Share

Chapter (9)

"Stand up Chris, hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo." 

"I can't, Stella please. I'm begging." Umiiyak na sabi nito habang nakaluhod at nakasubsob sa tiyan ko ang mukha nito. 

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. 

"I need to go, let go Chris, please. Hindi na kita mahal." Kumirot ang puso ko sa sariling salita na kumawala sa aking bibig. "A-aah. Hindi nga pala kita minahal." Pagak akong tumawa. 

Nababaliw na ako? Ganun ba ako ka galing magsinungaling? 

Gustong kong sampalin ang sarili dahil sa mga sinabi ko, gusto kong bawiin pero hindi pwede. 

Ramdam ko ang pagluwag ng yakap niya at inalis ang mga bisig na nakayakap sa bewang ko. 

Nakita ko ang mabilis na pagyugyog ng balikat niya at pinunasan ang sariling luha. 

'I'm sorry, masakit din para sa akin ito.' lumakad na ako palayo sa kanya.

"Kailan mo ba ako pipiliin?" 

Napatigil ako sa paglalakad at mas tumulo pa ang luha ko kaya tumingala ako. 

"Sabi mo mahal mo ako, sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo ako lang. Tangina naman Stella, iniwan ko ang lahat para lang sayo sariling magulang ko kinalaban at sinuway ko para ipaglaban kung ano tayo pero hindi ko alam na mas pipiliin mo akong iwan para sa pamilya mo at sa lalaking yon! Porket ba mayaman sila ha! Yun lang ba ang habol mo? Pera?!" 

"I'm sorry C-Chris." 

"Ganun na lang yon, Stella. Ang babaw naman ng dahilan mo. Kung aalis ka, wag ka na lang babalik at mag papakita pa."  

"No. I'm sorry. Come back please." Sigaw ko. 

"Chris! I'm sorry." 

"Hey."

Napabalikwas ako ng bangon at apadaing ng tumama ang ulo ko sa matigas na bagay, panaginip lang pala. Pero bakit parang totoo? 

Nakita ko si Chris na hawak sa sariling noo at nakangibit, tiyak masakit din yon.

Naramdaman ko ang lamig na tumama sa aking mga balat at ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita na wala man lang akong saplot kahit isa. Doon unti-unting kong naalala ang nangyari kagabi. Halos ip p****k ko ang ulo ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

"You're awake." Sabi nito at bahagya pa din na hinihimas ang noo niya.

"y--yeah." Pagsang ayon ko. 

"What is it?" Tanong niya kaya nagtataka naman akong tumingin dito.

"Alin." Ako.

"Your dream? Binanggit mo pa pangalan ko." Maanghang na sabi nito. 

"Nothing." Sagot ko at akmang tatayo na ng maramdaman ko ang hapdi sa ibaba ko kaya napaupo ako uli at napangibit. 

Tch. Kasalanan to ng lalaking naka half-naked pa sa harap ko. Sarap ng pandesal, agang aga. 

Kong hindi lang niya ako paulit-ulit na inangkin. Kahit tulog ako talagang nagpupumilit parin, sino ba ako para tumanggi? 

Wait, Stella pinagpapantasyahan mo ba ang lalaki na yan? 

"Done eye raping me?" Napaiwas ako ng tingin dito at napalunok. 

"H--hindi a--ah." Utal kong sambit. 

Nagulat na lang ako ng pang kuin ako nito at dalhin sa cr, ibinaba niya ako sa bathtub na may tamang init ng tubig. 

Hindi na ako umimik, hindi na ako nagreklamo. 

"Clean yourself and let's eat, nakapag luto na din ako." 

Napantastikuhan akong tumingin dito. 

"O--okay." sagot ko lang. 

Tumitig ito ng ilang segundo sa akin at umalis na. Akala ko my sasabihin pa ito tungkol sa nangyari kagabi ngunit wala na. 

Imposible naman na hindi niya naaalala ang nangyari. Kumirot ang dibdib ko sa isipin na ayon at ipinag sa walang bahala ang nararamdaman. 

Pero imposible dahil kita naman niya na kahit isang saplot ay wala akong suot.

Ini lubog ko pa ang aking katawan at napag pasyahan ng doon ipahinga ang sarili. 

Hindi ako makapaniwala na sa kanya ko muling ibinigay ang aking sarili. Ang laki ng naging epekto ng pag-alis ko. Ganon ba niya ako ka mahal? 

Pero ibang-iba sa sinasabi ni Sophia, mukha namang mabait ito. 

Sana nga. 

It took me 1 hour bago matapos at makaahon sa pagkaka lubog mula sa bathtub, nagsuot ako ng roba at lumabas mula sa banyo bago nagtungo sa closet. 

Naging magaan ang pakiramdam ko at hindi na gaanong masakit ang parte na ayon. 

I just wearing a simple jeans at white t-shirt. Lumabas ako ng kwarto at maingat na nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Chris na printeng nakaupo habang humihigop ng kape at nakatalikod ito sa gawi ko.

"Sit, Stella. Don't stare. Masamang pinaghihintay ang grasya." Cold na sabi nito, sa kabilang banda nagtaka naman ako dahil ramdam nito agad ang presensya ko. 

Katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kusina.

Should I say sorry to him? 

I let out a deep sigh and lowered the 

spoon I was holding. 

"I'm sorry, Chris." Ramdam ko na natigilan ito at nilingon sa akin.

Ibinaba ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa upang kurotin ito ng mabawasan man lang ang kaba na nararamdaman ko. 

"I'm sorry because I left you, kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ko yon ginawa. I hope you'll forgive me." Sabi ko habang nakayuko

"I need to go."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala. 

Yon na yun? Ganon na lang para sa kanya? 

Akala ba niya nakikipaglaro ako sa kanya? Ayaw ba niya ng sorry ko? Mali ba ang paghingi ko ng tawad sa kanya? 

Sarap niyang sipain sa mukha, seryoso!

Pagak akong napatawa at tumakbo patungo sa kwarto bago itapon ang sarili sa kama. Umiyak ako ng umiyak sa hindi maipaliwanag na dahilan. 

Ito na ba ang sukli sa akin? sa mga nagawa ko?

Gusto kong malaman lahat ngunit paano? Wala akong ideya kong sa darating na araw ay maalala ko pa lahat. Gusto kong malaman kung ano ba kami ni noon ni Chris kaso ang hirap. Sobrang hirap, tang*na.

Naalala ko pa ang naging panaginip ko kanina kaya pinili kong matulog baka sakali na mapanaginipan ko uli ito. Ngunit kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. 

Ang panaginip ay buong-buo na parang tunay na nangyayari, walang naiwan at lahat detalyado. Mula sa mukha ni Chris, sa pag iyak nito at pag mamaka awa. 

Kailangan ko siguro muna ang magpacheck-up. 

Kasalukuyang nagtatrabaho si Chris ng maalala ang nangyari sa kanila ng dalaga ng gabing ayon. Natutuwa ito sa galak at ginawa nila ulit ayon sa nakalipas na tatlong taon. Hanggang ngayon hindi pa din niya tinitingnan ang resulta na sinasabi ng kaibigan kanya. 

Mas lalong hindi niya rin maintindihan ang ina asal sa harap ng dalaga dahil hindi niya magawa na sagutin o sumbatan ito ng humingi ito ng tawad.

Ipinilig niya ang ulo at sumandal sa swivel chair napansin niya ang isang box sa gilid ng lamesa nito. 

Nahihiwagaan siya dito na may kung ano sa loob niya ang nag udyok para buksan yon dahil kung tutuusin ay dalawang taon na ito sa kanya pero ngayon lang niya napiling buksan.

Dahil na din sa busy ito sa trabaho nito. 

May pagtatanong man na namumuo sa utak kong bakit yon ang laman ng kahon ay nagkibit balikat ito at kinuha ang laptop bago ipinasok ang CD doon. 

Bumungad sa kanya ang napakaraming video na kahit kinakabahan at pinan lalamigan ng kamay ay isa-isa niya itong binuksan. 

Nangangatal man ang kamay ay hinawakan niya ito at pinigilan. 

Wala siyang alam. Hindi niya alam at napaka walang kwenta niyang boyfriend noon dahil hindi man lang niya ito inalam. Dalawang taon ang sinayang niya bago makita ito.

Nagsisisi ang binata dahil hindi niya agad ito binuksan dahil kung nakita niya agad ito siguro ay maayos ang namamagitan sa kanila ng dalaga na walang problema at hindi aabot sa punto na ito kung ano man ang kinasadlakan niya ngayon.

Kung maibabalik lang ang nakaraan, kong hindi lamang ako nagpalamon sa galit pero anong gagawin ko kong noong mga panahon na yon mahimbing din akong natutulog at nagluksa ng malaman na.... 

Never mind. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status