Share

KABANATA 1

JANIYA'S P.O.V

ILANG BESES NA NAGPALIPAT-LIPAT ANG TINGIN KO SA PAPEL NA HAWAK KO AT SA MALAKING ARKO NG BAHAY— NG MANSIYON NA NASA HARAPAN KO NGAYON.

"Mansion de Castillejos"

Ito na nga iyon. O ito na nga ba iyon?

Pareho ang pangalan na nakalagay sa arko sa taas ng malaking gate at ang address na nakasulat sa papel na iniwan ni Papa. Hindi ko lang siguro in-expect na literal na mansiyon pala talaga ng lugar na nag-aabang sa akin. Akala ko noong una ay larong pangalan lang ang "mansiyon" kineme na iyon, thinking na babae ang hinahanap kong kaibigan ni Papa at base pa lang sa pangalan niyang "Yvonne“, halata nang kikayin siya. Iyong tipo ng babaeng naniniwala na totoo ang fairy tale at laging may "they lived happily ever after" ang bawat istorya.

Napahinga na lang ako ng malalim at agad ko nang hinanap ang doorbell ng mansiyon. Kung meron man.

Bigla ay parang gusto kong matawa nang imbis na doorbell ang makita ko ay isang lumang (Old style doorbell) ang bumungad sa akin.

Sabagay. What do I expect? Iyong mismong bahay nga, Victorian style pa na parang na-establish na noong panahon pa ng pre-Spanish colonization, eh. Mag-eexpect pa ba ako ng high-tech na doorbell?

Napailing ako sa sarili kong naisip at walang imik nang lumakad palapit sa (lumang doorbell). Iaangat ko pa lang sana ang kamay ko para abutin iyon pero may bigla nang nagsalita.

"Anong kailangan mo sa mansiyon?”

Kusa akong napapitlag at napaatras palayo. Kung hindi lang din malakas ang self control ko ay malamang na napatili pa ako. Tutop ang dibdib na napalingon ako sa babaeng bigla na lang sumulpot mula sa kung saan at nagsalita.

Kung titingnan siya ay parang nasa late forties to mid-fifties na ang edad niya. May kaliitan at medyo mataba. May dala rin siyang basket ng mga gulay kaya naisip ko na baka kagagaling niya lang sa palengke. Malalim ang mga gitling na kitang-kita sa noo niya habang matiim ang pagkakatitig niya sa akin. Parang kinikilala niya kung sino ako.

"A-Ahm, g-good afternoon po. I-Ito po ba iyong Mansion de Castillejos—”

"Ano bang nakikita mong nakasulat doon, hija?” putol niya sa akin sabay lingon sa arko.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil parang agad ko nang pinagmukha tanga ang sarili ko sa harapan ng babaeng ngayon ko pa nga lang nakita. Malamang din na iniisip niya na ngayon na sobrang baba siguro ng reading comprehension ko.

"S-Sorry po. N-Nakita ko na po iyong sign sa arko, g-gusto ko lang pong makasigurado—”

"Oo, ito nga ang Mansion de Castillejos. Ngayong sigurado ka na, anong kailangan mo?”

Isa-isa kong sinabi sa kanya ang mga nangyari sa akin. Simula sa kung paano ako iniwan ng sarili kong ama nang walang pasabi, ang tungkol sa papel na iniwan nito kung saan nga nakasulat ang address ni Tiya Maloi at ni Yvonne, at kung paano ko piniling takasan ang malayo at hilaw kong tiyahin hindi pa man kami nagkakasama. Laking pasalamat ko na lang din dahil hindi niya na sinubukan pa na putulin ulit ang pagsasalita ko gaya ng ginawa niya kanina.

Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko ay tanging paghagod lang ng tingin mula ulo hanggang paa ang naging tugon niya sa akin.

Hindi na rin naman ako nagsalita dahil baka mapahiya lang ulit ako.

"Sino ka nga ulit?” tanong niya mayamaya.

"J-Janiya po. "Niya" na lang po for short—”

"At iyong tatay mo?”

"C-Crisanto—”

Kusa akong napaatras nang walang sabi siyang naglakad palapit sa gate at nilagpasan ako. Tahimik ko lang siyang tiningnan habang binubuksan niya ang gate.

"Pasok ka,” sabi niya ulit mayamaya at nauna nang pumasok sa bahagya lang na nakabukas na gate.

Nakayukong sumunod ako sa kanya papasok ng gate. Pagpasok ko ay agad niya ring isinara iyon at ni-lock pa. Napalunok tuloy ako at kinabahan.

Pagka-lock niya ng gate ay naglakad na siya palapit naman sa malaki ring front door. Sumunod pa rin ako sa kanya hanggang sa pareho na kaming makapasok sa mismong loob ng mansiyon.

Sumalubong sa akin ang napakaluwang na sala ng mansiyon. May malaki at eleganteng sofa set, may mga figurine at painting din na kahit mukha nang luma ay maganda pa rin at halatang mga mamahalin. Kung mukhang luma na sa labas pa lang ay ganoon din ang itsura at feels sa loob. Para akong aksidenteng napasok sa isang portal na nagdala sa akin sa luma pang panahon.

"Maupo ka,” utos niya sabay turo sa sofa. "Ilalagay ko lang ito sa kusina. Babalikan kita agad.”

Tumango lang ako at nagpasalamat sa mahinang tinig.

Tumalikod na siya at naglakad palayo. Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla na siyang tumigil. Lumingon ulit siya sa akin.

"Siya nga pala, anong gusto mo? Juice, tsaa, o kape? Ipaggagawa kita.”

Hindi ako nakasagot agad at panandalian kong sinulyapan ang mukha niya. Seryoso pa rin siya at walang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Naalala ko rin ang mahigpit na bilin ni Papa na huwag na huwag tatanggap ng kahit ano mula sa kahit sino na hindi ko pa kilala.

Pero sobrang nauuhaw na talaga ako, eh. Kanina pa rin ako walang kain. Masungit lang si Manang, pero hindi naman siguro siya masamang tao para gawan ako ng hindi maganda.

Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Manang sa akin— diretso sa mga mata ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin habang hinihiling na kung pwede lang ay lunukin na ako ng lupa. Ilang beses ko na ba kasing pinahiya ang sarili ko sa harapan niya?

"Juice, tsaa, o kape?” ulit niya.

"J-Juice na lang po. S-Salamat—” Bago pa man ako matapos magpasalamat ay tumalikod na siya at mabilis na naglakad palayo.

Bukod sa nasusungitan ako sa kanya ay nawe-weird-ohan din ako. Like… nature niya na ba talaga ang maging masungit o ano? Tsaka sino ba siya? Bakit sobrang tahimik dito sa bahay? Bakit parang kaming dalawa lang ang nandito? Nasaan si Yvonne? Siya na kaya si Yvonne?

Habang mag-isa ako ay napuno ng napakaraming isipin ang utak ko. Marami rin akong napansin sa pagmamasid-masid ko pa lang sa kabuuan ng salas ng mansiyon. Maraming gamit pero maluwag pa rin. Tsaka mukha pa ring malinis at organized ang lahat. Sa gilid na bahagi ng salas ay may nakita akong mataas na hagdan. Old style na rin iyon— pero kung ako ang tatanungin, mafe-feel ko pa rin ang lumakad sa hagdan na ganoon. Bongga naman kasi at pang-sosyalan talaga. Kulang na lang ng vintage fairy dress at okay na, kumpleto na ang Victorian at Old Money themed cosplay. Cosplay?

Nang maaninag ko na papalapit na ulit sa akin ang babae ay tumuwid na ako ng upo. Kinondisyon ko na ring

ang isip ko para naman hindi na ako magmukhang sobrang tanga kapag kaharap ko na ulit siya.

Paglapit niya, inilapag niya agad sa center table ang isang mataas at transparent na baso. May laman iyong malamig na orange juice. Ganoon din ang ginawa niya sa platito na may laman namang cake na sa tingin ko ay mocha ang flavor. May kasama na rin iyong tinidor.

"Kumain ka na muna,” udyok niya pagkatapos. Nilapag niya ang tray sa gilid na bahagi ng center table at umupo sa sofa katabi ko; ilang pulgada lang ang layo sa akin.

Bahagya lang akong tumango at kiming kinuha ang tinidor.

"Ano nga ulit ang ipinunta mo rito, Janine—”

"J-Janiya po,” pagtatama ko sa kanya.

Saglit na nabahiran ng talim ang mga mata niya. Naisip ko tuloy na dahil iyon sa ginawa kong pagputol sa kanya.

"Janiya,” ulit niya naman. "At tama ba ang pagkakatanda ko na si Crisanto ang ama mo?”

Tumango ako.

Pagkatapos ay dinampot ko ang baso ng malamig na juice at minabuti kong uminom muna mula roon. Umaasa ako na makakatulong iyon kahit papaano para mabasa kahit papaano ang parang tuyung-tuyo ko nang lalamunan.

""C-Crisanto" nga po iyong pangalan ng tatay ko. B-Best friend po siya ni… ni Miss Yvonne na dito raw nakatira. K-Kayo po ba siya?” pagbabaka-sakali ko.

Umiling ang babae, bagay na ipinagtaka ko lalo.

""Gervacia". Iyon ang pangalan ko. Hindi ako si Yvonne, pero kilalang-kilala ko siya. Matagal na kaming magkasama dahil ako ang mayordomang pinagkatiwalaan niya. Ako lang ang tanging nanilbihan sa kanila mula pa noon,” maikling kwento niya.

Mayaman nga sila. Hindi lang basta-basta katulong ang meron siya— mayordoma pa. No offense meant, pero gaano na ba kahirap bilhin ang loyalty ng isang tao ngayon?

"Kilala ko rin ang tatay mo,” sabi niya ulit mayamaya lang din. "At base sa kwento mo, gusto niyang dito ka pansamantalang tumira sa pangangalaga ni Yvonne?”

Tumango ako.

"Hindi niya ba alam ang nangyari kay Yvonne?”

Napatigil ako sa pagnguya ng cake sa sinabing iyon ni Manang Gervacia. Sa boses niya pa lang kasi ay halatang hindi na maganda ang kung anumang tinutukoy niya. And in this case, tungkol kay Yvonne ang sinasabi niya.

"A-Ano pong nangyari—”

"Wala. Totoo nga, wala na talaga silang koneksiyon sa isa't-isa,” bulong pa niya na para bang walang ibang kausap kundi ang sarili niya. Ang weird talaga.

Tumayo siya at kinuha ang tray na nilapag niya kanina sa mesa.

"Dumito ka na muna habang wala pa ang may-ari. Pagdating niya, doon niyo na lang pag-usapan kung anong gagawin sa kaso mo,” aniya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil buong akala ko kanina ay sisipain niya na ako paalis ng mansiyon, papunta sa malayung-malayo.

Buong sinseridad na nagpasalamat ako sa kanya. Napatayo pa nga ako para sana abutin ang kamay niya pero again, napahiya na naman ako dahil paatras siyang umiwas sa akin at naglakad na ulit palayo.

Hindi ko na lang pinansin ang ginawa niyang iyon. Umupo na lang ulit ako at itinuloy ang naudlot kong pagkain habang malawak na nakangiti.

"Hay naku, Manang. Bahala ka na nga sa pasungit effect mo. Deadma na lang ako sa iyo. Ang mahalaga, pumayag ka na dumito muna ako at hindi mo ako sinipa papunta sa far away gaya ng iniisip ko. Okay na rin ito kaysa sa kung saan ako magpalipas ng araw at gabi habang hinihintay na makabalik si Yvonne,” saad ko sa isip ko.

Habang ngumunguya ay muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Ano kayang magbabago sa akin ngayong sa ganitong kalaking bahay na ako titira kung sakali? Obvious na mayaman si Yvonne— ii-spoil niya kaya ako at ituturing na parang anak o bestie? O baka naman tratuhin niya ako na parang aliping sagigilid na sold na ang kaluluwa sa kanya?

Napangiwi ako.

Jusme. Sana, iyong una na lang ang sagot!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status