Share

Chapter (4)

GRAMMATICAL ERROR AND TYPOS AHEAD!

-Friends-

Naalimpungatan ako sa pauli-ulit na tunog ng doorbell. Sino naman kaya ang nambubulabog na ito, agang-aga.

Padabog akong tumayo kahit paika-ika ang lakad at nagtungo sa harap ng pinto.

"Bakit ba kasi? Agang-aga ang ingay-ingay niy-" Muntikan na akong mabulunan sa nakikita ng mga mata ko. 'Really Stella, mabulunan? Kahit hindi ka naman nakain.'

Chris?

Dali-dali akong umalis sa harap ng pinto kaya naiwan ko itong nakabukas. I run as fast as I can at hindi ininda ang kirot ng paa. Humarap ako sa salamin at halos mangilabot ako sa nakita.

Ang buhok kung daig pang ginahasa at ang make-up kong nagkalat sa buong mukha. May tuyo pang laway at may muta pa sa mata, nakakahiya talaga.

Nakatulog nga pala ako kagabi kakaiyak at kakaisip sa 'kanya.'

Sinapo ko ang aking dibdib ng bigla nanamang magkabuhol-buhol ang tibok doon.

Bakit ba kasi ganito nalang ang epekto niya sa akin. Kung parte siya ng nakaraan ko hindi na ako mahihirapang alamin yon dahil siya na ang kusang nalapit sa akin.

"Are you okay?" Napaayos ako ng tayo dahil sa gulat ng may magsalita sa likudan ko.

"Y-yes!" Malakas na bulalas ko.

Binuksan ko ang tubig tsaka naghilamos.

Kumuha ako ng tissue malapit sa salamin at pinunasan ang kabuuan ng aking mukha. Habang nakarap sa salamin ay napansin ko ang mga mata ni Chris na titig na titig sa akin kaya nailang ako.

Hindi siya dapat nandito.

"Hintayin mo nalang ako sa sala." Ani ko habang sa salamin parin ako nakaharap at doon ko ito kinakausap.

He didn't speak pero umalis na ito sa may likod ko. Weird!

I brush my teeth, at mabilis na sinuklay ang aking buhok. Baka kasi natatagalan na ito sa akin at mainip pa.

Naabutan ko siya sa sala habang nakakunot ang nuo at hawak ang cellphone nito. Pretty boy!

"Bakit ka nga pala nandito. Sasagutin mo na ba ang mga tanong ko sayo kagabi?"

Nahihiyang tanong ko kaya agad naman itong nag angat ng tingin bago inilagay sa bulsa niya ang cellphone nito.

"I just want to be friends with you."

Napamaang ako sa sinabi niya. Sinilip ko ang orasan sa tapat ng pinto at alasais palang ng umaga.

"P-pero alasais palang ng umaga Chris, yan lang pinunta mo?" Napangiwi ako. Hindi ako lubos mawari na gusto lang nito makipag kaibigan sa akin.

Does he have a mental disability? Wala naman siguro pero kung hindi siya dumating siguro harok pa ako hanggang ngayon.

"At, yun lang?"

"Yup, akala ko kasi ikaw yung matagal ko ng hinahanap. You have the same name, so I thought you were the Stella I was looking for." Mahabang sabi nito kaya tumango-tango ako.

Kaibigan lang ba talaga? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Ganun ba? Kumain kana? Magluluto ako kung hindi ka pa kumakain Besides, we're friends, aren't we?" Pilit kong ngiti dito ngunit tango lang ang sagot niya.

Nakakahiya naman kung hindi ko siya aalukin ng pagkain.

Umiwas na ako ng tingin sa mga titig nito at tumayo.

"Can you change your clothes. Take a bath." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Nakakahiya na talaga, ito parin ang damit na suot ko mula kahapon. Kaya kahit nakatalikod ay tumango ako bago nagpunta sa sariling kwarto at doon ay naligo.

It took me 1 hour before I finished the shower. Siguro nainip na ayon sa akin. Napasarap masyado ang pagligo ko.

I heard a foot step kaya napatigil ako sa pagpupunas ng buhok ko.

"Make it fast, let's eat." Bungad ni Chris sa pintuan ng kwarto ko. Bakit parang saulado niya ang condo na ito?

"O-okay, patapos na."

Sagot ko.

----

"Nagluto ka?" Tanong ko ng makaupo ako sa dining.

"Yup!" Plain na sagot niya.

"Walang lason?" Tanong ko pa at binutunan ng tawa ang huli.

"Just eat, Stella. " He said.

Tch! Sungit.

Amoy palang halatang masarap. Sinigang na baboy ang niluto niya, mabuti nalang at naglagay si kuya Raul ng grocery sa ref. Maasahan talaga siya.

"H-hmm." Ang sarap grabe.

"H-hmm, ang sarap!" Pikit mata kong sambit, siguro pag sumali ito sa cooking contest tiyak panalo na ito.

Napamulat ang aking mata ng makarinig ako ng tikhim.

"Hehe sorry, ang sarap lang talaga kasi ng luto mo." Ngiting-ngiti kong sabi dito.

"Finish your food." Tch! Ang sungit talaga.

----

God knows kung paanong pagpipigil ang ginagawa ko wag ko lamang masunggaban ng halik ang babaeng nasa harapan ko na maganang kumakain ng niluto ko.

I missed her.

Para akong sira kakaisip sa kanya buong magdamag. Siguro iniisip niyang may deperensya ako sa pag iisip dahil sa ganitong kaaga ay pakikipag-kaibigan lang ang sinadya ko sa kanya.

But the truth is I want to see her and be with her.

Bakit ba kasi humantong sa punto na hindi mo ako nakikilala, bakit hindi mo ako maalala.

Magiging akin ka ulit, Stella.

---

Magtatanghalian na at hindi pa din nauwi si Chris nahihiwagaan na talaga ako. Wala ba itong balak umalis?

"You said yesterday that you came home to the Philippines, right?"

Inglesherong froggy!

"Yup!" Maikli kong tugon habang nakatutok sa tv ang mga mata.

Nanunood kasi kami ng 'Zombie Land' kahit hindi naman talaga nakakatakot ang zombie.

"Why?"

"To find myself."

I said at ramdam ko ang pag upo nito ng maayos paharap sa akin.

"Why?"

"To find the past. " - me

"Why?" - him.

"Dahil kailangan."

"Why?"

Nakakailang why na ito kaya humarap ako sa kanya na dapat ay hindi ko nalang ginawa dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko.

"I-ipod ka nga dyan!" Pasigaw na suway ko at itinulak ito.

"Why?" - him.

"Why ka ng why! Bakit ba ang dami mong tanong?!" Sigaw ko bago tumayo sa pagkakaupo. "Wala ka pa bang balak na umuwi?!" I added.

Hinila ko siya patayo at laking pasalamat ko ng magpahila naman ito, itinulak ko siya papunta sa pintuan at hindi naman ito umangal.

"Next time around. Madami pa akong gagawin hehe." Ani ko at hindi na hinintay na sumagot ito at malakas na isinara ang pinto.

Wala lang siguro itong nararamdaman ko. Hindi siya parte ng nakaraan ko, he's totally stranger for me.

Hindi dapat ako basta bastang magtiwala kaagad sa taong kakakilala ko pa lamang.

What if may girlfriend o pamilyado na siya. Right, that girl at the bar.

Tch.

-----

"Cap!"

"Cap!"

"Spill."

"Your father has been waiting for you."

"I know, maraming beses ng tumawa sa akin si tanda. Hayaan lang natin siyang magalit."

He's not my father, alam ko yon simula palang.

❤️

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status