Share

Under His Possession
Under His Possession
Author: Eyah

PROLOGO

"NUMBER 143, DIAMOND STREET. 'ETO NA IYON, NANDITO NA TAYO.”

Pagkarinig ko sa sinabi ng driver ay agad akong dumungaw para iabot sa kanya ang isang buong 100 peso bill. Hindi ko na kinuha ang sukli at bumaba na ako. Sumunod naman agad sa akin si Yella.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid—malaki ang bahay kung saan kami ibinaba ng driver. Apartment style iyon, iisa ang pasukang gate pero may tatlong magkakadikit na unit. Tabing kalsada lang din ang area na kinatatayuan ng bahay.

"This is place is not bad kung mag isa lang ang tita mo na naninirahan sa isa mga unit na iyan,” komento ni Yella, gaya ko ay pinagmamasdan niya rin ang paligid.

"Kung mag isa siya, not bad nga. Pero paano kung may asawa siyang lasenggo, may mga anak, at nuclear family na riyan din nakatira—”

"OA na iyan, beh,” putol ni Yella sa mga sasabihin ko pa. "Why don't we just go in para malaman natin?”

Tumango ako at nauna na akong maglakad palapit sa gate. Pinindot ko na rin ng tatlong beses ang nakita kong doorbell button na nandoon.

"May nakatira ba talaga rito? Bakit parang walang tao?” usal ko makalipas ang ilang minuto na wala pa ring lumalabas na tao mula sa tatlong unit na naroon. Pinindot ko rin ulit ang doorbell button ng tatlo pang beses.

"Kapag wala pang sumagot at lumabas after five minutes, alis na tayo. Doon ka na lang mag-stay sa amin at—” Sinamaan ko siya ng tingin. "Fine, fine! Nevermind!”

Kanina pa lang nang matapos kong ikwento sa kanya ang walang paalam na pag alis ni Papa, at kung paanong hindi ko na alam kung saan pa ako mag-i-stay o saan ako kukuha ng ikabubuhay ko sa mga susunod na araw ay nag-suggest na siya agad na doon na lang muna ako sa kanila tumira. Pero siyempre, tinanggihan ko iyon agad. Hindi dahil sa ayoko siyang makasama sa iisang bahay, kundi ayoko lang makabigat lalo sa kanila kung doon pa ako maglalagi. Tsaka masyado na siyang maraming naitulong sa akin para idamay ko pa siya sa problemang kailangan kong harapin ngayon. Tsaka gusto ko ring lumayo at umiwas kay Aling Maryam hangga't maaari.

Segundo pa ang lumipas at bigla nang bumukas ang gate. Bumungad sa amin ang isang lalaki—no, hindi siya straight. Unang tingin pa lang ay halata ko na agad na bakla ito.

"May… kailangan kayo?” nakangiti nitong tanong matapos kami pasadahan ng tingin.

Tumango naman ako agad. "Ahm… May nakatira ba rito na 'Maloi' ang pangalan? P-Pakisabi naman, nandito ako. Janiya ang pangalan ko, anak ni Crisanto. Tiyahin ko siya, kailangan ko kasi siyang makausap.”

Bakas sa mukha nito ang pagdadalawang-isip. Pero mayamaya ay tumango rin agad.

"Pasok kayo. Ako naman si Eliana, sumunod kayo sa akin. Nasa huling unit ang kay Mama Maloi.”

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok kami. Isinara niya rin iyon agad bago siya naunang maglakad sa akin patungo sa pinakahuling unit ng apartment.

Pumasok kami roon—malawak din naman pala ang paligid at may hagdan din paakyat sa second floor. Pero ang mas nakatawag ng pansin sa akin ang ang maraming pares ng mga tsinelas, sapatos, at sandals na nahilera sa gilid ng hagdan. Iba-iba ang sizes niyon kaya imposible na iisang tao lang ang may ari.

"Hanggang dito ko na lang kayo masasamahan. May customer pa kasi akong kailangan asikasuhin. Basta, nasa second floor ang kuta ni Mama Maloi, sa pinakahuling kwarto. Huwag niyo na lang kalimutan kumatok bago kayo pumasok kung ayaw niyong ma—” Hindi niya na itinuloy ang sasabihin niya, sa halip ay nagmuwestra siya ng pagguhit sa leeg gamit ang kamay niya. Ma-deds?

Hindi ko na masyadong pinansin ang mga huling sinabi niya at tumango na lang ako. Nagpasalamat na lang din ako sa kanya habang nakangiti. Pagkatapos ay humakbang na kami palayo ni Yella.

"Sandali!”

Napalingon kami kay Eliana na nasa kinatatayuan niya pa rin.

"Dahil mukhang mababait naman kayo, may i-sha-share akong tip,” sabi niya. Lumapit din siya sa amin. "Never say no sa mga tanders, lalo na kapag afam. Sila kadalasan iyong maraming dalang anda. Pero nasa inyo pa rin iyon, galingan niyo na lang ang pagkilatis.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumindat pa siya bago siya pakembot na naglakad palayo sa amin.

"What a tip. Pero saan naman natin magagamit iyon?” nakangiwing saad ni Yella.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpauna na sa paglakad paakyat sa hagdan. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng paglalakad pataas ay may sumalubong na sa aming isang matandang lalaki—kung hindi ako nagkakamali ay nasa mid-fifties na ang edad nito—magulo ang buhok, nakasampay lang sa balikat ang pang-itaas nitong damit, at kasabay ng pagmamadali nito sa pagbaba ay ang pilit nitong pagzi-zipper ng pantalon at pagsuot ng belt.

Gulat at magkahawak pa na napatabi kami ni Yella sa gilid para bigyang-daan ang nagmamadaling matanda. Pagkakita sa amin ay kumindat pa ang loko, tsaka nagmamadali na ulit na nagpatuloy sa pagbaba.

"YUCK! GROSS! ANO IYON?!” tila nasusukang bulalas ni Yella.

Napangiwi rin ako at nandiri pero hindi ko na lang iyon masyadong pinansin. Hinila ko na lang siya at patakbo na naming tinuloy ang pag akyat sa hagdan. Dire-diretso naming tinungo ang panghuling kwarto sa second floor, gaya ng sabi ni Eliana kanina.

"Tao po! Tiya Maloi?” tawag ko sa may kalakasang boses. Kumatok na rin ako.

Bumukas naman agad ang pinto ng kwarto at bumungad doon ang isang mataba at may-kaliitan na babae—judging by her looks, ang edad nito ay posibleng nasa late forties to mid-fifties na. Makapal ang makeup sa mukha, magulo ang damit at buhok, at naninigarilyo. And wait… ano iyong nasa leeg at dibdib niya? Hickeys ba ang mga iyon?

Napalunok ako.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” kunot-noong tanong nito matapos kami pasadahan ng tingin. "Mag-aapply kayo?”

Mag-aapply?

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang mga posibleng nangyayari rito.

"A-Ahm, kayo ho ba si Tiya Malou?” sa halip ay tanong ko.

"Malou? 'Di ba Malo—Aray!” Bago pa matapos ni Yella ang mga sasabihin niya ay pasimple ko na siyang kinurot sa tagiliran.

"Malou? Ang dinig ko kaninang hinahanap mo ay 'Maloi'. Ako iyon—”

"Ay, ganoon po ba? Naku, pasensya na po kayo. 'Malou' ho ang pangalan ng tiyahin ko na hinahanap ko,” sabi ko sa kanya. Nilingon ko si Yella. "Nagkamali siguro ng rinig ang tricycle driver na napagtanungan natin kanina. Nakakahiya naman.”

Pinanlakihan ko siya ng mga mata, paraan ko iyon ng pagsasabi na sakyan niya na lang ako.

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Tiya Maloi. Mataman na rin ang titig niya sa amin na para bang tinitimbang niya kung nagsasabi ako ng totoo o ano.

"S-Sige ho, mauuna na kami. Pasensya na po talaga sa abala.”

Hinila ko na agad si Yella at nagmamadali na akong bumalik sa hagdan para bumaba.

"Bruha ka, ano iyon? Bakit ka nagsinungaling—”

"Sshhh! Bilisan mo na nga lang maglakad!” utos ko at patakbo nang bumaba sa hagdan.

"Yieee! Sabi na, eh. Gusto mo rin talaga na sa amin mag-stay—Wait lang naman!”

Pagbaba ko ng hagdan ay tinungo ko agad ang pinto palabas, hila ko pa rin si Yella na halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

Nang makalabas na kami ay agad akong tumawag ng masasakyang tricycle.

"Hoy, ano iyon? Bakit biglang may pa-impulse na ganoon?” hinihingal na tanong ni Yella.

Hindi ko siya agad nasagot dahil inuna kong punasan ang tagaktak kong pawis bunga ng kaba kanina at sa pagtakbo na rin.

"Wala ka bang nahahalata? Iyong sinabi ni Eliana kanina? Iyong maraming pares ng tsinelas at mga sapatos kanina? Iyong nagmamadaling topless na matanda kanina na kinindatan pa tayo? Iyong ayos ni Tiya Maloi, iyong chikinini sa leeg at dibdib niya? Tsaka iyong pagtatanong niya sa atin kung mag-aapply tayo? Hindi ba nagma-make sense sa iyo lahat ng iyon?” bulalas ko.

Ilang segundo pa ang lumipas na tahimik lang siya. Parang pinoproseso niya pa ang mga sinabi ko at ikino-connect iyong sa mga naganap kanina.

Mayamaya ay nanlaki na ang mga mata niya. Napasigaw pa siya at napapalakpak.

"Oh, my… oo nga 'no?! Bakit hindi ko agad napansin na totoo nga iyong hula mo kanina? Na may asawa siyang lasenggo, marami siyang anak, at may nuclear family pa siya na nakatira sa bahay na iyon? Oo nga!” bulalas niya sa 'light bulb moment' niya, na hindi naman talaga.

Natapik ko na lang ang noo ko sa pagpipigil ng inis sa kanya. Ngayon, alam ko na kung bakit marami ang nagtataka na naging magkaibigan kaming dalawa.

"Halatang may hindi magandang activities na nagaganap sa loob ng bahay na iyon at si Tiya Maloi ang posibleng perpetrator. Okay na?” naiinis na sabi ko.

Napatigagal naman siya sa akin, para bang hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi ko.

"S*x worker si Eliana at iyong lalaking bumaba kanina ay customer nila. Posibleng si Tiya Maloi ang bugaw at pasimuno ng mga iyon. Ngayon, kung doon ako titira malamang na gaya rin ni Eliana ang maging kapalaran ko sa bahay na iyon. Gets?”

Segundo pa ang lumipas tsaka lang naintindihan ng best friend kong champion sa most slow tournament ang mga sinabi ko.

"So, paano na ngayon iyan? Ekis na sa choices si Tiya Maloi mong bugaw?” tanong niya mayamaya.

"Ay hindi, beh. Babalik ako roon, mapapanggap na lang ako na hindi ko nakita at hindi ko alam ang mga nangyayari sa loob ng 'kuta' niya. 'Tapos kapag binugaw niya rin ako at ginawang s*x worker, bahala na ang PNP at NBI na sagipin ako,” sarkastikong sagot ko.

Inirapan ko siya at hindi na ako nagsalita pa. Napabuntung-hininga na lang ako habang nakatanaw sa dinadaanan namin.

Ngayong hindi ako pwedeng mag-stay kay Tiya Maloi ay isa na lang ang natitirang pagpipilian ko—ang tuntunin ang pangalawang address kung saan nakatira naman ang best friend ni Papa na si Yvonne Castillejos.

Hindi ko na rin maiwasang makaramdam ng pag aalala.

"What if lalong hindi mag-work at mawalan lang din ng saysay iyong pagpunta natin sa bahay ni Yvonne?” wala sa sariling sabi ko.

"Like?”

Hindi ako sumagot at napabuntung-hininga na lang.

"Just give it a try. Ano ka ba? Malay mo naman, 'di ba? Tsaka sasamahan naman kita—”

Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay malakas nang nag-ring ang cell phone niya.

"Si Mommy,” sabi niya. Tumango na lang ako. Sinagot niya na ang tawag.

Ilang minuto rin silang nag usap ng mommy niya. Nang harapin niya ako ulit ay nakasimangot na siya at tila nag aalangan pa.

"Niya, I know I just said na sasamahan kita…”

Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya. "Oo. 'Tapos?”

"May… emergency kasi sa bahay. Si… Ate tumawag, pauwi na raw siya ngayon dahil nagkaroon sila ng problema ng asawa niya back in the US. A-Ako iyong inutusan nila Mommy na sumama sa driver sa pagsundo kay Ate. Sorry.”

Hindi ako nakakibo agad. Pero mayamaya lang ay napatango ako. Tsaka ngumiti ng pilit.

"Sige lang. Umuwi ka na. Keri ko na 'to.”

Alam ko na magpoprotesta pa siya kaya inunahan ko na iyon. Tinawag ko na agad ang driver at sinabing ibaba si Yella sa kapag may nakita ito na pwedeng sakyan pabalik.

Tahimik na kami sa biyahe pagkatapos noon. Hanggang sa makababa si Yella.

"Are you sure, kaya mo na—”

"Oo, ako na rito. Thank you. Ingat ka,” nakangiting putol ko sa sasabihin niya.

Hanggang sa makaalis siya ay nakatanaw lang ako sa kanya.

"Ikaw, Ma'am? Dito ka na lang din ba?” tanong ng driver na nakapukaw sa atensiyon ko.

Umiling ako.

"Sa Mansion de Castillejos po tayo, Kuya. Diretso na, dadagdagan ko na lang 'yung bayad.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status