Share

Chapter (10)

Chris drove fast as he can at Stella's house. May iilang takas na luha ang pumapatak mula sa mga mata niya at hindi maalis sa isip niya ang mga video na napanood niya. 

"Mom, picturan mo ako dito dali." 

Her beautiful smile, na tumatak sa isip ng binata. 

"Kailangan pa ba mom na kalbuhin ako. Ang panget ko na, baka hindi na ako magustuhan ni Chris." 

"Mom I'm okay." Malawak na ngiti ng dalaga. 

"You're not okay I know but mommy is always here. Maghihintay sayo." Tita Stephy said with teary eyes. 

Marami pang video doon na hindi pa niya natatapos dahil sa pananabik na makita ulit ang dalaga.

---

"Stella! Open the door." Napabalikwas ng upo ang dalaga ng makarinig ito ng malakas na katok mula sa pintuan ng unit nito. 

"Sino naman kaya ayon?" Takang tanong ng dalaga.

"Open the God D*mn door Stella!" Bakas sa boses ang galit ng kung sino man ayon. 

Agad naman nito na binuksan ang pintuan at ang humahangos na si Chris ang bumungad sa kanya. 

Makikita sa mata nito ang pagod at pagkataranta? 

"Hey." Anang dalaga. 

"I'm sorry, Stella. I'm so sorry, love." He said and hugged her. Naguguluhan man ang dalaga ay sinuklian pa din niya ito ng yakap. 

"Ano bang nangyari? Okay ka lang ba?" Nag aalala na tanong ko kya umiling naman ito. 

"I'm sorry, kung wala ako ng mga panahon na naghihirap ka. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo ng mga oras na ayon. Hindi ko alam, ka--kasalan ko kasi wala man lang akong ginawa para alamin kung anong nangyari sayo kung--kung bakit ka umalis." Mahabang linya nito at hindi alam kung anong dapat sabihin o isagot dito.

Paano niya nalaman? 

Nanatili akong nakatitig sa mukha nito. Sobra ang pagka-emosyonal niya malayo sa Chris na laging madilim ang mukha at napakasungit. 

"It's okay. I'm okay now. Kaya nga ako bumalik dito upang hanapin ang mga nakalimutan ko." I said and he stared at me. "Sa dinami-dami ng pwede kong kalimutan, bakit kasi ikaw pa." Pagak ako na napatawa.

Hinawakan ni Chris ang aking pisngi at pinahid ang luha na nag uunahan na lumandas doon ng hindi ko namamalayan. Hinawakan ko ang kamay nito at dinamdam ang init noon. 

All I want is him, gusto kong maayos pero paano kong nagkakamali lang ako? Paano kong nagmamadali lang ako sa mga bagay-bagay na hindi dapat? 

Nakatitig lang ako sa kulay dagat nitong mga mata, napangiti ako. He's eyes remember of someone I know. 

"I love you, Stella. Be mine again." He said before he leaned and touched my lips. 

------

Hindi magkaintindihan ang takbo ng tibok ng puso ko sa tuwa. 

Simula ng araw na ayon maayos ang namagitan sa amin ni Chris, sabay kaming kumakain at walang oras na hindi ito nagsasabi sa akin kung saan siya pumunta. 

"Get dress." Napalingon ako dito. 

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. 

"Lalabas tayo." 

"Alam ko pero saan nga tayo pupunta?" Ulit na tanong ko. 

Kung tutuusin ngayon lang niya ako niyayang lumabas na kasama siya. Kulang na lang isipin ko na kinakahiya niya ako kaya hindi kami lumalabas ng magkasama pero mali ako, dahil ngayon mismo ay lalabas na kami. 

After 1 month na pagsasama maayos ang lahat ngunit hindi ko pa nauulit kila mom at hindi ko alam kung paano magsisimula, kung kailan ang tamang panahon para sabihin ayon sa kanila. Yes, nag sasama na kami dito sa unit ko. (Wag kayong green) 

At hindi ko alam kong paano sasabihin ang tungkol kay Chris--

"Basta." Sabat nito at itinulak ako palayo sa kanya.

Sumimangot naman ako at narinig ko ang munti nitong tawa. 

Nagsuot lang ako ng plain dress colored in baby pink tsaka pinartneran ng doll shoes hindi ko din naman kasi alam kung saan kami pupunta kaya ito na ang napili ko. 

Mahigit isang oras din kaming bumiyahe at halos pasukan na ng langaw ang aking bibig dahil sa nakanganga ito ng makita at matanaw ang napakalaking bahay o mansyon?

"K--kaninong bahay ito?" Takang tanong ko dahil sa totoo lamang ay kasiya siguro dito ang malacanang. (Charoooott) 

"Close your mouth, tulo laway mo. Let's go." Kutya nito at agad namang pinunasan ang labi dahil baka nga may natulo doon. 

"Silly." Narinig ko pang sabi nito. 

Base pa lamang sa gamit halatang mamahalin ang mga ito may malaki pang chandelier sa gitna ng sala at the fvck! Tv ba talaga ito? 

"Ilang inch ang tv na yan? Ang laki!" Mang ha kong ani 

"100 inch." Halos malula ako kasabay ng pagtalon at agad na sumabit sa leeg nito ng bumukas ang tv. 

Aatakihin ako sa puso, konti nalang. 

"Hey." Pukaw sa akin ni Chris. 

"Sino ba kasi may sabi na buksan mo ang tv na ayan." Naiinis kung sikmat dito. 

"I'm sorry." Aniya pero tumawa pa ito. 

Tsk. 

Chris claps his hand two times and the television turns off. (Naoll) 

Hinila siya ng binata at naupos sa sofa samantalang siya ay pinaupo naman sa kandungan nito. 

"This is our home."

Bahagya ko itong nilingon dahil sa sinabi niya at pinakatitigan sa mata na hinahanap ang sagot sa narinig niya, our home? My heart melted. 

I didn't expect this. Hindi ko akalain na ito ay magiging bahay namin. 

Hindi ko din alam kong bakit ako kinakabahan ng ganito, parang hindi normal na kaba. 

Meron pala siyang side na ganito, ngunit bakit parang may katagalan na ito?

"Se--seriously?" Why Am I stuttering?!

"Halika, ipapakita ko sayo ang mga kwarto." Aniya kaya tumayo naman agad ako sa pagkakaupo sa mga hita niya. 

He held my hand at pinag siklop yon. We went upstair at makailang lakad pa ay binuksan niya ang kulay asul na pintuan. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin at i-react dito. 

There's a small bed design in Thomas and friend. May kuna din sa gilid nito na kulay asul at may mga nakalawit na laruan sa ibabaw nito. Ang tema ng kabuuan ay kulay asul at may iba't-ibang hugis at laki ni Thomas. (Thomas yung tren :))

"What is this? Why Thomas and friend." 

"I know hindi mo naalala pero ito yung paborito ko noong mga bata pa tayo." Hindi ako nakaimik, hindi ko din alam kong ano ang sasabihin. "Para ito sa magiging baby natin if ever na mabuntis kita. Wala pa ba?" Dagdag pa niya at na ilang sa huling sinabi niya. 

"W--wala p--pa." Nauutal na sambit ko at kulang na lang kainin ako ng sahig na ito kahiyaan. 

"Let's go, I have something to show you." He said at hinila na ako palabas doon at dinala sa kung saan. 

Ang sumunod na pintuan ay kulay pink at bumungad sa amin ang higaan na puno ng design na princess. Ang tema ng kabuuan ay also princess at katabi ng higaan ay ang kuna na purong pink na may nakalawit ding princess? 

"Hindi ba maduduling ang anak natin kasi puro printed na princess na ito?" Tanong ko but he chuckled. 

"Anong nakakatawa?" Naiinis kong tanon. 

"It depends on you, if gusto mo pa itong papalitan." Nakangiti na ani nito. "Lagi ka nalang naiinis sakin, may laman na siguro yan." Inirapan ko lang ito at tinalikuran. 

"Sinabi na kasing wala pa." 

"Halika, lalagyan natin." 

Mukhang disido talaga ang lalaki na ito na lagyan ang tiyan ko pero hindi niya alam na may first baby na kami. 

Paano ko sisimulan na sabihin sa kanya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status