Why?" I asked.

Umiling naman ito at siya na ang nanghila sa akin papasok.

"Saan ka ba galing?" May himig ng inis ang bawat bigkas niya kasabay ng mabibigat na paghinga.

"Namili ako ng gamit para dito sa bahay, kasama ko si kuya Raul." Ani ko at nagbuntong hininga. "By the way, may kapatid ka bang Sopia?" Dugtong ko pa bago sumandal sa coach at ipinikit ang mata.

Walang nagsalita, nakakabinging katahimikan ang maririnig. Umayos ako ng upo at tiningnan ito na tiim na nakatingin sa akin.

"Wala akong kapatid." Plain na sabi nito kaya tumango ako.

Nakakapagod talaga, simula noong pinaalis ko ang lalake na ito kaninang tanghali ay nagbihis ako at nagpasama na agad sa mall kay Kuya Raul. Napapagod ako at ang utak ko.

-----

I want to say yes, oo may kapatid ako, oo tama ka Sopia ang pangalan niya pero bakit ang hirap sa part ko na aminin.

I want to know the truth kung bakit hindi mo ako makilala. Hindi ko na kayang magtiis pa Stella.

---

"Inaantok na ako, hindi ka pa ba uuwi?"

"I want to sleep here." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Nahihibang kana ba?!"

"Seryoso ako."

"Iisa lang ang kwarto dito. Hindi tayo pwedeng matabi." Kinakabahan na ani ko.

"Sinong may sabi na bawal?" Tanong naman niya at unti-unting lumapit sa akin 

Pakiramdam ko nawala ang antok ko dahil sa lalaking ito.

Konti nalang at maglalapat na ang tungki ng ilong namin, nadadala ako sa bawat titig niya. I'm domb! Tulungan niyo ako dito, mom and dad please.

"Turn away, love." Hindi ko alam pero kusa akong tumalikod sa kanya.

I felt his arms slowly embrace me. Hindi ako makagalaw, kahit ang paghinga ko ay akin na ding pinipigilan.

Ngunit hindi sapat ang pagpipigil ng hininga upang hindi niya maramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Why?

"Why are you pretending Stella." Ramdam ko ang mabigat na paghinga nito habang nakasubsob sa leeg ko.

"I-im not pretending." Nauutal kong sagot.

"I've been looking for you everywhere for a long time. Pero kahit anong gawin ko hindi kita makita." Sandali akong Natahimik sa sinabi niya hindi pa din mag sink in sa utak ko kung bakit nagkakaganito ang lalaki na ito.

"C-chris, mabuti pa matulog nalang tayo. Sige papayag na ako na dito ka sa tabi. H-hindi ako yung Stella na hinahanap mo. Remember nagkakilala tayo sa Club, sinabi mo na din na hindi ako ang Stella na hinahanap mo." Mahabang paliwanag ko bago humarap dito. "Pumapayag na akong maging kaibigan mo." Dugtong ko pa ngunit ang puso ko ay sadyang kumokontra dahil nahihirapan nanaman ako sa paghinga dulot ng malakas at bilis na kabog nito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Parang may nag uudlok sa loob ko na alamin kung sino nga ba ang Chris na kasama ko. Kahit ang apelyido nito hindi ko din alam. 'How great Stella.' You're sleeping in one bed with a totally stranger.'

Ngunit ang simpleng yakap nito mula sa likod ko ay ang yakap na pinakakomportable sa lahat ng yakap na natanggap ko.

I feel like we're conneted!

Ps. Alam kong may typos at wrong grammar pero pagpasensyahan niyo na okay? Hakhak. Sorry kung wala pa sila masyadong ganap pero stay tuned dahil malapit na silanggggggg! Mauumay naman kayo hakhak! THANKYOUUU sa mga nagbabasa at patuloy pang magbabasa! Iloveyouuuu sa inyo babies!

Free to comment if naguguluhan kayo sa flow, free to suggest kung anong gusto niyo flow sa next chapter! ❤️ Mwua!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status