Home / Romance / The Tycoon's Pampered Wife / Chapter 4: Wedding

Share

Chapter 4: Wedding

Author: Watermelon
last update Huling Na-update: 2024-11-19 22:37:24

Kinakabahan man, pilit na tumingin si Sunny sa lalaking nasa kaniyang harapan. Siya na nga ba ang kaniyang mapapangasawa?

Kilala niya ang lalaking ito. Hindi man sila nagkikita kahit na nasa iisang lungsod lamang sila, sikat ang pangalan nito. Siya ang panganay na anak ni Mr. Morris—Rowan Morris.

Napalunok si Sunny habang tahimik na nakatingin sa lalaki sa dulo ng altar. Hindi niya maalis ang tingin dito, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Pamilyar ang mukha nito, isang anyo na minsan lamang niyang masilayan sa mga pormal na pagtitipon ng kanilang pamilya. Hindi siya makapaniwala na ang ipapares pala sa kanya ay walang iba kundi ang bente otso anyos na anak ni Mr. Morris! Napakalaki ng agwat ng edad nilang dalawa.

Sa halos ilang buwan ng paghahanda para sa kasal, buong akala niya’y ang pangalawang anak ang ipapakilala sa kanya—ang mas malapit sa kanyang edad. Ngunit ngayon, ibang tao ang nakatayo sa harapan niya. Ang misteryosong panganay na laging tahimik ngunit puno ng awtoridad.

Bakit kaya ito ang napili ni Mr. Morris? Ano ang dahilan sa likod ng desisyong ito?

Habang naglalakad siya patungo sa altar, hindi niya mapigilang pagmasdan ang magiging asawa. Matangkad ito, higit sa inaasahan niya. Ang bawat hakbang nito’y parang may sariling kumpas, ang tindig ay matikas na tila galing sa isang military academy. Makinis ang balat nito, maganda at makapal ang kilay, matangos ang ilong, at ang mga mata—malamig, walang bahid ng emosyon. Ang mga labi nito’y parang hindi nakaranas ng pagngiti.

Habang pinagmamasdan niya ito, napansin niyang hindi ito nasisiyahan sa mga nangyayari. Bagamat maayos itong bihis, mula sa sleek nitong suit hanggang sa maingat na ayos ng buhok, hindi nakaligtas sa mga mata ni Sunny ang pagka-inis na nakatago sa likod ng maskara nito. Tila napilitan lang itong pumunta.

Kung ganoon, pareho pala kami, naisip ni Sunny. Parehong walang may gusto sa kasalang ito.

Mukhang kagagaling lang ng lalaki sa isang business trip, ang pagod ay halatang nakaukit sa ekspresyon nito. Ang kasuotan nito’y masyadong pormal, na tila hindi ito nagkaroon ng oras upang mag-relax bago ang seremonya. Para bang agad itong hinila mula sa trabaho at dinala sa simbahan nang walang oras upang magreklamo.

Nang makalapit si Sunny sa altar, naramdaman niya ang bigat ng sitwasyon. Inabot ng kaniyang ama ang kaniyang kamay kay Rowan, at ang lalaki’y agad na tumingin sa kaniya. Wala pa ring emosyon ang mukha nito, mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.

Ramdam ni Sunny ang lamig ng sariling palad, nanginginig dahil sa kaba. Alam niyang naramdaman iyon ni Rowan, ngunit nanatiling tahimik ang lalaki. Hindi man lang ito nagbigay ng anong salita o reaksyon. Nang tumalikod ito upang humarap sa altar, pilit niyang hinugot ang kamay, tila babawiin ito. Ngunit bago pa siya magtagumpay, hinigpitan ni Rowan ang kapit sa kaniyang kamay.

Napalingon siya sa lalaki, nagulat sa kanyang ginawa. Si Rowan naman ay bahagyang tumagilid upang tingnan siya, ang malamig nitong titig ay nagdulot ng kakaibang takot sa kanya.

“Huli na para umatras” malamig na tanong ni Rowan, kasabay ng pag-angat ng isang kilay. Ang boses nito’y mababa ngunit puno ng awtoridad, sapat upang mapatigil si Sunny.

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili siyang nakatingin dito, hindi alam kung paano sasagot. Pilit siyang hinila ni Rowan palapit sa altar, hindi na naghintay ng tugon mula sa kaniya.

Tumingin si Sunny sa paligid at napahinga nang maluwag nang makitang walang kamalay-malay ang mga bisita sa nangyayari.

"Ikaw, babae, handa ka bang tanggapin ang lalaking ito bilang iyong kabiyak? Sa sakit at kalusugan, o anumang kadahilanan, mahalin, alagaan, igalang, tanggapin, at maging tapat sa kaniya magpakailanman hanggang sa katapusan ng iyong buhay?" tanong ng pari nang magsimula ang kasal.

Nahigit ni Sunny ang kaniyang hininga at muling tumingin kay Rowan na bumaling din sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin.

Handa na ba talaga siyang pakasalan ang lalaking ito na parang bato kung makatingin? Hindi kaya siya magsisisi habang buhay sa magiging desisyon niya?

Katahimikan ang bumalot sa loob ng simbahan habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"Ano pang hinihintay mo?" malamig na tanong ni Rowan, nakakunot ang noo. Lumingon si Sunny sa kaniyang likuran at nakita ang mga magulang na naghihintay din sa kaniyang isasagot.

Anuman ang magiging desisyon niya ay para iyon sa proteksyon ng kaniyang pamilya.

Naramdaman ni Sunny ang mahigpit na paghawak ni Rowan sa kaniyang kamay, tila nagbabanta sa kung anuman ang gusto niyang gawin.

Kaya kahit kinakabahan, matapang niyang hinarap ang pari at tumango, “Opo, Padre.”

“Ikaw naman, lalaki, tatanggapin mo ba ang babaeng ito upang maging iyong asawa; mamuhay kasama siya sa tipan ng kasal? Iibigin mo ba siya, aalagaan, pararangalan, at iingatan, sa sakit at kalusugan; at, tatalikuran ang lahat ng iba pa, magiging tapat sa kaniya habang pareho kayong nabubuhay?” tanong naman ng pari kay Rowan.

“Opo, Padre.” Agad na sagot ni Rowan. Lumingon si Sunny at nakita ang malamig na pagtitig ng lalaki sa kaniya.

“Kung ganoon, maaari niyong tanggapin ang singsing.” Lumapit ang ring bearer at iniabot kay Rowan ang singsing.

Inabot ni Rowan ang kamay ni Sunny at dahan-dahang isinuot ang singsing sa kaniyang daliri.

Inabot ni Sunny ang kamay ni Rowan at isinuot ang singsing sa kaniyang daliri.

"In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you, husband and wife! You may now kiss the bride!” pag-aanunsyo ng pari.

Hinawakan ni Rowan ang kamay ni Sunny at hinila palapit dito.

“Rowan, ano ba—” Mahina ngunit puno ng tensyon ang boses ni Sunny, ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, inabot na ni Rowan ang hibla ng buhok na nahulog sa mukha niya. Maingat niyang inilagay iyon sa likod ng tainga ng babae.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Sunny, kunot ang noo, ang boses niya’y halos isang bulong lamang. Napatingin siya sa gilid, hinahanap ang mga magulang niyang nakaupo sa harapan, ngunit bago pa siya makalingon ng tuluyan, naramdaman niya ang malakas na hawak ni Rowan sa kaniyang baba. Pinihit nito ang kaniyang mukha pabalik, at natagpuan niya ang malamig ngunit matalim na titig ng lalaki.

“Tapusin na natin ito,” malamig na wika ni Rowan, ngunit may bahid ng kaseryosohan sa tono nito.

Bago pa man makapagprotesta si Sunny, ang isang kamay ni Rowan ay dumapo na sa likod ng kanyang bewang. Hindi marahas ngunit tiyak ang kilos, suportado niya ang babae sa posisyon na tila nais nitong magbigay ng tamang impresyon sa lahat ng nakatingin.

Mabagal ang naging paglapit ng kanilang mga mukha. Pilit na umiwas si Sunny, idinidiin ang mga labi upang pigilan ang kahit anong posibleng mangyari. Ngunit nang maramdaman niya ang init ng hininga ni Rowan, kasabay ng bahagyang pagdikit ng kanilang mga labi, tila nawala sa isip niya ang lahat.

Nanlaki ang mga mata niya, ngunit sa sumunod na segundo ay napapikit siya, waring nadadala ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Narinig niya ang mas malakas pang palakpakan mula sa mga bisita, ngunit naglaho iyon sa kanyang pandinig nang maramdaman niyang gumalaw ang mga labi ni Rowan.

Hindi niya namalayan ang sariling pagtugon. Nang magmulat siya ng mga mata, nakita niya si Rowan na pikit pa rin.

Paghiwalay ng kanilang mga labi, kapwa sila hindi agad nagsalita.

Kaugnay na kabanata

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 5: Argument

    Pagkatapos ng kasal, parang lantang gulay na nahiga sa kama si Sunny. Hindi na nito nagawang tanggalin ang kaniyang wedding gown at heels na suot-suot dahil sa sobrang pagod. Hindi niya akalaing ganito pala nakakapagod ang magpakasal! Hindi lang siya physically exhausted kundi mentally din! Hindi na namalayan ni Sunny na nakaidlip na pala ito, naalimpungatan lamang nang marinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan niya. Agad na napabalikwas si Sunny at napatingin sa kung sino mang mapangahas na nagbukas ng pintuan. Nahulog ang kaniyang panga nang makita ang gwapo ngunit malamig na asawa. "Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Sunny. Tumayo siya nang tuwid at inangat ang mabigat na gown para umurong sa dulo ng kwarto. "Anong ibig mong sabihing anong ginagawa ko rito? Kwarto ko 'to," sagot ni Rowan. Natameme si Sunny sa narinig at nilibot ng tingin ang sinasabing kwarto ni Rowan. Lahat ng nakikita niya ay kulay itim o puti lamang, mapa-gamit o dingdin

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 6 : Rules

    Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit ang hawak sa tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano naging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos? Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng mansyon na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matata

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 7 : Reversed Card

    Tahip ang paghinga ni Sunny habang pababa siya ng hagdanan. Nasayang lamang ang oras niya sa pakikipag-usap sa walang kwentang asawa!Pati pagkain niya ay nakaligtaan niya dahil lang sa walang kwentang batas na gusto ng impokritong 'yon! At mukhang may balak pa siyang takutin ng lalaki. As if naman magpapatakot siya dito. Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya si Mr. Morris!"Speaking of the devil," bulong ni Sunny nang makababa ito ng hagdan. Bumaling siya sa kasambahay na tahimik na naglilinis ng mga kagamitan.Sinitsitan niya ito at nilapitan. Yumuko naman ang kasambahay bilang pagbibigay-galang."Ano pong maitutulong ko sa inyo, Mrs. Morris?" tanong ng kasambahay. Umasim ang mukha ni Sunny sa narinig.Mrs. Morris, huh? Kadiri!"Naku, tawagin mo na lang akong Sunny! Ikaw ba, anong pangalan mo?""Ako po si Tina, Mrs. Morris," sagot ng kasambahay sa mabait na tono. Ngumiwi na lamang si Sunny, mukhang wala siyang

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 8 : Misunderstanding

    Kinaumagahan, abala si Rowan sa opisina niya. Tumawag siya ng meeting kasama ang kanyang sekretarya para sa mga detalye ng kasunduan.“Siguraduhing walang aberya sa negosyo ng Fajardo,” malamig niyang utos.“Opo, Sir,” sagot ng sekretarya. Halos mabitiwan ni Sunny ang kape na hawak nang marinig ang kaniyang pamilya, papasok sana ito ng opisina ni Rowan upang mag bigay ng kape dahil may istatanong sana ito ng marinig nito na binanggit ni Rowan ang mga Fajardo“Nasaan si Sunny? Siguraduhin mong hindi niya malalaman 'to.”Napuno ng maling akala ang isipan ni Sunny. Sa pagkakaintindi niya, tila pinag-uusapan ni Rowan ang mga Fajardo para alipustahin.Pigil ang kabang pinihit ni Sunny ang pintuan sa opisina ni Rowan at pumasok doon ng walang paalam."Ano na naman bang plano mo sa pamilya ko, Rowan?" Tanong nito sa lalaki.Gulantang na napatingin si Rowan at ang sekretarya sa kaniya.Tumigil si Rowan, nagtat

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 9 : Childhood Sweetheart

    Pag-kapasok ng silid ay ibinagsak ni Sunny ang katawan sa kama saka tumingin sa kulay puting kisame. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na ayaw sa kaniya ng mga tao dito sa bahay, hindi lang dahil sa tingin nila ay si Sunny mismo ang nag pumilit na mapakasal kay Rowan, ngunit dahil din siya ay hindi galing sa mayayaman na kagaya nila. Kung baga ang mga Morris ay nasa pinakatuktok, siya naman ay nasa gitna lamang. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Wala rin naman siyang plano na makipag-close sa mga tao sa mansion, ngunit sana naman ay mag panggap sila tuwing kausap siya ng mga 'to! Lalong-lalo na ang asawa na kahit hindi mag salita ay alam mong may galit ito sa kaniya. Bukod kay Rowan, hindi maasahan si Mr. Morris dahil unang-una. Siya ang nag pumilit na maikasal ang dalawa. Kung ang asawa naman nito na si Mrs .Morris ay hindi rin, sa ilang beses nilang pagkikita sa malaking mansyon ay hindi tinatago ng babae ang disgusto sa kaniya nito. Napabuntong hininga na

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 10 : Secret Lover?

    Kinabukasan. Habang tahimik na kumakain ng agahan si Sunny nang may inabot sa kanyang isang palanggana ng tubig. Nag-tatakha niyang tinignan kung saan nanggaling 'yon. Hindi niya maintindihan kung para saan ito. Pinanood siya ni Evelyn na may halong panunuya. "Ang mga galing sa maliliit na pamilya, talagang iba kung umasal. Kahit simpleng bagay, hindi alam. Ni wala bang TV sa inyo? Kung meron man, nanonood ka ba?" Kumunot ang kaniyang noo, ano na naman bang palabas ang gustong mangyari ni Mrs. Morris? Sa ilalim ng panlalait ni Evelyn, mahigpit na pinigil ni Sunny ang sarili. "Mawalang galang na po, Mrs. Morris. Ano po ba ang maitutulong ko?" "Anong maitutulong mo? Ang daming gawaing bahay dito, bakit kaysa humilata at kumain lamang sa isang buong araw ay hindi ka tumulong sa mga kasambahay? Hindi ka ba nahihiya? Ikaw lang ang walang ginagawa rito."

    Huling Na-update : 2024-11-25
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 11 : Rich Problems

    "Nasaan si Rowan?" malalim ang boses ni Mr. Morris habang galit na sinisiyasat ang housekeeper. Ang linya sa noo niya ay lalong humaba, senyales ng matagal na pagtitimpi na sa wakas ay sumabog. "Sir, hindi po makontak ang second young master," sagot ng housekeeper, halata ang kaba sa boses. "Pasaway talaga!" Galit niyang ibinagsak ang hawak na dyaryo sa mesa. Nagkalat ang mga papel, pero hindi niya ito inintindi. Naglakad siya papunta sa bintana, ang mga kamay nakasapo sa baywang. Sa labas, makikita ang malawak nilang hardin, pero kahit gaano kaganda ang tanawin, hindi iyon sapat para pakalmahin siya. Ang saglit na katahimikan ay naputol nang may humintong itim na mamahaling kotse sa driveway. Bumukas ang pinto, at bumaba ang isang lalaking matikas ang tindig, malalim ang mga mata, at seryoso ang ekspresyon. Isinara niya ang pinto ng kotse gamit ang kaunting puwersa, na tila nagpapahiwatig ng pinipigilang galit. Ang kanyang sapatos ay halos hindi marinig habang tinatahak ang land

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 12 : Simple Talk

    Pagkatapos magpalit ng damit, nagsuot si Sunny ng simpleng summer dress. Ipinilig niya ang ulo at inayos ang tali ng buhok Sa gitna ng mga emosyon niya sa bahay na iyon, napaisip siya kung paano niya haharapin ang susunod na usapan nila ni Rowan. Alam niyang hindi ito magiging madali, pero wala siyang balak umatras. Lumabas siya ng kwarto bitbit ang isang basket ng bulaklak. Sa gilid ng sala, may altar na may larawan ng kanyang yumaong biyenan. Napansin niyang naubos na ang mga bulaklak sa vase, kaya agad siyang kumuha ng sariwa mula sa basket at maingat na inayos ito. Habang sinisindihan ang kandila, napahinto siya sandali, nanalangin nang tahimik para sa kaluluwa ng kanyang biyenan. "Hindi po man kita nakilala ay sana'y masaya kayo kung nasaan man kayo naroroon. Bigyan niyo po ako ng lakas para harapin ang bawat problemang nakahain sa akin," bulong niya habang nakatingin sa larawan. Pagbalik niya sa loob ng bahay, nakita niya si Rowan na nakatayo malapit sa bintana, hawak ang c

    Huling Na-update : 2024-11-27

Pinakabagong kabanata

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 106 : Employee

    hinila ni Rowan si Sunny papalapit at niyakap siya nang mahigpit.Inabot niya ang unan sa tabi at itinapon ito sa dulo ng kama. Ginamit niya ang kanyang braso bilang unan para kay Sunny. "Matulog ka na.""Oh." Napakasuwerte niya, may pinakamahal na "unan" sa mundo.Pero hindi siya komportable—dahil yakap na naman siya ng asawa niya.Tumingala siya kay Rowan, na nakapikit na at mukhang nagpapahinga. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinigilan niya ang sarili.Hindi pa siya antok. Kaninang umaga pa siya natulog nang matagal.Samantala, patuloy lang ang mahinhing paghinga ni Rowan.Matagal ang lumipas bago siya naglakas-loob na bulungan ito. "Honey, gising ka pa?""Sabihin mo."Napalunok si Sunny. Yumakap siya sa dibdib ng asawa at mahinang bumuntong-hininga. "Sorry, honey, may ginawa akong mali."Agad dumilat si Rowan at lumingon sa kanya, halatang nag-alala. "Ano ‘yun?""Kasi... kasi... hindi talaga ako nakasabay sa elevator kanina. Ang totoo, lihim akong gumamit ng... special elev

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 105 : Love

    Habang kumakain, hindi mapakali si Sunny.Ni hindi niya napansin nang kumuha si Rowan ng pagkain para sa kanya."Ano bang iniisip mo?" tanong nito, nakamasid sa kanya.Nag-alinlangan si Sunny bago sumagot. "Natatakot akong hindi mo magustuhan kapag sinabi ko."Hindi na siya pinilit ni Rowan. Iginagalang niya ang desisyon ng kanyang batang asawa.--Pagkatapos kumain, kinuha ni Rowan ang sarili niyang tasa at nilagyan ito ng maligamgam na tubig para sa asawa. "Dala mo ba 'yung gamot?"Umiling si Sunny. Alam niyang tinutukoy nito ang painkillers.Naintindihan ni Rowan at itinuro ang kanyang lounge. "Pumasok ka muna at humiga. Bibilhan kita ng gamot.""Hindi na kailangan, mahal. Hindi na masakit ang tiyan ko."Hindi siya pinaniwalaan ng lalaki.Ipinaliwanag ni Sunny, "Lagi lang sumasakit ang tiyan ko sa unang araw at gabi, tapos nawawala na. Kung maghihirap ako nang pitong araw sa isang buwan, baka wala na akong gana sa buhay."Tinitigan ni Rowan ang mukha ng asawa at napilitang maniwala

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter : 104 : Cat

    Tinaas ni Sunny ang kamay at mahinang kumatok. "Pasok." Ang boses ni Rowan ay puno ng kaligayahan, sa isip isip niya ay alam niya na kung sino ang kumatok. Pumasok si Sunny at ipinakita ang kanyang maliit na mukha, sabay bati sa kanyang gwapong asawa na nakaupo sa upuan ng boss, "Hi, husband~" "Bakit ka nandito? Nakapagpahinga ka na ba?" Tumayo si Rowan upang salubungin siya. Pumasok si Sunny sa loob at isinara ang pinto. Sa labas ng pinto, nagkagulo ang mga sekretarya. Isa isa silang nag tinginan sa pintuan na nakasara at hindi napigilang makichismis sa mga ganap. "Ang bait ng misis ngayon." "Oo, parang ganun nga. Noong huling dumaan siya dito, sinabihan pa ang presidente, baka mapatanggal tayo kung maririnig pa natin yun." "Nandito ba siya para mag-apologize? Parang may ibang tono siya ngayon, parang pinapaboran ang presidente." "Posible." Marami silang pinag-uusapan sa labas ng pinto. Samantalang sa loob, puno ng init ang atmosphere. Umakyat si Sunny sa sof

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 103 : Days

    Patuloy na hinagod ni Rowan ang tiyan ng asawa habang ito’y nakahiga. Sa kanyang pag-aalaga, nakatulog agad si Sunny sa kama. Habang natutulog, natural na gumalaw si Sunny, paharap kay Rowan, at sumiksik sa kanyang bisig. Napangiti si Rowan sa kilos ng asawa kahit nasa mahimbing na pagtulog ito. Dahil sa pagkaantala ng kanyang trabaho kahapon, kailangan niyang bumawi ngayon. Dahan-dahan siyang bumangon, inayos ang kumot ng asawa, at tahimik na lumabas ng kwarto. --- Tanghali nang magising si Sunny. Walang bakas ng asawa sa tabi niya. Agad siyang bumangon, isinuot ang kanyang tsinelas, at diretso sa study room ni Rowan. Ngunit pagpasok niya, malinis at maayos ang kwarto—wala ang taong hinahanap niya. "Honey?" Walang sumagot. Bumaba siya ng hagdan at sinalubong ng mga kasambahay. Yumuko ang mga ito bilang pagbati. "Madam, kakain na po ba kayo?" Hindi sumagot si Sunny at sa halip, inilagay ang mga kamay sa kanyang bewang. "May nakakita ba sa asawa ko? Paggising ko, wal

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 102 : Kisses

    Kinabukasan, maagang dumating sina Evelyn Morris at Mayor Morris sa ospital. Ginising nila si Sunny, na nakatulog sa sofa, at sinabihan silang mag-asawa na umuwi na para makapagpahinga nang maayos.Dumating din si Samuel.Tiningnan niya ang maputlang mukha ni Sunny. “Grabe naman, gaano ka ba napagod kagabi? Mukha kang lantang gulay.”Ramdam na naman ni Sunny ang sakit sa tiyan niya. Wala na ang bisa ng gamot, at nagsimula na namang sumakit ang puson niya.Umupo si Rowan sa tabi niya at pinagtanggol siya, “Masama ang pakiramdam ng tita mo kagabi.”Tumingin si Samuel sa kanya nang may pag-aalala. “Hala, may sakit ka ba?”Umiling si Sunny at mahina pero pabiro niyang sinabi, “Nagdadaan sa pagsubok.”Agad naintindihan ni Samuel ang ibig niyang sabihin at tumango. “Ahh, gets! Mental support lang meron ako sayo ngayon, kaya mo 'yan!” sabay taas ng kamao na parang cheerleader.Napatingin si Rowan sa kanilang dalawa, nakakunot ang noo. Paano naintindihan ni Samuel agad ang ibig sabihin ng kan

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 101 : Red Days

    Alam niyang walang pakialam si Sunny sa menstrual cramps niya tuwing buwan. Ang hilig pa niyang kumain ng maaanghang, uminom ng malamig, at sumubok ng kung anu-anong pagkain na nagdudulot ng mas matinding sakit tuwing may regla. Pero hindi niya inaasahan na dito pa sa ospital mangyayari ito. Huminga nang malalim si Sunny, kinagat ang labi, at mukhang naiiyak na. Sa pa-baby niyang boses, nagreklamo siya: "Huhu, hindi na ako kakain ng ice cream, spicy foods, malamig na beer, potato chips, at chocolate!" Napatitig si Rowan sa maliit na katawan niyang nakayakap sa sarili. Ramdam niya ang awa. Nakita niyang patuloy na hawak ni Sunny ang kanyang puson, kaya't inabot niya ito at marahang pinatong ang palad sa may tiyan niya. Napatingala si Sunny, namamasa ang mga mata—mukha siyang batang umiiyak sa sakit. "Honey?" Agad na binawi ni Rowan ang kamay niya, tila naalangan. Kinuha niya ang unan at inilagay sa tabi niya. "Saglit lang, lalabas ako sandali." Sa labas ng kwarto, binuksan ni Ro

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 100 : Menstruation

    Isang Masayang Gabi sa Pamilya MorrisSunny ay walang kontrol sa sarili at tila naakit nang husto sa lalaking nasa harapan niya."Uy, Sunny, ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Bilisan mo at idikit mo na 'yan. Tapos, maglalaro pa tayo ng dalawa pang round!" masayang sabi ni Mr. Morris, na gustong ipagpatuloy ang laro. Hindi niya namalayang ang kanyang manugang ay natulala sa kanyang anak.Bata pa si Sunny, kaya nang mapansin siya ni Rowan, wala na siyang kawala."Nasiyahan ka na ba sa kakatingin?" malambing na tanong ni Rowan, ang tinig niya ay malalim pero magaan sa pandinig, may kasamang ngiti na parang simoy ng hangin sa tagsibol.Napakurap si Sunny at kinikimkim ang pagkapahiya. Diyos ko, natulala lang naman ako sa asawa ko, nakakahiya kung aaminin ko 'yon!Wala sa sarili niyang dinikit ang papel sa mukha ni Rowan at bumalik sa pwesto niya na may bahagyang namumulang pisngi. Inumpisahan niyang kumain ng rice crust habang patuloy ang laro."Three pairs," sabi ni Rowan na siyang dealer

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 99 : Play

    "Mahal, ang galing mo mag-shuffle ng baraha! Madalas ka bang nag-shuffle para sa iba?" tanong ni Sunny habang nakatitig sa maliksi at sanay na kamay ni Rowan. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang paghanga, tila ba mesmerized siya sa ginagawa ng asawa.Napangiti si Rowan at, para lalong ipakita ang husay niya, inulit niya ang pag-shuffle ng baraha, mas mabilis at mas maayos pa sa unang beses."Mahal, turuan mo naman ako! Ang astig mong tingnan habang ginagawa mo 'yan."Itinaas ni Rowan ang isang kilay, bahagyang nakangisi. "Astig?" tanong niya, tila may interes sa komento ng asawa.Tumango si Sunny, nakangiti habang patuloy na nakatitig sa kanya. "Oo, lahat ng ginagawa mo, astig. Kaya turuan mo ako?"Walang pag-aalinlangan, kinawayan siya ni Rowan. "Halika rito. Sundan mo ako, ituturo ko sa’yo nang dahan-dahan."Pero bago pa sila makapagsimula, biglang sumingit si Ginoong Morris na tila nawalan na ng pasensya. "Teka, teka! Andito ba kayo para samahan ako o para maglandian?!" Inis itong

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 98 : Poker

    Napangiti ang lahat ng nasa kwarto sa sinabi ni Sunny. Bagaman simpleng mga salita lang ang kanyang binitiwan, napagaan nito ang loob ni Mayor Morris. Masarap sa pakiramdam na ang bunso niyang anak ay hindi nagdadahilan kundi kusa pang humahati sa responsibilidad. Napangiti rin si Evelyn, may bahagyang init sa kanyang puso. Alam niyang hindi madaling mapalapit sa isang biyenan, pero sa sinabi ni Sunny, mas lumalim ang relasyon nilang pamilya. Samantala, tahimik lang si Rowan, pero kitang-kita ang ngiti sa kanyang mukha. Ang asawa niya, sinasabi ang nasa puso niya mismo. Lalong natuwa si Mr. Morris. Sa isang iglap, nawala ang anumang maaaring maging tensyon sa pagitan ng magkakapatid o manugang. Nagkaroon pa siya ng magandang reputasyon bilang isang ama na patas sa kanyang mga anak. Ngayon, kung pipilitin pa niyang palayasin sina Sunny at Rowan, siya na mismo ang lalabas na walang konsiderasyon. Kaya sa huli, sumuko na rin siya. Napailing siya pero may bahagyang ngiti. “Si Rowa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status